Ang komunikasyon ay nagmula sa salitang latin na “communis” na
nangangahulugang “karaniwan” o “panlahat”. Isa itong proseso ng
pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang simbolo. Ayon kay Verdeber (1987) ang komunikasyon ay paghahatid ng mahahalagang impormasyon sa isang paraang masining upang maging mabisa at mahusay na maipahayag ng tao ang kanyang palagay o saloobin sa kanyang kapwa, anuman ang paksang inaakala niyang mahalagang mapag-usapan. Nakapaloob dito ang wika,kahalagahan ng wika, katuturan ng wika kaantasan ng wika, at katangian ng wika.. Ang wika ay isang instrumento kung saan nagkaroon ng komunikasyon ang mga tao, ang mga hayop sa hayop, pati na rin ang mga hayop sa mga tao. Ito ay isang behikulo ng tao sa kanyang pakikisalamuha sa kapwa. Mabisang kasangkapan ito kung ituring dahil nagagawa nitong mapag-ugnay ang mga tao at maipaabot ang kanilang naiisip, nadarama, nakikita at nararanasan sa lipunang kanyang ginagalawan. Sa ganitong pahayag malalaman na agad natin kung ano at gaano ito kahalaga parmal a sa pakikipagkomunikasyon. Ano ba ang kahalagahan ng wika? Una, nagagamit ito sa pagpapahayag ng naiisip at mga ideya. Pangalawa, nakabubuo ng isang relasyon gaya ng pakikipagkaibigan, ugnayang kultural, at ugnayang pang-ekonomiya. At ang huli, mahalaga ang wika sa kasaysayan. Para sa katuturan ng wika, ayon kay Brown (1980) ang wika ay sistematikong binubuo ng mga set ng arbitraryong mga symbol. Ito ay pasalitang naisasakatuparan at nagagawang makamit ng lahat ng taong nabibilang sa isang kultura. Ayon kay Carpio et al (2012) ang tao ang bumubuo sa lipunan. Ayon naman kay Pamela Constantino (1994) ang wika ay buhay at dinamiko, hindi papipogil, nagbabago at patuloy ang pagsulong kasabay ang pag-unlad nito. Sumunod si Henry A. Gleason (1966) ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa iisang kultura. Ilan lamang ito sa mga pagkakahulugan sa wika. Susunod naman ay ang kaantasan ng wika. Mayroon itong dalawang antas ang Pormal at Impormal na may iba’t ibang uri. Ang Pormal ay ang wikang laganap, tanggap at kinikilala ng nakararami at buong mundo. Nakaloob dito ang dalawang uri. Una ang Pambansa, ito ang opisyal na wikang ginagamit sa mga paaralan at tanggapan ng pamahalaan. Ang wikang Filipino an gating wikang Pambansa. Pangalawa ang Pampanitikan, ginagamit ang ganitong wika ng mga manunulat sa kanilang pagpapahayag. Ang sumunod naman ang Impormal, ang mga salita sa ganitong antas ng wika ay madalas na ginagamit ng tao sa pang-araw-araw na pakikisalamuha niya sa iba. Kinakikitaan ng pagiging payak at karaniwang palasak sa iba’t ibang pangkat ng taong nakikipag-ugnayan sa isa’t isa. May tatlong uri sa antas na ito. Ang una ay ang Lalawiganin, ito ay mga salitang ginagamit sa particular na lugar o lalawigan. Kolokyal, madalas itong gamitin sa karaniwang pakikipag-usap sa ibang tao. At ang huli ay ang Balbal, o ang tawag sa Ingles ay Slang. Tanging ang magkakapangkat o magkakagrupo lamang ang nakauunawa sa mga salitang kanilang ginagamit. Mayroong sampung katangian ang wika at isa isa natin itong bibigyan ng kahulugan. Ang una ay ang Tunog, maaaring samu’t saring tunog an gating naririnig sa ating kapaligiran ngunit hindi lahat ng ito ay maituturing na wika. Hindi rin lahat ng tunog ay nagtataglay ng kahulugan. Arbitraryo, bawat komunidad o lipunan ay nakabubuo ng sariling Sistema o paraan kung paano gagamitin ang wika. Nakalilikha sila ng wika na sila mismo ang nagkakasundo sa ilalapat na kahulugan. Pantao, ang kakayahan nating magdebelop at magpaunlad ng wika bilang tao ay kabilang sa ating mga kakayahan na wala sa iba pang uri ng nilalang sa mundo. Dinamiko at nagbabago, ang kasabay ng paglipas ng panahon ay nagbabago rin ang wika. Kasabay ng pagbabago ay patuloy itong umuunlad at nadaragdagan. Komunikasyon, mahalaga ang papel ng wika sa pakikipagtalastasan. Isa ito sa pinakamabisang kasangkapan sa komunikasyon. Sinasalita, ang wika ay nabubuo sa pamamagitan ng iba’t ibang sangkap sa pagsasalita tulad ng labi, dila, ngipin, guwang ng ilong, ngala-ngala at iba pa. Nakaugat sa kultura, ang wika at kultura ay hindi maaaring paghiwalayin. Nakaugat ang wika sa kultura ng namamayani sa isang lipunan. Walang wika na puro o dalisay, sinasabing ang lahat ng wika ay dumaraan sa proseso ng panghihiram. Makapangyarihan, ang isang tao na magaling humawak at gumamit ng wika ay may malaking bentahe sa anumang sitwasyon na kanyang papasukin. At ang huli ay Simbolo o pagkakakilanlan ng bansa, tulad ng isang watawat na sumasagisag sa isang bansa, ang wika rin kumakatawan sa isang bansa. Dumako naman tayo sa barayti ng wika na ang ibig sabihin na ay ang pagkakaiba-iba ng pagiging katangi-tangi ng uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa bansa. Mayroon itong walong barayti, una dito ang Pidgin, tumutukoy sa bagong wikang nabuo bunga ng pakikipagtalastasan ng dalawang indibidwal na may magkaibang wika at walang komon o magkatulad na wika hanggang sa sila ay makabuo ng sariling wika. Pangalawa ang Creole, ito ay katangi-tangi o kakaibang wika na ang talasalitaan ay mula sa ibang wika ngunit may sariling gramtika. Pangatlo ang Minoryang diyalekto, kung minsan may sariling barayti ng wikang ginagamit ang mga miyembro ng isang particular na pangkat etniko. Ito ay upang ipakita ang kanilang pagkakakilanlan o identidad. Pang apat ang Indiginized barayti, kaladalasa itong ginagamit bilang pangalawang wika ng pangkat na dating kabilang sa isang pangkat na may multilingguwal na populasyon. Pang lima ang Idyolek, indibiduwal na paraan nang paggamit ng wika o kakayahang personal na tagapagsalita. Ito ay tumutukoy sa pamamaraan sa pagsasalita ng tao o maari ring grupo ng tao. Pang anim ang Etnolek, ito ang wikang ginagamit ng mga katutubo o etnolingguistikong pangkat ng bansa. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko. Pang pito ang Jargon, tumutukoy sa mga tanging bokabularyo ng isang particular na pangkat ng gawain. At ang pang huli ang Register ng wika, ito ang barayting may kaugnay ng higit na malawak na panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag. Ito ang ginagamit ng ispiker ng wika hindi lamang batay sa lokasyong heograpikal kundi batay sa kaniyang katayuan sa lipunan o sa grupong kanyang kinabibilangan. Sa pag aaral ng asignaturang komunikasyon ay malalaman natin ang paraan natin upang makipag-ugnayan sa ibang tao, para tayo magkaintindihan. Natutugunan at nagagampanan ang mga pang-araw-araw na gawain sa buhay Nalilinang din dito ang kakayahang makipag-ugnayan at pakikipagpalitan ng impormasyon sa ibang tao. SISTESIS SA ASIGNATURANG KOMUNIKASYON