You are on page 1of 2

258 – Dala ng ambasador ng Krotona ang isang liham para kay Duke Briseo, ama ni

Florante. Ang hari ng Krotona ay biyenan (father-in-law) ni Duke Briseo.

259 – Nanganganib ang Krotona at humihingi sila ng tulong. Pinaliligiran kasi ang
Krotona ng hukbo ni Heneral Osmalik na taga Persiya.

260 – Kwento ni Florante: “Ayon sa mga balita, si Heneral Osmalik ay pangalawa sa


tanyag at sikat na Aladin, isang gerero (warrior) na kinatatakutan ng maraming
gerero, at hinahangaan ko.”

261 – Napangiti si Aladin sa kwento ni Florante. Mahinahon niyang sinabi na bihira


namang tama o buo ang mga bali-balita, at kahit na totoo ang balita, maraming
nadadagdag sa pag kwento.”

262 – Sinabi rin ni Aladin kay Florante na ang katapangan ay napapalaki sa isip ng
isang kinakabahang kalaban. Ang habang nananalo ang isang gerero, lalong
tumitindi ang pagkwento ng iba tungkol sa kagalingan nito, kaya lalo siyang
iniilagan o iniiwasan ng ibang mga manlalaban.

263 – Pinaaalahan din ni Aladin si Florante na kung naging sikat ang matapang na
si Aladin, tandaan din ni Florante na may pagkakataong muntik nang mamatay si
Aladin. Hindi rin magtatagal ay malalaman ni Florante na pantay din silang dalawa
ni Aladin sa kamalasan at sakit.

264 – Sinabi ni Florante kay Aladin na sana hindi maranasan ni Aladin ang
kasamaang-palad ni Florante. Ayaw niyang maranasan ninuman ang kanyang
sinapit. Kahit sa mga kalaban ni Florante, ayaw niyang maranasan nila ang dusa ni
Florante.

265 – Nagpatuloy sa kwento si Florante… Nang malaman ni Duke Briseo ang banta
sa Krotona, sinama niya si Florante kay Haring Linceo. Nakasuot sila ng pandigma.

266 – Bago pa sila makaakyat sa hagdan ng palasyo, sinalubong na ni Haring


Linceo yung dalawa. Niyakap niya si Duke Briseo, at kinamayan niya si Florante.
267 – Sinabi ni Haring Linceo kay Duke Briseo na kamukha ni Florante yung
gererong nasa panaginip ng hari, na siyang magtatanggol sa kaharian.

268 – Tinanong ng hari kung sino yung binata, at kung taga-saan siya. Sinabi ni
Duke Briseo na anak niya si Florante.

269 – Namangha si Haring Linceo. Niyakap niya si Florante, at ginawa siyang


Heneral ng hukbo na tutulong sa Krotona.

270 – Sabi ng Haring Linceo kay Florante – Patunayan mo na ikaw ang matapang
na gerero sa aking panaginip, na magsasabi sa buong mundo ng kapurihan at
kapangyarihan ng Haring Linceo.

271 – Pinaliwanag ni Haring Linceo na ang hari ng Krotona ay nuno (ancestor) ni


Florante. Kaya may dugong bughaw si Florante (royal blood), at kailangan niyang
makamit ang dangal at bunyi (honor and glory) sa giyera.

272 – Dahil tama nga naman ang sinabi ni Haring Linceo, pumayag si Duke Briseo
(kahit masakit sa kanyang kalooban), na ipadala si Florante sa giyera, kasi
napakabata pa nito, at kahit hindi pa siya dalubhasa sa patayan.

273 – Walang magawa si Florante kundi sabihin ang Haring poo’t (My Lord, My
King) habang dumapa siya sa paanan ng hari. Hahalikan na niya sana ang mga paa
ng hari, ngunit itinindig ng hari si Florante at muling niyakap.

You might also like