You are on page 1of 6

Aralin 20: Pagsaklolo

sa Krotona
254
Bininit sa busog ang siyang katulad
ng tulin ng aming daong sa paglalayag,
kaya 'di nalaon paa ko'y yumapak
sa dalampasigan ng Albanyang S'yudad.
255
Pag-ahon ko'y agad nagtuloy sa kinta,
'di humihiwalay ang katotong sinta;
paghalik sa kamay ng poon kong ama,
lumala ang sakit nang dahil kay ina.
256
Nagdurugong muli ang sugat ng puso,
humigit sa una ang dusang bumubugso;
mawikang kasunod ng luhang tumulo;
Ay, ama! kasabay ng bating Ay, bunso!.
257
Anupa't ang aming buhay na mag-ama,
nayapos ng bangis ng sing-isang dusa;
kami ay dinatnang nagkakayakap pa
niyong embahador ng bayang Krotona
258
Nakapanggaling na sa palasyo real
at ipinagsabi sa hari ang pakay;
dala'y isang sulat sa ama kong hirang,
titik ng monarkang kaniyang biyanan
259
Humihinging tulong at nasa pangamba,
ang Krotonang Reyno'y kubkob ng kabaka;
ang puno ng hukbo'y balita ng sigla —
Heneral Osmalic na bayani ng Persya.
260
Ayon sa balita'y pangalawa ito
ng prinsipe niyang bantog sa sangmundo

Alading kilabot ng mga gerero,
iyong kababayang hinahangaan ko.
261
Dito napangiti ang Morong kausap,
sa nagsasalita'y tumugong banayad;
aniya'y Bihirang balita'y magtapat,
kung magtotoo ma'y marami ang dagdag.
262
At saka madalas kilala ng tapang
ay ang guniguning takot ng kalaban;
ang isang gererong palaring magdiwang,
mababalita na at pangingilagan.
263
Kung sa katapanga'y bantog si Aladin,
may buhay rin namang sukat na makitil;
iyong matatantong kasimpantay mo rin
sa kasam-ang palad at dalang hilahil.

You might also like