You are on page 1of 27

MAPANURING PAGHAHAMBING SA PONOLOHIYA, MORPOLOHIYA AT

SINTAKSIS SA PILING WIKAIN NG PILIPINAS

Bilang Bahagi ng mga Kakailanganin


sa Asignaturang FILC-601 – Paghahambing ng Pag-aaral
ng Iba’t ibang Wika sa Pilipinas
Southern Leyte State University
College of Teacher Education
San Isidro, Tomas Oppus, Southern Leyte

Analiza S. Jumadas
Ma. Allyndia M. Maturan
Roxanne M. Meking
Arianne G. Quirong
Jeralyn D. Rusaban
Shiela Mae B. Yamson

Oktubre 2017
Introduksyon

Kung ang tao’y naisilang na iba sa kanyang kapwa, ganoon din ang wikang

sangkap niya sa pagpapakatao maging ang bansang kanyang kinabibilangan. Ang

Pilipinas ay isa sa bansang natatangi, nagtataglay ng yamang ‘di maikukubli. Ganoon na

lamang din ang pagkakaroon nito ng napakaraming wikain udyok ng pagkakahiwa-

hiwalay ng mga pulo.

Noon pa man ay batid na ang pagkakaroon nito ng pagkakakilanlan hindi sa

pagkakawatak-watak ng kanyang mga mamamayan kundi sa namumukod-tanging

pagkakaisa ng kanyang mga nasasakupan gamit ang hinirang na wikang pambansa.

Subalit totoo ngang ang taumbayan ay hindi nakakalimot sa kanyang kinamulatan

kaya naman ay talamak ang paggamit ng nakararami sa kanilang wikang kinagisnan

sapagkat ang bawat tao ay may sariling wika na ginagamit niya sa pakikipamuhay at

pakikisangkot sa kanyang mga kalahi.

Ayon nga kay Dr. Jose Rizal sa kanyang akdang Sa Aking Kabata, “Ang hindi

magmahal sa kanyang salita, mahigit sa hayop at malansang isda, laya ang marapat

pagyamaning kusa na tulad sa inang tunay na nagpala.”

Dagdag pa ni Sauco (2002) na binanggit sa pag-aaral nina Aure, A. et al (2017),

ang wika ay pinakamahalagang mekanismo sa buhay ng tao na tulad sa atin na

hinuhubog, pinamamatnubayan, pinayayaman at pinagiging dapat sa pamamagitan ng

pagtitipon ng mga nakaraang karanasan ng ating kapwa.

Sa kabilang banda ay hindi natin matatakasan ang katotohanang ang pagkakaiba-

iba ng dayalektong ginagamit sa araw-araw ay nagdudulot ng suliranin sa bansa subalit


ayon kay Tubo (2017), ipagtanggol ang pagpapaunlad ng iba pang wikain sa Pilipinas.

Suportahan ang pagpapatayo ng mas marami pang sentro sa araling rehiyonal. Hikayatin

ang pamahalaan na gamitin sa sistema ng edukasyon ang iba pang wikain sa bansa

gaano man karami o kaunti ang gumagamit nito dahil ang paglinang at pagsulong sa

sariling wika ang tunay na susi sa inaasam-asam na kaunlaran ng bansa.

Pinagtibay naman ito nina Saussure, Bloomfield at Roussean na ang pagkakaroon

ng varayti at varyasyon ng wika sa paniniwala ng mga linggwist ng pagiging

heterogeneous o pagkakaiba-iba ng wika at hindi kailanman pagkakatulad o uniformiclad

ng anumang wika ay dala ito ng nagkakaibang pangkat ng tao na may iba't ibang lugar

na tinitirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa. Sa pagdaan ng panahon nagiging

ispesyalisado ang mga gawain at tungkulin ng tao at ito ay nagreresulta sa pagkakaiba-

iba ng kultura at wika na siyang nagiging panukat sa progreso ng tao.

Mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga varayti ng wika upang

mabuksan ang kamalayan ng bawat isa sa mga katangian ng sari-sariling wika (Liwanag

2006).

Tatalakayin ng mga mananaliksik sa papel na ito ang pagkakaiba-iba at

pagkakatulad ng mga wikaing Hiligaynon, Bikol, Waray at Tausug sa larangan ng

ponolohiya (tunog), morpolohiya (salita) at sintaksis (pangungusap) sa wikang

pambansang Filipino.

Magsisilbing patnubay ang pagtalakay na ilalahad sa papel na ito para sa mga

propesor, estudyante, mananaliksik at mga nagpaplano ng wika sa edukasyon partikular

sa varayti ng Filipino na ginagamit ngayon sa iba't ibang rehiyon ayon sa lugar ng taong

nagsasalita (heograpiko) at ayon sa pangkat na kinabibilangan (sosyolek).


Teoritikal – Konseptuwal na Balangkas ng Pag-aaral

Nakasalig sa pag-aaral ang paniniwala nina Santos at Hufana (2008) at Tucker

(1996) na binanggit sa pag-aaral nina Aure, A. et al. (2017).

Para kina Santos at Hufana (2008), ang varyasyon ng wika ay nasa tunog, mga

salita o bokabularyo, istruktura ng gramatika o sa mga eksternal na salik tulad ng

heograpikal o grupong sosyal. Nasa varyasyong heograpikal kung pumapasok dito ang

pagkakaiba sa tono, sa bokabularyo at sa morpolohiya ng wika o gramatika nito. Dagdag

pa nila, nagkakaroon ng pagkakaiba sa wika batay na rin sa lugar o lokasyon ng

tagagamit ng wika.

Kaugnay nito ipinahayag ni Manrique (2014) na ang sariling wika ay mahalaga at

nakatutulong sa kabuuang pag-unlad ng pagkatao ng isang indibiduwal. Ito ang

nagsisilbing pundasyon na makatutulong upang higit pang matutunan ang iba pang

bagay sa loob at labas ng paaralan.

Ipinaliwanag din nina Paz (2010) na hanggang sa puntong ito binabanggit ang

wika na parang homojinyus o pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit ng isang

wika. Pero alam naman natin na hindi ganito ang wika. Nalalaman natin na may

nagsasalitang iba ang punto, o may mga gumagamit ng ibang salita para sa isang

kahulugan. Kaya may varayti ang wika na tinatawag na dayalek. Nagkakaintindihan ang

nagsasalita ng mga dayalek ng isang wika pero kinikilala nila na may pagkakaiba ang

mga salita nila. Pwedeng hindi pareho ang pagbigkas nila ng isa o ilang tunog, o iba ang

ginagamit na salita para sa isang bagay o may ilang pagkakaiba sa pagbuo ng ilang

pangungusap, pero nagkakaintindihan pa rin sila. Nagsasalita lang sila ng magkabilang

dayalek ng isang wika.


Santos at Hufana (2008)
Tucker (1996)

Ang varyasyon ng wika ay nasa


tunog, mga salita o bokabularyo,
Ang pinakamahalagang bagay
istruktura ng gramatika o sa mga
na dapat taglayin ng isang tao
eksternal na salik tulad ng
heograpikal o grupong sosyal. ay ang pagiging bihasa sa
kanyang sariling wika.

Mapanuring
Paghahambing sa
mga Piling Wikain:
Hiligaynon, Bikol,
Waray at Tausug

SINTAKSIS PONOLOHIYA

MORPOLOHIYA

KALIPUNAN NG MGA TALAHANAYANG NAGPAPAKITA NG TALAKAYANG


PAGHAHAMBING

Pigura 1: Teoritikal-Konseptuwal na Balangkas ng Pag-aaral


Nangyayari ang pagbabago sa lahat ng lebel ng wika: lebel ng tunog o

pagbabagong pamponolohiya, sa mga salita o pagbabagong pangmorpolohiya, sa

pagbubuo ng mga pangungusap o pagbabagong pansintaks at sa kahulugan o

pagbabagong pansemantik. Ang pinakamabilis na pagbabago ay nasa lebel ng salita.

Madaling tinatanggap ang pagbabago sa mga termino, pangalan ng materyal o pisikal na

elemento na kinuha sa ibang kultura, kaysa pagbabago sa lebel ng tunog o sa sintaks ng

wika.

Kaya nabanggit ni Troutman (2008) na sa bawat pag-inog ng mundo ang wika ay

patuloy na nagbabago sa aspektong ponolohikal, morpolohikal, semantika at sintaktika

at ibang katangian ng wika. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang katangian ng wika ay

nagbabago kapwa sa lebel ng lingwistik na komunidad at ganoon din ang indibidwal na

ispiker. Tinutukoy rito ng mga linggwista ang varyasyon sa ponetiks, ponolohiya,

morpolohiya, sintaktik at semantic.

Ang ponolohikal ay ang pag-aaral ng mga pattern ng mga tunog ng wika, mga

tunog na ginagamit sa pagbuo ng mga salita sa isang partikular na wika at tunog na

naririnig kung bumibigkas ng isang buong salita o pahayag o pangungusap ang

nagsasalita.

Ang morpolohikal naman ay ang sangay ng linggwistika na nag-aaral ng morpema

(morpheme) o pinakamaliit na yunit ng tunog na may kahulugan. Pinag-aaralan dito ang

sistema ng pagsasalansan ng mga morpema upang makabuo ng salita na may payak o

komplikadong kahulugan. Ang mga morpema ay maaaring isang buong salita, panlapi,

artikulo, o metalinggwistikal na yunit ng kahulugan tulad ng intonasyon at diin

(Constantino, 2012).
Ang sintaksis ay pag-aaral o pag-uugnay ng mga salita para makabuo ng mga

parirala, sugnay at mga pangungusap.

Kung gayon, layunin nitong matalakay sa pamamagitan ng paghahambing ng ilang

pangunahing wikain sa Pilipinas upang mabigyang pansin ang pagkakaiba at

pagkakatulad nito sa ponolohiya, morpolohiya at sintaksis na ibabatay sa wikang

pambansang Filipino. Lamang din ay magkakaroon ng kaalaman ang mga mag-aaral at

kaukulang mananaliksik sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon pa rin ng kaibahan ang

pananalita ng mga Pilipino sa loob ng iisang bansa.


Pagtalakay sa mga Kaisipan

Ilalahad sa bahaging ito ang mga lipon ng salitang nalikom at mga kaukulang

pagpapaliwanag sa pagkakaroon ng varyasyon mula sa mga taong nakapanayam.

Filipino – Waray

Ponolohiya

Talahanayan 1: Halimbawa ng mga Salitang Filipino na may Katumbas sa Waray

Filipino Waray

Kain Kaon

Gabi Gab-e

Lakad Lakat

Ilong Irong

Away Away

Mula kay Ma. Lourdes Dechosa

Mapapansin sa talahanayang nasa ibabaw ang mga sumusunod na nasuri sa mga

halimbawang salita:

Ang ponemang i sa salitang Kain sa Filipino ay naging o sa Waray kung kaya’t

naging Kaon, nagpapamalas lamang ito na mas gamitin ng mga waray-waray ang

ponemang o sa pakikipagkomunikasyon upang maipabatid ang kanilang pagkakilanlan.

Ang ponemang i sa salitang Gabi sa Filipino ay naging e sa Waray kung kaya’t

naging Gab-e, natuklasang gumamit ito ng gitling upang mapaghiwalay nang mabigyan

ng diin ang pagkakabigkas sa salita.


Ang ponemang d sa salitang Lakad sa Filipino ay naging t sa Waray kung kaya’t

naging Lakat, nagpapamalas lamang ito na mas gamitin ng mga waray-waray ang

ponemang t sa pakikipagkomunikasyon upang maipabatid ang kanilang pagkakilanlan.

Ang ponemang l sa salitang Ilong sa Filipino ay naging r sa Waray kung kaya’t

naging Irong, nagpapamalas lamang ito na mas gamitin ng mga waray-waray ang

ponemang r sa pakikipagkomunikasyon upang maipabatid ang kanilang pagkakilanlan.

Samantala, mapapansin na sa mga halimbawa, tanging ang salitang Away

lamang ang walang pinagbago, nagpapatunay na may ugnayan pa rin ang wikang

pambansa sa wikaing Waray.

Mababatid na ang mga ponemang i – o, i – e, d – t, at l – r ay malayang

nagpapalitan.

Morpolohiya

Talahanayan 1.1: Halimbawa ng mga Salitang Filipino na may katumbas sa Waray

Filipino Waray

Maganda Mahusay

Umaga Aga

Tanghali Udto

Gawa Trabaho

Pangit Maraot/Marakhot

Sigaw Singgit

Matakaw Lamot/Halot

Mula kay Ma. Lourdes Dechosa


Mapapansin sa talahanayang nasa ibabaw ang mga sumusunod na nasuri sa mga

halimbawang salita:

Ang salitang Maganda sa Filipino ay isinalin nang buo sa Waray at naging

Mahusay. Makikitang nanatili ang unlaping ma-, pinalitan ang ponemang g at naging h

at tuluyan ng binago ang kayarian ng mga natirang ponema. Mababakas na may

natatanging wika ang Waray.

Ang mga salitang Gawa, Tanghali, Pangit, Sigaw at Matakaw sa Filipino ay

isinalin nang buo sa Waray at naging Trabaho, Udto, Maraot / Marakhot, Singgit at

Lamot/Halot. Walang mababakas na pagbabagong morpoponemiko sapagkat ang mga

salitang nailahad ay may orihinal na katumbas sa Waray. Subalit, mapapansing ang

salitang Udto at Singgit ay tumutunog Cebuano/Bisaya habang ang salitang Trabaho

ay tumutunog Filipino naman na nagpapamalas lamang na may ugnayan ang iba’t ibang

wikain at may iba-ibang katawagan sa mga bagay-bagay ang bawat pangkat ng tao.

Samantala, batid naman na hindi lamang isa ang katumbas na salita nito kundi maging

dalawa; ang makabagong salin at ang lumang salin ng salita.

Ang salitang Umaga sa Filipino ay naging Aga sa Waray. Makikitang may

pagkakaltas na nangyari, inalis ang unlaping um- at pinanatili ang salitang ugat na Aga.

Mababakas na may natatanging istruktura ng wika ang Waray.


Sintaksis

Talahanayan 1.2: Halimbawa ng mga Pangungusap na Filipino na may Katumbas sa Waray

FILIPINO WARAY

Mapayapa ang manirahan sa Pilipinas. Malinawon an pag-ukoy ha Pilipinas.

Hindi madali ang magtrabaho sa minahan. Dire madali an pagtrabaho ha minahan.

Mula kay Ma. Lourdes Dechosa

Mapapansin sa talahanayang nasa ibabaw ang mga sumusunod na nasuri sa mga

halimbawang pangungusap:

Kapwa nasa karaniwang ayos ang mga halimbawang pangungusap na

nagkakaiba lamang sila sa anyo ng salita katulad lamang ng Mapayapa – Malinawon,

Ang – An, Manirahan – Pag-ukoy, at Sa – Ha (Unang Pangungusap); Hindi – Dire,

Ang – An, Magtrabaho – Pagtrabaho, at Sa – Ha. (Ikalawang pangungusap) May

nangyaring pagkakaltas (Ang Ang ay naging An na lamang) at pagpapalit ng ponema sa

mga salita sa loob ng pangungusap (Ang Sa ay naging Ha). Subalit nailahad naman nang

may kaayusan ang diwa at hindi ito lumabas na literal o mali-maling pagkakasalin.

Gayunpaman, may mga salita pa ring kapareho lamang sa wikang pinagbabasehan.

Sinasabing kaya nagkakaroon ng pagkakahawig ang Waray sa ibang wikain tulad

ng Cebuano at Filipino ay dahil sa heograpiya nito, higit lalo’t ang nakapanayam ng mga

mananaliksik ay nasa pagitan ng Ormoc City (Bisaya), Biliran (Waray) at Tacloban

(Filipino-Waray-Bisaya). Napag-alaman din na may diin kung magsalita ang mga Waray
malimit lamang ang may kalambingan at lubos na nagagamit sa pakikipagtalastasan ang

ponemang r.

Filipino – Hiligaynon

Ponolohiya

Talahanayan 2: Halimbawa ng mga Salitang Filipino na may Katumbas sa Hiligaynon

Filipino Hiligaynon

Kain Kaon

Gabi Gab-e

Away Away

Ilong Ilong

Mula kay Jonathan Angeles

Mapapansin sa talahanayang nasa ibabaw ang mga sumusunod na nasuri sa mga

halimbawang salita:

Ang ponemang i sa salitang Kain sa Filipino ay naging o sa Hiligaynon kung kaya’t

naging Kaon, nagpapamalas lamang ito na mas gamitin ng mga taga-Ilo-ilo ang

ponemang o sa pakikipagkomunikasyon upang maipabatid ang kanilang pagkakilanlan.

Ang ponemang i sa salitang Gabi sa Filipino ay naging e rin sa Hiligaynon kung

kaya’t naging Gab-e, natuklasang gumamit ito ng gitling upang mapaghiwalay nang

mabigyan ng diin ang pagkakabigkas sa salita.

Samantala, mapapansin na sa mga halimbawa, tanging ang salitang Away at

Ilong lamang ang walang pinagbago, nagpapatunay na may ugnayan pa rin ang wikang

pambansa sa wikaing Hiligaynon.


Mababatid na sa Hiligaynon, ang mga ponemang i – o at i – e ang malayang

nagpapalitan.

Morpolohiya

Talahanayan 2.1: Halimbawa ng mga Salitang Filipino na may Katumbas sa Hiligaynon

Filipino Hiligaynon

Maganda Gwapa

Umaga Aga

Tanghali Udto

Lakad Panaw

Gawa Obra

Pangit Law-ay

Sigaw Singgit

Matakaw Masamok

Mula kay Jonathan Angeles

Mapapansin sa talahanayang nasa ibabaw ang mga sumusunod na nasuri sa mga

halimbawang salita:

Ang mga salitang Maganda, Tanghali, Lakad, Gawa, Pangit, Sigaw at Matakaw

sa Filipino ay isinalin nang buo sa Hiligaynon at naging Gwapa, Udto, Panaw, Obra,

Law-ay, Singgit at Masamok. Walang mababakas na pagbabagong morpoponemiko

sapagkat ang mga salitang nailahad ay may orihinal na katumbas sa Hiligaynon. Subalit,

mapapansing ang salitang Gwapa, Udto, Panaw, Obra, Law-ay, Singgit at Masamok

bilang mga salin ay tumutunog Cebuano/Bisaya, nagpapamalas lamang ito na may


malaking ugnayan ang pulo ng Iloilo sa pulo ng Cebu at Leyte at may iba-ibang

katawagan sa mga bagay-bagay ang bawat pangkat ng tao.

Ang salitang Umaga sa Filipino ay naging Aga sa Hiligaynon. Makikitang may

pagkakaltas na nangyari, inalis ang unlaping um- at pinanatili ang salitang ugat na Aga.

Mababakas na may natatanging istruktura ang wika ng Hiligaynon.

Sintaksis

Talahanayan 1.2: Halimbawa ng mga Pangungusap na Filipino na may Katumbas sa Hiligaynon

FILIPINO HILIGAYNON

Mapayapa ang manirahan sa Pilipinas. Masolhay ang mag-istar sa Pilipinas.

Hindi madali ang magtrabaho sa minahan. Mabodlay ang mag-obra sa minahan.

Mula kay Jonathan Angeles

Mapapansin sa talahanayang nasa ibabaw ang mga sumusunod na nasuri sa mga

halimbawang pangungusap:

Kapwa nasa karaniwang ayos ang mga halimbawang pangungusap nagkakaiba

lamang sila sa anyo ng salita katulad lamang ng Mapayapa – Masolhay at Manirahan

– Mag-istar (Unang Pangungusap); Hindi madali – Mabodlay at Magtrabaho – Mag-

obra.(Ikalawang pangungusap) Nailahad naman nang may kaayusan ang diwa at hindi

ito lumabas na literal o mali-maling pagkakasalin. Gayunpaman, nakahihigit ang mga

salitang nasa pangungusap ang kapareho lamang sa wikang pinagbabasehan.


Sinasabing kaya nagkakaroon ng pagkakahawig ang Hiligaynon sa ibang wikain

tulad ng Cebuano/Bisaya dahil sa heograpiya nito, higit lalo’t ang nakapanayam ng mga

mananaliksik ay taga- Capiz, Iloilo. Ang pulong ito halong Bisaya/ Filipino/ Iloilo dahil sa

malapit lamang ito sa Cebu at Masbate at Bacolod na Bisaya rin ang ginagamit na wika.

Napag-alaman din na may kalambingan ang pagsasalita nila sa kanilang wika.

Filipino – Bikolano

Ponolohiya

Talahanayan 1: Halimbawa ng mga Salitang Filipino na may Katumbas sa Bikolano

Filipino Bikol

Lakad Lakaw

Away Iwal

Mula kay Mark Tripon

Mapapansin sa talahanayang nasa ibabaw ang mga sumusunod na nasuri sa mga

halimbawang salita:

Ang ponemang d sa salitang Lakad sa Filipino ay naging w sa Bikolano kung

kaya’t naging Lakaw, nagpapamalas lamang ito na mas gamitin ng mga taga-Bikol ang

ponemang w sa pakikipagkomunikasyon upang maipabatid ang kanilang pagkakilanlan.

Ang ponemang A at Y sa salitang Away sa Filipino ay naging I at L sa Bikolano

kung kaya’t naging Iwal, nagpapamalas lamang ito na malayang nagpapalitan ang

ponemang a – i at y – l.
Morpolohiya

Talahanayan 1.1: Halimbawa ng mga Salitang Filipino na may Katumbas sa Bikolano

Filipino Bikol

Maganda Magayon

Kain Takan

Umaga Aga

Tanghali Udto

Gabi Bangui

Gawa Gibo

Pangit Makanus

Sigaw Kurahaw

Matakaw Tablok

Ilong Dungo

Mula kay Mark Tripon

Mapapansin sa talahanayang nasa ibabaw ang mga sumusunod na nasuri sa mga

halimbawang salita:

Ang mga salitang Maganda, Kain, Tanghali, Gabi, Gawa, Pangit, Sigaw,

Matakaw, at Ilong sa Filipino ay isinalin nang buo sa Bikolano at naging Magayon,

Takan, Udto, Bangui, Gibo, Makanus, Kurahaw, Tablok at Dungo. Walang

mababakas na pagbabagong morpoponemiko sapagkat ang mga salitang nailahad ay

may orihinal na katumbas sa Bikolano. Subalit, mapapansing ang salitang Udto ay

tumutunog Cebuano/Bisaya na nagpapamalas lamang na may ugnayan ang iba’t ibang

wikain at may iba-ibang katawagan sa mga bagay-bagay ang bawat pangkat ng tao.
Ang salitang Umaga sa Filipino ay naging Aga sa Bikolano. Makikitang may

pagkakaltas na nangyari, inalis ang unlaping um- at pinanatili ang salitang ugat na Aga.

Mababakas na may pagkakahawig ang istruktura ng wika ng Bikolano sa Waray na

napatunayan sa ibabaw na bahagi ng pagtatalakay.

Sintaksis

Talahanayan 1.2: Halimbawa ng mga Pangungusap na Filipino na may Katumbas sa Bikolano

FILIPINO BIKOLANO

Mapayapa ang manirahan sa Pilipinas. Matuninong an mag istar sa Pilipinas.

Hindi madali ang magtrabaho sa minahan. Despisil magtrabaho sa minahan.

Mula kay Andrea Mae G. Bongalosa

Mapapansin sa talahanayang nasa ibabaw ang mga sumusunod na nasuri sa mga

halimbawang pangungusap:

Kapwa nasa karaniwang ayos ang mga halimbawang pangungusap, nagkakaiba

lamang sila sa anyo ng salita katulad lamang ng Mapayapa – Matuninong, Ang – An,

at Manirahan – Mag-istar (Unang Pangungusap); Hindi madali – Despisil (Ikalawang

pangungusap). May nangyaring pagkakaltas (Ang Ang ay naging An na lamang). Subalit

nailahad naman nang may kaayusan ang diwa at hindi ito lumabas na literal o mali-maling

pagkakasalin. Gayunpaman, may mga salita pa ring kapareho lamang sa wikang

pinagbabasehan.
Sinasabing kaya nagkakaroon ng pagkakahalo ang Bikolano sa ibang wikain tulad

ng Cebuano, Filipino at Waray ay dahil sa heograpiya nito, higit lalo’t ang nakapanayam

ng mga mananaliksik ay tubong Magaraw, Camarines Sur, katapat ng islang Bikol ang

isla ng Samar. Napag-alaman din na may kalambingan ang kanilang intonasyon.

Filipino – Tausug

Ponolohiya

Talahanayan 1: Halimbawa ng mga Salitang Filipino na may Katumbas sa Tausug

Filipino Tausug

Kain Kaon

Pangit Mangih

Ilong Ilong

Mula kay Ammar I. Yasser

Mapapansin sa talahanayang nasa ibabaw ang mga sumusunod na nasuri sa mga

halimbawang salita:

Ang ponemang i sa salitang Kain sa Filipino ay naging o sa Tausug kung kaya’t

naging Kaon, nagpapamalas lamang ito na mas gamitin ng mga Tausug ang ponemang

o sa pakikipagkomunikasyon upang maipabatid ang kanilang pagkakilanlan. Mababatid

na ang mga ponemang i – o ang malayang nagpapalitan.

Samantala, mapapansin na sa mga halimbawa, tanging ang salitang Ilong lamang

ang walang pinagbago, nagpapatunay na may ugnayan pa rin ang wikang pambansa sa

wikaing Waray at Hiligaynon.

Subalit, mababakas din na ang salin ng salitang Pangit sa Tausug na Mangih ay

kakikitaan ng pagpapalabas ng hangin gamit ang fricative /h/. Nagpapatunay lamang ito
na hindi madiin ang kanilang pagbigkas sa mga tunog kundi pangkaraniwang pagsasalita

ang kanilang nakasanayan ayon na rin sa nakapanayam ng mga mananaliksik.

Morpolohiya

Talahanayan 1.1: Halimbawa ng mga Salitang Filipino na may Katumbas sa Tausug

Filipino Tausug

Maganda Malingkat

Umaga Maynaat

Tanghali Mataas suga

Gabi Dom

Lakad Panaw

Gawa Hinang

Sigaw Ulak

Away Kalo

Matakaw Manapso

Mula kay Ammar I. Yasser

Mapapansin sa talahanayang nasa ibabaw ang mga sumusunod na nasuri sa mga

halimbawang salita:

Ang mga salitang Maganda, Umaga, Tanghali, Gabi, Lakad, Gawa, Sigaw,

Away at Matakaw sa Filipino ay isinalin nang buo sa Tausug at naging Malingkat,

Mataas suga, Dom, Panaw, Hinang, Utok, Kalo at Manapso. Walang mababakas na

pagbabagong morpoponemiko sapagkat ang mga salitang nailahad ay may orihinal na

katumbas sa Tausug. Subalit, ang salitang Mataas suga ay pinaghalong dalawang

morpemang kapwa nakakatayong mag-isa na nagpapamalas lamang na may ugnayan


ang iba’t ibang wikain at may iba-ibang katawagan sa mga bagay-bagay ang bawat

pangkat ng tao.

Sintaksis

Talahanayan 1.2: Halimbawa ng mga Pangungusap na Filipino na may Katumbas sa Tausug

FILIPINO TAUSUG

Mapayapa ang manirahan sa Pilipinas. Magkasanyangan in maghulah ha Pilipinas.

Bukon maluhay in maghinang ha pag


Hindi madali ang magtrabaho sa minahan.
minahan.

Mula kay Ammar I. Yasser

Mapapansin sa talahanayang nasa ibabaw ang mga sumusunod na nasuri sa mga

halimbawang pangungusap:

Kapwa nasa karaniwang ayos ang mga halimbawang pangungusap nagkakaiba

lamang sila sa anyo ng salita katulad lamang ng Mapayapa – Magkasanyangan, Ang –

In, Manirahan – Manghulah, at Sa – Ha (Unang Pangungusap); Hindi madali – Bukon

maluhay, Ang – In, Magtrabaho – Maghinang, Sa – Ha at Minahan - Pagminahan.

(Ikalawang pangungusap) May nangyaring pagpapalit ng ponema sa mga salita sa loob

ng pangungusap ang (Sa ay naging Ha) at ang (Ang ay naging In) at naganap din ang

pagsusudlong sa salitang ugat na mina ay dinagdagan ng unlaping pang- at hulaping -

han. Subalit nailahad naman nang may kaayusan ang diwa at hindi ito lumabas na literal
o mali-maling pagkakasalin. Gayunpaman, may mga salita pa ring kapareho lamang sa

wikang pinagbabasehan.

Sinasabing kaya nagkakaroon ng pagkakahawig ang Tausug sa ibang wikain tulad

ng Cebuano, Filipino at Sabah ay dahil sa heograpiya nito, higit lalo’t ang nakapanayam

ng mga mananaliksik ay taga-Astorias, Jolo, Sulu sa isla ng Lugus katapat ng bansang

Malaysia. Napag-alaman din na karaniwang pananalita ang kanilang ginagamit sa

pakikipagkomunikasyon, nakadepende lamang sa sitwasyon ang paggamit nila ng diin.

Ilalahad sa ibaba ang talahanayang magpapakita ng pagpapatunay na hindi haka-

haka ang mga nailahad na pagpapaliwanag sa itaas na bahagi ng papel na ito ukol sa

mga kaugnay na wikain at heograpiya:

Mga Pangunahing Wikain ng Pilipinas

Batay sa dami at porsyento ng populasyon ng Pilipinas na gumagamit, nagsasalita,

nakakasulat, at nakakaunawa sa Filipino, itinuring na pangunahing wikang katutubo ang mga

sumusunod:

WIKAIN TAGAPAGSALITA IBANG TAWAG

taga-Maynila, Rizal, Bulacan,

TAGALOG Batangas, Marinduque, Cavite,


Quezon, Lubang, Bataan,

Tanay-Paete, Tayabas.

taga-Cebu, Bohol, Negros, Sugbuhanon,

CEBUANO Leyte at ilang bahagi ng


Sugbuanon, Visayan,
Mindanao
Bisayan, Binisaya, Sebuano

taga-Iloilo at mga probinsya ng Ilonggo, lllogo, Hiligainon,

HILIGAYNON mga Capiz, Panay, Negros Kawayan, Bantayan, Kari

Occidental, Visayas

taga-Naga, Legaspi, mga Buhi (Buhi’non), Daraga,

probinsya ng Albay, Bato, Buhi, Libon, Oas, Ligao

BICOLANO Catanduanes, Sorsogon,

Masbate, Buhi, Camarines Sur,

Luzon

taga-Samar-Leyte Samareño, Samaran, Samar-

WARAY Leyte, Waray-Waray, Binisaya


taga-Jolo, Sulu Archipilago, Tawsug, Sulu, Suluk,

TAUSUG Palawan Island, Basilan Island, Tausong, Moro Jolohano,

Zamboanga City, Indonesia Sinug Tausug

(Kalimantan), Malaysia

(Sabah)

Retrieved from: Domain2LinguisticsofTL-5-5-12-FINAL


POOK NG MGA PANGUNAHING WIKAIN SA PILIPINAS
Reaksyon

Isang masilan ang gawaing ito dahil ito ay isang hamong mapangtuklas. Hindi

kaaya-aya ang kumopya o bumatay sa mga nakalap ng iba kung kaya’t minabuti ng mga

mananaliksik na gamitin ang mga koneksyon sa mga kaibigan o kakilala. Mahirap mang

habulin o angkinin ang kanilang oras kahit sa sandaling panahon mairaos lamang ang

papel na ito.

Gayunpaman, isang kahanga-hanga ang makapagtalakay ng mga wikain

sapagkat nakakapagtuklas tayo ng bago, mga pagkakatulad at pagkakaiba. Hindi naman

maipagkakaila na kahit hiwa-hiwalay ang pulo ng Pilipinas, pinag-isa pa rin tayo ng

pagkakaiba dahil kahit gaano kalayo tunay na namumutawi ang pagkakaugnayan ng mga

wikain, ang pagkakahawig ng mga salita, tunog, diin, intonasyon at maging ang istruktura

ng pangungusap.

Komplikadong pag-aralan ang wika sapagkat kinakailangang malawak ang iyong

karunungan ukol sa bahagi ng pananalita upang may matibay ka na pandepensa sa mga

nangyayaring pagbabago sa pambansang wika tungo sa rehiyonal na wikain.

Nagkaroon ng kabuluhan ang pag-aaral na ito bilang alinsunod sa Artikulo XIV ng

ating Saligang Batas na nagsasaad na kailanganang tugunan ng pansin at ipagpatuloy

ang mga pananaliksik at pag-aaral ng mga wika sa Pilipinas upang mapaunlad,

mapanatili at mapayaman ang wikang ito.


Konklusyon

Sa kabila ng pagkakawatak-watak ng mga pulo sa Pilipinas at sa pagkakaroon nito

ng iba’t ibang dayalekto ay mayroon pa ring pagkakatulad ng mga tunog, salita at

pangungusap o pahayag sa mga pinaghambing na wikain dahil sa heograpiya.

Napatunayan na ang Wikang Pambansa ay sadyang ibinatay at may malaking

impluwensya sa mga pangunahing wikain sa Pilipinas.


Sanggunian:

Aure, A. et al. 2017. Varsyon ng mga Salita sa Piling Lugar ng Pintuyan. SLSU-CTE, San

Isidro, Tomas Oppus, Southern Leyte.

Constantino, P. 2012. Salindaw (Varayti at Baryasyon ng Filipino). UP, Lungsod ng

Quezon.

Paz, V. 2012. Ang Pang-akademyang Varayti ng Wika sa Pilipinas. Mula sa aklat nina

Peregrino, J., et al 2012. UP, Lungsod ng Quezon.

Troutman, C., Clark, B., and Goldrick, M. 2008. Social Networks and Intraspeaker

Variation during Periods of Language Change. Unniversity of Pennsylvania.

Working Papers in Linguitics UP, Lungsod ng Quezon.

Tubo, Y. 2017. Isang Posisyong Papel ukol sa Mother Tongue Based – Multilinggual

Education. SLSU-CTE, San Isidro, Tomas Oppus, Southern Leyte.

Saussure, Bloomfield at Roussean. Retrieved from:

file:///C:/Users/User/Downloads/Ang+Papel+ng+Wikang+sa+Gitna+ng+Pagkakai

ba-iba+ng+mga+Wika+sa+Bansa.pdf

You might also like