You are on page 1of 2

Pagsusuri ng kwento

Kahit na anong labis ang iyong malasakit sa kapwa , maroon talagang


mga taong hindi ito nakikita at pilit kang hinigila pababa katulad na
lang ni Don Rafael, bagamat Don ang tawag sa ama ni Ibarra.  Hindi
siya ang kinikilalang makapangyarihan kahit na siya ang
pinakamayaman.  Pero,siya ay iginagalang at halos lahat ng mga tao ay
mayroong pagkakautang sa kanya.  Sa kabila ng kabusilakan ng
kanyang damdamin, siya ay kinalaban ng magkaroon ng usapin at ni
wala pa ngang kumampi.

Meroong naman naglalabis magkaroon ng posisyon sa pamamagitan ng


kanyang yaman, ginagamit ang kanyang salapi sa pansariling kaatosan
katulad ni Kapitan Tiyago, kahit na masalapi at sinasalubong ng banda
ng musiko at hinahainan ng masasarap na pagkain kapag nagpupunta sa
bayan.  Kapag siya ay nakatalikod, siya ay tinatawag na Sakristan
Tiyago.Ang Kapitan sa bayan ay hindi rin kabilang sa mga tinatawag na
casique o makapangyarihan.  Ang kanyang puwesto ay nabili niya sa
halagang Limang Libong piso (P5,000).  Madalas siyang sabunin at
kagalitan ng Alkalde Mayor.

Ibat-ibang katangian ang ipinakita ng kwento, maraming mga Gawain


ang bawat isa,mabuti man o masama, kung ihahambing natin sa ating
buhay, hindi mo malaman kung sino talaga ang tunay na may malasakit
sa iyo kung sila ba ay nagpapanggap lamang o totoong may malasakit
sa iyo, sa kwentong ito ipinakita ang mga huwag tayonh manghusga o
magpaniwala agad sa ating mga nakikitang kabutihan bagkos alamin
natin ito kung totoo ba ang kanya pinapakita, at sa kwentong ito kung
tatanungin kung sino ba talaga ang makapangyarihan sa sa bayan ng
San Diego, ito ay walang iba kundiang kura paroko sa simbahan at ang
Alperes na siyang puno ng mga gwardya sibil.Si Padre Bernardo Salvi
ang kura paroko at batang pransiskano na mukhang masasakitin ang
siyang pumalit kay Padre Damaso. Higit siyang may kabaitan kumpara
kay Padre Damaso.Lasinggero, mapambugbog sa asawa at malupit sa
kanyang mga tauhan ang Alperes. Siya ay nakapag-asawang isang
Pilipina at ito ay si Donya Consolacion na mahilig magkolorete sa
mukha.Natural lamang na may palihim na hidwaang nagaganap
dahil sa agawan ng kapangyarihan ng dalawang K a s t i l a .
Ngunit kapag nasa pampublikong lugar ay
ipinapakita nila ang kanilang
p a k u n w a r i n g pagkakasunduan.

Ang Alperes at Pari Salvi ang tunay na makapangyarihan sa San Diego.


Ang tawag sa kanila ay mga casique.
Depinisyon ng mga termino sa Nobela O Simbolo

Bisang Pampanitikan

Moral ng kwento
Mga Konklusyon

You might also like