You are on page 1of 4

1

Fil 403: PAGTUTURO NG FILIPINO BILANG PANGALAWANG WIKA


MGA BATAYANG KONSEPTO SA UNA AT PANGALAWANG WIKA
Jeannyfe A. Semeon – MAED I - FIL

WIKA : ay nagmula sa salitang Latin na “lengua” na ang kahulugan ay dila.

-ito’y isang masistemang gamit sa pakikipagtalastasan na binubuo


ng mga simbolo at panuntunan. Ito ay paraan ng pagpapahayag ng
damdamin at opinyon sa pamamagitan ng mga salita upang
magkaunawaan ang mga tao,

UNANG WIKA (L1) : -Wikang kinagisnan mula sa pagsilang na siyang


pinakamadalas gamitin ng isang tao.

-Wikang natutunan sa mga magulang, o kanino man ito natutuhan

-Unang Wika ng isang bayan o bansa.

-Tinatawag din itong Katutubong Wika, Mother Tongue, Arterial na


Wika, at kinakatawan din ng L1

DepEd Order No. 74 (2009) Institutionalizing MTB-MLE

Isinasaad dito na ang unang wika o ang dayalekto ang siyang


midyum na gagamitin na pangturo sa mga bata hanggang
grade 3 at ang siyang magiging tulay upang maintindihan ang
Wikang Filipino at Ingles at upang lubos na maintindihan ang
mga aralin at mapahalagahan ang sarili nating wika.

-Wikang pinakamadalas gamitin ng isang tao sa pakikipagtalastasan.

-Wikang mas gustong gamitin ng isang tao.

-Sa wikang ito, pinakamataas o pinakamahusay na naipapahayag ng


tao ang kanyang ideya, kaisipan, at kaisipan.

PANGALAWANG WIKA (L2):

-Alinmang wikang natutuhan matapos maunawaan at magamit ang


kanyang sariling wika o unang wika.

Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon siya ng exposure sa iba


pang wika sa kanyang paligid. Mula sa mga salitang paulit-ulit
niyang naririnig ay unti-unti niyang natutuhan ang wikang ito
hanggang sa magkaroon siya ng sapat na kasanayan at husay rito
at magamit niya rin sa pagpapahayag at pakikipag-usap sa ibang
tao.
2

Mga Paraan ng Pagkatuto ng Pangalawang Wika


1. Impormal na pagkatuto
2. Pormal na Pagkatuto

PAGKAKAIBA NG UNANG WIKA SA PANGALAWANG WIKA


1. Ang unang wika ay katutubong wika ng isang tao habang ang pangalawang wika
ay isang wika na natutunan ng isang tao upang makipag-usap sa katutubong
nagsasalita sa wikang iyon.
2. Ang unang wika ay nagmumula ito sa kanya bilang mana o pamana, subalit ang
pangalawang wika ay laging itinatakda ng tao.
3. Ang unang wika ay napakabilis ng proseso, habang ang proseso ng pag-aaral ng
pangalawang wika ay maaring mag-iba mula sa wika sa wika at mula sa tao sa
tao.

-Mayroong 150 kabuuang bilang ng katutubong wika sa Pilipinas


8 PANGUNAHING WIKA SA PILIPINAS

Wikang Pambansa - isang wika na natatanging kinakatawan ang pambansang


pagkilanlan ng isang lahi o bansa. Ito rin ang kinikilalang
pangkalahatang midyum ng komunikasyon ng isang bayan na
ginagamit sa pulitikal at legal na diskurso at tinatalaga ng
pamahalaan ng isang bansa.

Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987: Wika


Seksyon 6: Ang wikang pambansa sa Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang
mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaring
ipasya ng kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang
ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
kumunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Batayang konsepto ng Wikang Filipino


(7 mga sangay na konsepto: Ernesto Constantino)

1. Pagiging natural ng wika


2. Buhay na wika
3. Ang WF ay demokratiko
4. Ang WF ay dapat isang egalitarian na wika
5. Ang WF ay isang dinamikong wika
6. Ang WF ay instrumento ng pagkakaisa ng mga Pilipino
3

IBA PANG MGA KONSEPTONG PANGWIKA


 “Ang wika ay proseso ng malayang paglikha; ang mga batas at tuntunin nito ay hindi
natitinag, ngunit ang paraan ng paggamit sa mga tutunin ng paglikha ay malaya at
nagkakaiba-iba. Maging ang interpretasyon at gamit ng mga salita ay
kinasasangkutan ng proseso ng malayang paglikha.” – Noam Chomsky
 “Ang wika ay kasintanda ng kamalayan, ang wika ay praktikal na kamalayan na
umiiral din para sa ibang tao…….ang wika gaya ng kamalayan ay lumilitaw lamang
dahil kailangan, dahilan sa pangangailangan sa pakikisalamuha sa ibang tao.” – Karl
Marx
 “….habang pinangangalagaan ng isang bayan ang kanyang wika, pinangangalagaan
niya ang marka ng kanyang kalayaan habang pinanghahawakan niya ang sariling
paraan ng pag-iisip” – Jose Rizal
 “Kapag kinausap mo ang tao sa wikang kanyang nauunawaan, ito’y patungo sa
kanyang isip. Kapag kinausap mo siya sa kanyang wika, ito’y paungo sa kanyang
puso.”- Nelson Mandela
 “Hindi ganap na naging epektibo ang bilingual na edukasyon dahil ang Filipino at
Ingles at itinuturing pang mga banyagang wika sa maraming rehiyon sa pilipinas” –
Abdon, Balde, Jr.
 “Tuluyang napawalang bisa ang pagsunod sa bilingual na programa dahil bukod sa
hindi ito seryosong naipatupad ng pamahalaan, hindi nagamit ng wasto ang “Wikang
Filipino.” – Imelda De Castro
 “Hindi maiiwasan ang paggamit ng mga mag-aaral ng kanilang katutubong wika sa
loob ng paaralan. “Matuto man siya ng wikang banyaga, ang wikang kinagisnan parin
ang gagamitin niya sa kanyang pag-iisip at pakikipagsapalaran sa lipunan.” –Abad
Santos
Monolingwalismo - tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa (England,
Pransya, South Korea, Hapon, atbp.)
Bilingguwalismo - paggamit at pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila baa ng
dalawang ito ay kanyang katutubong wika. Maituturing na
bilingguwal ang isang tao kung magagamit niya ang dalawang wika
ng matatas sa lahat ng pagkakataon.
Multilingguwalismo - kakayahang makagamit ng tatlo o mahigit pang wika.
Ang Pilipinas ay multilingguwal, dahil mayroon tayong mahigit 150
wika at wikain.
4

You might also like