Professional Documents
Culture Documents
Matapos maibigay ang mga babasahing tula ni Dr. Jose P. Rizal, ngayon naman ay ating
paglalalimin ang ating kaunawaan sa kanyang panitikan. Sa kabanatang ito ay ating tatalakayin
panitik ni Jose P. Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo at pagsusuri ng panitik sa
pamamagitan ng paggamit ng iba’t- ibang teorya.
MGA LAYUNIN:
1. Maipakilala ang mga bantog na panitik ni dr. Jose rizal lalo na ang mga nobelang noli
me tangere at el filibusterismo
2. Mailahad ang mga kritikal na pananaw tungkol sa mga nilalaman ng mga panitik ni dr.
Jose rizal
3. Masuri ang kaangkupan ang mga nilalaman ng mga panitik ni dr. Jose rizal sa
kasalukuyang panahon
PANUTO SA MAG-AARAL:
ALAMIN AT PAG-ARALAN
Mga Nobela ni Dr. Jose Rizal
Noli Me Tangere
Ang salitang Noli Me Tangere ay pariralang Latin na hinango ni Rizal sa Bibliya, ayon sa
kanyang Francisco ang pangalaanak ni kay Resureccion Hidalgo. Ang kahulugan nito ay
“Huwag mo akong salingin”. Ito ay nagpapakita ng isang tagpo sa banal na kasulatan sa Linggo
ng Pagkabuhay, nang dumalaw si Maria Magdalena at Birheng Maria sa libingan ni Hesus, na
noon ay nabuhay na muli, at nang sasalatin ng babae ay nagwika ang Panginoon. Ayon sa
aklat ni San Juan, hindi sa aklat ni San Lukas na pinagkamalan ni Rizal na pinagbuhatan ng
pamagat na ganito: “Huwag mo akong salingin; pagkat ako’y hindi pa nakakaakyat sa aking
ama; ngunit humayo ka sa aking kapatid at sabihin sa kanila na ako’y umakyat sa aking ama, at
sa aking Diyos at iyong Diyos.”
Ang pariralang Noli Me Tangere, ayon kay Resureccion Hidalgo ay hinango ni Rizal sa Latin na
bersyon ng Bibliya na nangangahulugang “Huwag mo akong salingin.” Sa sulat ni Rizal kay
Hidalgo, ang parirala ay mula sa aklat ni San Lukas subalit, walang ganitong parirala ang
matatagpuan roon, sa halip ito ay makikita sa aklat ni San Juan na naglalahad ng isang tagpo
sa Linggo ng Pagkabuhay, nang dumalaw si Maria Magdalena at Birheng Maria sa libingan ni
Hesus, na noon ay nabuhay na muli, at nang sasalatin ng babae ang Panginoon, Siya ay
nagwika na: “Huwag mo akong salingin; pagkat ako’y hindi pa nakakaakyat sa aking ama;
ngunit humayo ka sa aking kapatid at sabihin sa kanila na ako’y umakyat sa aking ama, at sa
aking Diyos at iyong Diyos.”
Sa tahanan ng mga Paterno, sa Madrid, noong ika-2 ng Enero 1884, iminungkahi ni Dr. Jose
Rizal sa mga kababayang natitipon doon ang pagsulat ng isang nobela hinggil sa Pilipinas. Ang
ideyang tungkol sa pagsulat ng isang nobela ay binalak ni Rizal sapagkat sa kanyang
pagbabasa ng aklat na Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe, na kinapapalooban ng
kalupitan at pagmamalabis ng mga panginoong puting Amerikano sa mga Negrong alipin ay
nadama niya ang katayuang panlipunang Pilipino ng mga Kastila na kahawig ng buhay ng mga
aliping Negro sa aklat.
Ang aklat na iyon na nag-udyok sa kanya ng mithiing ipakita ang larawang lipunang Pilipino sa
isang nobela ay nabasa niya habang siya’y nag-aaral sa Unibersidad ng Central de Madrid aat
makalipas ang dalawang taon, ang balak na pagsulat ng nobela ay kanya ngang iminungkahi sa
mga kababayang Lopez Jaena, Eraviste Aguerre, Eduardo de Lete, Julio Llorente at
Valentin Ventura.
Sa panukala ang bawat isa’y kaalam sa proyekto ay may susulating bahagi o mukha ng lipunan
ng Pilipinas. Ngunit ang balak ay nauwi sa wala. Ang mga naroroong Pilipino’y gusto lamang
sumulat tungkol sa mga babae, at dahil sa pagkabigo nagpatuloy si Rizal na isagawang lahat
ang pagsulat nang wala nang katulong ng mga kababayan.
Noong taong 1884, pinasimulan ni Rizal ang pagsulat ng nobela sa Madrid at doon ay natapos
niyang sulatin ang kalahati ng unang bahagi ng aklat. Magtatapos na ang 1884 nang
makatapos siya sa pag-aaral sa Madrid at siya’y tumungo sa Paris, ipinagpatuloy niya ang
pagsulat hanggang sa matapos niya ang kalahati ng ikalawang bahagi ng aklat. Sa Alemanya
na niya tinapos ang huling ikaapat na bahagi ng nobela.
Kakaunti ang nakakaalam na may isang kabanata sa Noli Me Tangere ang nawawala. Ang
kabanatang ito ay kasama sa orihinal na manuskrito ni Rizal. Ito ay ang ELIAS AT SALOME.
Dahil sa kakulangan ng pera, napilitan si Rizal na tanggalin ang kabanatang ito sa nobela.
Isang kaibigang taga-Bulakan si Dr. Maximo Viola ang nagpadala sa kanya ng telegrama na
nagsasabing siya ay darating sa Berlin. Maglilibot iyon sa buong Europa at pupunta sa Berlin
upang isama si Rizal. Nabatid ni Viola ang suliranin ni Rizal. Noong Marso 29, 1887 sa Berlin
ang unang 2000 sipi ng aklat ay nalimbag sa tulong ni Viola, ang mga ito ang siyang naging
simula ng paggising sa damdamin ng lipunan ng sambayanang Pilipino.
Pormalismo
Ang teoryang pormalismo ay malimit gamitin upang mabasag ang mga komplikadong
detalye ng isang nobela at maisalarawan ito gamit ang mga sumusunod na aspeto: Banghay,
Tauhan, Genre, at Lugar at Panahon(Setting).
Magagamit ang teoryang Pormalismo upang mailarawan ang naging takbo ng mga yugto ng
nobela at para maitangi ang daloy ng nobela sa mas madali at malinaw na paraan. Para sa
nobelang Noli Me Tangere, magagamit ang pormalistikong pamamaraan ng pag-aanalisa sa
pagbabaklas ng mga teknikal na aspeto ng nobela katulad ng sumusunod.
Mga Tauhan
Ang Noli Me Tangere ay lipunang Pilipino na sumasaklaw halos ng sampung taon, ayon kay
Rizal, hindi katakatakang ang mga tauhan doon ay may tunay na nilikhang nabubuhay noon sa
lipunan.
Sa nobelang ito, si Rizal ay nasa katauhan nina Crisostomo Ibarra at Elias. Si Maria Clara ay
si Leonor Rivera. Si Pilisopo Tasyo ay si Paciano, matandang kapatid ni Rizal, ngunit ayon kay
Antonio Rigidor sa kanyang sulat kay Rizal, ang matandang Pilosopo ay ang mga kababayang
nabuwal sa dilim ng gabi na kinabibilangan ni Francisco Rodriguez, isang katauhan na kilala ni
Rizal. Si Padre Salvi ay si Padre Antonio Piernavieja, ang kinapopootang Paring Agustino sa
Cavite na napatay ng mga rebolusyonaryo. Si Kapitan Tiago ay si Kapitan Hilario Sunico ng
San Nicolas, si Donya Victorina ay si Donya Agustin Medel at sina Basilio at Crispin ay ang
magkakapatid na Crisistomo ng Hagonoy, Bulacan.
Tenyente Guevarra – tenyente ng mga guwardiya sibil na kaibigan ni Don Rafael Ibarra.
Pari Sibyla – kura sa San Diego at propesor sa kolehiyo ng San Juan de Letran.
Pari Damaso – isang paring totoong mapusok at may dalawampung taong kura ng San Diego.
Don Crisostomo Ibarra – anak ni Don Rafael Ibarra; kasintahan ni Maria Clara.
Pari Salvi – ang kurang humalili kay Pari Damaso sa San Diego.
Pilosopo Tasyo – dahil sa kaisipang masyadong makabago ay hindi maunawaan ng mga tao
at sinasabing isang baliw.
Basilio at Crispin – mga sakristan.
Taong Madilaw – ang nabagsakan ng kalo na siya rin ang may gawa.
Banghay
Isang malaking pagdiriwang ang inihandog ni Kapitan Tiyago sa kaniyang tahanan sa Kalye
Anloague sa karangalan ni Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik sa Pilipinas mula sa Europa
matapos aang pitong taong pagpapadalubhasa. Si Ibarra ay kaisa-isang anak ni Don Rafael
Ibarra at kasintahan ni Maria Clara.
Naging diwa at paksa ng usapan sa hapunang yaon ang pag-aaral at mga karanasan ni Ibarra
sa ibang bansa. Ikinasaya ng mga panauhin ang mga isinasalaysay ni Ibarra, maliban kay
Padre Damaso, na naghihimagsik ang kalooban dahil sa ang natapat sa kanya ay ang leeg at
matigas na pakpak na manok ng tinola. Pagkatapos ng hapunan, nagpaumanhin ang binata at
mahinahong nagpaalam upang di umano’y may mahalagang bagay siyang aayusin at tatapusin.
Kinabukasan, matapos dalawin ang katipan, si Ibarra ay nagtuloy sa San Diego upang dalawin
ang libingan ng ama pagkat noon ay araw ng mga banal. Doon niya natuklasan sa sepulturero
na ang bangkay ni Don Rafael ay ipinahukay ng pari at ipinalipat sa libingan ng mga Intsik.
Ngunit sa dahil doon ay maulan at lubhang mabigat ang bangkay, ipinasya niyang itapon na
lamang ito sa lawa.
Poot na poot na nilisan ni Ibarra ang libingan at sa kaniyang paglabas ay nasalubong niya si
Padre Salvi, ang kura ng San Diego, na siya niyang pinagbuhusan ng galit. Ipinagtapat ng pari
na wala siyang kinalaman doon sapagkat noon ay hindi pa siya ang nakatalagang kura ng San
Diego.
Nang isang araw na nagpiknik sila Ibarra kasama ang ilan pang mga kabataan sa may ilog,
nakakita sila ng buwaya na buong tapang na kinalaban ni Elias. Ngunit nang unti-unti na siyang
ginagapi ng buwaya ay iniligtas siya ni Ibarra sa kamatayan. Nang matapos iyon at naglalaro na
sila sa pampang ay may dumating namang mga guwardiya sibil upang dakpin si Elias ngunit
nakatakas ito.
Kinabukasan, sinadya ni Ibarra si Pilosopo Tasyo upang isangguni ang panukalang magpatayo
ng paaralan na kaniyang ihahandog sa mga taga-San Diego. Sinabi ng pilosopo na walang
kahihinatnan ang proyektong ito at pasinayaan na.
Hindi naglubay ang mga kaaway ni Ibarra sa pagwawasak sa kaniya. Nagpakana sila ng
pagsalakay sa tanggulan ng guwardiya sibil, at yaon ay ipinaalam nila sa alperes. Sa mga nag-
aalsa, ang ipinababatid nilang utak ay si Ibarra. Kung kaya’t iyong huli ay dinakip at binilanggo.
Mapapawalang-sala na sana siya kung hindi lamang sa sulat na ipinadala niya kay Maria Clara
na wala rin namang kinalaman sa pagsalakay ngunit naging dahilan pa rin ng kaniyang
pagkadiin.
Nagpatuloy na sina Elias at Ibarra sa pagtakas. Ngunit napansin nilang tinutugis sila ng
humahabol sa guwardiya sibil. Inutusan ni Elias si Ibarra na magtago sa ilalim ng mga damo sa
loob ng bangka. Upang mailigaw ang mga humahabol at lumundag si Elias sa tubig.
Pinaputukan siya hanggang sa mawala ang hawi ng tubig na nababakasan ng kaniyang
paglangoy.
Dahil inakala ni Maria Clara na patay na patay na si Ibarra ay hiniling niya kay Padre Damaso
na ipasok siya sa kumbento kung hindi ay magpapakamatay siya. Dahil dito ay pumayag ang
pari. Si Ibarra naman at nakatakas at walang naka-alam kung saan siya napadpad.
Samantalang nakasapit si Elias sa gubat ng mga Ibarra na sugatan at halos naghihingalo na.
Doon niya natagpuan si Basilio na umiiyak sa tabi ng bangkay ni Sisa, ang kaniyang ina.
Inihayag ni Elias sa bata na pagkalipas ng panahon maghukay siya at makikita niya ang
kayamanan. Ito ang kukunin niya upang mag-aral. Ang yamang ito ay pag-aari at salapi ni
Ibarra, Iniutos din ni Elias na ang bangkay ng kaniyang inang si Sisa at ang kaniyang bangkay
ay sunugin. Bisperas ng Pasko noon, at sa kabilugan ng buwan, habang unti-unting tumatakas
ang buhay, si Elias ay humarap sa silangan at umusal: “Mamamatay akong di man nakikita ang
ningning ng bukang-liwayway sa aking bayan! Kayong mga nangabulid sa dilim ng gabi.”
Feminismo
Ang Feminismo ay isang teoryang nagbibigay diin sa mga karanasang na dinadanas ng isang
babae nagmumula sa kanyang paligid at kulturang pinamumunuan patriyarkal na kaisipan. Sa
teoryang ito, tinitingnan ang kalagayan isang babaeng karakter; ang kanyang pagkababae,
pagkatao, at gamapanin sa lipunan bilang isang babae. Ang isang feministang kritisismo ay
masasabing “pamamaraan ng malalim at mahimay na diskursong nakatuon sa itinakda ng
kultura na kaibhan ng kasarian pagdating sa interpretasyon ng mga akdang pampanitikan.”. Sa
madaling sabi, nilalayon ng feministang kritisismo ang paghimay sa nilalaman ng isang
panitikan sa pamamagitan ng paglalarawan ng kaanohan ng isang babae sa partikular na
panitikang iyon.
Gamit ang perspektibong feminista, maaring himayin ang nilalaman ng Noli Me Tangere base
sa mga katangian at kaganapan ng mga babaeng tauhan sa nobela. Sa pamamagitan ng
Feminismo maarig maisalarawan ang mga sumusunod na babaeng tauhan ng nobela.
Katangian at
Tauhan Gampanin sa Nobela
Pagsasalarawan
Pangunahing tauhang
babae ng nobela.
Kasintahan ni
Maria Clara Mahinhin, magalang,
Crisostomo Ibarra
relihiyosa, pinalaki ng
mga madre
Personipikasyon kung
paano magmahal ang
isang ina sa kanyang mga
Ina nila Crispin at
Narcisa / Sisa anak kultura ng mga
Basilio. Asawa ni Pedro
Pilipino. Mapagmahal,
mapag aruga at hindi
nakapag aral.
Isang indio na
nagpapanggap na
mestiza. Kinatatakutan
Donya Victorina Asawa ni Don Tiburcio dahil sa kanyang
panlabas na anyo,
masamang ugali at karibal
ni Donya Consolacion
Dating labandera ng
Alperez na naging
mayaman sa
Donya Consolacion Asawa ng Alperes pamamagitan ng
pagpapakasal sa isang
mayamang kastila.
Karibal ni Donya Victorina
Tiyahin at naging
Tumayong mapag
katuwang ni Kap. Tiago
Tiya Isabel arugang tiyahin ni Maria
sa pagpapalaki kay
Clara.
Maria Clara
Maganda at marunong
Iday Kaibigan ni Maria Clara
tumugtog ng harpa
Masayahin at mabiro,
Sinang Kaibigan ni Maria Clara pinakamatalik na kaibigan
ni Maria Clara
Striktang nakakatandang
Victoria Kaibigan ni Maria Clara
kapatid ni Sinang
Tahimik at mahiyain na
Neneng Kaibigan ni Maria Clara
kaibigan ni Maria Clara
Lalong lumilitaw ang kulay patriyarkal ng nobela, sa mga pinagdaanan ni Sisa, na kung
saan ang huli ay madalas natatandaan bilang isang inang nabaliw dahilan sa pag alala sa
kanyang mga anak, na imbes kondenahin ay nagagamit pang isang papuri pagka’t ito ay isang
tinatanging kaugalian ng isang ina sa kulturang Pilipino-katoliko. Dito nakikita na naisasantabi
pagkatao ni Sisa bilang isang babae, at nakikita lamang siya bilang isang Ina, kung saan
pumapangalawa lamang ang pagiging tao niya sa kanyang gampanin bilang isang magulang,
dahil iyon lang kanyang halaga sa lipunan ng akda.
Marxismo
Crisostomo Ibarra
Elias
Samantala, makikita sa ikalawang bilog ang katayuan ni Padre Damaso bilang tagapagpanatili
ng sistemang nagpapalutang sa naghaharing uri sa nobela. Datapwa’t may iba pang dahilan
ang hindi pagkagusto ng Padre Damaso kay Ibarra, hindi maitatanggi na isa sa mga mabigat na
punto ay pagiging panganib ng mga ideya ng pagbabago sa lipunang pinaghaharian ng
frailocracia. Dito makikita na bukod sa personal na pagkamuhi kay Ibarra, si Padre Damaso ay
naging imahe ng naghaharing uri upang ipreserba ang kanilang mataas na kalagayan sa
lipunan.
Pagtalakay sa El Filibusterismo
Tulad ng Noli Me Tangere ang El Filibusterismo at may layuning panlipunan. Ang dalawang
nobelang ito ni Dr. Jose Rizal ay kapwa bunga ng isang uri ng pagbabangon sa katauhan ng
bayani, noong panahong iyon ay maituturing na isang matapang na hakbang sapagka’t alipin
ang mga Pilipino.
Ang ikalawang aklat na ito ay hindi pagpapatuloy ng una. Ang kalamnan ng ideya sa Noli Me
Tangere ay nagbabago, gaya rin ng pagbabago sa mga tauhan at layunin ng aklat. Si Ibarra ng
Noli Me Tangere ay hindi katulad ni Simuon ng El Filibusterismo. Malaki na ang pagbabagong
naganap sa isip ng sumulat. Si Ibarra at nagtitiwala, naghihintay, umiibig. Si Simuon ay hindi
nagpapadaya, walang tiwala at napupuot. Si Ibarra ay humihilinng ng pagbabago, lumalapit sa
katarungan at sa kabutihan ng pamahalaan; si Simuon ay hindi na humiling, siya’y
nagmamalupit, bumubulusok, nagpapabangon.
Ang nobela ay isang matapat na paglalantad ng katotohanan, katulad din ng Noli Me Tangere.
Ngunit ang katotohanan sa El Filibusterismo ay higit na nakaliligalig kung ihahalimbawa sa mga
katotohanan as unang nobela ng bayani. Magmula sa trahedya ni Kabesang Tales at ni Basilio
hanggang sa kaapihan ni Juli at ni Isagani, ay madarama ang isang nagbabagong katotohanan
na magpapayanig sa kalooban. Sana nga’y buhay si Elias at marahil ay iba ang magiging
balangkas ng mga pangyayari. Ngunit bangkay na si Elias at ang buhay ay ang gaping si Ibarra
na ngayon ay ang nagbabalatkayo na si Simuon.
Pormalismo
Gamit ang pormalismo, maaring himayin ang nobelang El Filibusterismo gamit ang mga
sumusunod na aspeto:
Mga Tauhan
Kabesang Tales – ang inagawan ng lupa ng mga pari sa Tiani at naging kalaban ng
pamahalaan sa ilalim ng sagisag na Matanglawin.
Padre Florentino – ang matalinong paring Filipino.
Señor Pasta – ang abogadong Pilipino na ayaw tumulong sa mga kabataan sa paghiling sa
pamahalaan ng ilang pagbabago.
Banghay
Buod ng El Filibusterismo
Ang nobela ay nagsisimula sa eksena sa ilog-Pasig at dito’y ang bapor Tabo ay patungo sa
Laguna. Lulan nito ang matataas na pinuno ng pamahalaan, mga prayle, si Isagani, si Basilio,
ilang indio, mangangalakal na Intsik at mga estudyanteng pauwi na buhat sa Maynila.
Lulan din nito ang mag-aalahas na si Simon na hindi alam ng lahat ay si Ibarra. Nanggaling siya
sa Cuba bilang isang kaibigan at tagapayo ng Kapitan Heneral. Nagbalik sila sa Pilipinas sa
tulong ng mayamang mangangalakal na Intsik na si Quiroga upang sagipin si Maria Clara sa
Kumbento sa Sta. Clara at upang maghiganti sa pamamagitan ng paghihimagsik dahil sa mga
kahirapang dinanas sa kamay ng mga makapangyarihang Kastila. Ginamit niya ang kanyang
kayamanan upang pasamain lalo ang pamahalaan sa mata ng mga mamamayan upang
hikayatin ang pamahalaan na apihin ang mga Pilipino nang sa gayon ay mag-alsa ang mga tao
laban sa Espanya. Upang maisagawa ang kaniyang balak, kinaibigan niya ang mga
makapangyarihan at nasa posisyon sa pamahalaan. Hinikayat niya ang mga opisyal at mga
prayle sa di-mabuting pamamahala ng bayan upang magalit sa kanila ang mga tao. Inayunan
niya ang pagpapairal ng mga batas na magdudulot ng kahirapan at pagka-aba ng mga tao nang
makapaghanda sa isang madugong rebolusyon. Sa kabilang dako, lihim na nakipagsundo si
Simuon sa mga taong naging biktima ng kabuktutan at paghamak sa mga Kastila na
maghimagsik laban sa pamahalaan.
Sa isang matandang sementeryo ang katagpo sina Simuon at Basilio. Nandoon si Simuon dahil
sa ibinaon niyang kayamanan, samantalang si Basilio nama’y upang dumalaw sa ina. Nakilala
ni Basilio si Simuon, at babarilin sana siya ng huli pero naisip nito na sumama sa kaniyang
balak na paghihimagsik. Tumanggi ang binata kaya hiniling na lamang sa kaniya ni Simuon na
ipaglihim ang katauhan niya at kung kailangan siya nito at sinabi kung saan siya matatagpuan.
Minsan nagsamasama ang mga estudyante sa isang pansiteryang Intsik bilang panunudyo sa
pagbibigay ng pahintulot ng pamahalaan sa pagtatag ng Akademyang Espanyol. Minasama ito
ng mga Kastila at sila ay hinuli. Nakasama rito si Basilio. Sa tulong ni Simuon, si Basilio ay
pinakawalan na rin sa bilangguan. Dahil dito napapayag na rin ang binata na sumali sa
rebolusyon. Ang nakatakdang gagawin niya ay pangunahan ang maghihimagsik sa pagsalakay
sa kumbento sa Sta. Clara at sagipin si Maria Clara, subali’t ipinabatid ni Basilio kay Simuon na
huli na ang lahat sapagkat patay na si Maria Clara. Natulig si Simuon sa narinig niyang
magbigay ng hudyat upang simulan ang pag-aalsa. Nagkasakit si Simuon ng ilang buwan kaya
ang unang tangkang rebolusyon ay naging bigo.
Nang siya’y gumaling na, madali niyang naisaayos ang pagsira sa pamahalaan ng Kastila. Sa
piging ng pag-iisang dibdib nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez, nagpadala si Simuon ng
isang regalo para sa bagong kasal. Ito ay isang lampara na may lamang pampasabog. Sa
kanilang pakana, sasabog ang buong bahay pati na ang mga opisyal ng pamahalaan at mga
prayle na nandoroon. Sina Basilio at Simuon lamang ang nakakaalam nito. Ito ang magiging
hudyat ng sabay-sabay na pagsabog ng lahat ng mga gusali ng pamahalaan sa Maynila ng
mga tauhan ni Simuon.
Dumating si Simuon sa tahanan ng bagong kasal na dala ang lampara. Si Basilio ay nasa
lansangan habang pinanonood ang pagpanhik ni Simuon sa hagdanan. Ang Gobernador
Heneral ay nakaupo sa kabisera ng pangunahing mesa, at ang lahat ng mga pinuno ay
nakapaligid sa kanya. Samantala, si Isagani, ang tinanggihang mangingibig ni Paulita ay naroon
sa labas at nanonood. Inilagay ni Simuon ang lampara sa gitna ng mesa, sinindihan at lumabas
ng bahay. Nasa ganitong kalagayan nang pagsabihan ni Basilio si Isagani na madaling lumayo
roon dahil sasabog na ang lampara. Nang mabatid ni Isagani naisip niyang mamamatay si
Paulita kaya kinuha niya ang lampara at itinapon sa ilog. Dahil dito, nabigo na naman ang
himagsikan.
Dahil sa pangyayaring ito, ang balak ni Simuon na mag-alsa ang bayan sa pamahalaan ay
natuklasan siya ng mga opisyal pero nakatakas siya. Dala-dala ang kaniyang kayamanan,
nagtungo siya sa tahanan ni Padre Florentino sa malayong lugar sa tabi ng dagat.
Napag-alaman ng guwardiya sibil na si Simuon ay nasa bahay ni Padre Florentino. Iniutos ni
Tenyente Perez na dakpin si Simuon ngunit ito’y uminom ng lason. Sa banig ng kamatayan,
ikinumpisal ni Simuon kay Padre Florentino ang tunay niyang katauham at ang kaniyang mga
balak na paghihiganti sa pamahalaan sa pamamagitan ng kaniyang salapi. Sinabi pa niyang
balak niyang sirain ang kaniyang mga kaaway at kaibigan upang matupad ang kaniyang
hangaring makasarili.
Inalo ni Padre Florentino si Simuon at sinabi niyang ang Diyos ay mapagpapatawad sa kaniya.
Namatay si Simuon sa harapan ni Padre Florentino.
Kinuha ng pari ang kaban ng yaman na naiwan ni Simuon, nagtungo siya sa tabi ng
dagat at dito itinapon ang kaban ng yaman upang huwag nang magamit pang muli sa
kasamaan.
Naturalismo
Realidad na
Pagkabigo sa pag walang pag ibig
Juli
ibig para sa mga
dukha
Marxismo
Simbolismo Interpretasyon
Nagpapamalas ng kaisipan na
hindi maaring mabago ang
lipunan kung hindi magkakaroon
ng isang armadong himagsikan.
Binibigyang diin dito na ang
Panghihimok ng himagsikan
sistema ay hindi uunlad bagkus
ay lalong lalala lamang para sa
mga taong nasa ibaba nito, kaya
kailangang baguhin ito gamit ang
isang marahas na pag-aalsa.
Ang pamagat nito’y Filipinas Dentro de Cien Años. Inilathala ito sa La Solidaridad buhat noong
Setyembre hanggang Enero, 1890.
Sa akdang ito’y nagtila-propeta si Rizal sapagkat ang nilalaman ng akda’y naganap. Dito’y
sinabi ni Rizal kung ano ang kakaharapin ng Pilipinas sa darating na 100 taon. Sinabi niyang
bago makita ang tadhana ng isang bayan, kailangan munang buklatin ang aklat ng kanyang
nakalipas, sapagkat naniniwala siyang ang lahat ng bagay ay may batayang simula.
Ipinakita ni Rizal nang buong linaw at husay ang naging kondisyon ng Pilipinas. Sinabi niyang
nagbago ang takbo ng buhay ng mga Pilipino. Nagbago ang batas, kagamitan, kaugalian,
pananampalataya at paniniwala ng mga Pilipino. Nagsimula ang isang panahon, nawala ang
mga matatandang alamat, alaala, kinalimutan ang sariling panulat, kantahin, tula at batas.
Iwinaksi na ang kinagisnang kultura at kaugalian. Naging sunud-sunuran sa kagustuhan ng mga
Kastila. Pinag-aralan ang kultura, pag-iisip at gawi ng mga dayuhan at ipinagmakahiya ang
pagiging Pilipino.
Noon bago pa lamang ang mga Kastila, ang kanilang pakikitungo sa mga katutubo’y
napakabuti, sapagkat nais nilang mapalapit ang puso ng mga tao sa kanila. Naging bukas ang
kanilang palad sa pagtulong sa mga nangangailangan at naghihikahos, sa gayon nagkaroon ng
malaking tiwala sa kanila ang mga mamamayang Pilipino.
Naging bulag ang pagsunod ng mga ito sa kanilang kagustuhan, lalo na sa mga prayle at dahil
dito’y umabuso naman ang mga dayuhan, nanghingi sila ng matataas na buwis, inalis nila ang
karapatan ng mga tao, at ginawang tauhan lamang. Masasabing naging masama ang bunga ng
ganito sapagkat naparatangan pa silang masama at hindi pinapahalagahan ang kanilang
ginagawa.
Sa mga paratang na ito, hindi naging pipi ang bayan sapagkat nagising din ang kanilang puso
at damdamin sa paghihimagsik at pagtutol sa mga kalabisan.
Ito ang kahapon ng Pilipinas. Ano ang magiging kalagayan niya sa hinaharap? Magiging alipin
bang muli? Ano na namang pagtitiis ang kaniyang mararanasan? Hihiwalay kaya siya sa Inang
Espanya upang mamuhay na malaya o kaya’y upang mahulog sa kamay ng ibang bansa o
makipagkasundo sa ibang bansa.
Ang hula naman niya sa bayan ay narito: “Labis na maaasahang pikitmata’t buong
kabayanihang ipagtatanggol ng Pilipinas ang kaniyang kalayaang binili ng libong hirap at
masaganang dugo. Ang mga taong bagong sisipot sa silong ng kanyang langit, kasaliw ng mga
alaala ng panahong nagdaan, ay di-sasalang magsusumikap ng makapagpagawa nang
maluwang na landasin tungo sa ikasusulong, at ang lahat ay sama-samang magsisigawa upang
bigyang-lakas at tibay ang bayan, maging sa sariling pamumuhay at maging sa
pakikipagkapwa-bayan, at ang kasiglahan nila sa paggawang iyan ay maihahambing sa
kasiglahan ng isang binatang muling nagbubungkal ng bukiring naiwan ng kaniyang magulang
na malaong napabayaa’t di napag-anihan, salamat sa pagwawalang-bahala ng mga unang
nagsikuha, sa gayo’y muling huhukayin sa kailaliman ng lupa ang kanyang mga ginto upang
makahango sa pagdaralita, ang kanyang mga bakal upang gawing sandata, gayundin
huhukayin ang kanyang mga tanso, tingga, uling atbp. Sa ganyan marahil, ang baya’y muling
magbabagong lakas at buhay upang magpaibayong-dagat at mangalakal, mga bagay na
katutubong ugali ng mga mamamayan at may sapat na hilig at talino sa mga bagay na ito. At
kung maging malaya na muli, gaya ng ibong nakawala sa hawla, gaya ng bulaklak na
tinatangay ng hangin, muling mapapasaulli ang mga gawi niyang mabubuti na unti-unting
nangawala, at siya’y magiging magiliwing muli sa kapayapaan, masaya, maaliw, palangiti,
mapag-aruga at mapangahas.”
Mababasa rin sa liham na ito ang mga katangiang ninais ni Rizal na taglayin ng mga babaing
Pilipina sa panahong ito. Ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng edukasyon. Ipinahayag niya
ang mga responsibilidad at katungkulan ng kababaihan sa bayan. Narito ang bahagi ng
kanyang liham:
“Malaki ngang di bahagya ang katungkulang gaganapin ng babae sa pagkabihis ngg hirap ng
bayan, ngunit ang lahat ng ito’y di hihigit sa lakas ng loob ng babaing Tagalog. Talastas ng
lahat ang kapangyarihan at galing ng babae sa Pilipinas, kaya kanilang binulag at iniyuko ang
loob, panatag sila habang ang ina’y alipin ay maaalipin din naman ang lahat ng mga anak. Ito
ang dahilan ng pagkalugami ng Asia: ang babae sa Asia’y mangmang at alipin.
Makapangyarihan ang Europa at Amerika dahil doo’y ang mga babae ay madaya’t marunong,
dilat ang isip at malakas ang loob.”
Isa pang magandang halimbawa ng mga kababaihang taga-Malolos ang isinama niya sa liham
upang higit na mabigyang-diin ang tungkulin ng kababaihan sa paghubog ng mga kabataang
siyang pag-asas ng bayan sa kinabukasan. Narito ang bahagi ng liham:
“Sa mga bayang gumagalang sa babaing para sa Pilipinas, dapat nilang kilalanin ang tunay na
lagay upang magampanan ang sa kanila’y iniaasa. Ugaling dati’y kapag nanliligaw ang nag-
aaral na binata ay ipinanganganyang lahat, dunong, puri’t salapi, na tila bagang ang dalaga’y
walang naisasabog kundi kasamaan. Ang katapang-tapanga’y kapag napakasal ay nagiging
duwag, ang duwag na datihan at nagwawalang-hiya, na tila walang inaantay kundi ang mag-
asawa, para maipahayag ang sariling karuwagan. Ang anak ay walang pantakip sa hina ng loob
kundi ang alaala sa ina, at dahilan dito, nalunok ang apdo, nagtitiis ng sampal, nasunod sa
lalong hunghang na utos at tumutulong sa kataksilan ng iba sapagka’t kung walang tatakbo’y
walang maghahangad, kung walang isdang munti’y walang isdang malaki. Bakit kaya baga di
nalang isang pusong-lalaking makapag-aampon sa kahinaan ng babae, isang marangal na loob
na di papayag magkaanak ng alipin.”
Ipinapupukaw niya sa kababaihan ang sigla at sipag ng kalalakihan. Sinabi di dapat isuko ang
pagkadalaga sa may mahinang puso. At kung sakaling mag-aasawa naman ang dalagang ito,
dapat siyang maging katuwang ng lalaki sa hirap at maging tanglaw ng anak sa pag-ibig sa
bayan at kapwa.
At idinugtong pa niya ang tungkol sa kababaihan ng Esparta: “Nang iniaabot ng isang ina ang
ang kalasag sa papasahukbong anak, ay ito lamang ang sinabi: “Ibalik mo o babalik ka,” ito
nga umuwi kang manalo o mamatay ka, sapagkat ugaling iwaksi ang kalasag ng taong natalo o
inusig kaya ang bangkay sa ibabaw ng kalasag. Nabalitaan ng isang ina na namatay sa laban
ang kaniyang anak at hukbo’y natalo. Hindi umimik kundi nagpasalamat dahil ang kaniyang
anak ay naligtas sa pula ngunit ang anak ay bumalik nang buhay; nagluksa ang ina nang siya’y
makita. Sa isang sumasalubong na ina ay mga umuwing galing sa labanan at ibinabalita na isa
sa namatay sa pagbabaka ang tatlo niyang anak, “Hindi iyan ang tanong ko,” ang sagot ng ina,
“kundi nanalo o natalo tayo?” “Nanalo,” ang sagot ng bayani. “Kung ganoo’y magpasalamat
tayo sa Diyos!” ang wika at napasasimbahan.”
Minsa’y nagtago sa simbahan ang isang napatalong hari nila, sa takot sa galit ng bayan:
pinagkaisahang kulungin siya doon at patayin sa gutom. Nang papaderan na ang pinto’y ang
una ang unang naghalo ng bato. Ang mga ugaling ito’y karaniwan sa kanila, kaya nga’t
iginalang nang buong Gresya ang babaing Esparta, - “Sa lahat ng babae,” ang pula ng isa, “ay
kayo na lamang na taga-Esparta ay hindi inianak para mabuhay sa sarili, kundi para sa kanilang
bayan,” habang nanatili ang ganitong mga isipan at ganitong mga babae, ay walang kaaway na
nakatungtong sa lupaing Esparta, at walang babaing taga-Esparta na nakatanaw na hukbo ng
kaaway.
Tungkol naman sa relihiyon, sinabi niyang ang unang kabanalan ay ang pagsunod sa matuwid.
Sinabi ni Kristo sa gawa at hindi salita ang hinihiling Niya sa tao, kaya nararapat na magmulat
ng mata ang kababaihan at iwasan ang bulag na pagsunod.
Bilang pangwakas at tagubilin sa sulat niya, nagbigay si Rizal ng mga paninindigan at sinabing
pagmumuni-muniin ng kababaihan ang kanyang mga sinabi. Anim na bagay ang iminungkahi
niya:
Ang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ay isa sa mga kauna-unahang sinulat ni Rizal sa Espanya.
Ginamit niya rito ang sagisag na Laong-Laan. Noong Agosto 22, 1882, ang sanaysay na ito ay
lumabas sa Diariong Tagalog. Ito’y nasulat sa Kastila subali’t isinalin sa Tagalog ni Marcelo H.
del Pilar.
Ayon kay Rizal, ang Inang Bayan ay isang paksang kinagigiliwan ng mga manunulat, mang-
aawit, manggagawa, makasining, mandirigma at iba’t ibang uri ng tao sa ating lipunan. Ang
Inang Bayan ay isang paksang magandang pag-usapan sapagkat ang damdamin o
pagmamahal sa ating bayan ay katutubo, likas sa mga magagandang karanasang nakamtan
natin mula pa sa pagkabata hanggang sa lumaki, bukod sa kagandahan ng kalikasang
natutunguhan sa paligid ng tahanan at ng bayan. Mahal na mahal ni Rizal ang Inang Bayan.
Nabanggit ni Rizal ang mga matatandang Ebreong nag-aala ng sakripisyo sa templo bilang
tanda ng kanilang pagmamahal sa bayan. Ang mga mag-aaral na nangibang bayan tulad niya
ay inihahambing niya sa mga Ebreong nabanggit, na iba nga lamang ang sakripisyong
inihahandog.
...”O! kailanma’y huwag ninyong pasakitang loob ng taga-ibang bayan, ang umahon sa inyong
dalampasigan; huwag ninyong gisingin ang buhay na gunita ng kaniyang bayan, ng mga ligaya
sa kaniyang tahanan, sapagka’t kung magkagayon, ang kanilang sakit na pamamanglaw ay
muling uukilkil sa kaniyang isipan at hindi magtutugot hangga’t hindi niya nakikitang muli ang
kaniyang bayan.”
Sinabi rin ni Rizal na ang pag-ibig sa bayan ay hindi magmamaliw kapag ito ay nakatanim sa
puso at isipan.
...”ang iba’t nahandog sa kaniya ng kanilang kabataan, ng kanilang kasiyahan; may iba ring
naghandog sa kaniya ng angking katalinuhan; ang iba’y nagbubo ng dugo; ang lahat ng
nangamatay ay nag-iwan sa kaniyang Inang Bayan ng malaking kapalaran; kalayaan at
kaluwalhatian.”
“Ikaw na may nawalan ng ideyalismo sa inyong kaluluwa, ikaw na may sugatang puso,
namasdang pumaram ang iyong mga lunggating isa-isang tulad ng mga puno ay
pinanlalaglagan ng mga bulaklak at dahon at humahanap ng nais na mahalin, wala nang iba
pang babagay sa iyo, nariyan ang Inang Bayan, mahalin mo.
Ikaw na nawalan ng ama, ina, kapatid, asawa at anak, sa maikling salita, pag-ibig, na siyang
pinaglagakan ng iyong mga pangarap, nariyan ang iyong mga pangarap, nariyan ang iyong
Inang Bayan, mahalin mo siya pagka’t nararapat sa kaniya.
May mga isinulat si Rizal na nagdulot ng kalinawan, isa rito ang sanhi ng katamaran ng mga
Pilipino, na pinalalagay na pinakamahabang sanaysay. Nalathala nang limang labas sa La
Solidaridad na makalawa sa isang buwan kung lumabas. Simula noong ika-15 ng Hulyo
hanggang ika-15 ng Setyembre, 1890.
Napuna ni Rizal na kapag may hindi magandang pangyayaring nagaganap sa kapuluan, isinisisi
ito sa “katamaran” ng mga Pilipino. Kaya sinimulan niyang suriin ang panlipunang kalagayan at
pampulitikal na nasabing panahon upang ipakita na ang sinasabing “katamaran”, na kanyang
pinakahuluganang “walang pagmamahal sa paggawa o sa kakulangan sa gawain”, ay hindi ang
sanhi, kundi ang bunga ng kaguluhan at kahulihan sa panahon ng bansa.
Hindi tahasang pinabulaanan ni Rizal ang sinasabing “katamaran” ng mga Pilipino. Sinabi
niyang may nakikita ngang katamaran ngunit hindi ipinanganak na tamad ang mga Pilipino; ang
klima ng Pilipinas ay mainit at natural lamang na hindi sila magmadali sa paggawa di tulad sa
mga klimang malamig na kailangan ang mabilisang pagkilos upang mapaglabanan ang
paninigas ng katawan. Sa Pilipinas ginawa ng inang kalikasang mataba ang lupa upang ang
magsasaka’y hindi gaanong mahirapan sa paggawa upang makatiyak ng masaganang ani.
Ang katamaran, wika pa niya’y isang sakit, ngunit hindi namamana, ang mga katutubong
Pilipino sa Pilipinas ay dating kilala sa kanilang kasipagan sa paggawa at katapatan. Noong
hindi pa dumarating dito ang mga Kastila, makikipagkalakalan na sila sa mga Tsino na siyang
nagdadala ng iba’t ibang produkto at ilang kaalaman sa kapuluan. Mula sa tala ng mga
manlalakbay at mananalaysay ay mapaghuhulong ang bayan ay may “may minahan, mga
pinaglalagyan ng kalakal, paggawa ng sasakyang-dagat, manukan at alagang mga hayop,
paghahabi ng seda at bulak, mga dalisayan, paggawa ng armas, perlas, pangingisda, industriya
ng sungay, balat at iba pa.”
Sa unang uri at pagpuna, sinabi niyang ang mga sanhi nito’y ang mga kaluhuan at pang-aabuso
ng mga Kastila. Binanggit niya ang mga pagbubuo ng dugo dahil sa pakikipagdigmaan sa mga
Kastila, sa mga Olandes, Portuges, at Tsino; ang mga pagsulpot ng mga pirata; pagpaparusa
ng kamatayan sa mga nahuling nagkasala. Kaya’t masasabing sa loob ng kalahiting dantaon,
ang bilang ng taong-bayan ay nababawasan din sa pagsalakay ng mga moro mula sa timog.
Hindi na kayang ipagtanggol ng taong-bayan ang sarili nila sa mga pirata sapagkat wala silang
mga armas. Ang mga pangyayaring ito ang nakawala ng insentibo ng mga tao upang
magpahalaga sa paggawa. Bakit pa nga ba sila gagawa kundi naman sila aani at magtatamasa
ng kanilang pinagpaguran? Kaya ang iba’y nabaling na lamang sa pagsusugal dahil sa
paghahangad na kumita nang malaki sa mabilisang pangyayari na kabaligtaran naman ang
kadalasang nagiging bunga.
Ang mga bayan, patuloy ni Rizal, ay lalong nabawasan dahil sa pagpapatala ng mga
manggagawa upang magtrabaho sa konstruksiyon ng mga malalaking sasakyang-dagat na
kinakailangan ng mga Kastila para sa mga eksedisyon nito sa mga kalapit-bansa at kasama na
rito ang makahayop na pakikitungo ng mga mananakop sa mga manggagawang Pilipino.
Ngunit hindi naman isinising lahat ni Rizal sa pamahalaan ang sanhi ng katamaran sapagkat
ang mga katutubo ay may bahagi rin dito. Salat sila ng edukasyon at nasyonalismo. Wala silang
kamalayang pambansa.
Sa maraming halimbawa, pinatunayan ni Rizal, na hindi mababa ang Pilipino sa anumang lahi
ng daigdig, maraming katibayan na higit pa ngang tamad ang mga Kastila kaysa sa mga
Pilipino, at ang tao’y hindi isang makina na gagawa lamang para sa kasiyahan ng iba, nais
niyang gumawa kung ito’y para sa kaligayahan niya at ang kanyang pamilya.
Sa dakong huli, sinabi pa ni Rizal na darating ang panahon na namumulat ang mga Pilipino. Na
higit na mainam ang boluntaryong pagkamulat kaysa sapilitan.
“Kaya upang ang Pilipino’y umunlad, kailangang ang boluntaryong pagkamulat ang kumulo sa
kaniyang mga ugat, sapagkat ang pag-unlad ay sadyang nangangailangan ng pagbabago, at
nagpapahiwatig ng pagbagsak ng nakaraan, at ang pagtatagumpay ng bagong kaisipan. Ang
kakulangan ng isang pambansang kamalayan ay nagbibigay-daan sa isa pang kasamaan, na
siyang kawalan ng tagasalungat sa mga hakbang na hindi makabubuti sa taong-bayan, at ang
kawalan ng pammpasigla na hahantong sa kanilang kabutihan. Mangyari pa, ang tao sa
Pilipinas ay isa lamang indibidwal, siya ay hindi kasapi ng isang bansa.”
Ang Noli at El Filibusterismo ay mga panitik na naisulat ni Rizal nuong panahon ng Kastila. Ito
ay isa sa pinaka tanyag na sulatin ni Rizal, na syang itinuturing na nagbigay ng daan upang
magbigay alab sa damdamin ng mga Pilipino ang paglaban sa Kastila at magnais na matamo
ang Kalayaan.