You are on page 1of 2

Joshua Miller Pascual

Let’s Analyze

1. Ang mga nobela ni Rizal ay sumasalamin sa kaniyang buhay at ito rin ay


tungkol sa nasyonalismo, pag-ibig, at paghihiganti. Ang nobelang Noli Me
Tangere ay ginaya niya sa kaniyang personal buhay at karanasan kung saan
siya ay pumunta sa ibang bansa para makapag-aral at bumalik sa Pilipinas dala-
dala ang mga kaniyang natutunan upang paunlarin at palayain ang sarili niyang
bansa. Sa katauhan din ni Maria Clara ipinahiwatig niya ang kaniyang buhay
pag-ibig. Ang paghihiganting tema naman ay naka pokus sa nobela niyang El
Filibusterismo kung saan bumalik si Ibarra sa katauhan ni Simoun na isang
mang-aalahas na naglalayon na maghigante sa mga katiwalian at kamalasan na
kaniyang naranasan. Higit sa lahat ang dalawang nobela ni Rizal ay nagtataglay
ng temang nasyonalismo kung saan pinapakita niya ang pagmamahal sa
kaniyang bayan na nais niya na magkaroon ng reporma sa mga katiwalian ng
gobyerno ng Espanya.

2. Ang mga katangian ng mga pangunahing tao sa nobela ni Rizal tulad ni


Chrisostomo Ibarra, Maria Clara, Padre Damaso, at Elias ay sumasalamin sa
mga katangian ng mga tao noong panahon ng Espanyol. Si Ibarra na
sumasalamin sa isang tao na mayroong matininding pagmamahal sa bayan,
isang illustrado, at hindi gumagamit ng dahas. Si Maria Clara naman ay
gumaganap bilang kasintahan ni Rizal at sumasalamin bilang isang tao na may
paninindigan na pipiliin niya pang magdusa kaysa sa gawin ang hindi niya nais.
Si Padre Damaso naman ay sumasalamin sa mga malulupit ng prayle noong
unang panahon. Panghuli ay si Elias na sumasalamin din sa nasyonalismo at
gumaganap bilang isang rebolusyunaryo na naglalayong labanan ang katiwalian
ng Espanyol. Isang tao na handing ibuwis ang kaniyang buhay upang maisalba
ang kaniyang kapwa. Ang mga katangian nilang ito ay naiiba pagdating sa
ikalawang nobela ni Rizal na El Filibusterismo katulad nalang ni Ibarra kung saan
siya ay naging isang mapaghiganteng tao. Gayunpaman, kahit na nag-iiba ang
kanilang katangian, nagkakatulad naman sila sa aspetong nasyonalismokung
saan ang pagmamahal sa bayan ay buhay pa din sa kanilang damdamin at ang
nais na mapalaya ang mga Pilipino sa kamay ng mga Espanyol.

3. Ang mga pangunahing tao sa nobela ni Rizal tulad ni Chrisostomo Ibarra,


SImoun, Maria Clara, Padre Damaso, Padre Salvi, Kapitan Tiago, Elias, at Sisa
ay may iba’t- ibang katangian. Si Ibarra na kilala bilang isang illustrado,
magalang, tapat na mangingibig, at matalino. Si Simoun naman na panglawang
katauhan ni Ibarra na nagtataglay ng katangiang mapaghigante,
maimpluwensiyang alahero, mapanghamon, tahimik, at tuso. Si Maria Clara
naman bilang isang maganda at mayumi na kasintahan ni Ibarra. Ang dalawang
pari na sina Padre Damaso at Padre Salvi naman na kilala bilang mga arrogante,
malupit, mapang-abuso at manyak na mga prayle. Si Kapitan Tiago naman ay
kilala bilang pinakamayaman sa Binondo, negosyante, asendero,
maimpluwensiyang tao, nag-ampon kay Maria Clara, at kinikilala niya ang
kaniyang sarili bilang isang Kastila at hindi Pilipino. Si Elias naman ay kilala
bilang isang tao na nagtatago sa batas, isang rebolusyonaryo at isang tao na
handing isakripisyo ang kaniyang buhay para sa kaniyang kapwa. Panghuli ay si
Sisa na kilala bilang isang magandang babae, bukal ang kalooban, mahirap
ngunit napakabuting ina kila Crispin at Basilio.

4. Sa aking pananaw ito ay hindi isang matalinong kilos sapagkat parang


pinapain mo na rin ang iyong sarili ngunit nalang rin ang paraan upang ipaglaban
ang mga karapatan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Espanyol at buhayin ang
nasyonalismo sa natutulog nilang puso. Ang pag- aalay ng libro sa mga
nahatulan tulad ng GOMBURZA ay isang daan ng paghihimagsik na hindi
gumagamit ng dahas at ito ang isa sa mga paraan upang mapukaw ang mga
damdamin ng mga Pilipino ukol sa mga totoong nangyayari sa ating bansa.
Totoong hindi ito matalinong kilos sapagkat para mo na ring sinsakripisyo ang
iyong sarili ngunit kung ako sa lugar ni Rizal, handa rin akong magbuwis ng
buhay para sa kalayaan ng ating inang bayan.

In a Nutshell

1. Sa Ulo 7 natutunan ko ang mga pangunahing tauhan sa mga gawa ni


Rizal at ang kanilang mga iba’- ibang katangian. Natutunan ko rin ang kanilang
papel na ginampanan upang ipakita ang pamumuhay at sitwasyon ng mga
Pilipino sa panahon ng Espanyol.

2. Sa nobelang Noli Me Tangere ay natukoy ko na ito ay sumasalamin sa


totoong buhay ni Dr. Jose Rizal kung saan pumunta siya sa ibang bansa upang
mag-aral at matuto ng iba’t- ibang pamumuhay ng tao at bumalik sa Pilipinas
upang ipaunlad ang pamumuhay ng mga Pilipino at umpisahan ang kaniyang
reporma laban sa katiwalian ng mga Espanyol.

You might also like