You are on page 1of 36

Kasaysayan ng Noli Me Tangere

Inihanda ni: John Richard D. Mamaril


Joy F. De Guzman
Janlex Sevilla
Jhomary Mendoza
Ivan Marc Hernandez
Jose Rizal

Si Dr. José Protasio Rizal (Ika-19 ng Hunyo 1861–Ika-


30 ng Disyembre 1896) ay ang pampito sa labing-isang
anak ng mag-asawang Francisco Rizal at ng asawa
nitong si Teodora Alonzo. Ipinanganak si José Rizal sa
Calamba, Laguna. Sina Saturnina, Paciano, Narcissa,
Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa,
Trinidad at Soledad ang mga anak nina Francisco at
Teodora.
Jose Rizal

Ang ina ni Rizal na si Teodora Alonzo ay siyang


kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada
noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya
naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa
Biñan, Laguna upang mag-aral.
Jose Rizal

Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa


Maynila na kaniyang pinasukan noong 1872. Sa
paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer
sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang
pinakamataas na karangalan.
Jose Rizal

Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at


Panitikan sa Pamantasan ng Santo Tomas.
Jose Rizal

Noong ika-5 ng 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap


ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila
sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y
pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa
ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang
"sobresaliente" (napakahusay
Kasaysayan ng Noli Me Tangere

Sinimulang sulatin ni Dr. Jose P. Rizal ang


mga unang bahagi ng "Noli Me Tangere"
noong 1884 sa Madrid noong siya ay nag-aaral
pa ng medisina. Nang makatapos ng pag-aaral,
nagtungo siya sa Paris at doon ipinagpatuloy
ang pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni
Rizal ang huling bahagi ng nobela.
Kasaysayan ng Noli Me Tangere

Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga


ng pagbasa ni Rizal sa "Uncle Tom's Cabin" ni
Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa
kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng
mga panginoong putting Amerikano.
Kasaysayan ng Noli Me Tangere

Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay


ipasulat sa ilan niyang kababayan na nakababatid sa uri ng lipunan
sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niyang upang maging
nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan,

Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang


kaibigang si Dr. Ferdinand Blumentritt ang mga dahilan kung
bakit niya isinulat ang "Noli." Ang lahat ng mga ito ay maliwanag
na inilarawan sa mga kabanata ng nobela.
Kasaysayan ng Noli Me Tangere

Ang pamagat ng "Noli Me Tangere" ay


salitang Latin na ang ibig sabihin sa
Tagalog ay "Huwag Mo Akong Salingin"
na hango sa Ebanghelyo ni San Juan
Bautista. Itinulad niya ito sa isang bulok sa
lipunan na nagpapahirap sa buhay ng isang
tao.
Mga Tauhan

• Juan Crisostomo Magsalin Y Ibarra - binatang nag-aral sa Europa; nangarap na


makapagpatayo ng paaralan sa San Diego.

• Elias - bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang
bayan at ang mga suliranin nito.

• Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago - mangangalakal na tiga-Binondo;


ama-amahan ni Maria Clara.
Mga Tauhan

• Padre Damaso - isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya


matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego; tunay na ama ni Maria
Clara.

• Padre Salvi o Bernardo Salvi- kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng
lihim na pagtatangi kay Maria Clara.

• Maria Clara - mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na


inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso.
Mga Tauhan

• Don Anastacio o Pilosopo Tasyo - maalam na matandang tagapayo ng


marurunong na mamamayan ng San Diego.

• Sisa - Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon


ng asawang pabaya at malupit.

• Basilio at Crispin - magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng


kampana sa simbahan ng San Diego.
Mga Tauhan

• Alperes - matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego


(itinuring ni Rizal na Hari ng Italya ng San Diego habang ang kura ang
Papa ng Estado Pontipikal)

• Donya Victorina de de Espadaña - babaing nagpapanggap na mestisang


Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling
pangangastila.
Mga Tauhan

• Donya Consolacion - napangasawa ng alperes; dating labandera na may


malaswang bibig at pag-uugali.

• Don Tiburcio de Espadaña - isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa


Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya
Victorina.

• Linares - malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni


Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.
Mga Tauhan

• Don Filipo - tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin


• Señor Nol Juan - namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.

• Lucas - kapatid ng taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-


natuloy na pagpatay kay Ibarra.
Mga Tauhan

• Don Saturnino - lolo ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.

• Balat - nuno ni Elias na naging isang tulisan

• Don Pedro Eibarramendia - ama ni Don Saturnino; nuno ni Crisostomo

• Mang Pablo - pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.


Mga Tauhan

• Kapitan Basilio - ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at
Kapitan Valentin; ama ni Sinang

• Tinyente Guevarra - isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na


nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.
Mga Tauhan

• Kapitana Maria - tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni


Ibarra sa alaala ng ama.

• Padre Sibyla - paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni


Ibarra.

• Albino - dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.


Pabalat ng Noli

Ang pabalat ng Noli Me Tangere ay idinisenyo mismo ni Rizal para sa


kaniyang nobela. Pinili ni Rizal ang mga elemento na kaniyang
ipapaloob rito, hindi lamang ang aspekto ng astetiko ang kaniyang
naging konsiderasyon, kundi higit sa lahat ay ang aspekto ng
simbolismo na nakapaloob dito. Ang pabalat ng Noli Me Tangere ang
maituturing na siyang obra maestra ni Rizal sa larangan ng sining ng
paguhit. Sa larawan pa lamang ng pabalat ng nobela ay tila ninanais na
ni Rizal na magkaroon agad ang kaniyang mga mambabasa ng
paunang kabatiran ukol sa nilalaman nito. Ang lalarawan sa pabalat ay
isang precis ng mga tatalakayin sa loob ng nobela.
Pabalat ng Noli

Ang pamagat ng nobela ay umuukopa sa gitna ng


mismong pabalat. Tandaan sana na ang kahulugan sa
Filipino ng pamagat ay Huwag Mo Akong Hipuin.
Nagbibigay kaya si Rizal ng babala sa kaniyang mga
mambabasa sa maaring maging eksplosibong epektong
panlipunan ng nobela sa kanilang kapanahunan. Maari
rin na sa paggamit ni ni Rizal ng pamagat na ito ay
ginamit niya ang isa sa kakatwang ugali ng mga Pilipino
na hamunin ang mga babala upang patunayan ang
katotohanan nito.
Jose Rizal

Kung titingnan ang paghahati mula sa ibaba patungo sa itaas ay mapapansin na ang pamagat ay
gumagawa nang magkahiway na hugis ng tatsulok sa magkabilang panig. Ang tatsulok sa kaliwa
na na makitid ang paanan at lumalapad sa ulunan. Ang tatsulok naman sa kanan na malapad ang
paanan at kumikitid naman sa ulunan. Ang kanang bahagi ay kumakatawan sa kapanahunan ni
Rizal at ang kaliwa na kumakatawan sa hinaharap na panahon ng bayan.
Pabalat ng Noli
Pabalat ng Noli

• Paa ng Prayle – Inilagay ni Rizal sa pinaka-ibabang bahagi ng


tatsulok at sumasakop sa halos mahigit sa kalahati ng paanan ng
tatsulok. Ang simbolismo ay ginamit upang ipabatid ni Rizal kung
sino ang nagpapalakad ng bayan sa kaniyang kapanahunan.

• Sapatos sa Paa ng Prayle – Ang paglalagay ni Rizal ng sapatos sa


paa ng prayle ay pagbubunyag ng pagiging maluho ng pamumuhay
ng mga prayle sa Pilipinas sa kaniyang kapanahunan. Isa sa
sinaunang mga kautusan sa mga Pransiskano ay ang hindi
pagsusuot ng sapin sa paa.
Pabalat ng Noli

• Nakalabas na Binti sa Ibaba ng Abito – Pagpapahiwatig ni Rizal sa


kalaswaan ng pamumuhay ng mga prayle sa Pilipinas na hayagang
tinalakay niya sa loob ng nobela. Maari rin na ang nakalabas na
balahibo sa binti ng prayle ay isang lihim na paglalarawan ni Rizal
sa nakalabas na balahibo ng lobo/wolf na nakabihis ng damit ng
kordero.

• Helmet ng Guardia Sibil – Simbolo ng kapangyarihan ng kolonyal


na hukbong sandatahan na nang-aabuso sa mga karapatang pantao
ng mga Pilipino sa kaniyang kapanahunan. Pansinin na inilagay ni
Rizal ang helmet na parang nakayuko sa tapat ng paanan ng prayle.
Pabalat ng Noli

• Nakalabas na Binti sa Ibaba ng Abito – Pagpapahiwatig ni Rizal sa


kalaswaan ng pamumuhay ng mga prayle sa Pilipinas na hayagang
tinalakay niya sa loob ng nobela. Maari rin na ang nakalabas na
balahibo sa binti ng prayle ay isang lihim na paglalarawan ni Rizal
sa nakalabas na balahibo ng lobo/wolf na nakabihis ng damit ng
kordero.

• Helmet ng Guardia Sibil – Simbolo ng kapangyarihan ng kolonyal


na hukbong sandatahan na nang-aabuso sa mga karapatang pantao
ng mga Pilipino sa kaniyang kapanahunan. Pansinin na inilagay ni
Rizal ang helmet na parang nakayuko sa tapat ng paanan ng prayle.
Pabalat ng Noli

• Latigo ng Alperes – Simbolo ng kalupitan ng opisyal ng kolonyal


na hukbong sandatahan. Maging si Rizal ay naging biktima ng
latigo ng alperes sa Calamba, Laguna. Ang paglalagay nito sa
pabalat ng nobela ay nagpaparamdam sa atin na hindi niya
nalilimutan ang ginawang pagpalo sa kaniya ng latigo. Ang lupit ng
latigo ay ilalarawan sa iba’t ibang kabanta ng nobela.

• Lagda ni Rizal – Mapansin sana na inilagay ni Rizal ang kaniyang


lagda sa kanang triyangulo upang ipakita sa mga mambabasa kung
saan siyang panahon kabilang.
Pabalat ng Noli

• Bulaklak ng Sunflower – ang sunflower ay isang natatanging


bulaklak dahilan sa kakayahan nito na sumunod sa oryentasyon ng
sikat ng araw. Inilagay ni Rizal ang bulaklak na ito sa layunin na
maging halimbawa ng kaniyang mga mababasa na maging ugali na
sumunod sa pinagmumulan ng liwanag.

• Simetrikal na Sulo – ang sulo ay ginamit ni Rizal na bilang sagisag


ng Noli Me Tangere. Kung papansining mabuti ang
Pabalat ng Noli
• Bula Pansining mabuti ang kaayusan ng sulo at oryentasyon ng tatlong bulaklak ng sunflower
mapapansin na ang pinakamataas na pinakamaliit ay nakatalikod sa sulo; ang panggitna na
katamtamang laki ay nakaharap, at ang nasa ibaba na higit na malaki ay humarap sa sulo.
nagsisimulang

Ipinakikita ni Rizal ang magiging saloobin sa kaniyang aklat ng mga tao sa ayon sa kinalalagyan
nila sa tatsulok ng istrata ng mga uri sa lipunan.

• Mapapansin ang salitang “Berlin: - ang lugar kung saan ipinalimbag ni Riza ang Noli Me Tangere.
Ang paglalagay ni Rizal sa pangalan ng lungsod ay upang ipaalam ang siyentipikong diwa na
namamayani sa lugar na iyon. Isang bagay na kabaligtaran sa klak ng Sunflower – ang sunflower ay
isang natatanging bulaklak dahilan sa kakayahan nito na sumunod sa oryentasyon ng sikat ng araw.
Inilagay ni Rizal ang bulaklak na ito sa layunin na maging halimbawa ng kaniyang mga mababasa
na maging ugali na sumunod sa pinagmumulan ng liwanag.

• \
Pabalat ng Noli

• Ulo ng Babae – Maaring maitanong kung sino ang babaeng ito?


Ipinakilala ni Rizal ang babae sa pamamagitan ng paglalagay niya
harapan ng babae ng pinag-uukulan niya ng kaniyang nobela – A
Mi Patria. Kung isasalin ito sa higit na angkop para sa ating wika
ay higit nating ginagamit ang Inang Bayan.

• Krus – Ang simbolo ng relihiyosidad ng malaking bilang ng mga


mamamayang Pilipino. Mapapansin na inilagay ni Rizal ang krus
sa halos pinakamataas na lugar ng pabalat. Ipinakikita nito ang
mataas nitong katayuan ang kakayahan na makapaghari sa isipan
ng Inang Bayan.
Mga pahayag ng mga tauhan sa Noli

• " ... Ang karunungan ay para sa tao, ngunit huwag mong lilimuting iya'y natatamo
ng mga may puso lamang." - Gurong Pari (kab. 8)

• "May mga lalong dakilang bagay na dapat mong isipin- ang hinaharap ay
mabubuksan pa lamang para sa iyo, sa akin ay ipipinid na;... ang dugo ng
kabataan na kumukulo sa iyong mga ugat ay sing-init ng araw, sa akin nama'y
halos sinlamig ng hukay." -Don Rafael (kab. 7)
Mga pahayag ng mga tauhan sa Noli

• "Ginto ang sinadya ng mga banyaga sa iyong bayan kaya't ikaw ay pumunta rin
sa kanilang bayan upang tumuklas din ng ginto. GAyon man, unawain mong
hindi lahat ng kumikinang ay ginto." - Gurong Pari (Kab. 8)

• "Sadyang kailangan tayong kalabanin at gisingin upang malantad ang ating mga
kasamaan at kahinaan, sa ganito'y lalo tayong mapapabuti." - Matandang Pari
(Kab. 9)
Mga pahayag ng mga tauhan sa Noli

• "Dapat bigyang dangal ang isang mabuting tao habang buhay pa kaysa kung
patay na." Pilosopo Tasyo (Kab. 14)

• "Walang mapapala ang anak ng mga magbubukid sa paaralan, kung bumabasa,


sumusulat at nagsasaulo sila ng mga bagay sa wikang Kastila na hindi naman nila
nauunawaan." - Guro (kab. 19)
Mga pahayag ng mga tauhan sa Noli

• "Ang bayan po'y di dumaraing dahil siya'y pipi, di tumitinang dahil natutulog.
Subali't darating ang panahong malalantad ito sa inyo atmapapakinggan ang
kanyang mga panaghoy. Pagsapit ng araw na ito,... sasambulat sa lahat ng dako
ang mga naipongluha; himutok at buntong-hiningang matagal na panahong
kinimkim sa puso ng bayan." - Pilosopo Tasyo (kab. 25)
Maraming Salamat!

You might also like