You are on page 1of 4

Aralin 1: Batayang Kaalaman sa Wika

Para sa iyo ano ang wika?

Hindi maaaring kulungin sa iisang kahulugan lamang ang wika, ngunit sinumang bihasa sa pag-aaral nito
ay sasang-ayon kung sabihing isa itong kakayahan ng tao nagagamit sa pagkalap at pagbabahagi ng
kaisipan,damdamin, at anumang naisin niya. Gamit ang mga simbolo at kaparaanang napagkasunduan
ng isang particular na grupo,nagagawa ng mga participant na makipag-ugnayan sa isa’t isa upang
makamit ang isang layunin.

Bukod pa rito, nagbibigay rin ng mga sumusunod na na eksperto hinggil sa wika.

Ano ang Wika?

Noam Chomsky -ang wika ay proseso ng malayang paglikha; ang mga batas at tuntunin nito ay hindi
natitinag, ngunit ang mga paraan ng paggamit sa mga tuntunin ng paglikha ay Malaya at nagkakaiba-iba.
Maging ang interpretasyon at gamit ng mga salit ay kinasangkutan ng proseso ng malayang paglikha.

Nelson Mandela- kapag kinakausap mo ang tao sa wikang kanyang nauunawaan,ito’y patungo sa
kanyang isip. Kapag kinakausap mo siya sa kanyang wika, ito’y patungo sa kanyang puso.

Noah Webster (1974) ang wika ay isang Sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa
pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbulo.

Borja (1999) ang wika ay mahalaga upang maipahayag ng tao ang kanilang damdamin at kaisipan.

Charles Darwin- ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng cake o ng
pagsusulat. Hindi ito basta basta, ang bawat wika ay kailangan munang pag-aralan bago matutunan.

Dr. Jose Rizal -habang pinangangalagaan ng isang bayan ang kanyang wika,pinangangalagaan niya ang
marka ng kanyang kalayaan, gaya ng pangangalaga ng tao sa kanyang Kalayaan habang
pinanghahawakan niya ang sariling paraan ng pag-iisip.

Heanry Gleason ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at sinasaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

Bernales et al.(2002) proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng


simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.

Mangahis et al.(2005) midyum na ginagamit sa maayos na paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi


sa pagkakaunawaan.

Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafa ang wika ay isang kalipunan ng salita at mga pamamaraan ng
pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng mga tao.

Bienvenido Lumbera ang wika ay parang hininga. Gumagamit tayo ng wika upang kamtam ang bawat
pangangailangan natin.
Bienvenido Lumbera ang wika ay parang hininga .Gumagamit tayo ng wika upang kamtam ang bawat
pangangailangan naten.

Alfonso O. Santiago ang wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggati, pangarap,damdamin, kaisipan o
saloobin,pilosopiya , kaalaman, at karunungan moralidad, paniniwala at mga kaugalian ng mga tao sa
lipunan.

UP Diksyonaryong filipino 2001 ang wika ay lawas ng mga salita at Sistema ng paggamit sa mga ito na
laganap sa isang sambayanan na may iisang tradisyong pangkultura at pook na tinitirahan.

Mga Kahalagahan ng Wika


-wika bilang instrument sa komunikasyon
-mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong ng kultura ng bawat grupo ng tao.
-kapag may sariling wikang ginagamit ang bansa nangangahulugang ito ay malaya at may
soberanya.
-wika ang nagsisilbing tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga karunungan at kaalaman
Halimbawa: bibliya, noli me tangere at el filibusterismo ni Jose Rizal
-wika bilang lingua franca
Ano nga ba ang LINGUA FRANCA
Ito ay tumutukoy sa isang dayalekto na ginagamit ng dalawa o higit pang mga tao na may
magkaibang pangunahing wika.
Para sa mas mabilis at madaling komunikasyon.

Mga kalikasan sa Wika


1.Ang wika ay may masistemang balangkas
2.Ang wika ay arbitraryo.
3.Ginagamit ang wika ng pangkat ng mga taong kabilang sa isang kultura.
4.Ang wika ay dinamiko
5.Ang wika ay unique o natatanggi.
Iba pang kaalaman sa wika
Homogenous ang sitwasyong pangwika ng isang bansa kung iisa ang wikang sinasalita ng mga
mamamayan.
Heterogenous ang umiiral na wika sa isang bansa kapag ito ay may mga dayalekto o varayti.
Ilocano,Pangsinan,Pampango, Tagalog, Bicol, Cebuano,Hiligaynon, Waray-Samamon
Wika o Diyalekto?
Wika-salitang sinasambit sa isang lugar.
Diyalekto- ay nangangahulugang varayti ng isang wika.
Hal: Tagalog-Bulacan Tagalog-Cavite Tagalog-Metro Manila
Bernakular- ang tawag sa wikang katutubo sa isang pook.Hindi ito varayti ng isang wika tulad ng
diyalekto,kundi isang hiwalay na wika na ginagamit sa isang lugar na hindi sentro ng gobyerno o
kalakal. Tinatawag din ito bilang wikang panreliyon.
Bilingguwalismo -tumutukoy sa dalawang wika. Nakapagsasalita ng dalawang wika nang may
pantay na kahusayan.
Multilingguwalismo- tumutukoy sa tatlo o higit pang uri ng wika na sinasalita nang pantay na
kahusayan.
Unang Wika- ay tinatawag ding “wikang sinuso sa ina “o “inang wika “dahil ito ang unang
wikang natutunan ng isang bata.
Pangalawang Wika- ang tawag sa iba pang mga wikang natututuhan ng isang tao pagkaraang
matutunan nito ang kaniyang unang wika.

Wikang Pambansa
Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas at may konstitusyonal na batayan ang pagiging
pambansang wika ng Filipino. Sa unang bahagi ng Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng konstitusyon ng
1987 nakasaad na “ Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Flipino, Samantalang nililinang, ito
ay dapat payabungin at pagyamanin pa sa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang
wika.
Wikang panturo
Bukod sa pagiging pambansang wika ng Pilipinas, inaatas din ng konstitusyon ng 1987 ang
paggamit sa Filipino bilang wikang Panturo sa ikalawang bahagi ng Artikulo XIV, Seksyon 6
,nakasaad na “Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaring ipasiya ng
Kongreso,dapat magsagawa ng mg ahakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusanng
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika
ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon”.
Wikang Opisyal
May dalawang opisyal na wika ang Pilipinas ang Filipino at Ingles. Ayon sa artikulo IV, seksyon
7, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, hangga’t walang ibang tinatadhana ang
batas, Ingles.
Filipino- pag-akda ng batas,dokumento ng pamahalaan,talumpati ng pangulo at bilang lingua
franca sa bansa.
Ingles- ang itinuturing na lingua franca ng daigdig

MA. RICHELLE DOLOR


KOMUSNIKASYON AT PANANALIKSIK

You might also like