You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF GUIMARAS
BUENAVISTA NATIONAL HIGH SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 11


Komunikasyon At Pananaliksik Sa Wika At Kulturang Pilipino

Taon: 11 Pangalan ng Guro: LYRENE G. JALCO


Seksyon at Strand: Petsa:
GAS FAITH- 9:45-10:45 Desyembre 12, 2022
GAS TRUTH-10:45-11:45 Desyembre 12, 2022
GAS PEACE- 2:45-3:45 Desyembre 13, 2022

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman:  Nauunawaan nang may masusing
pagsasalang-alang ang mga lingguwistiko
at kultural na katangian at pagkakaiba-iba
sa lipunang Pilipino at mga sitwasyon ng
paggamit ng wika dito
B. Pamantayan sa Pagganap:
 Nakagagawa ng mga pag-aaral ukol sa
iba’t ibang sitwasyon ng paggamit ng
wikang Filipino sa loob ng kultura at
lipunang Pilipino
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:
 Nasususuri at naisaalang-alang ang mga
lingwistiko at kultural na pagkakaiba-iba
sa lipunang Pilipino sa mga pelikula at
dulang napanood (F11PD-11b-88)

D. Mga Tiyak na Layunin sa


Araw: Pagkatapos ng isang oras ang mga mag-aaral ay
inaasahang:

 Nasusuri ang lingwistiko at kultural na


pagkakaiba sa pelikula at dulang
napanood/nabasa
 Nakikilala ang pelikula, dula, lingwistiko
at kulturalna gamit ng wika sa lipunang
Pilipino
II. Nilalaman
Paksa: Linggwistiko at Kultural na Pagsusuri sa Pelikula
at Dula
Sanggunian:
 Learning Activity Sheet sa Komunikasyon
at Pananaliksik s Kultura at Wikang
Pilipino, Kuwarter 2- Melc 3
 http://veelcelestian.blogspot.com/p/sinag-
sa-karimlan-ni-dionisio-s-salazar.html
Kagamitan:  Chalk, pisara, handouts
III. Pamamaraan
1. Aktibiti
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF GUIMARAS
BUENAVISTA NATIONAL HIGH SCHOOL

a. Panimulang gawain
- Panalangin
- Pagtatala ng liban
- Pagbibigay paalala sa mga “Health
Protocols”
- Pagpapaalala sa mga tuntunin sa loob
ng silid-aralan.

b. Pagbabalik- aral
-Ang guro ay magtatanong:
Ano ang iba’t ibang paggamit ng wika sa
social media at internet?

c. Motibasyon
Sino sa inyo ang mahilig manood ng mga
pelikula o palabas?

d. Tampok na Gawain
Basahin at unawaing mabuti ang mga
dayalogo sa pelikula at dulang
Pilipino. Sagutin din ang tanong sa
ibabang bahagi at ipaliwanag. Gawin ito sa
sagutang papel.

2. Analysis/Pagsusuri

Mga tanong:

1. Saan nagmula ang mga linyang nakikita?


2. Bakit kaya Ingles ang karaniwang
ginagamit na pamagat sa mga pelikulang
Pilipino?
3. Paano nakaapekto sa kulturang Pilipino
ang mga pelikulang gumagamit ng ibang
wika?
4. Ano kaya ang kaugnayan nito sa ating
aralin ngayong araw?

3. Abstraksyon/Pagtatalakay
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF GUIMARAS
BUENAVISTA NATIONAL HIGH SCHOOL

Gawing Basehan ang Handouts.

4. Aplikasyon/ Paglalapat

Gawain

Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bawat pangkat


ay bibigyan ng handouts.

Panuto: Basahin at unawain ang dulang “Sinag sa


Karimlan ni Dionisio S. Salazar. Suriin ito ayon sa
gamit ng wika ng mga tauhan at ilang ipinakitang
sitwasiyon (lingguwistiko) gayundin ang kultural
na aspeto sa lipunang Pilipino na ipinapakita ang
ilang mamamayan na may iba’t ibang kuwento sa
buhay.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Tungkol saan ang dula?


2. Paano ipinakita ng tauhang si Bok at
Doming ang aspetong lingguwistiko
(gamit ng wika ) sa lipunang ginagalawan
nila bago makulong at habang
nakakulong?Ipaliwanag sa pamamagitan
ng mga halimbawa.
3. Magbigay ng mga pangyayari na
nagpapakita ng kultural na aspeto sa buay
ng mga bilanggo sa lipunang Pilipino.
Ipaliwanag ito sa pamamagitan ng
pagbibigay ng halimbawa.

IV. Pagtataya A. Kilalanin ang sumusunod na mga salita sa


pamamagitan ng pagbibigay ng kahulugan
ng mga ito. Isulat sa sagutang papel ang
mga sagot.
1. Pelikula
2. Dula
3. Lingwistiko
4. Kultural
5. Wika
B. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na
tanong.Isulat sa sagutang papel ang mga
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF GUIMARAS
BUENAVISTA NATIONAL HIGH SCHOOL

sagot.
1. Bakit dapat suriin at isaalang-alang
ang mga lingguwistiko at kultural na
pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino na
ipinakilala sa mga pelikula at dula?
2. Paano susuriin at isasaalang-alang ang
mga lingguwsitiko at kultural na
pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino na
ipinakikita sa mga pelikula at dula?

C. Takdang-Aralin Pumili ng isang naibigang pelikulang Pilipino . Suriin ito


ayon sa gamit ng wika ng mga tauhan at ilang ipinakitang
sitwasiyon (lingguwistiko) gayundin ang kultural na aspeto
sa lipunang Pilipino.

Gawing gabay ang mga sumusunod na tanong sa paggawa


ng suring-pelikula;

1. Tungkol saan ang palabas?

2. Ano-anong kulturang Pilipino ang ipinapakita sa


mga eksena ng pelikula

3. Ilarawan ang anyo at pamamaraan ng wikang


ginamit sa pelikulang napanood. Magbigay ng
mga halimbawang linyang magpapatibay nito.

4. Ano-anong sitwasiyong panlipun ang maiuugnay


sa pelikula? Magbigay ng mga halimbawang
linyang magpapatibay nito.

5. Paano ipinakita ng mga tauhan ang aspetong


ligguwistiko sa lipunang kanilang ginagalawan?
Magbigay ng mga halimbawang linyang
magpapatibay nito.

Inihanda ni:

LYRENE G. JALCO
Guro II

You might also like