You are on page 1of 38

WIKA

Ano nga ba ang


kahalagahang naidudulot
ng wika sa buhay ng tao?
WIKA
• Ang bawat nilikha ay naghahangad na
magkaroon ng kahusayan sa wika.
• Ito ay isang mahalagang kasangkapan
upang maipahayag ng tao ang kanyang
damdamin at kaisipan.
• Sa pamamagitan ng wika,
nabubuo ang mabuting relasyon sa
kapwa, napapaunlad ng tao ang
kanyang sarili at nakatutulong din
siya sa pagpapaunlad ng kabuhayan
ng iba.
Dahil sa wika nakatatanggap
at nakikibahagi siya sa
kapwa ng bisang dala ng
pagbabago sa kultura at
kabihasnan.
Ito’y umuunlad at patuloy
na nagbabago. Kailanman
ito’y hindi static.
Ang wika ay isang likas at makataong
pamamaraan ng paghahatid ng
mga kaisipan, damdamin at
mithiin.
-Edward Sapir
Ang mga tao’y nabubuhay sa mga
simbolo na kinukontrol naman nila.
Ang kakayahan ng mga tao na kontrolin
ang mga simbolong ito ay napatangi sa
kanya sa iba pang nilikha. Ito rin ang
ikinaiba ng tao sa hayop.
-(Lachica, 1993)
Ang wika ay isang sistema
ng mga sagisag na binubuo
at tinatanggap ng lipunan
-Caroll 1964
Ang wika ay isang set o kabuuan ng
mga sagisag na ginagamit sa
komunikasyon. - hindi lamang
binibigkas na tunog kungdi ito’y
sinusulat din.
-Todd 1987
Ang wika ay nakabalangkas na
sistema ng mga arbitraryong simbolo
at tunog na binibigkas at sa
pamamagitan nito’y nagkakaroon ng
interaksyon ang isang pangkat ng
tao.-----Bram
Ang wika ang pangunahin at
pinakatiyak na anyo ng
simbolikong gawaing pantao.
----Archibald Hill
Ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong kabahagi at
kasama sa isang kultura sa kanilang
pakikipagtalastasan.----Henry Gleason
Review:
Ayon kay ___________, ”Ang
wika ay isang sistema ng
mga sagisag na binubuo at
tinatanggap ng lipunan”
Ang wika ay isang sistema ng
mga sagisag na binubuo at
tinatanggap ng lipunan
-Caroll 1964
Binibigyang diin ni
________________ na “Ang wika ay
isang set o kabuuan ng mga sagisag
na ginagamit sa komunikasyon. -
hindi lamang binibigkas na tunog
kungdi ito’y sinusulat din.”
Ang wika ay isang set o kabuuan ng
mga sagisag na ginagamit sa
komunikasyon. - hindi lamang
binibigkas na tunog kungdi ito’y
sinusulat din.
-Todd 1987
Sabi ni ___________________ “Ang mga
tao’y nabubuhay sa mga simbolo na
kinukontrol naman nila. Ang kakayahan
ng mga tao na kontrolin ang mga
simbolong ito ay napatangi sa kanya sa
iba pang nilikha. Ito rin ang ikinaiba ng
tao sa hayop.”
Ang mga tao’y nabubuhay sa mga simbolo na
kinukontrol naman nila. Ang kakayahan ng
mga tao na kontrolin ang mga simbolong ito ay
napatangi sa kanya sa iba pang nilikha. Ito rin
ang ikinaiba ng tao sa hayop

(Lachica, 1993)
Ayon kay __________________,
“Ang wika ay isang likas at
makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan,
damdamin at mithiin.”
Ang wika ay isang likas at
makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan,
damdamin at mithiin.

-Edward Sapir
KATANGIAN NG
WIKA
Bakit importante
ang wika?
Wika ang ginagamit natin sa
pakikipagtalastasan. Sa
pamamagitan din nito nalalaman
natin kung ano ang gustong
ipahiwatig ng ating kapwa.
• Nagkakaintindihan at
nagkakaunawaan ang bawat isa sa
pamamagitan ng paggamit ng wika.
• Ito ang nagbubuklod sa bawat tao
hindi lamang dito sa Pilipinas kundi
maging sa mga ibang bansa rin.
• Nagkakaintindihan at
nagkakaunawaan ang bawat isa sa
pamamagitan ng paggamit ng wika.
• Ito ang nagbubuklod sa bawat tao
hindi lamang dito sa Pilipinas kundi
maging sa mga ibang bansa rin.
• Sa pamamagitan ng wika kaya
nagkakaunawaan at nagkakaroon ng madaling
komunikasyon ang bawat tao kundi pati na rin
sa mga karatig bansa nito.
• Ang wika ang sumasagisag sa napakaraming
aspekto ng buhay ng tao. Ang wika ay kaluluwa
ng isang bansa at salamin ng lipunan.
• Ang wika ay sagisag ng pambansang
pagkakakilanlan. Ang wikang pambansa
ay siyang susi sa pagkakabuklod-buklod
ng damdamin at diwa ng mga
mamamayan.
• Nakakapagkomunikasyon sa iba at
nasasanay tayo sa gramatika
Ano nga ba ang
Pambansang
Wika?
KASAYSAYAN
• 1934- Nagkaroon ng Kumbensyong
Konstitusyunal - Lope K. Santos at
Pangulong Manuel L. Quezon
• 1935- Art. XIV Seksyon 3 ng 1935
na Saligang Batas - Batas
komonwelt Blg 184 (Surian ng
Wikang Pambansa)
• 1937- iprinoklama ni Pangulong
Quezon ang wikang Tagalog bilang
batayan (Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134)
• 1940- inumpisahang ituro ang
wikang pambansang batay sa
Tagalog sa lahat ng paaralan-
publiko at pribado
• 1946- ipinahayag na Tagalog at Ingles ang opisyal na
wika ng Pilipinas (Batas Komonwelt Blg. 570)
• 1959- pinalitan ng Pilipino ang wikang pambansa
(Kautusang Pangkagawaran Blg. 7)
• 1972- nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa
Kumbensyong Konstitusyunal - unang na gamit ang
salitang Filipino bilang bagong katawagan sa wikang
pambansa ngunit hindi napagtibay
• 1987- Art. XIV, Seksyon 6 ng S.B. - Ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
• Ang Filipino ay ang katutubong wika na
ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika
ng komunikasyon ng mga etnikong
grupo.
• Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay
dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan
ng panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di
katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang barayti
ng wika para sa iba- ibang sitwasyon, sa mga
nagsasalita nito, na may iba’t ibang sanligang sosyal at
para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling
pagpapahayag.

You might also like