Professional Documents
Culture Documents
2014-02226-MN-0
BSA 1-16
Isa sa kanyang mga akda ay ang El Amor Patrio o "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa"
na isa sa mga kauna-unahang sinulat ni Rizal sa Espanya. Ginamit niya rito ang
sagisag na Laong-Laan. Noong Agosto 22, 1882, ang sanaysay na ito ay lumabas sa
Diariong Tagalog. Ito'y nasulat sa Kastila subalit isinalin sa tagalog ni Marcelo H. Del
Pilar.
Sunod naman ay ang Noli Me Tangere. Ang salitang Noli Me Tangere ay pariralang
Latin na hinango ni Rizal sa bibliya na ang ibig sabihin ay "Huwag mo akong salingin".
Sa kanyang sulat kay Blumentritt sinabi niya: " Ang ipinadala kong aklat ay aking
unang aklat bagaman marami na akong naisulat bago rito at nakatanggap na rin ako ng
gantimpala para sa pagsusulat. Ito ang unang aklat na Tagalog na walang kinikilingang
pananaw. Matatagpuan ng mga Pilipino rito ang kanilang kasaysayan nitong nakaraang
sampung taon. Umaasa akong mapupuna ninyo ang pagkakaiba ng estilo ng aking
paglalarawan sa ibang manunulat. Maaaring tuligsain ng pamahalaan at prayle ang
aking sinulat; pabulaanan ang aking mga argumento; ngunit nagtitiwala ako sa Diyos ng
Katotohanan at sa mga taong nakakaranas ng mga pagdurusang ito. Umaasa akong
masasagot ko ang lahat ng konseptong maaari nilang likhain para mapabulaanan tayo."
Ang nobelang ito ni Dr. Jose Rizal ay bunga ng isang uri ng pagbabangon sa
katauhan ng bayani, noong panahong iyon ay maituturing na isang matapang na
hakbang sapagka't alipin ang mga Pilipino. Ang El Filibusterismo ay naglalayong ang
bayan ay magising at mag-alsa at hindi upang mangarap lamang ng pagbabago.
Ang nobela ay isang matapat na paglalantad ng katotohanan, katulad din nang Noli
Me Tangere. Ngunit ang katotohanan sa El Filibusterismo ay higit na nakaliligalig kung
ihahalimbawa sa mga katotohanan sa unang nobela ng bayani. Naging bahagi si Rizal
sa ilang malupit na pangyayari. Nabalitaan niya ang nangyari sa kanyang pamilya at sa
kanyang mga kaibigan na inapi ng mga prayle. Ang kanyang ina na hinuli at
pinarusahan sa pamamagitan ng paglalakad mula Calamba hanggang Santa
Cruz( kabisera ng Laguna) na may distansyang 50 kilometro at ipiniit sa kulungang
probinsyal ng dalawa't kalahating taon bago siya mapawalang sala ng Manila Royal
Audencia. Dumating na marahil sa kanya ang pag-amin sa katotohanan na wala ng
nalalabi sa mga Pilipino kundi ang pagbangon. Ang suliranin ng mga magsasaka ay
hindi malunasan. At siya'y naghimagsik, gaya ng malimit niyang masabi sa kanyang
mga kaibigan. Kaya pala, ang ganitong damdamin ang nais niyang maipahayag sa
kanyang sinulat na aklat. Si Rizal ay nag-isip na ng himagsikan nang panahong ito na
ipinahayag niya sa kanyang mga kaibigan.