You are on page 1of 19

WIKA

Ano nga ba ang pinagmulan ng wika? Narito ang ilan sa mga pahayag ng mga eksperto
tungkol sa pinagmulan ng wika.
BIBLICAL (TORE NG
BABEL)
• Malinaw na ipinahayag sa bibliya na ang wika ay kaloob
ng Diyos. Batay din sa istorya ng Bibliya, matapos ang
matinding pagbaha noong panahon ni Noah, binigyan uli
ng pagkakataon ng Diyos ang mga tao na magbago. Iisa
lang ang wika noong unang panahon kaya’t walang
suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Ngunit, mayroon
silang lider, si Nimrod, na naging maramot at nais makita
ang kaharian ng Diyos sa alapaap. Naghangad din ang
tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, na naging
mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit.
Hinimok ni Nimrod ang mga tao na gumawa ng tore para
maabot ang kaharian ng Diyos. Nagtayo ng pagkataas-taas
na tore ang mga tao. Nang nalaman ito ng Diyos, nagalit Siya
na naging ganid, mapangahas at mayabang na ang mga tao.

Pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya


sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, ginuho niya
ang tore at nahulog ang mga tao. Ginawa ng Diyos na
magkakaiba ang wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan
at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita.
(Genesis 11:1-9)
SAPIR (1961)
• tanging tao lamang ang nakagagawa ng wika,
at dahil dito likas niyang naipapahayag ang
kanyang kaisipan, damdamin at mga ninanais
sa pamamagitan ng mga sadyang isinagawang
simbolo na kinokontrol nila. Ito ang
kakayahang nagpatangi sa tao sa iba pang
nilikha, at ang ikinaiba niya sa mga hayop.
KAHULUGAN NG WIKA

ANO NGA BA ANG WIKA?


WIKA
• Nagmula sa salitang Latin na “lingua” na ang
kahulugan ay dila. Ito’y isang masistemang
gamit sa pakikipagtalastasan na binubuo ng
mga simbolo at panuntunan. Ito’y paraan ng
pagpapahayag ng damdamin at opinyon sa
pamamagitan ng mga salita upang
magkaunawaan ang mga tao. (Panganiban).
HENRY GLEASON
•(1961) Ang wika ay masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog na
pinili at isinaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga
taong kabilang sa isang kultura.
GEORGE LAKOFF
•Ang wika ay politika, nagtatakda ng
kapangyarihan, kumukontrol ng
kapangyarihan kung paanong
magsalita ang tao at kung paano sila
maunawaan.
JOSE VILLA PANGANIBAN
•Ang wika ay paraan ng pagpapahayag ng
damdamin at opinyon sa pamamagitan ng
mga salita upang magkaunawaan ang mga
tao.
NENITA PAPA
•wika ang ginagamit natin upang
malayang maipahayag ang ating
iniisip at nadarama.
PAMELA CONSTANTINO
AT MONICO ATIENZA
•Ang wika ay mahalagang
kasangkapan sa pag-unlad kapwa
ng indibidwal at ng bansa.
ARCHIBALD A. HILL
• Ayon sa kanyang papel na What is Language? Na
binanggit sa aklat ni Alcomtiser P. Tumangan et.al.,
ang wika ay pangunahing anyo ng simbolikong gawaing
pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga
tunog na nililikha ng aparato sa pagsasalita at
isinasaayos sa mga klase at patern na lumilikha sa isang
komplikado at simetrikal na istruktura.
• Ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo
ng simbolikong pantao. Ang mga simbolong ito ay
binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa
pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at padron na
lumilikha at simetrikal na estraktura
FINNOCCHIARO (1964)
• Ang wika ay isang sistemang arbitraryo ng
simbolong pasalita na nagbibigay pahintulot
sa mga taong may kultura o ng mga taong
natutunan ang ganoong kultura upang
makipagtalastasan o di kaya’y makipag-
ugnayan.
STURTEVANT (1968)

•Ang wika ay isang Sistema ng mga


simbolong arbitraryo ng mga tunog para
sa komunikasyong pantao.
BROWN (1980)

•Ang wika ay masasabing sistematiko. Set


ng mga simbolikong arbitraryo, pasalita,
nagaganap sa isang kultura, pantao, at
natatamo ng lahat ng tao.
SAN BUENAVENTURA (1985)
• “Ang wika ay isang larawang binibigkas at
isinusulat. Isang kahulugaan, taguan, imbakan o
deposito ng kaalaman ng isang bansa.” isang ingat-
yaman ng mga tradisyong nakalagak dito, sa
madaling salita ang wika ay kaisipan ng isang bansa
kaya’t kailanman ito’y tapat sa pangangailangan at
mithiin ng sambayanan. Taglay nito ang haka-haka
at katiyakan ng isang bansa.
BOUMAN (1990)
•Ang wika ay isang paraan ng
komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa
isang tiyak na lugar, para sa isang
partikular na layunin na ginagamitan ng
mga verbal at viswal na signal para
makapagpahayag.
WEBSTER (1990)

•Ang wika ay kalipunan ng mga


salitang ginagamit at naiintindihan ng
isang maituturing na komunidad.

You might also like