You are on page 1of 11

Kasanayang Pangwika

Alamat ng Alamat
Noong unang panahon sa
bulubunduking lugar sa isang
malayong bayan sa lalawigan ng
Bohol ay may naninirahang isang
lalaking balo na ubod ng yaman.
Siya ay nakatira sa isang
malapalasyong bahay na nakatayo
sa isang mataas na lugar.
Sa paanan ng kanyang
kinatitirikang bahay ay makikita
ang maliliit na kabahayan kung
saan nakatira ang mga
naghihikahos na tao. Gustong-
gusto niyang pinagmamasdan ang
mga ito araw-araw dahil lalong
lumulutang ang kanyang pagiging
mayaman.
Ang ugaling ito ng ama ang
nakapagpapalungkot sa kanyang kaisa-isang
anak na si Selina. Ibang-iba sa kanyang ama si
Selina. Bagama’t mayaman ay may mabuting
puso maging sa mahihirap. Kaya hindi kataka-
takang nang umibig ay tumibok ang kanyang
puso sa binatang si Lando na isang masipag,
makisig, matalino, at mabuting binatang
tanging ang kapintasan ay angpagiging
mahirap.
Ikinagalit ito nang husto ng kanyang amang naging
dahilan ng pagtakwil sa sariling anak. Lumipas ang
maraming buwan ay walang naging balita ang ama
sas anak Hanggang isang araw ay may isang
napakalakas na bagyong di inaasahang dumating sa
kanilang lugar. Tumagal ito nang ilang araw kaya't
tumaas ang tubig sa ilog at nagkaroon ng malaking
baha. Ang mga tao sa ibaba ng bundok, kasåma si-
Selina, ay pumunta sa bahay ng kanyang ama upang
humingi ng tulong at matutuluyan. Subalit hindi sila
pinapasok ng ama na naging dahilan ng Pagkamatay
ng lahat ngtao sa paanan ng bundok, kasåma si
Selina.
Huli na hang malåman ng matanda ang
kanyang pagkakamali. Siya na Iamang ang
natirang taong nabuhay sa lugar na iyon.
Tinangka niyang magpakamatay sa
pamamagitan ng pagtatarak ng Kutsilyo sa
kanyang dibdib ngunit laking gulat niya
nang hindi ito tumalab sa kanya.
Pag-isipan at Pag-usapan
• Sino ang pangunahing tauhan sa
lamat na binasa? Ilarawan ang
kanyang katangian.
• Sa iyong palagay, tama ba ang naging
kaparusahan ng Diyos sa kanyang
nagawang pagkakamali.
Pang-abay
• Tawag sa salita o lipon ng mga
salitang nagbibigay- turing sa
pandiwa, pang-uri o kapwa pang-
abay.
Iba’t ibang uri ng pang-abay
• Pamanahon-nagsasaad kung kailan ginanap,
ginaganap o gaganapin ang sinasabi ng
pandiwa sa pangungusap.
• May pananda- yaong gumagamit ng nang, sa,
noong, kung, tuwing, buhat, mula , umpisa at
hanggang
• Walang pananda- kahapon, kanina, ngayon,
mamaya, bukas sandali at iba pa.
• Panlunan-Pang-abay na tinatawag na
pariralang sa. Kumakatawan ito sa
lugar kung saan ginagawa ang kilos.
• Pamaraan-pang-abay na sumasagot
sa tanong na paraan.
• Panggaano- pag-abay na nagsasaad ng sukat o
timbang.
• Kataga o Ingklitik- katagang pangkaraniwang
sumusunod sa unang salita ng pangungusap. May 16
na kilalang pang-abay na ingklitik.
 man
 Kaya
 Din/ rin
 Pala
 Kasi
 yata
 ba
 Na
 Sana
 Tuloy
 Pa
 Naman
 Nang
 Lamang / lang
 Muna
 Daw/ raw

You might also like