You are on page 1of 1

Saint Mary’s University

School of Graduate Studies

ABSTRAK
Layunin ng pananaliksik na ito na makapili ng mga kontemporaryong tula na
taglay ang angkop na katangian, maisalin gamit ang mga metodo na hinango mula sa
matalinong konsepto ni Newmark (2006) at mataya ng mga eksperto sa wika, panitikan at
pagsasalingwika batay sa itinakdang tuntunin at pamantayan sa pagsasalin na magagamit
na batayan sa pagdisenyo ng panukalang kagamitang panturo ng Panitikang Pilipino.
Ginamit ang Disenyong Deskriptibo-Ebalwatibo (Descriptive-Evaluative Design) sa pag-
iimbestiga o paglalarawan sa isang suliranin, proseso, pagtataya o pagsusuri sa kahusayan
ng mga polisiya, programa at iba pang ugnay na gawain. Naglalaman ang instrumento sa
pagtataya ng 35 na magkakaugnay na pahayag na tinipon batay sa konsepto nina
Waddington (2001), William (2001), Mehr at Akmali (2010). May 15 metodo ang
ginamit sa pagsasalin sa mga tula at lumabas na malimit gamitin ang mga metodong
pagsasaling literal; paghahalaw/panghihiram, salita-sa-salita at ang pagsasaling-
paimbabaw sa mga teksto sa Filipino. Napatunayan na mabisang natamo ang kasapatan,
kalikasan, kaangkupan, at katapatan ng mga salin na bunga ng tamang pagkakagamit ng
mataas na antas ng kaalaman sa mga tuntunin at pamantayan sa pagsasalin. Habang
lumabas na bahagyang naging mabisa ang mga salin pagdating sa kaisahan na may
kaugnayan sa hindi maayos na pagtutumbas sa mga matatalinhaga, tayutay, idyomatikong
pahayag, mga salitang banyaga, teknikal, siyentipiko at transposisyong kultural, at ang
pagbabawas o pagdaragdag ng salita na nakakaapekto sa kabisahan ng salin. Salig sa
tatlong naunang bahagi ng modelong ADDIE at sa atas ng Opisina ng Pangalawang
Pangulo sa Gawaing Pang-akademiko ang pagdisenyo sa pormat, mga bahagi at
nilalaman ng kagamitang panturo sa Panitikang Pilipino. Ang pananaliksik ay isinagawa
sa Nueva Vizcaya State University sa pangalawang semestre, taong pampaaralan, 2020 -
2021.

Susing Salita: Pagpili ng kontemporaryong tula, pagsasalin batay sa tuntunin at


pamantayan, pagtataya sa produktong salin, kagamitang panturo, at Panitikang Pilipino

IV

You might also like