You are on page 1of 3

Eingel A.

Gonzales
10-Garnet

Reaction paper

Noli me tangere

Ang Noli me tangere ay isang nobelang


isinulat ng ating bayani na si José
Protacio Rizal Mercado y Alonso
Realonda noong 1884 at natapos nʼya
ito noong 1887.
Ang ating tauhan na si Crisostomo
Ibarra ay isang wais na lalaki na
hinahangad ang kabutihan ng Las
Pilipinas at ang ating bayani na si Jose
Rizal ay may kaparehong kahangadan
katulad nʼya. Sa pamamagitan ng
nobelang ito ay naipapakita ang mga
problema noong panahon ng
Kastila.Ang diskriminasyon,ang walang
pantay na pagtingin sa mga tao,ang
pang-aalipin sa mga Pilipino,korapsyon
at ang di makatarungang batas
noon.Nakakamanghang basahin at
panoorin ang ginawang nobela ni Dr.
Jose Rizal sapagkat ang mga karakter
nito ay sumisimbolo sa mga
masasamang gawain na nararanasan
noon at ngayon. Katulad na lamang ni
Padre Salvi at Padre Damaso na
ginagamit ang kanilang kapangyarihan
upang mang-api ng maraming tao. Ang
ama naman ni Maria Clara na si Kapitan
Tiago ay isang mayamang indio na
naging puppet ng simbahan at
gobyerno para sa ikagaganda at
proteksyon na kinakailangan nya para sa
kanyang negosyo. Si Maria Clara naman
ay sumisimbolo ng tunay na ganda at
ugali ng mga pilipina sa panahon ni Rizal
ngunit sya parin ay naging biktima ng
karahasan at panggagahasa na
nararanasan parin sa kasalukuyang
panahon. Si Doña Victorina ay isang
pilipina na nagpapanggap bilang purong
Espanyol na mestiza, naglalagay sya ng
makakapal na kolorete sa kanyang
mukha upang magmukhang babaeng
espanyol, makikita parin sa panahong
ito ang ganyang mga tao. Itinatapon ang
sariling pagkakakilanlan kapalit ng
buhay na ibinibigay ng mga banyagang
bansa. Ang karakter ni Sisa ay
sumasalamin sa mahihirap na pamilya
sa kasalukuyang panahon, ang kanyang
marahas at lasinggerong asawa, ang
kanyang dalawang anak na si Basilio at
Crispin na inaalipin ng kura.

Dahil sa nobelang ito, marami ang


namulat at naging layunin nilang mailaya
ang bansang pilipinas sa kamay ng mga
kastila.
Inilalarawan sa Noli Me Tangere ang
mga kwento at talata na umiiral
hanggang ngayon,lalo na't inilalahad
nito ang problema at ang bulok na
sistema ng ating bansa.

You might also like