You are on page 1of 2

Ang wika ay buhay at patuloy na nagbabago.

Ito’y aktibong umuunlad at lumalago sa


pagsasalin-salin ng mga henerasyon, at sa walang patid na paggamit sa pag-iisip, pagsulat at sa
pakikipagkumunikasyon. Ang Makabagong Ortograpiyang Pambansa ay binubuo ng mga
kalakaran kung paanong sumulat ang mga Pilipino sa kanilang wikang pambansa. Inilalahad sa
ortograpiyang ito ang estandardisadong mga grapema (o pagsulat ng mga simbolo) at mga
tuntunin sa paggamit at pagbigkas ng mga simbolong ito.

Sa pag-unlad ng teknolohiya sa ating mundo, naging bunga ito sa problemang kinakaharap ng


mga mag-aaral. Ang pag-unlad ng teknolohiya ang naghatid ng kalituan sa pagbabaybay ng
makabagong ortograpiyang pambansa.

Sa pananaliksik na ito malalaman kung gaano kataas ng lebel na kakayahan sa pagkilala at


paggamit ng makabagong ortograpiyang pambansa. Dahil dito inaanyayahan kayo ng
mananaliksik na basahin at unawain ang pananaliksik-papel sapagkat tinitiyak nila na marami
kayong makukuhang impormasyon.

Ang pag-aaral ay naglalayong malaman ang lebel na kakayahan sa pagkilala at paggamit ng


Makabagong Ortograpiyang Pambansa. Upang maisakatuparan ito, nararapat lamang masagot
ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano-ano ang lebel ng kakayahan ng mga mag-aaral ng Baitang 9 at 10 sa Paoay National
High School sa pagkilala ng Makabagong Ortograpiyang Pambansa.
2. Ano-ano ang lebel ng kakayahan ng mga mag-aaral ng Baitang 9 at 10 sa Paoay National
High School sa paggamit ng Makabagong Ortograpiyang Pambansa.
3. May pagkakaiba ba ang lebel ng kakayahan sa pagkilala at paggamit ng Makabagong
Ortograpiyang Pambansa ng Baitang 9 at 10 sa Paoay National High School.

Binigyang kahulugan ang mga sumusunod na termino ayon sa pagkakagamit sa pag-aaral.

Kakayahan – Ito ay tumutukoy sa katangian ng mga mag-aaral na gamitin at kilalanin ang


makabagong ortograpiyang pambansa.

Pagkilala – Ang kakayahan ng mga mag-aaral na malaman ang angkop na mga makabagong
ortograpiyang pambansa na ginagamit sa pangungusap.

Paggamit – Ang paggami ay tumutukoy sa abilidad ng mga mag-aaral na gamitin ang


makabagong ortograpiyang pambansa na angkop o ayon sa hinihingi ng mga pangungusap.
Ang pananaliksik na ito na may pamagat na Lebel ng Kakayahan sa Pagkilala at Paggamit ng
Makabagong Ortograpiyang Pambansa ng mga Mag-aaral ng Baitang 9 at 10 sa Paoay
National High School ay isang quantitative research sapagkat nilalaman nito ang lebel ng
kakayahan sa pagkilala at paggamit ng makabagong ortograpiyang pambasa.

Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa paaralan ng Paoay National High School sa bayan ng
Paoay, Ilocos Norte.

Ang mananaliksik ay pipili ng sampo (10) na tagatugon bawat seksyon ng baiting 9 at 10. Sa
kabuuan, mayroong 120 na kasapi sa pananaliksik na ito. Sila ay pinili sa pamamagitan ng
cluster sampling upang bigyang pansin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagkilala at
paggamit ng makabagong ortograpiyang pambansa.

Isasakatuparan ng mananaliksik ang pangangalap ng mga datos sa pamamagitan ng questionnaire


sa mga mag-aaral ng baiting 9 at 10 sa Paoay National High School. Sa tulong ng mga datos na
kaniyang makakalap, masusi niyang masusuri at bigyang interpretasyon ang mga ito upang
makabuo ng paglalagom, konklusyon, at rekomendasyon.

You might also like