You are on page 1of 4

MGA ESTRUKTURA NG WIKA SA LIPUNAN

1. Panlipunang Estruktura ng Wika

● May maraming mga posibleng relasyon sa pagitan ng wika at lipunan. Isa na rito ang
panlipunang istruktura na maaaring makaimpluwensya o kumilala ng linggwistikong
estruktura at/o pag-uugali.
● Ang Communicative Isolation ay ang hiwalay na pag-uusap sa pagitan ng mga pangkat
sa isang partikular na lugar o bansa.
● Hindi maibabahagi ng madalian ang pagbabagong linggwistik sapagkat may mga hadlang
o sagabal (Interference) sa komunikasyon at dahilan na rin sa kalakasan ng pagkakaiba
sa dayalekto (Dialectal differences). Ang pagkakaiba sa mga dayalekto ay ang
pagbabago ng wikang sinasalita ng lipunan na umusbong sa isang rehiyon na hindi
naibabahagi sa iba pang rehiyon.
● Ang Punto o Accent ay ponolohikal o ponetik na pagbabago sa paraan ng pagbigkas at
katangian ng pagsasalita na siyang pagkakakilanlan sa taong nagsasalita ng nasabing
dayalekto.

2. Diyalekto

● Varayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong Wikain at


ginagamit sa isang partikular ng rehiyon.
● Ang barayti na ito ay nililikha dahil sa tinatawag na dimensyong heograpiya. Tulad sa
pilipinas na binubuo ng isla na tinatawag lamang ito na wikain na siya lamang ginagamit
sa pakikipag talastasan sa isang rehiyon nalalaman natin na ang isang diyalekto dahil
lamang sat ono at estruktura ng pananalita tulad lamang ng mga Cebuano, waray, ilongo
at marami pang iba..

3. Idyolek

● Ang bukod tanging wika ng isang indibidwal. Ito ang pekyulyaridad sa pagsasalita ng
isang indibidwal. Maaaring sa tono, mga salitang gamit o sa estilo ng kanyang pagsasalita
atbp.
● Ito naman ay barayti ng wika kung saan ang individual ay nagkakaintindihan at lubos na
nag uunawan sa isa ngunit wala sa kanila ang nagsasalita ng magkakatulad tandaan na isa
sa mga rason sa usbong sa idyolek ay ang edad, kasarian, lugar o pinanggalingan at
personalidad.
● Sa madaling salita, ang halimbawa nito ay sina mommy donisya, kris Aquino, boy
abonda at iba pa

4. Taboo
● Mga salitang bawal gamitin o hindi maaaring gamitin sa isang pormal na usapan sa
lipunan.
5. Yufemismo

● Ito ay salita o parirala na panghalili sa salitang taboo o mga salitang hindi masabi dahil
malaswa, bastos o masama ang kahulugan o di-magandang pakinggan.
● Ito ay barayti ng wika na umusbong dahil sa mga salitang bawal gamitin sa publiko sa
halip na malalaswa o bastos na mga salita.

6. Speech Community/Komunidad ng Pagsasalita

● Ang loob ng isang lipunan ay binubuo ng marami at iba’t ibang pangkat ng tao na may
kaniya-kaniyang mga gawi at pag-uugali. May ugnay rito ang banggit nina Zalzmann,
Stanlaw at Adachi (2012) na walang kultura sa isang lipunan na pareho sa lahat ng
myembro nito.
● Ang Sabkultura ay kultura sa loob ng isang kultura o lipunan sa loob ng isang lipunan.
Samakatwid, ito ay grupo ng mga tao na may iisang wika na ginagamit at hindi lamang sa
pansamantalang pagsasamahan sapagkat kolektibo ang lahat ng kanilang gawi gaya ng
paraan ng pagsasalita, pananamit, pananaw sa mundo atbp. Dito nabubuo ang tinatawag
na Komunidad ng pagsasalita o Speech community.
● Ang komunidad ng pagsasalita ay maaaring hango sa wikang Aleman na
Sprachgemeinschaft o Speaking community sa wikang Ingles. Paliwanag nina
Zalzman, Stanlaw, at Adachi, lahat ng mga nagbabahagi ng mga tiyak na tuntunin para sa
pagsasalita at pagbibigay-kahulugan sa wika at kahit isang barayti ng wika ay tinatawag
na komunidad ng pagsasalita.
● Ang sitwasyon ng mga pangkat ng tao sa lipunan, gaya ng mga bakla, na may sariling
kultura at wikang nauunawaan nila ay matatawag na isang komunidad ng pagsasalita.
May tinatawag itong mga Speech markers na ipinaliwanag naman ni Wardhaugh (2006)
bilang mga katangian ng wika na ginagamit ng isang pangkat upang makamit ang
pagkakakilanlan ng grupo, at ang pagkakaiba ng grupo mula sa iba pang mga nagsasalita.

7. Lingua Franca, Pidgin, At Creole

● Ang Lingua Franca sa madaling salita ay ang komon na wika na alam at ginagamit ng
karamihan upang magkaintindihan o ang komon na wikang mayroon sa isang lipunan.
● Ang Pidgin naman ay ang pinagsamang dalawang wikang hindi magkalapit o
unintelligible languages. Ito ay nabubuo kapag kailangan ang ugnayan sa pagitan ng
dalawang tao o grupo ng mga tao na may magkaibang wikang ginagamit upang makamit
ang tiyak at limitadong layunin. Samantala, ang Creole naman ay ang nadebelop na
Pidgin. Ito ay kapag napaunlad ang gamit ng isang Pidgin at hindi na nakapokus sa isang
layunin lamang, lumawak ang bokabularyo at higit sa lahat, kapag ang isang pidgin ay
naging bernakular o katutubong wika ng isang lipunan o ng panibagong mga tao sa isang
lipunan. Ang creole ay maaaring dumaan sa Gradwal na creolization o di kaya’y
Biglaang creolization. Ang gradwal na creolization ay nangyayari kapag ang isang pidgin
ay lubusan nang nadebelop bago ito naging creole. Samantala ang Biglaang creolization
naman ay kapag ang isang pidgin ay naging isang creole bago pa man ito lubusang
nadebelop. Ang magandang halimbawa dito ay ang wikang Chavacano na nabuo noong
pahanon ng pananakop ng mga kastila sa Pilipinas kung saan naging katutubong wika na
din ng mga taga lungsod ng Zamboanga.

8. Bilinggwalismo at Multilingwalismo

● Ang Bilinggwalismo at Multilinggwalismo ay tumutukoy sa parehong pag-iral ng dalawa


o higit pang magkakaibang wika maging sa pang-indibidwal na lebel o sa panlipunang
lebel. Sabi nga ni Wei (2013), maaaring ang isang tao sa isang komunidad ay magiging
bilinggwal o multilinggwal habang ang buong lipunan na kanyang kinabibilangan ay
kumikilala lamang ng isang wika para sa pampublikong gamit sa pamamagitan ng batas
at ibang anyo ng regulatoryo.
● Ang bilinggwalismo ay tumutukoy sa taong nakapagsasalita ng dalawang wika. Subalit
hindi lamang sapat ang kakayahan ng isang indibidwal na makapagsasalita ng dalawang
wika. Basi sa pagpapakahulugan ni Bloomfield (1935), hindi lamang sapat ang
makapagsalita sapagkat ang kanyang pananaw dito ay ang paggamit ng dalawang wika
tulad ng katutubong wika.
● Ang Multilinggwalismo naman ayon kay Crystal (2008), sa sosyolinggwistiko ito ay
tumutukoy sa isang indibidwal na tagapagsalitang may kakayahan sa paggamit nang higit
sa dalawa o maraming mga wika na may iba-ibang antas sa kahusayan. Gaya ng
nabanggit sa itaas, hindi lamang ito tungkol sa kakayahan ng isang indibidwal na
makapasalita ng marami bagkus maaari din itong maging sitwasyon sa panlipunang lebel.

9. Gamit ng Wika sa Lipunan

● Nagbigay si Geoffrey Leech (Essays UK, November 2013) ng limang tungkulin ng wika
sa lipunan:
a.) Nagbibigay-kaalaman/Informational. Ito ang tinitingnan ng karamihan na
pinakaimportante sa lahat ng tungkulin ng wika sa lipunan. Nakatuon ito sa mensahe ng
bagong impormasyon na ibinabahagi. Naakadepende ito sa katotohanan o halaga (Value) ng
kaisipan ng mensahe.
b.) Nagpapakilala/Expressive. Magagamit at ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng
damdamin at atityud ng nagsasalita. Ang tagapagsalita o manunulat sa isang wika ay
sinubukang ipinapahayag ang kanyang damdamin sa tungkuling ito ng wika sa lipunan. Ito ay
nagbibigay ng malinaw na imahe ng pagkatao ng tagapagsalita o manunulat sapagkat
naglalahad ito ng kanyang impresyon at ang pagbago-bago.
c.) Nagtuturo/Directive. Ito ay may layuning magbigay ng impluwensya sa pag-uugali o
atityud ng iba. Malinaw itong makikita sa mga pagpapahayag na nag-uutos o nakikiusap. Sa
kabilang banda, ipinapahayagrin ito nang may paglalambing o di kaya pagpapahayag na may
halong pagpaparinig.
d.) Estika/Aesthetic. Ito ay gamit ng wika para sa kapakanan ng paggamit/ paglikha ng wika o
linguistic artifact.
e.) Nag-eengganyo/Phatic. Mahirap tumbasan sa wikang filipino ang phatic na tungkulin ng
wika sa lipunan. Ito ay nagsasabi ng pagiging bukas o mapagsimula ng komunikasyon sa
kapwa kaya tinumbasan ito ng nag-eengganyo. Maaaring ito ay verbal o di-verbal na
pakikipagtalastasan na nagbibigay palatandaan ng pagiging laging handa o bukas sa pakikipag
talastasan sa pagpapanatili ng maayos na relasyon sa iyong lipunan.

10. Ang Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Lipunang Pilipino

Ayon kina Santos, et al,(2012), ginagamit ang Filipino sa interaksyon ng mga mamamayang
Pilipino sa isa’t isa. Bilang lingua franca nagagamit ito sa pagbabahaginan at pagpapalitan ng
ideya, iniisip, saloobin at marami pang ibang nararamdaman ng isang tao lalo pa’t ang mga
Pilipinong ay may iba’t iba ring sinasalitang wika.

1. Binibigkis ng wikang Filipino ang mga Pilipino. Dahil ang Pilipinas ay binubuo ng isang
multikultural at multilinggwal na mga Pilipino, kasama pa ang napakaraming etnikong
grupo, nagkakaroon ng integrasyon o pagkakaisa sa paggamit ng iisang wikang nauunawaan
ng lahat.
2. Tumutulong ito sa pagpapanatili ng kuturang Pilipino. Wika ang behikulo, pasulat man o
pasalita, upang maihatid ang kaalaman o impormasyon tungkol sa kultura ng iba’t ibamg
pangkat sa Pilipinas.
3. Sinasalamib ng wikang ito ang kulturang Pilipino. May mga kultural na mga salita na tanging
sumsalamin lamang sa mga pilipino, na kapag binabanggit ang mga salitang ito, tiyak na
identidad ng mga Pilipino ang nakikita.
4. Inaabot nito ang isip at damdamin ng mga Pilipino. Sa kasalukuyan, napakarami ng ating
OFW, at nauso na rin ang pagbabakasyon sa labas ng bansa.
5. Sinisimbolo ng wikang Filipino ang pagka-Pilipino ng mga Pilipino. Wikang Filipino ang
isang mahalagang pagkakakilanlan ng kahit sino para matawag na siya ay Pilipino.

SANGGUNIAN
Hufana, N. L., et. al (2018). Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan (pp. 43-54). Mutya Publishing
House Inc.

You might also like