katutubong paraan ng pagsulat. Binubuo ito ng labimpitong (17) titik: tatlong (3) patinig at labing-apat (14) na katinig. Panahon ng Kastila Ipinag-utos ng hari ng Espanya na turuan ang mga katutubo ng wikang kastila. Ngunit hindi nila nasunod ang utos ng hari bagkus sila ang nag-aral sa wikang katutubo sa tatlong dahilan: 1. Ayaw nilang mahihigitan ang kanilang talino ng mga katutubo. 2. Natatakot sila baka maghimagsik ang mga katutubo laban sa kanila. 3. Nangangambang baka magsumbong sa hari ng Espanya ang mga katutubo tungkol sa kabalbalang ginawa ng mga Kastila sa Pilipinas. Ang dating baybayin ay napalitan ng Alpabetong Romano na binubuo naman ng 20 titik, limang (5) patinig at labinlimang (15) katinig. a, e, i, o, u b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y. Panahon ng Propaganda
• Sa panahong ito ay namulat ang
isipan at damdaming makabayan ng mga Pilipino. • Dito naitatag ang “Kartilya ng Katipunan” na nakasulat sa wikang Tagalog. • Sa panahong ito ay maraming naisulat na mga akdang pampanitikan na siyang nagpapagising sa damdaming makabayan at sumibol ang nasyonalismong Pilipino. • Sa pamamagitan ng Biak na Bato (1897), nakasaad na ang wikang Tagalog ang siyang magiging wikang opisyal ng Pilipinas. Panahon ng Amerikano Pilit nilang pinakalimutan sa mga katutubo ang wikang bernakyular at sapilitang ipagamit ang wikang Ingles. Malugod naman itong tinanggap ng ating mga ninuno sa kadahilanang : (1) uhaw ang ating mga katutubo sa edukasyong liberal; (2) mabuti ang pakikitungo ng mga amerikano sa mga katutubo. Monroe Educational Commission (1925) – Nagsasaad na mabagal matuto ang mga batang Pilipino kung Ingles ang gagamiting wikang panturo sa paaralan batay sa ginawang sarbey. Panukalang Batas Blg. 577 (1932) – gamitin bilang wikang panturo sa mga paaralang primary ang mga katutubong wika mula taong panuruan 1932-1933. Panahon ng Pagsasarili
Saligang Batas ng 1935, Artikulo Blg.
XIV, Seksyon 3 –ay nagsasabing ang kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapatibay at pagpapaunlad ng isang wikang pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika sa kapuluan. Pagtibayin ang Batas Komonwelt Blg. 184 (1936). Itinatag ng katanggapan ng Surian ng Wikang Pambansa na binigyan ng kapangyarihang gumawa ng mga pag- aaral sa lahat ng mga sinasalitang wika sa kapuluan. Nobyembre 9, 1937 – Isinumite ng mga miyembro ng SWP kay Pangulong Quezon ang kanilang rekomendasyong tagalog ang gagamiting batayan sa pagpili ng wikang pambansa. Hunyo 19, 1940 – dito sinimulang ituro ang pambansang wikang nakabatay sa Tagalog sa mga paaralang pribado at pampubliko. Panahon ng Hapon Sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig at nasarado ang mga paaralan. Pagkatapos ng digmaan ay binuksan muli ang mga paaralan at ipinagamit ang wikang katutubo bilang wikang panturo at pinakalimutan ang wikang Ingles. Naging maunlad sa panitikan ang Pilipinas. Inalis ang kurikulum ang wikang Ingles at sapilitang ipinaturo ang wikang pambansa at wikang Niponggo. Nobyembre 30,1943 – Nilagdaan ni Pangulong Jose P. Laurel ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 10 na nagtakda ng ilang repormang pang-edukasyon, isa sa mga iyon ay ang pagtuturo ng wikang pambansa sa lahat ng publiko at pribadong paaralan ng hayskul, kolehiyo at unibersidad. Enero 3, 1944 – Binuksan ang isang Surian ng Tagalog na tulad ng Surian ng Niponggo upang ituro ang mga tagalog sa mga gurong di-tagalog. Panahon ng Republika Hulyo 4, 1946- Ipinanlaban sa Batas Komonwelt Blg. 570 na ang wikang pambansa ay isa ng wikang opisyal sa Pilipinas. 1946 – Ang wikang pambansa ay tatawaging “ Wikang Pambansang Pilipino.” Proklamasyon Blg. 13 noong Marso 26, 1954 – ay nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang tungkol sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika tuwing Marso 29- Abril 4. Proklamasyon Blg. 186 noong Setyembre 23,1955 na nagsasabing inilipat ang petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13-19 na kung saan itinapat ang huling araw ng pagdiriwang sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon na binigyang karangalan “ Ama ng Wikang Pambansa .” Kautusang Tagapagpaganap Blg. 7 noong Agosto 13 ,1959 na nagsasabing na ang wikang pambansa ay Pilipino. Kautusang Pangkagawaran Blg. 96 (1967) – na pangalanan sa Pilipino ang mga gusali at tanggapan ng ating pamahalaan. Resolusyon Blg. 70 (1970) – ay nagsasabing ang wikang pambansa ay naging wikang panturo sa antas elementarya. Memorandum Sirkular 488, Hulyo 29, 1971. Humiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng lingo ng Wikang pambansa tuwing Agosto 13-19. Panahon ng Bagong Lipunan Resolusyon Blg. 73 (1973) – iniluwal ang patakarang bilingguwal. Ito ay ang paggamit ng wikang Ingles at Pilipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga tiyak na aralin at bilang hiwalay na asignatura sa kurikulum mula unang baitang ng mababang paaralan hanggang Kolehiyo sa lahat ng paaralan. Noong 1974-1975 – ay sinimulang ipatupad ang patakarang Edukasyong Bilingguwal. Memorandum Serkular 77 (1977) – pagsasanay ng mga pinuno at kawani ng mga pamahalaang local sa paggamit ng wikang Pilipino sa mga transaksyon,komunikasyon at korespondensya. Lumabas ang kautusang Pangministri Blg. 22 (1978) na nag uutos ng pagkakaroon ng 6 na yunit na Pilipino sa lahat ng kurso sa tersyarya at 12 yunit sa mga kursong pang- edukasyon. Kautusang pangministri Blg. 40 (1979) – ang mga estudyante sa medisina, dentisa , abogasya at paaralang gradwado ay magkaroon na rin ng asignaturang Pilipino pati na rin ang mga estudyanteng dayuhan. Memorandum Sirkular Blg. 80-86 ( Nobyembre 1980 ) – nag-aatas sa lahat ng mga gobernador at mayor ng Pilipinas na isa-Pilipino ang mga Sagisag-opisyal. Kautusang Pangministri Blg. 102 – nagtatakda ng mga Sentro sa Pagsasanay ng mga guro sa Pilipino bilang midyum ng pagtuturo sa antas tersyarya. Constitutional Commission ( Setyembre 10, 1983 ) – nagpatibay na ang Pilipino ay gagawin bilang Wikang Pambansa. Panahon ng Kasalukuyan Oktubre 12,1986- pinagtibay ang implementasyon ng paggamit ng Filipino bilang pambansang wika, gaya ng isinasaad sa 1987 konstitusyon ng Pilipinas ( artikulo 4 seksyon 6 ). “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika.” Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ( Enero 1987 ) – ang dating Surian ng Wikang Pambansa ng (SWP) ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP). Kautusang Pangkagawaran Blg.84 (1988) – nag-aatas sa lahat ng opisyal sa DECS na isakatuparan ang kautusang tagapagpaganap Blg. 335 na nag-uutos na gamitin ang Filipino sa lahat ng komunikasyon at transakyon ng pamahalaan. Marso 19, 1989 – ipinalabas ng kalihim Isidro Carino ng Edukasyon , kultura at Palakasan ang kautusang pangkagawaran Blg. 21 na nagtagubilin na gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas at sa bayan natin. Batas Republika Blg. 7104 (Agosto 14,1991) – nilikha ang komisyon Sa Wikang Filipino (KWF) bilang alinsunod sa Artikulo XIV, Seksyon 9 ng 1987 konstitusyon. Hulyo 15, 1997 – nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklamasyon Blg. 1041 na nagpapahayag ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa mula Agosto 1-31 na dating Linggo ng Wika. Mga Sanggunian: https://www.academia.edu/35048638 /KASAYSAYAN_NG_WIKANG_PAMBANSA_ G11 https://www.academia.edu/7593747/ Kasaysayan_ng_wikang_filipino