You are on page 1of 10

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wikang Filipino (KPWKP) Q1

Kahulugan ng Wika ayon sa mga sumusunod na dalubhasa:

Henry Gleason - ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili


at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang
kultura.

Bernales et al. 2002 - mababasa ang kahulugan ng wika bilang proseso ng


pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na
maaaring berbal o di-berbal

Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra - “ang wika ay isang kalipunan ng mga


salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o
makapag-usap ang isang grupo ng mga tao.”

Bienvenido Lumbera - Binanggit ng Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura na si


Bienvenido Lumbera (2007) na parang hininga ang wika. Gumagamit tayo ng wika
upang kamtin ang bawat pangangailangan natin.

Alfonso O. Santiago - “wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggati, pangarap,


damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad,
paniniwala, at mga kaugalian ng tao sa lipunan.”

Multilingguwalismo - Ito ay patakarang pangwika kung saan nakasalig sa paggamit


ng pambansang wika at wikang katutubo bilang pangunahing midyum sa
pakikipagkomunikasyon at pagtuturo bagama’t hindi kinalilimutan ang wikang global
bilang mahalagang wikang panlahat.
Heterogenous - ang wika ay hindi lamang instrumento sa pakikipagkomunikasyon
kundi isang mahalagang instrumento sa pagbuo ng isang sama-samang lakas ng
magkakaibang kultural at sosyal na gawain.

- Nanggaling sa salitang Griyego na heterogeneus na literal na ibig sabihin ay


maraming tao

- Tumutukoy sa pagkakaroon ng maraming parte na bumubuo ng isang konsepto


o ideya

(Heterogenous na Wika)

- Tumutukoy sa mga wikang ginagamit o sinasalita sa isang partikular na lugar,


rehiyon o bansa

- Pwede itong nakabase sa katanyagan ng isang wika sa mga nasabing lugar

- lto rin ay pwede dahil sa mga naging kagawian o tradisyon ng mga tao

Ang pinakaginagamit na mga wika sa Pilipinas ay ang Wikang Filipino batay sa


Tagalog at ang Wikang Ingles

Homogenous - nababatay sa kapaligiran ng mga indibidwal o pangkat na naninirahan


sa iisang pook; pagkakatulad ng interes, paniniwala, at paraan ng pamumuhay; at
pagkakaunawaan gamit ang iisang wika lamang.

- Nanggaling sa salitang Griyego na homogenus na literal na ibig sabihin ay isang


tao

- Tumutukoy sa pagkakaroon ng pagkakaisa ng konsepto, ideya o detalye tungkol


sa isang bagay
(Homogenous na Wika)

- Nangangahulugang lisang wika ang ginagamit o mas ginagamit sa iisang


teritoryo, rehiyon, probinsya o kaya naman bansa

- Karaniwang ito ang wikang ginagamit ng mas nakararaming tao, hindi lang sa
pisikal na interaksyon sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan pati na rin sa
anyo ng pagsusulat

Sa ating bansa, ang pinaka-dominanteng wika na halos lanat ng Plipino ay


gumagamit ay Wikang Filipino

Wika - Ayon sa teoryang sosyolingguwistiko, ang wika ay isang instrumento o


kasangkapan ng pakikisalamuha ng mga tao sa lipunang kanyang ginagalawan. Hindi
maaaring umiral ang relasyong sosyal kung wala ang wika na gagamitin sa
pakikipagkomunikasyon.

Ang wika ay kabuuan ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog na binibigkas o


sinasalita at ng mga simbolong isinusulat. Sa pamamagitan ng wika,
nagkakaunawaan, nagkakaugnay, at nagkakaisa ang mga tao

“Variety is the spice of life” - ang pagkakaroon ng pagkakaiba-iba sa wika ay hindi


makasasama. Maaari itong tingnan bilang isang proseso ng pag-unlad at pagyabong,
isang magandang pangyayari sa pagpapayaman sa wika.

Pamela C. Constantino - “mahalaga ang pagkakaisa at pagkakaiba. Pagkakaiba tungo


sa pagkakaisa”. Naniniwala siyang may malaking kinalaman o ugnayan ang wika sa
lipunan at ang lipunan ay isang masining na kultura. Dagdag pa niya, “Ang kultura ay
hango sa mga tao at ang wika ay nagpapahayag ng espiritu/ kaluluwa ng mga tao na
bumubuo sa lipunan/komunidad.” (Constantino, p.10)
Barayti ng wika - ang pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay sa
partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyonal. lto rin ang pagkakaiba-iba sa uri ng
wika na ginagamit ng mga tao sa bansa.

A. Permanente Para sa mga Tagapagsalita o Tagapagbasa

1. Diyalekto - Nakikita ito kaugnay ng pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita o


grupo ng tagapagsalita sa isa sa tatlong dimensiyon: lugar, panahon, at
katayuang sosyal.

Halimbawa: Tagalog-Bulacan, Tagalog-Batangas, Tagalog-Laguna


Panahon: Lumang Filipino, Makabagong Filipino
Katayuang Sosyal: Kinabibilangang antas sa lipunan

2. Idyolek - Ang idyolek ay isang barayti kaugnay ng personal na kakanyahan ng


tagapagsalita o wikang ginagamit ng partikular na indibidwal.

B. Pansamantala dahil Nagbabago kung may Pagbabago sa Sitwasyon ng


Pahayag

1. Ang register - ay barayting kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng


tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag.

Halimbawa: siyentipikong register, panrelihiyong register, pang-akademikong


register, at iba pang larangan

2. Ang estilo - ay ang barayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap.


Ang estilo ay maaaring pormal, kolokyal, o personal. Maibibilang dito ang antas o
lebel ng wika.

3. Ang mode - ay ang barayting kaugnay sa gagamiting midyum sa pagpapahayag


kung ito’y pasalita o pasulat.
Rehiyonal - Ipinaliliwanag dito ang papel ng mga aspektong rehiyonal (lugar at
espasyo o kapaligiran ng wika) sa pagkaroon ng pagkakaiba-iba sa wikang ginagamit at
kung papaano ito sinasalita.

● Istandard na Wika - Itinuturing itong `wastong’ uri at gamit ng wika—bumubuo


sa batayan ng varayting nakalimbag at wikang panturo.

● Punto/Aksent at Diyalekto - Bawat gumagamit ng wika ay may punto o aksent


ng pagbigkas na nagpapakilala sa pinanggalingang rehiyon ng nagsasalita. Ang
diyalekto naman ay naglalarawan sa mga sangkap ng gramar at bokabularyo.
gayundin ng aspekto ng pagbigkas.

● Diyalektolohiya - Pag-aaral ng mga diyalekto; pagkilala ng dalawang


magkaibang diyalekto sa (1) magkatulad na wika (kung saan ang mga
tagapagsalita ay nagkakaunawaan), at (2) dalawang magkaibang wika (kung
saan ang mga tagapagsalita ay hindi nagkakaunawaan sa isa’t isa).

○ Mga Diyalektong Rehiyonal - lto ay naglalarawan sa mga identipikasyon


ng mga konsistent na katangian ng pananalitang matatagpuan sa isang
heograpikong lugar. lsogloss at

○ Diyalektong Hanggahan - Ang isogloss ay tumutukoy sa linya sa isang


mapa na kumakatawan sa pagitan ng mga Iugar tungkol sa isang
partikular na salita (lingguwistikong aytem).

Ang diyalektong hanggahan ay tumutukoy sa kaibahan ng pananalita sa


iba’t ibang lugar kung saan makikita ang pagkakaiba-iba ng gamit ng mga
salita.

● Mga Pidgin at Creole

Pidgin - Ang pidgin ay isang barayti ng isang wika na napaunlad sa kadahilanang


praktikal, tulad ng mga pangangalakal, sa mga pangkat ng taong hindi alam ang wika
ng iba pa. Kaya, sinasabing wala itong katutubong ispiker. Maaaring mga parirala mula
sa ibang wika ang pinanggalingan ng maraming salita sa pidgin.
Creole - Nagiging creole naman ang isang wika kung ang pidgin ay nadebelop lagpas
sa tungkulin nito bilang wika ng pangangalakal at naging unang wika ng isang
pamayanang panlipunan. Di tulad ng pidgin, may mga sinusunod na ritong alituntuning
panggramatiko.

Halimbawa: Nagsimula bilang pidgin ang Zamboangueño Chavacano na kinalaunan ay


naging creole dahil may nabuo itong sariling gramatika. (Semorlan, 2012)

Panlipunan—Wika, Lipunan, at Kultura - lpinaliliwanag dito na hindi dahil magkatulad


ang kinalakhang lipunan ng dalawang tao ay parehong-pareho na rin sila ng gamit ng
wika. Samakatwid, nagkakaroon pa rin ng pagkakaiba-iba ang gamit ng wika batay sa
pansarili niyang kultura at mula rito ay nadedebelop ang posibieng barayting pangwika.

● Mga Panlipunang Diyalekto - Sinusukat naman ang barayti ng wika batay sa


panlipunang sektor ng uri, edukasyon, trabaho, edad, kasarian, at iba pang
panlipunang sukatan.

○ Edukasyon, Okupasyon, Uring Panlipunan - Tumutukoy ito sa sosyal


na aspekto ng isang nagsasaiita ng wika batay sa paraan ng kanyang
edukasyong nakamit at trabaho o propesyong kinabibilangan.

○ Edad at Kasarian - Nakadaragdag kulay rin ang edad at kasarian sa


pagpapalawak ng barayti ng isang wika. lpinaliliwanag na kahit na
maraming tao ang kabilang sa isang pangkat paniipunan, nag-iiba pa rin
ang gamit ng mga salita batay sa edad ng tao at kasarian. Halimbawa na
lamang nito ang pagkakaiba ng gamit ng salita ng mga bata kompara sa
matatanda.

○ Etnikong Kaligiran - Sa pagpapaunlad ng barayti ng wika, malaki ang


kontribusyon ng mga bagong lipat na tao sa isang lugar. Dahil sa
pagkakaroon ng magkaibang etnikong kaligiran, nagkakaroon din ng
paglalahok o pagsasama ng magkaibang wika.

Halimbawa: Ang pagdaragdag ng mga salita mula sa ibang mga wika sa


Piipinas tungo sa wikang Filipino, tulad ng pagpasok ng salitang
Sebuwano na towatan sa wikang Filipino.
Ang diyalekto ay nangangahulugang varayti ng isang wika, hindi hiwalay na wika. Ang
halimbawa ng diyalekto ay ito: Ang mga nagsasalita ng isang wika, batay sa lugar na
pinanggalingan, ay maaaring magkaroon ng bahagyang pagkakaiba sa bigkas,
pag-gamit ng panlapi, o ayos ng pangungusap. Dahil dito, may tinatawag na
Tagalog-Bulacan, Tagalog-Cavite, Tagalog-Metro Manila, at iba pa.

Bernakular - ang tawag sa wikang katutubo sa isang pook. Hindi ito varayti ng isang
wika tulad ng diyalekto, kundi isang hiwalay na wika na ginagamit sa isang lugar na
hindi sentro ng gobyerno o ng kalakal. Tinatawag din itong wikang panrehiyon.

Opisyal na wika - ang isang wika na binibigyan ng natatanging pagkilala sa


konstitusyon bilang wikang gagamitin sa mga opisyal na transaksiyon ng pamahalaan.
May dalawang opisyal na wika ang Pilipinas—ang Filipino at Ingles.

Purista - nagnanais na gawing Tagalog ang Wikang Pambansa

Batas Komonwelth Blg. 570 (1946) - Pinagtibay na ang Pambansang Wika ay


magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1946.

● Tagalog – katutubong wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas


(1935)
● Pilipino – unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas (1959)
● Filipino – kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas, lingua
franca ng mga Pilipino, at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng
Ingles (1987)
Register ng Wika - Sa isang akademikong pagbasa, madalas tayong nakatatagpo ng
mga salitang sa biglang malas ay iba ang kahulugan o hindi akma ang pagkakagamit
dahil sa kahulugang taglay nito. Dapat nating tandaan na maraming salita ang
nagkakaiba-iba ng kahulugan ayon sa larangang pinaggamitan. Natutukoy lamang ang
kahulugan nito kung malalaman ang iarangang pinaggamitan nito.

Pansinin ang pagbibigay-kahulugan sa salitang register.


● isang opisyal na listahan ng mga pangalan, kapanganakan, pagpapakasal,
kamatayan
● isang listahan ng mga bisita sa isang hotel (turismo)
● pagpapatala ng isang sulat sa post office (komunikasyon)
● pagpapatala ng pangalan sa halalan (politika)
● pagpasok ng mga mensahe sa utak/pagtanda o pag-alala sa natutuhan
(sikolohiya)

Ayon sa Seksyon 6, Artikulo XIV ng Konstitusyon ng 1987, ang wikang Filipino


ay:

● ang wikang pambansa ng Pilipinas; dapat payabungin at payamanin pa salig


sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang wika at;

● dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at


puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang:

1. midyum ng opisyal na komunikasyon; at

2. wika ng pagtuturo sa sistema ng edukasyon.


References:
Senior High School Philippines (shsph.blogspot.com)
FIL Flashcards | Quizlet (REVIEW)
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Self Learning
Modules PDF Download (shsph.blogspot.com)

Ang Register at Iba't Ibang Barayti ng Wika (elcomblus.com)^/


Bakit Tagalog ang Batayan ng Wikang Pambansa? (elcomblus.com)^
Bilingguwalismo at Multilingguwalismo (elcomblus.com)^/
Kasaysayan ng Pagkakabuo ng Pambansang Wika (elcomblus.com)
Wika, Diyalekto, Bernakular (elcomblus.com)^/
Opisyal na Wika (elcomblus.com)^/
Mga Kahalagahan ng Wika (elcomblus.com)
Ang Kahulugan ng Wika (elcomblus.com)^/
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Homogeno…
(slideshare.net)

You might also like