You are on page 1of 2

Cherry Mae C.

Galceran
BEED – 4A

Activity/Aktibiti
I - Saguting ang mga sumusunod na tanong batay sa mga binasang seleksyon.

 Bakit nagkaroon ng varayti ang isang wika? Ipaliwanag.


- Nagkakaroon ng varayti ang isang wika dahil sa estado ng isang lipunan, edukasyon,
edad, kasarian, o o kaligirang etniko ang pagkakaroon ng mga barayti ng wika. Ang
lahat ng ito ay nangyayari dahil sa mga pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo,
maging ng kani-kanilang mga ginagalawan, tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at
iba pa.

 Ano ang kaugnayan ng wika sa ating pang-araw-araw na pamumuhay?


- Ang kaugnayan ng wika sa ating pang-araw-araw na pamumuhay ay ginagamit natin
ito bilang isang instrumento upang makipag-usap sa iba o upang magbigay ng mga
opinyon sa impormasyon.

Exercise
I - Isulat sa puwang ang tinutukoy ng mga sumusunod na pangungusap.

Teknikaliti 1. ito ay tumutukoy sa paggamit ng nagsasalita ng mga teknikal na salita ayon sa


kaalamang teknikal ng kausap.

Demension of Solidarity 2. Tumutukoy ito sa kung kaisa ba ang ispiker ang kanyang kausap.

Dimension of Power 3. Tumutukoy sa kausap namas mababa, kapareho o mas mataas sa


nagsasalita.

Varyasyon ng Wika 4. Ito ay tumutukoy sa size, prestige at istandard.

Varyasyon ng Register 5. Tumutukoy sa ispesipikong salitang ginagamit ayon sa hiningi ng


sitwasyon at pagkakataon.

Nagtuturo/Directive 6. Ito ay may layuning magbigay ng impluwenysa sa pag-uugali o atityud


ng iba.

Nagpapakilala/Expressive 7. Dito magagamit at ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng


damdamin at atityud ng nagsasalita.
Nagbibigay – kaalaman/ Informational 8. Ito ang tinitingnan ng karamihan na
pinakaimportante sa lahat ng tungkulin ng wika sa lipunan.
Estitika/Aesthetic 9. Ito ay gamit ng wika para sa paggamit/paglkha ng wika o lingustic artifact
mismo at wala ng iba pa.

Nag-eengganyo/Phatic 10. Ito ay nagsasabi ng pagiging bukas o mapagsimula ng


komunikasyon sa kapwa kaya tinumbasan ito ng nag-eengganyo.

II - Batay sa sariling pag-unawa, ipaliwanag ang mga sumusunod:

Gamit ng wikang Filipino sa Lipunan –


- Ginagamit ang wika sa ating lipunan upang makipag-usap at makipag-ugnayan sa iba
pang nakatira sa lipunang ating kinabibilangan. Kapag ang tao ay nakikipag-usap sa
iba, mayroon itong isang tiyak na layunin o mensahe na nais nitong malaman o
maabot. Nakakatulong din ito upang mapanatili ang kulturang Pilipino at koneksyon
sa bawat isa. Kung walang wika, walang nagkakaintindihan at hindi nagkakaisa ang
mga tao sa lipunan.

Ang wika sa kapayapaan –


- Ang wika ay isa sa pinakamahalagang salik upang ang mga tao ay magkaroon ng
maayos na komunikasyon sa isa’t isa. At ang wika ay tumutulong sa pagpapanatili ng
kapayapaan sapagkat ito ang tulay upang mapanatili ang kapayapaan o katahimikan.
Dahil din sa wika, nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat isa upang
magawa ang kani-kanilang mga layunin.

Kaibahan ng Varayti at Varyasyon ng wika –


- Ang varayti ay ang pagkakaroon ng bunga sa paniniwala ng mga linggwista na ang
wika ay heterogeneous o nagkakaiba-iba. Dala ito ng nagkakaibang pangkat ng tao na
may iba’t ibang lugar na tinitirahan, interes,gawain, pinag- aaralan at iba pa. At ang
varyasyon ay iba,t-ibang manipestasyon ng wika. Ito ay may tatlong uri, 1.) wika 2.)
idyolekto 3.) register. Sa pagdaan ng panahon, nagiging ispesyalisado ang gawain at
tungkulin ng tao at ito ay nagreresulta ng pagkakaiba- iba ng kultura at wika na
siyang nagiging panukat sa progreso ng tao.

Reflection/
Ano kaya ang mangyayari kung walang wikang umiiral sa ating lipunan?
- Ang mangyayari ay hindi magkakaintindihan ang mga tao sa isang lipunan o bansa.
Ang wika ang pinakamahalaga sa lahat kung walang wika hindi magkakaunawaan
ang bawat miyembro ng pamilya. Ang wika, ay ating ginagamit sa pakikipag-
ugnayan sa mga tao. Kung walang wika hindi magkakaintindihan ang mga tao sa
mundong ibabaw. Ang wika rin ang dahilan kung kaya tayo ay nagkakaisa.

You might also like