You are on page 1of 5

PAICA

Kultura
Ito ay kabuuan ng isip, damdamin, gawi, at kaalaman at karanasan na nagtatakda ng angking kakanyahan ng
isang kalipunan ng tao.

Katangian ng Kultura
1.Natutunan (Learned) -ito ang kung paano pinalaki, pinaliliguan, dinadamitan, inaalagan ay proseso kung saan
natututunan ng isang indibidwal ang kaugalian sa loob ng kanilang pamilya.

2 PROSESO NG INTERAKSYON NG TAO SA LIPUNAN


Enculturation - ang pagkuha ng kultura ng ibang pangkat/tao upang maging bahagi ng kulturang iyon.
Socialization - ang kabuuang pagkilala ng mga pamantayan na kultura. Dito ay matutukoy kung sino ang may
tungkulin sa lipunan tulad ng ina/ama, asawa, mag-aaral, guro, pulis, politiko at marami pang iba.
2. Ibinabahagi (Shared) - Nagsisilbing tulay upang magbigkis ang mga tao bilang kanilang pagkakakilanlan. Sa
kaparaanang ito ay masasanay ang mga tao na mamuhay ng maunlad kasama ang ibang tao kahit na hindi sila
pareho ng kulturang kinagisnan
3. Naadap (Adapted) - Ang kultura ay umaayon sa kung ano ang takbo ng kondisyon ng kapaligiran na
kinatitirhan ng tao.
4. Dinamiko (Dynamic) - Ang kultura ay patuloy na nagbabago sa paglipas ng panahon at sa pag- lipas nito sa
bawat henerasyon.

Komponent ng Kultura
Materyal- Mga bagay na nahahawakan at nakikita na ginagamit ng tao sa kanilang araw araw na pamumuhay.
Di – Materyal - Ang mga kultura at kaugaliang hindi nahahawakan ngunit maaring mapansin batay sa galaw ng
tao.

Kulturang Di- Materyal


Norms-Tumutukoy ito sa pag-uugaling karaniwan at pamantayan.
Folkways-Isa itong kaugaliang nakikita sa isang sitwasyon na tinitingnan ang
magandang kapakanan ng isang pangkat.
Mores -Tumutukoy ang mga ito sa pamantayan ng kaasalang lubhang iginagalang at
pinahahalagahan ng isang grupo.
Batas-Mga tuntunin na nagdidikta kung ano ang tama at ang mali.
Valyu -Ito ang inaasahang mabubuting pag-uugali o dapatgawin/ikilos o ipakita.
Paniniwala -Ito ay pananaw ng isang tao sa mga kaganapan at kung paano siya makikitungo rito, sinasaklaw
rin nito ay ang mga pamahiin.
Technicways-ito ay pakikiangkop ng lipunan sa mga pagbabagong dala ng teknolohiya
Mary Cres
Wika, Katangian, Kahalagahan at Gamit nito
Ano nga ba ang wika?
Ang wika ay Instrumento ng tao sa pagpapahayag ng kanyang sarili para makamit ang mithiin at adhikain niya
sa buhay. Sa pamamagitan ng wika ay naipaparating ng tao ang mga impormasyon na gusto nyang maibahagi sa
iba.Ayon kay Adamson Hoebel(1966), walang makapagsasabi kong saan o paano ba talaga nagsimula ang
wika. Maaring ang tao noon ay nakikipag komunikasyon sa pamamagitan ng pag-iyak, pagkilos,o paggalaw
hanggat ang mga senyas na ito ay binigyan ng simbolo at kahulugan. Ayon naman kay Edward Sapir: Ang
wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin.
Edgar Sturtevant: Ang wika ay isang Sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa
komonikasyon ng tao.
Gleason: Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo
Todd (1987) Ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon. Ang wikang
ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na tunog, kundi ito’y sinusulat din. Ang tunog at sagisag nito ay
arbitraryo at sistematiko. Dahil dito, walang dalawang wikang magkapareho, bagamat bawat isa ay may sariling
set ng mga tuntunin.
1. Isang Sistema ( may konsistensi o may sinusunod na patern)
2. Binubuo ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog ( binubuo ng mga tinuhog na tunog na pamilyar at alam
ng gumagamit)
3. Ginagamit para sa komunikasyon nga tao ( ginagamit para sa epektibong pagpapahayag ng iniisip, nadarama,
at anumang nakikita sa paligid)Ang mga tunog at kahulugan ng mga salita ay magkakaugnay sa arbitraryong
paraan. Nangangahulugan ito na kung hindi mo pa narirrinig ang isang salita o ang mga tunog na binubuo sa
salitang ito ay hindi mo ito mauunawaan. Kung gayon, ang wika ay isang Sistema kung saan naiuugnay ang
mga tunog sa kahulugan at kung alam mo ang wika, alam mo ang Sistema.

Katangian ng Wika
Ayon kay (Austero, et al., 1999)
1. Dinamiko/ buhay
2. May lebel o antas
3. Gamit sa komunikasyon
4. Malikhain at natatangi
5. Kabuhol ng kultura
6. Gamit sa lahat ng disiplina/ propesyon.
Kahalagahan ng Wika
Sa kasalukuyan,ingles ang lenggwahe ng globalisasyon. Ito ang linggwa frankang mundo. Ang wika ay kasama
sa pagsulong ng teknolohiya at komunikasyon. Ang lahat ng mga bagong imbensyon na nalikha ng tao ay
inilipat sa iba’t ibang
parte ng mundo. Wika ang kasangkapan para sa material ma pag-unlad, maging sa pagsulong ng kultura,
edukasyon, sining at humanidades. Sa Pilipinas, Filipino ang ginagamit na pambansang linggwa franka. Ito ang
wikang ginagamit sa mga taong may iba’t ibang wika ang sa pagkokomunikasyon upang magkaintindihan.
Tunghayan ang kahalagahan ng wika na iniisa-isa nina Buensuceso et,. al (1996).
1. Ay wika ay behikulo sa isipan.
2. Ang wika ay daan tungo sa puso ng isang tao.
3. Ang wika ay nagbibigay ng mga kautusan o nagpapakilala sa tungkulin at katayuan sa Lipunan ng
nagsasalita.
4. Ang wika ay kasasalaminan ng kultura ng isang lahi maging ng kanilang karanasan
5. Ang wika ay pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupong gumagamit ng kakaibang mga salitang hindi
laganap. 6. Ang wika ay luklukan ng panitikan sa kanyang artistikong gamit. 7. Ang wika ay kasangkapan sap
ag-aaral ng kultura ng ibang lahi. 8. Ang wika ay tagapagbigkis ng Lipunan.
Mga Pangunahing Gamit nito.
1. Pagpapangalan o (labeling). Ginagamit ito sa pagtitiyak o pag aaydentifay sa mga bagay, Gawain, kilos o sa
tao sa pamamagitan ng pagbibigay pangalan dito.
2. Interaksyon. Tumutukoy ito sa pagbabahaginan ng mga naisin o ideya.
3. Transmisyon. Ginagamit ang wika sa pagpapasa ng mga impormasyon.
Olama and Neri
ANG WIKANG FILIPINO (Lingua Franca, Wikang Pambansa, Wikang Opisyal, Wikang Panturo)
-Ang Filipino ay hindi lamang isang wika, kundi isang instrumento ng pagkakaisa at pagkakakilanlan ng mga
Pilipino. Ito ang wika na nagbibigay-daan upang magkaintindihan at magkapalitan ng mga ideya ang bawat tao.
- Bago pa maging opisyal ang isang wika, maraming pag-aaral ang isinasagawa upang malaman kung ano ang
pinaka karapat dapat na wika para sa bansa.
- Tiniyak ng gobyerno na tama ang pagpili ng wika para sa buong kapuluan at mabigyaan daan ito sa
pamamagitan ng pagsasaalang alang ng iba’t ibang wika.
Kasaysayan ng Wikang PAMBANSA

Konstitusyon ng 1935, Artikulo XIV, Seksiyon 3


"Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa
na batay sa isa mga na umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles
at Kastila ang patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal".

BATAS KOMONWELT BLG. 184 Nobyembre 13, 1936


- Pagtatatag ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP)
-Nagkaroon ng Representasyon ang bawat katutubong wika

LAYUNIN NG SWP
- Pag-aralan ang mga pangunahing wikang sinasalita ng hindi bababa sa kalahating milyong Pilipino at
magsagawa ng komparatibong pag-aaral sa bokubularyo ng mga ito.
-Patibayin at paunlarin ang isang pangkalahatang wikang pambansa.
- Piliin ang katutubong wikang higit na mayaman sa panitikan, gamit sa sentro ng kalakalan at ng nakararaming
Pilipino

BATAS KOMONWELT BLG. 184 Nobyembre 13, 1936


Jaime C. de Veyra (Samar-Leyte) Filemon Sotto (Cebu)
Casimiro F. Perfecto (Bicol) Felix S. Sales Rodriguez (Panay) Hadji Butu (Muslim)
Cecilio Lopez (Tagalog)
Santiago Fonacier (Ilocano)
Pangulo Kagawad Kagawad Kagawad Kagawad Kagawad Kagawad

WALONG PANGUNAHING WIKA


1. May maunlad na istruktura, mekaniks at nakalimbag na ng literature
2. Naiintindihan at ginagamit ng nakakaraming bilang ng mga Pilipino
Cebuano
Ilokano
Tagalog
Hiligaynon
Bikol
Waray
Kapampangan
Pangasinense

KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 134 Disyembre 30, 1937


-Pinili at iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang Tagalog bilang batayan ng bagong pambansang
wika
-Ang TAGALOG ay malawak na ginagamit sa mga pag-uusap ng mga Pilipino
Proklama Blg. 12 Marso 26, 1952
▪ "LINGGO NG WIKA (Marso 29 hanggang Abril 24)
▪ Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay
▪ Francisco Balagtas (Abril 2)
Proklama Blg. 186 Setyembre 23, 1955
▪ Agosto 13-19 ang Linggo ng Wika
▪ Bilang paggalang sa kaarawan ni Pang. Manuel L. Quezon
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 Agosto 13, 1959
▪ PILIPINO bagong katawagan ng Wikang Pambansa
▪ Jose E. Romero – Sekretaryo ng Departamentong Edukasayon
Saligang Batas ng 1973 Artikulo XIV, Seksyon 3
▪ Naghari sa damdamin ng mga di-Tagalog ang rehiyonalismo
▪ PILIPINO - nakabase sa 20 titik ng abakadang Tagalog
▪ Wikang Pambansang tatawaging FILIPINO ▪ Ingles at Pilipino bilang mga opisyal na wika

Saligang Batas ng 1973 Artikulo XIV, Seksyon 3


“Ang pambansang asembleya ay dapat magsagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na
pagpapatibay ng isang panlahat na wikang Pambansa na tatawaging Filipino”

Saligang Batas ng 1987 Artikulo XIV, Seksiyon 6


"Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at iba pang wika."
Batas Republika Blg. 7104 Agosto 14, 1991
▪ Itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino, ito ay pamalit dating sa SWP at LWP.
Proklamasyon Blg. 1041
Hulyo 15, 1997
▪ Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, Agosto 1-31.
▪ Pangulong Fidel Ramos
KAHALAGAHAN NG WIKANG PAMBANSA
• PAGKAKAKILANLAN AT PAGKAKAUNAWAAN: isang pangkalahatang wika na nag-uugnay sa atin
bilang isang bansa
• KOMUNIKASYON:
pagkakaunawaan ng mga mamayang Pilipino • EDUKASYON:
pantay-pantay sa pag-access sa kaalaman at pagkatuto
LINGUA FRANCA
tumutukoy sa anumang wika na ginagamit para sa pakikipag-usap sa pagitan ng mga taong na mayroong
magkaiibang katutubong wika.
LINGUA FRANCA
• REHIYONAL - ginamit sa isang rehiyon bilang midyum sa anupamang uri ng pakikipagtalastasan.
• PAMBANSA - nagiging midyum sa pangkalahatang pangkat ng mga tao kahit na ang nagsasalita ay mula at
nabibilang sa iba’t ibang dako ng kapuluan
KAHALAGAHAN NG LINGUA
FRANCA
• PAGKAKAISA : sa pagitan ng mga taong may iba’t ibang wika o dayalekto
• PANG-EKONIMIYA: nagbukas ito ng opportunidad sa pang-ekonomiya tulad ng Negosyo at pangangalakal •
PANGKULTURA: Nagpapalaganap ng kultura at kaalaman sa bansa
WIKANG OPISYAL

➢Ang WIKANG OPISYAL o tinatawag rin sa State Language sa wikang Ingles ay

tumutukoy sa isang wika ng particular na bansa o estado.

➢Ito ay wikang ginagamit sa pamahalaan o gobyerno at hindi ito karaniwang wikang ginagamit ng mga
ordinaryong mamamayan.

➢Ayon kay Virglio Almario, (2014) ang wikang opisyal ay itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na
talastasan ng pamahalaan.

➢Ito ay wikang maaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat sa loob at
labas ng alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno.

➢Sa 1987 Konstitusyon, nakasaad na wikang opisyal ang Filipino at hanggang ipinahihintulot ng batas, ang
Ingles. Sa pamamagitan ng EO No. 335 na inilabas ng Pang. Corazon Aquino noong 25 Agosto 1988, inatasan
ang lahat ng kagawaran, kawanihan, ahensya at instrumentaliti ng pamahalaan na gumamit ng wikang Filipino
sa lahat ng uri ng komunikasyon.

➢Ang wikang Filipino bilang wikang opisyal ay higit na nauunawaan ng mga Pilipino sa mga opisyal na
talakayan at opisyal na transaksyon.

WIKANG PANTURO

➢ Ang wikang panturo ay isang anyo ng wika na ginagamit sa pagturo o pagtuturo ng isang konsepto o
kasanayan.

➢Ayon kay Virglio Almario, (2014) ang wikang panturo naman ang opisyal sa wikang ginagamit sa pormal na
edukasyon.

➢Ito ay wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsusulat ng mga
aklat at kagamitang panturo sa mga silid aralan.

➢Sa itinatag na pambansang sistema ng edukasyon ng mga Amerikano, Ingles ang naging wikang panturo.

Nagsimulang ipagamit ang wikang Pambansa bilang wikang panturo sa panahon ng Komonwelt.

➢Napatunayan na higit na natututo o mas mabilis matuto ang mga estudyante kung Filipino ang midyum ng
pagtuturo sa iba’t ibang larangan.

➢Ang wikang opisyal ay nagbibigay ng unity at pagkakakilanlan sa isang bansa. ➢Ang wikang panturo ay
mahalaga sa pagpapalaganap ng kaalaman at kultura, at sa pagbuo ng kakayahan ng mga mag-aaral.

➢Ang wikang opisyal ay mahalaga sa pamahalaan at opisyal na komunikasyon, habang ang wikang panturo
ay mahalaga sa edukasyon at pag aaral. Pareho silang nagbibigay daan para sa tamang pag-unlad at pagsasalin
ng kaalaman.

You might also like