You are on page 1of 5

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Pangunahing kasangkapan ng tao ang wika sa pagpapahayag ng kaisipan.  Sa


anumang anyo ng komunikasyon, malaking papel ang ginagampanan ng wika sa
pag-uugnayan ng bawat isa.  Nagdudulot it ng pagkakaunawaan at pagkakaisa na
siyang nagbubuklod sa isang pamayanan.  Sa pagiging buhay at dinamiko,
natutugunan ng wika ang pagganap ng tao sa aspekto ng pakikipagtalastasan.

Malawak ang sinasaklaw ng wikang Filipino.  Bukod sa itinuturing na walong


pangunahing wika (Tagalog, Bikol, Bisaya, Hiligaynon, Cebuano, Pangasinense,
Kapampangan at Ilokano), sakop nito anglahat ng katutubong wika na sinasalita sa
buong kapuluan.

Sa kabila ng pagkakaiba-iba, kakikitaan ang mga ito ng pagkakapareho sa


istruktura pagdating sa aspekto ng ponolohiya, morpolohiya, semantika at
sintaktika.  Isang bentahe para sa patuloy na pagtuklas at paglinang sa
wikang Filipino alinsunod sa Saligang Batas ng 1987 Artikulo IV Seksyon VI.

Gayong nagkakaiba-iba, ang isang partikular na wika ay hindi pirming


nakakahon sa lugar na pinagbuhatan nito.   Sa lalawigan ng Oriental Mindoro,
naging implikasyon ng lokasyong heograpikal nito ang migrasyon ng mga tao
buhat sa iba't ibang bahagi ng bansa.   Bagaman karamihan ng naninirahan
dito ay mga taal na tagapagsalita ng Tagalog, palasak din sa pulo ang wikang
Bisaya partikular sa Timog na bahagi. 
Kaugnay nito, matatagpuan sa Mindoro ang tribo ng mga Mangyan.   Ayon sa
tala ng Wikipilipinas, binubuo ito ng walong etnolinggwistikong pangkat ng
Alangan, Bangon, Taobuid, Buhid, Hanunuo, Iraya, Ratagnon at Tadyawan.

Napakahalagang magkaroon ng maayos na pag-uugnayan ang mga


Mindoreño kasabay ng patuloy na paglinang sa wikang inuusal.   Hindi
maitatangging Tagalog ang wikang pinakapalasak hindi lamang sa lalawigan
kundi maging sa buong bansa. Kaya naman magandang salalayan ito sa
pagpapaunlad ng mga katutubong wika.   Binanggit sa Wikipedia na may
kakayahan ang wikang ito sa pagtutumbas ng mga salitang banyaga lalong
higit ang iba pang katutubong wika sa Pilipinas.

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sapagkat nais malaman ng mga


mananaliksik ang pagkakatulad at pagkakaiba ng panlaping
makangalan ng wikang Tadyawan at Tagalog tungo sa pagbuo ng
isang diksyunaryo na mapakikinabangan ng mga mag-aaral.

Makikita sa unang kahon ang panlaping makangalan ng wikang

Tadyawan.  Sa ikalawang kahon ay ang panlaping makangalan ng wikang

Tagalog.  Sa balangkas na ito ay ipinakikita ang pagkakaiba at

pagkakapareho ng mga panlaping makangalan ng wikang Tadyawan at

Tagalog tungo sa pagbuo ng isang diksyunaryo.

Paglalahad ng Suliranin

     Ang pananaliksik na ito ay inaasahang makapagbigay ng impormasyon

hinggil sa panlaping makangalan ng wikang Tadyawan at Tagalog tungo sa

pagbuo ng diksyunaryo at makasagot sa mga sumusunod na katanungan:

1. Ano-ano ang mga panlaping makangalan ng


1.1.  Wikang Tadyawan

1.2.  Wikang Tagalog

2. Ano-ano ang mga pagkakatulad at pagkakaiba sa panlaping makangalan ng

wikang Tadyawan at Tagalog?

3.  Batay sa ginawang pag-aaral, anong kagamitan ang mabubuo at magagamit

ng mga mag-aaral na Tadyawan at Tagalog?

Haypotesis

     Ipinalalagay ng mga mananaliksik na walang pagkakaiba ang mga

panlaping makangalan ng wikang Tadyawan at Tagalog.

Saklaw at Delimitasyon

     Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang paghahambing sa mga panlaping

makangalan ng mga wikang Tadyawan at Tagalog.

     Nililimitahan lamang ang paghahambing sa mga panlaping ganap at

hindi ganap na magkatulad sa kahulugan at paraan ng paglalapi.

Kahalagahan ng Pag-aaral

     Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga sumusunod:

Mga mag-aaral na Tadyawan at Tagalog.  Ang pag-aaral na ito ay

higit na makatutulong upang magkaroon ng malawak na kaalaman ang mga

mag-aaral hinggil sa wikang Tadyawan at Tagalog na kanilang ginagamit

sa larangan ng pakikipagtalastasan at edukasyon.

Paaralan.  Makatutulong ang pag-aaral sa paaralan sapagkat

maaring tumaas ang bilang ng mga katutubong Tadyawan at Tagalog na


mag-aaral upang magpapatala sa institusyon dahil sa bukas na kamalayan

nito sa wikang Tadyawan-Tagalog bilang sangkap sa kurikulum.

Mga Guro.  Malaki ang maiaambag ng pag-aaral na ito sapagkat mas

huhusay ang pagtuturo ng guro sa pamamagitan ng paggamit ng

diksyunaryong Tadyawan-Tagalog na makatutugon sa pag-aaral ng mga mag-

aaral.

Sa mga susunod na mananaliksik.  Ang pananaliksik na ito ay

malaki ang maitutulong sa mga susunod na mananaliksik sapagkat

magiging gabay nila ito sa pag-aaral ng kaugnay na kaso.  Malaki ang

maiaambag nito sa pangangalap nila ng datos at dagdag na kaalaman.

Kahulugan ng mga Talakay

     Minarapat ng mga mananaliksik na bigyan ng depinisyon ang mga

sumusunod na terminolohiya batay sa paraan ng pagkakagamit sa

pananaliksik.  Makatutulong ito sa ganap na pag-unawa ng mambabasa sa

mga salitang tinalakay.

Diksyunaryo – kalipunan ng mga salita na may karampatang kahulugan.

Katutubong wika – Wika na umiiral at sinasalita ng tao sa isang

partikular na lugar.

Panlapi – kumukumpleto sa kaganapan ng isang salita.

Panlaping Makangalan – tumutukoy sa mga panlaping ikinakabit sa

salitang-ugat upang makabuo ng pangngalan.

Tadyawan – isa sa walong tribo ng Mangyan na naninirahan sa Oriental

Mindoro.
Tagalog – pangkat ng mga tao na mayoryang nakatira sa Oriental

Mindoro.

Wika – instrumento ng tao sa pakikipagtalastasan.

You might also like