You are on page 1of 10

KOMUNIKASYON AT

PANANALIKSIK SA
WIKA AT KULTURANG
PILIPINO
IBA’T IBANG WIKANG UMIIRAL SA
PILIPINAS

*Tagalog *Cebuano
*Waray *Ilonggo
*Ilokano *Kapangpangan
Biblical (Tore ng Babel) Malinaw na ipinahayag sa bibliya na ang
wika ay kaloob ng Diyos. Batay din sa istorya ng Bibliya, matapos
ang matinding pagbaha noong panahon ni Noah, binigyan uli ng
pagkakataon ng Diyos ang mga tao na magbago. Iisa lang ang
wika noong unang panahon kaya’t walang suliranin sa
pakikipagtalastasan ang tao. Ngunit, mayroon silang lider, si
Nimrod, na naging maramot at nais makita ang kaharian ng Diyos
sa alapaap. Naghangad din ang tao na higitan ang kapangyarihan
ng Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang
langit. Hinimok ni Nimrod ang mga tao na gumawa ng tore para
maabot ang kaharian ng Diyos. Nagtayo ng pagkataas-taas na tore
ang mga tao. Nang nalaman ito ng Diyos, nagalit Siya na naging
ganid, mapangahas at mayabang na ang mga tao.
• Pinatunayan ng Diyos na higit siyang
makapangyarihan kaya sa pamamagitan ng
kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore at
nahulog ang mga tao. Ginawa ng Diyos na
magkakaiba ang wika ng bawat isa, hindi na
magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa
wikang sinasalita. (Genesis 11:1-9)
KONSEPTONG PANGTAO

• Ayon kay Sapir (1961), tanging tao lamang ang


nakagagawa ng wika, at dahil dito likas niyang
naipapahayag ang kanyang kaisipan, damdamin at mga
ninanais sa pamamagitan ng mga sadyang isinagawang
simbolo na kinokontrol nila. Ito ang kakayahang
nagpatangi sa tao sa iba pang nilikha, at ang ikinaiba
niya sa mga hayop.
ANALISIS

•Bakit kaya ginawa ng Diyos na may


iisang wika lamang ang sangkatauhan
noong unang panahon?
ANALISIS

•Ano kaya ang maaaring mangyari


kung hindi pinag iba-iba ng Diyos ang
wika ng sangkatauhan?
ANALISIS

•Ano ang nagtulak sa Diyos upang


pag-iba-ibahin Niya ang wika ng
sangkatauhan?
ANALISIS

•Bakit mahalaga ang wika sa tao?


GAWAIN

•Bumuo ng isang kuwento o alamat


tungkol sa wika. Ibahagi ito
pagkatapos ilahad ang inyong sariling
pananaw o konklusyon tungkol dito.

You might also like