You are on page 1of 4

KATUTUBONG PANITIKAN BAGO PUMASOK

ANG IMPLUWENSIYA NG KANLURAN

Dalawang Bahagi ng Matandang Panitikan


Upang ang ating pag – aaral ay magkaroon ng maayos at malinaw na pananaw, ang mahabang
panahon ng matandang panitikan bago nagging ‘Pilipino” ang mga Pilipino ay bahagiin natin sa dalawa:

A. Ang Kapanahunan ng mga Alamat, na dapat magsimula sa lalong kauna – unahang panahon ng
ating lahi, ayon sa kayang maabot ng mga mananaliksik at magtapos sa paglipas ng ikalawang
pandarayuhan sa mga pulong ito ang mga Malay sa pali – palibot ng taong 1300 A.D.
B. Ang Kapanahunan ng mga Epiko o Tulang – Bayani, na nagsisimula sa pali – palibot ng taong 1300
A.D., at nagtatapos sa panahon ng pananakop ni Legazpi noong 1565 A.D.

Kaligirang Pangkasaysayan ng Kapanahunan ng mga Alamat


Ugali ng mga nagsusuri sa kasaysayang pampanitikan ng isang bansa ang tumingin muna sa mga
makahulugang pangyayari sa nagsabing bansa sa loob ng panahong sinusuri, upang mapag – ugnay – ugnay sa
isip at pag – unawa ang mga katunayang pampanitikan at mga katunayang pangkasaysayan, at sa gayo’y
maging malinaw ang mga sanhi ng hilig, kilusan, takbo at uri ng mga akdang pampanitikang pinag – aaralan.
Kaya, gayon din ang ating gagawin.

(1) Ang mga Ita


Alam nating ang mga unang naninirahan sa ating mga pulo ay mga Negritong nakilala sa tawag na ita,
ayta, o agta at kung minsa’y baluga. Ayon sa mga heologong nagsasabing ang mga pulo natin ay dating
kakabit ng lupaing Asya, ang mga Ita ay lakad na nakarating dito mula roon, may 25,000 ng taon na
ngayon. Ang mga inanak nila na nakatira sa hanggang ngayon sa mga bundok ay may kalinangang
katulad ng kanilang mga ninuno walang pamahalaan, walang panulat, walang sining, walang siyensiya,
bagama’t sanay sa paggamit ng busog at pana sa paghahanap ng makakain.
(2) Ang mga Indonesyo

Ang pandarayuhan ng mga indonesyo sa ating mga pulo ay may dalawang sapit. Ang mga Indonesyo ay
mga inanak ng isang lahing Monggol na nalahukan ng Kaukaso. Ang unang sapit ay nangyari noong may
mga 8000 ng taon na ngayon at binubuo ng mga Indonesyong balingkinitan at may maputi – puting
balat. Ang ikalawang sapit ay nangyari noong may 2000 ng taon na ngayon, nguni’t ang mga huling
Indonesyong ito ay naglahi muna at nakipamuhay sa mga pulo ng Papusa bago nakarating sa atin, kaya
nang sumapit sila nito’y may malaking pangangatawan, maitim na balat, makapal na labi, malaking
ilong, at pangahan. May kabihasanan silang higit sa mga Negrito, may pamahalaan, nagsusuot ng
damit, at nagluluto ng pagkain at nagsasaing sa tukil, at marunong magpaningas ng apoy sa
pamamagitan ng dalawang tuyong kahoy (patpat). Mayroon silang mga alamat at mga epiko, mga
pamahiin at mga bulong na pangmahiya.

(3) Ang mga Manggugusi

Mula sa Fukien (Tsina) ay nandayuhan dito ang mga Intsik na lahing Hakka at tinawag na mga
“manggugusi” dahil sa inilalagay nila sa gusi (jar) ang bangkay ng isang magulang o nunong namatay at
ang gusi ay ibinabaon sa looban. (Noon marahil sumapit sa atin ang salitang “gusi” at “susi”). Ang
pandarayuhan ay nangyari mula sa taong 300 hanggang 800 A.D. at kumalat sa mga pulo ng Batanes at
Babuyanes, sa hilagang – silangang tabing – dagat ng Luson, sa Tayabas, Sorsogon, Samar, Silangang
Mindanaw at Selebes, gayundin sa Marinduque, Timog Mindoro, mga pulo ng Kalamyanes, at Palawan,
Hanggang Borneo.

(4) Mai – I (Mindoro) intsik na mangangalakal


Ang kauna – unahang pagkakabanggit sa atin sa kasaysayan ng Tsina, ayon sa mga saliksik, ay nasa tala ng
pagkakarating sa Kanton ng isang bapor na Arabe na may lulang kalakal na galing sa Mai – I (ngayo’y Mindoro)
noong taong 982 A.D.
(5) Ang mga Bumbay
Ang mga pulo ng Indonesya at ang ating mga pulo ay malimit mabanggit sa mga “Kuwento ng Diyataka” at sa
ilan sa mga epiko at tulang pasalaysay noong taon bagi ianak si Kristo, nguni’t ang mga unang Bumbay na
nadayuhan sa atin (mga taong may pananampalatayang Beda at sumasamba sa Kalikasan at sa Araw) ay nasok
ditong sa Borneo nagdaan noong mga ika – 12ng dantaon, A.D. Ang ikalawang sapit ng mga Bumbay ay nangyari
noong ika – 13ng dantaon at ang mga ito, na may pananampalatayang Bramin, ay nagdaan sa Java at Borneo sa
panahon ng kaharian ni Madyapahit.

(6) Ang mga Arabe at Persa


Ang mga biyaherong Arabe ay nandayuhan at nanirahan sa katimugan natin mula noong taong 890 A.D.,
hanggang sa ika – 12ng dantaon; bagama’t ang mga misyonerong Arabe at Persang kabilang sa pangkat ng mga
“Hadramaut Sayyid” ay naparito upang magkalat ng Mahometanismo sa Malaysia at Pilipinas noong may
ika – 15ng dantaon na. Sila’y sa Mindanaw at Sulu naninirahan.

Mga Katangian ng Kapanahunan ng mga Alamat


Ang mga nakatira sa kapuluang ito noong Kapanahunan ng mga Alamat, bagama’t hindi tahasang gala, ay
walang panatilihang tahanan at kung nangagsitigil sa isang pook ay pangkat – pangkat silang may sariling
pamahalaang kasundo o kaaway ng mga kalapit – pangkat. Ang panitikan noon ay saling – dila o lipat – dila, na
ang nag – iingat at nagpapahayag ay mga apo, na karaniwang puno ng barangay o pinaka – pari ng kanilang
relihiyon. Ang relihiyon noon ay pagsamba sa Araw, pagsamba sa Punungkahoy, o anumang kalagayan ng
Kalikasan at ang lahat ng mga kababalaghan ay gawa ng mga mabubuti at masasamang hilagyo (spirit) na
tinatawag nilang “anito”. Hanggang ngayon, ang salitang anito ay ginagamit ng mga tagabundok o malalayong
nayon.
Ang panitikan noon, samakatwid, ay binubuo ng mga bulong na pangmahiya (incantations), kuwentong
bayan (folktale), at alamat (legend). Ang karamihan ay salig sa pananampalataya at pamahiin. May mga
mananaliksik na nagsasabing ang mga taong ito ay mayroong ilang tulang panrelihiyon.

Mga Bulong
Ang mga bulong ay ginagamit sa pangkulam o pang – ingkanto. Ang halimbawang sumusunod ay galling sa
mga Bagobo ng Mindanaw. Sinasabi ito ng nananakawan ng bigas na naglalagay ng “bangat” (isang halong
pangkulam) sa isang tukil at ang tukil ay inilalagay sa dating pinaglagyan ng bigas na nanakaw, saka ito’y
sinasabi:
“Nagnakaw ka ng bigas ko,
Umulwa sana ang mata mo,
Mamaga ang katawan mo,
Patayin ka ng mga anito.”

Sa Kailukuhan, bago sila pumutol ng punungkahoy sa gubat o sa bundok ay may bulong silang sinasabi na
halos ganito ang nilalaman:

“Huwag magagalit, kaibigan,


aming pinuputol lamang
ang sa ami’y napag – utusan.”

Sa Gitnang Luson, sa Kabikulan, at sa mga pulo ng Kabisayaan, anuman ang gawin sa kagubatan o
kaparangan ay lagging inuunahan ng “Tabi, tabi, nuno; di koi to maisubo.” At ang batang nabubungian, pagkagabot
ng ngipin, ay naglalagay nito sa daanan o tirahan ng mga daga at ganito ang dalanging – bulong:

“Dagang Malaki, dagang maliit,


ayto ang ngipin kong sira na’t pangit,
sana ay bigyan mo ng bagong kapalit.”

Mga Alamat ng Pagkalikha ng Daidig

ang panahong ito ay mayaman sa mga alamat sa pagkakalikha sa daigdig. Ang kaalaman ngayon ay pinutol
ng mga mananaliksik sa saling dila – dila ng matatanda at utang ang hindi pagkawala sa mga misyonerong Kastila,
mga manunulat na Olandes, Amerikano at Europeo. Maaaring nagkaroon na ng pagbabago sapagka’t ang mga
alamat ay hinihimay sa magusot na tradisyon at iniayos upang magkaroon ng kalinawan.
Ang mga sumusunod ay pawang pagbubuod ng mananaliksik ng aklat na itong ating pinag – aaralan.

(1) Ang Pinagmulan ng Sansinukob ( Ang Alamat na ito ay laganap sa Mindanaw at Kabisayaan noong dumating
ang mga Kastila, nguni’t alamat na kabilang sa unang panahon ng kasaysayan ng ating lahi.)

“Noon daw kauna – unahang panahon ay wala kundi langit at dagat lamang. Ang Bathala
ng langit ay si Kaptan. Ang Bathala ng dagat ay si Magwayen.

May isang anak na lalaki si Kaptan, si Lihangin. Ang anak na babae ni Magwayen ay si
Lidagat. Pinapagkasal ng dalawang bathala ang kanilang mga anak, at sina Lihangin at Lidagat ay
nagkaanak ng apat: sina Likabutan, Ladlaw, Libulan, at Lisuga, panay na lalaki.

Nang lumaki ang mga bata, si Likalibutan ay naghangad na maging hari ng sansinukob at
ito’y ipinagtapat niya kina Ladlaw at Libulan. Wala noon si Lisuga. Sapagka’t takot sina Ladlaw at
Libulan kay Likalibutan ay sumama sila rito sa pagsalakay sa langit. Ginamit nila ang hangin sa
sapilitang pagbubukas ng pinto ng langit. Galit nag alit si Kaptan. Inalpasan ni Kaptan ang mga kulog
upang ihampas sa mga maghihimagsik. Nang tamaan, sina Libulan at Ladlaw ay nagging bilog na
parang bola, nguni’t ang katawan ni Likalibutan ay nagkadurug – durog at kumalat sa karagatan.

Nang nagbalik si Lisuga ay hinanap niya ang kanyang mga kapatid. Nagpunta siya sa langit.
Pagkakita sa kanya ni Kaptan ay pinatamaan siya agad ng isang kulog. Ang katawan ni Lisuga ay
nahati at lumagpak sa ibabaw ng mga pira – pirasong katawan ni Likalibutan.

Tinawag ni Kaptan si Magwayen at sinisi sa pagkahimagsik ng mga anak, nguni’t sinabi ni


Magwayen na di niya alam ang nangyari pagka’t siya’y natutulog. Nang lumipas ang galit ni Kaptan,
sila ni Magwayen ay napapalapit sa apat na apo. Kaya, pagkaraan ng maikling panahon ay binuhay
uli ni Kaptan ang mga pinarusahan. Si Ladlaw ay ginawang adlaw (araw), si Libulan ay nagging bulan
(buwan). Si Likalibutan ay tinubuan ng mga halaman at nagging sanlibutan. Ang kalahati ng
katawan ni Lisuga ay naging Silalak (lalaki) at ang kalahati ay naging Sibaybay (babae), ang unang
lalaki at babae ng daigdig,”

(2) Ang Pinagmulan ng Daigdig (Ang alamat na ito ay katulad ng una, nguni’t sinasabi ng mga mananaliksik na
sapagka’t mayroon ding ganito sa Borneo, Java at Sumatra, marahil ay dala ito ng mga nadayuhang
Indonesyo.)

Noon daw unang panahon ay wala kundi langit, dagat, at isang ibong lipad nang lipad sa
pagitan ng langit at dagat. Sa katagalan ng paglipad ay napagod ang ibon, nguni’t wala siyang
madapuan upang makapagpahinga.

Naisipan ng ibon na papagkagalitin ang langit at dagat. Sa pagkakagalit ng dalawa, ang


langit ay naghuho ng maraming bato at lupa sa dagat na sa wakas, pagka’t natabunan, ang dagat ay
tumahimik. Ang ibon ay nagkaroon ng madadapuan.

(3) Ang Unang Lalaki at Babae (Ang alamat na ito ay parang karugtong ng sinusundang alamat.)

Sa pulong nabuo ng bato at lupang galling sa langit, ang piniling tahanan ng ibon ay ang
pulong kilala ngayon sa tawag na Panay, sa pulong ito, ang mga halamang tumubo ay
nangaglalakihang kawayan. Sa isang tabi ng batisan ay may dalawang kawayang lalong malaki sa
lahat, na ang kalakhan ay hindi kayang mayakap ng isang tao.

Isang araw, habang ang ibin ay naliligo sa batis, ay isang tuktok ang narinig. Nagulat ang
ibon. Maya – maya ay tumuktok uli, at tila galling sa loob ng isa sa malaking kawayan. Tuwing
tutuktok ay sinasagot ng ibon ng pagtuka sa kawayan. Sa wakas, sa katutuka ng ibon, ang kawayan
ay nabiyak, at lumabas ang isang tao. “Ako’y Silalak,” anang tao, at siya ang unang lalaki sa daigdig.
Pagkaraan ng ilang saglit lamang ay may narinig naming tuktok na galling sa isa pang malaking
kawayan. Nang tukain ng ibon ang kawayan ay isang tao pa ang lumabas. “Ako’y Sibaybay,” aniya,
at siya ang unang babae sa daigdig.

(4) Ang Pinagmulan ng Araw at Gabi

Noon daw unang panahon ay panay na liwanag; walang dilim, sapagka’t noon ay
magkaisang – palad si Adlaw at si Bulan. Kaya noon ay walang gabi, panay na araw. Ang dalawa ay
nagkaanak ng marami. . . maraming – marami. Ang kanilang mga anak ay mga tala at bituin at
nagsilagay din sa langit na tulad ng kanilang magulang. Kaya, ang daigdig ay lalong nagliwanag.

Nguni’t minsan, ang mga bituin, sa kalibutan, ay nagkagalitan ng kanilang amang si Adlaw.
Si Bulan ay nagkaroon ng sama ng loob, hanggang sa nagkagalit tuloy ang mag – asawa. Sa wakas,
sapagka’t hindi magkasundo, sila ay naghiwalay.

Ang mga bituin at tala ay pinamili kung kanino sasama, pinili nila ang kanilang ina, na hindi
nagpaparusa.
Naghiwalay si Adlaw at Bulan, at kasama ni bulan ang mga tala at bituin. Kapag araw ay
sumisikat si Adlaw, nguni’t kapag nakikita niyang papalapit si Bulan, siya’y umaalis at
pinababayaang si Bulan ay siyang magbihgay naman ng liwanag. Kaya ngayon ay mayroon tayong
araw na maliwanag at gabing madilim. Kapag ang gabi ay madilim na madilim, marahil ay abalang –
abala si Bulan sa pag – aalaga sa kanyang mga tala at bituing may sakit.

You might also like