Professional Documents
Culture Documents
HEOGRAPIKONG VARAYTI
KENT JAYRALD LIM
ALIAH ARE
JOVETH CUIDAD
GERALDINE CUIDAD
DIOVEC DESAMERO
Ang wika ng Ibaloi ay nag-ugat sa Malayo-Polenesian na sangay ng Austronesyanong wika. Ito ay may
kaugnayan sa wika ng Pangasinan na matatagpuan sa timog- kanluran malapit sa Benguet.
Sa paglipas ng panahon, unti-unting nalilimitahan ang paggamit ng Nabaloi. Ang patuloy na pagsasawalang-
bahala dito ay makakaimpluwensya sa maaaring paglaho ng lenggwahing Ibaloi sa mga sumusunod na
henerasyon.
- Ang paggamit ng wikang Tagalog, ingles, at Ilokano ay mas nagiging dominante
maging sa bagong henerasyon ng mga katutubong Ibaloi. Ang layunin ng awtor ay
subukang iligtas ang lenggwaheng Ibaloi mula sa tuluyan nitong paglaho.
- Ang wikang Ibaloy ay malapit na may kinalaman sa lenggwahe ng taga-Pangasinan na
kung saan ito ay sinasalita ng karamihan sa mga taga Sentral at Timog ng Benguet at ng
kanlurang Nueva Vizcaya. Ang mga dayalektong nabibilang dito ay ang Daklan, Kabayan,
at Bokod.
- Ang ponemang Ibaloi ay katulad sa mga ibang wika sa Pilipinas. Marami sa mga uri ng
pananalita ng mga Ibaloy ay kadalasang makikita sa mga titik na /f/, /dz/ at /v/. Ito ay
kadalasang naririnig sa mga lugar ng La Trinidad Valley at mga kalapit na lugar, ngunit
naririnig din naman sa iba pang mga lugar sa komunidad.
Mga Ambag na Salitang Ilokano sa ating Wikang
Pambansa
Ang Iloko (o Iluko, maari ring Ilokano o Ilocano) ay isa sa mga pangunahing wika ng
Pilipinas. Ito ang wikang gamit (lingua franca) ng halos kabuuan ng Hilagang Luzon lalo na
sa rehiyon ng Ilocos, sa lambak ng Cagayan at sa maraming bahagi ng Abra at Pangasinan.
Marami ring mga nagsasalita ng Iloko sa Nueva Ecija, Tarlac, Mindoro at sa ilang lalawigan
sa Mindanao.
- Tinatayang may mahigit 9 milyong gumagamit ng wikang Iloko sa Pilipinas. Maraming
bahagi ng mundo, kung saan nadako at namamalagi ang mga Ilokano, ang katatagpuan din ng
malalaking bahagdan ng mga nagsasalita ng Ilkoko katulad sa mga estado ng Hawaii at
California sa Amerika.
- Ang katawagang Iloko at Ilokano ay walang kaibhan kung ang wikang Iloko ang tinutukoy.
Ang tanging kaibhan nito ay ang wika o salita at ang taong gumagamit ng wika o ang
katutubong nagsasalita. Karaniwang Iloko o Iluko ang tawag sa wika o salita, at Ilokano o
Ilocano naman sa mga tao
LUZON
- Kanlurang Ilokano (Western Ilocano) - salitang malalim mna Ilokano, at sinamahan ng
Pang-galatok (Pangasinense)
- Rehiyon ng Ilocos (rehiyon1)
• Ilocos Norte – 98%
• Ilocos sur – 97%
• La Union – 96%
• Pangasinan – 90%
- Gitnang Ilokano (Central Ilocano) – salitang mayroong halong Igorot, Bontok at Apayao, ngunit Balarila
ng wikang Ilokano.
- Lambak ng Cagayan (rehiyon 2)
• Lalawigan ng Cagayan – 89%
• Lalawigan ng Isabela – 88%
• Lalawigan ng Nueva Vizcaya – 87%
• Lalawigan ng Quirino – 86%
Timog Ilokano (Southern Ilocano) – salitang Ilokano na mayroong salitang Kapampangan at salitang Tagalog.
- Gitnang Luzon (rehiyon 3)
• Ilang bahagi ng lalawigan ng Aurora – 65% (Eastern Ilocano)
• Lalawigan ng Bataan – 55%
• Lalawigan ng Bulacan – 49%
• Lalawigan ng Nueva Ecija – 70%
• Lalawigan ng Pampanga – 52%
• Lalawigan ng Tarlac – 84%
• Lalawigan ng Zambales – 77%
Timog Katagalugan (Southern Tagalog) – salitang Caveteño, Calambeño na nahaluan ng wikang Ilokano.
Mindanao
- Chavacano, Bisaya (Western Cebuano) – salitang may halong Chavacano Zamboanga, at nahaluan ng
wikang Ilokano at kasama ang ka-Musliman.
Tangway ng Zamboanga (rehiyon 9)
• Lalawigan ng Zamboanga Sibugay – 39%
• Lungsod ng Zamboanga – 38%
Bisdak, Bl’aan, Manobo, Muslim (Southern Cebuano) – salitang mababaw na Bisaya (Bisdak) at mahaluan
ng wikang Ilokano at kasama ang ka-musliman.
- SOCCSKSARGEN (rehiyon 12)
• Lalawigan ng Cotabato – 37%
• Lalawigan ng Sarangani – 36%
• Lalawigan ng Sultan Kudarat – 50 %
• Lalawigan ng Timog Cotabato – 35%
• Lalawigan ng General Santos – 33%
Luyag at Iba Pang Salitang Pangasinan Tungo sa
Pagpapayabong ng Wikang Filipino
Ang wikang Pangasinan o Pangasinense ay nasasailalim sa sangay Malayo-Polynesian ng pamilya ng
wikang Austronesian. Sinasalita ang Pangasinan ng higit pa sa dalawang milyong tao sa lalawigan ng
Pangasinan, ng iba pang mga pamayanang Pangasinan sa Pilipinas, at ng kapansin-pansing bilang ng mga
Amerikanong may kanunununuang
Pangasinan.
- Ang Pangasinan ang isa sa labindalawang pangunahing wika sa Pilipinas. Ang kabuuang populasyon ng
lalawigan ng Pangasinan ay 2,434,086, ayon sa sensus ng 2000. Ang pinnapalagay na bilang ng mga
katutubong mananalita ng wikang Pangasinan ay 1.5 milyon.
- Mga halimbawa ng wikang Pangasinense
• Sino – siopa, sio, si
• Ano – anto
• Saan – iner
• Kailan – kapigan, pigan
• Paano – pano, panonto
• Lahat – amin
• Malaki – baleg
• Mahaba – andokey
• Mabigat – ambelat
• Maliit – melag, melanting, tingot, daiset
• Maikli – melag, melanting, tingot, antikey, kulang, abeba
• Makipot – mainget
• Manipis – mabeng, maimpis
• Babae – bii
• Lalaki – laki, bolog
• Tao – too
• Bata – ogaw
• Hayop – ayep
• Isda – sira, ikano
Ang Salitang Kapampangan
- Ang wikang Kapampangan ay isa sa mga walong pangunahing wika ng Pilipinas. Ito
ang pangunahing wika ginagamit sa buong lalawigan ng Pampanga at Timugang Tarlac,
sa Timugang bahagi ng kalagitnaang kapatagan ng Luzon, karamihan nito ay
sumasailalim sa pangkat-etnikong Kapampangan. Sinasalita rin ang Kapampangan sa
Hilagang- silangang Bataan, pati na rin sa mga munisipalidad ng Bulacan, Nueva Ecija,
at Zambales na pumapaligid sa Pampanga. Nakakapagintindi at nakakapagsalita rin ng
Kapampangan ang mga iilang Aeta sa timugang bahagi ng gitnang Luzon. Ang naturang
wika ay tinatawag ding Pampango, Capampangan/ Capampañgan, Pampangeño, at
bilang paggalang, Amanung Sisuan.
- Ang Pamantayang Kapampangan ay may 21 ponema: 15 katinig at 5 patinig; ang iilang
kanlurang wika ay may anim na patinig. Madali ang istraktura ng pantig;ang bawat pantig
ay naglalaman ng isang katinig at isang patinig o higit pa.
PATINIG
- May limang patinig ang Kapampangan:
• /ɯ/, isang sarado, likod, at di- bilugang patinig kung hindi binigyang-diin; aloponiko
sa /a/, isang bukas, harap, at di-bilugang patinig tulad ng “father” sa Ingles kung binibigyang-diin.
• /ɛ/, isang bukas-katamtaman, harap, at di-bilugang patinig tulad ng “bed” sa Ingles.
• /i/, isang sarado, harap, at di-bilugang patinig tulad ng “machine” sa Ingles.
• /o/, isang sarado-katamtaman, likod, at bilugang patinig tulad ng “forty” sa Ingles.
• /u/, isang sarado, likod, at bilugang patinig tulad ng “flute” sa Ingles.
Kabilang din ang /ə/ sa mga iilang wika. Mayroong apat na pangunahing diptonggo: /aɪ/, /oɪ/, /aƱ/, at /iƱ/. Sa
karamihan ng mga dayalekto, binabawasan ang /aɪ/at /aƱ/ at nagiging /ɛ/ at /o/ ayon sa pagkabanggit.
Mayroong mga alpono ang mga monoptonggo sa mga posisyon na walang- diin at pantig- pangwakas:
• Ang /a/ ay itinataas nang kaunti sa mga posisyong walang-diin, maliban sa mga huling pantig.
• Ang /iu/ na walang- diin ay karaniwang binibigkas bilang [IƱ], tulad sa “bit” at “book”
sa Ingles, ayon sa pagkabanggit (maliban sa huling pantig).
• Sa huling pantig, ang /i/ ay maaring bigkasin bilang [ɛ, i], at binibigkas ang /u/ bilang [o, u].
KATINIG
- Sa talahanayan ng mga katinig-kapampangan, aspirado ang lahat ng mga plosibo.
Nagkakaroon ng agma sa lahat ng posisyon, kasama ang simula ng isang salita. Hindi
katulad sa mga ibang wika ng Pilipinas, walang ponemang /h/ ang Kapampangan.
•May kaugaling maglenita ang /k/ sa [x] sa gitna ng mga patinig.
• Ang [d] at [r] ay alpono sa Kapampangan, at minsan mapagpapalit sa isa’t-isa; Nukarin la ring
libru? ay maaaring Nukarin la ding libru? (Saan ang mga libro).
• Kadalasang nawawala ang impit sa huling bahagi ng salita na sa gitna ng isang pangungusap.
• Salitang hiram ng mga Kapampangan sa wikang Tsino (lalo na sa Kantones at
Hokkien), tulad ng:
1. apu- lola (maternal)
2. impu – lola (paternal)
3. ingkung – lolo (paternal)
4. atchi – ate (panganay)
5. koya – kuya (panganay)
6. susi – susi
7. pansit – pansit (literal na agarang pagkain)
8. buisit – buwisit o malas (literalna “nang walang damit at pagkain”)
Salitang hiram ng mga Kapampangan sa wikang Tsino (lalo na sa Kantones at
Hokkien), tulad ng:
1. apu- lola (maternal)
2. impu – lola (paternal)
3. ingkung – lolo (paternal)
4. atchi – ate (panganay)
5. koya – kuya (panganay)
6. susi – susi
7. pansit – pansit (literal na agarang pagkain)
8. buisit – buwisit o malas (literalna “nang walang damit at pagkain”)
• Dahil sa impluwensiya ng Budhismo at Hinduismo, nakakuha rin ang Kapampangan
ng mga salita mula sa Sanskrito. Kabilang sa mga halimbawa ang:
1. alaya- tahanan, mula sa sanskritong alaya.
2. kalma – kapalaran, mula sa sanskritong karma.
3. damla – banal na batas, mula sa sanskritong dharma
4. mantala – pangkulam, mula sa sanskritong mantra
5. upaya – kapangyarihan, mula sa sanskritong upaya
6. siula – boses, mula sa sanskritong svara
7. lupa – mukha, mula sa sanskritong rupa
8. sabla – bawat, mula sa sanskritong sarva
9. lawu – laho, mula sa sanskritong rahu
10. galura – higanteng agila o phoenix, (apilyedo), mula sa sanskritong garuda
11. laksina – timog, (apilyedo), mula sa sanskritong Dakshin
12. laksamana – almirante(apilyedo), mula sa sanskritong lakshamana
Mayroon ding mararaming salitang hiram ang wika mula sa Kastila, tulad ng suerti
(mula suerte, “swerte”), kurus (mula sa cruz, “krus:”), karni (mula sa carne, “karne”),
korsunada (from corazonada, “crush”) at kasapego (from casa fuego, “kumbad”).
Tagalog Lucban
- Ang Lucban ay isang ika-3 klaseng bayan sa lalawigan ng Quezon, Pilipinas. Ayon sa
senso ng 2020, ito ay may populasyon na 53,091 sa may 11, 342 na kabahayan. Tagalog
ang wikang ginagamit ng mga taga- Lucban.
Sulyugan: Tagalog Mindoro sa Komunidad Pangwika ng Bongabong
- Noong ika-17 siglo pa nang magsimulang gumuhit ng kasaysayan ang bayan ng Bongabong. Maraming
haka-haka ukol sa pinagmulan ng salitang Bongabong. Pinaniniwalaang ito ay mula sa salitang Mangyan na
“binagao” na ang ibig sabihin ay malakas na daluyong ng tubig. Ang mga Mangyan ang orihinal na naninirahan
sa lalawigan ng Silangang Mindoro, at ang ilang uri ng etnolinggwistikong grupo ay nakatira sa bulubunduking
barangay ng Bongabong gaya ng Hagan, Lisap, Morente, at Batangan.
Isang anekdota ang pinaniniwalaang ang pangalan ng bayan ay nagmula sa isang makabuluhang tunog ng
baril. Ayon sa kwento, isang Amerikanong sundalo ang naglalakad sa Ilog Sukol, habang palakad-lakad ay
nakita niya ang hitik na mga “bunga” na ginagawang nganga. Dahil sa ganda ng kulay, agad itong binarily ng
Amerikano at narinig ang tunog nitong “bong”. Samakatuwid, pinaniniwalaang ang pangalan ng bayan ng
Bongabong ay mula sa pinagsamang dalawang salita na “bunga” at “bong” kaya kalauna’y tinawag ang bayan
na “Bongabong”
- Nagkaroon ng komunidad pangwika kung may isang pangkat ng mga taong
nagkakaunawaan sa layunin at estilo ng pakikipagtalastasan sa paraang sila lamang ang
nakababatid at hindi nauunawaan ng mga taong hindi kabilang sa pangkat. Sa patuloy na
pakikipag-usap ng mga grupo ng tao at iba pang grupo ng isang komunidad nagkakaroon ng
katangian ang mga salita na naiiba sa iba pang pangkat. Ito ay nagdudulot ng pagkakaroon ng
iba’t-ibang komunidad ng tagapagsalita o komunidad pangwika. Ang komunidad pangwika ay
sakop ng sosyolinggwistika na sinusuri ang istruktura ng mga leksikal na aytem sa komunidad
pangwika. Ito ang guguhit ng pinagmulan at pinagsasaluhang tradisyon na daan upang
matugunan ang pangangailangang panlipunan.