You are on page 1of 5

Panitikan 2022

Prelim Notes First


Semester

KAHULUGAN NG WIKA

Henry Gleason (1988) - Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

Bruce A Goldstein (2008) - Ang wika ay isang sistema ng pakikipagtalastasan gamit ang tunog at mga
simbolo na nagagamit upang maipabatid ang nararamdaman, kaisipan at mga karanasan ng isang tao

Dr. Pamela Constantino - Ang wika ay maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng nararamdaman,


isang instrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan.

Bakit dapat pahalagahan ang wika? Mawawalan ng saysay ang lahat kung walang wika. Ito ang
nagsisilbing midyum upang maipasa ang kaalaman at karunungan na natuklasan ng sanlibutan sa
susunod na henerasyon. Ito rin ang nagsisilbing tulay upang magkaunawaan ang mga tao. Ika nga
“...Makatutulong (ito) sa pagkakaroon ng mabuting interaksiyon.”

KABULUHAN NG WIKA
KABULUHAN AYON KAY DR. ORLANDO
1. Makasusumpong ka ng karunungan sa pamamagitan ng wika.
2. Sa pamamagitan ng pakikisalamuha gamit ang wika mas mapauunlad ang aspektong emosyonal at
kaisipan ng tao.
3. Nagkakaunawaan at nagkakaisa ang sangkatauhan dahil sa wika.
4. Ang wika ay behikulo ng kaisipan.
5. Ang wika ay daan tungo sa puso ng isang tao.
6. Ang wika ay nagbibigay ng mga kautusan o nagpapakilala sa tungkulin at katayuan sa lipunan ng
nagsasalita.
7. Ang wika ay kasasalaminan (o kakikitaan) ng kultura ng isang lahi maging ng karanasan.
8. Ang wika ay pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupong gumamit ng kakaibang mga salitang hindi
laganap.

Sa paanong paraan ito nagiging instrumento sa mabisang pakikipagtalastasan, kapayapaan, at


mabuting pakikipagkapwa-tao? Nagsisilbing tulay at midyum ang wika upang magkaroon ng solidong
pagkakaisa at iba pang position bunga ang mga tao kung magkakaroon ng isang wikang nauunawaan
ng lahat. Ika nga “Ang wika’y mahalagang instrumento ng komunikasyon.”

WIKANG PAMBANSA
• Ang wikang pambansa ang itinuturing na kaluluwa ng ating bansa.
• Nagiging dahilan upang magkaisa tayong mga Pilipino.
• Ayon kay Asim Nawaz Abbassi, isang Pakistan, ang pambansang wika ay pwersang nakatutulong
sa pagkakaroon ng pambansang pagkakaisa.
• Ang wikang pambansa rin ang identidad sa isang bansa at ng lahing nakatira rito.

Ilan ang wika sa Pilipinas? Mahigit 150 wika

BATAS NA IPINATUPAD

KUMBENSIYONG KONSTITUSYUNAL NOONG 1934


• Noong taong 1934, nagpatawag ng pagtitipon ang mga hinalal na delegado mula sa iba't ibang
lugar sa Pilipinas at pinagusapan kung ano ang itatatag na wikang pambansa. Sa kalagitnaan ng
pagpupulong, nagtalo ang wikang katutubo at wikang Ingles. Ngunit, tinaguyod ni Lope K.
Santos ang wikang katutubo sa pamamagitan ng paglagay ng isang pamantayan na dapat ang
wikang pambansa ay ibatay sa wikang umiiral.
• Kumbensiyong Konstitusyunal noong 1934
• Pagpili sa wikang pambansa.
• Lope K Santos < < umiiral na wika sa Pilipinas.
• Manuel L Quezon

1935: ARTIKULO XIV, SEKSIYON 3 NG SALIGANG BATAS NG 1935


• “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang
pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t hindi itinatakda ng
batas, wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling opisyal na wika.”
• Isinulat ni Romualdez ang Batas Komonwelt Blg. 184, na nagtatag ng Surian ng Wikang
Pambansa. Ang pagpili ng isang pambansang wika ay ibinatay sa “pagkaunlad ng estruktura,
mekanismo, at panitikan na pawang tinatanggap at ginagamit ng malaking bilang ng mga
Filipino.” Sa madali’t salita, Tagalog ang napiling wika sa ilalim ng pamumuno ni Jaime C. De
Veyra.

TAGALOG BILANG WIKANG PAMBANSA


• Noong Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ng dating pangulong Manuel L Quezon ang wikang
Tagalog upang maging batayan ng wikang pambansa base sa rekomendasyon ng Surian ng
Wikang Pambansa (ngayon ay KWF).
• Sa pagpasa ng batas na ito, ipinahayag ni Pangulong Manuel L. Quezon na ang opisyal na wika
ng bansa ay ibabatay sa Tagalog. Ang kautusang ito ay magkakabisa lamang pagkatapos ng
dalawang taon, ngunit ito ay ganap na makikita sa 1940.

1940: KAUTUSANGTAGAPAGPAGANAP BLG. 134


• Nagsimulang ituro ang wikang pambansa na batay sa Tagalog sa mga paaralang pampubliko at
pribado.
• Isang Kautusang Tagapagpaganap ang inilabas na nag-utos sa paglalathala ng isang gramatika
at diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Inihayag din na ang wikang pambansa ay ituturo sa mga
paaralan sa buong Pilipinas simula noong Hunyo 19, 1940.

KAUTUSANGPANGKAGAWARAN BLG. 7
• Pinalabas ng Kalihim ng Kagawaran g Edukasyon, Jose E. Romero ang Kautusang Pangkagawaran
blg. 7 na nagsasaad na ang wikang pambansa ay tatawaging Pilipino. Gagamatin ang wika sa
mga tanggapan, gusali, passaporte, diyaryo, telebisyon at komiks.
• Agosto 13, 1959
• Tagalog < Pilipino
• Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
• Jose E Romero

SALIGANGBATAS NG1973, ARTIKULO XV, SEKSIYON 3, BLG. 2:


• “Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang namagpapaunlad at pormal na
magpapatibay sa isang panlahat na wikang pambansang kikilalaning Filipino.”
• TAGALOG<PILIPINO<FILIPINO

SALIGANGBATAS NG 1987
• Yumaong dating Pangulong Cory Aquino
• Artikulo XIV, Seksiyon 6
• “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin
at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.”

“Napakalayo na nang nalakbay ng ating wikang pambansa upang maging isa itong
wikang nagbubuklod sa mga Pilipino. Marami itong pagsubok na nalagpasan hanggang
sa maisabatas at magamit ng lahat ng mga Pilipino sa nakaraan, sa kasalukuyan, at
maging sa hinaharap upang lalo pa tayong magkaintindihan at mapalawig ang ating
pagkakaisa tungo sa pag-unlad at pagtatagumpay.” (Dayag & Del Rosario, 2016)

BARAYTI NG WIKA

- Barayti; tumutukoy sa uri, kalagayan o kalidad ng pagiging iba-iba


- Iba’t-ibang wika

• Homogeneous – Isa lamang ang barayti ng wika, ginagamit sa isang teritoryo, relihiyon,
probinsya at bansa.
• Heterogeneous – Higit na marami ang barayti ng wika nito, ang mga wika rito ay ayon sa
heograpiya, edad, kasarian.
➢ Diyalekto –Isang wika pero iba ang punto at tono, sinasalita sa isang tiyak na lokasyon. May
magkaibang katawagan para sa iisang kahulugan. (Hal. Magkain tayo sa mall, kumain tayo sa
mall) (Hal. Tata = tatay, ama – tatay)
➢ Etnolek – Nagmula sa etnolingguwistikong grupo, pagkakakilanlan sa pangkat-etniko. (Hal.
Vakkul, Bulanon, Kalipay, at Palangga)
➢ Idyolek – pansariling paraan ng pagsasalita sa bawat isa. May pagkakaiba ang paraan ng
pagsasalita ng isang tao sa iba pang tao, batay na rin sa kani-kaniyang indibidwal na estilo o
paraan ng paggamit ng wika. (Hal. Excuse me po ni Mike Enriquez)
➢ Pidgin – Wikang Banyaga + Wikang Katutubo, walang pormal na estruktura. ‘Nobody’s
native language’ o katutubong wikang di pag-aari ninuman. (Hal. University = Big school)
➢ Creole – Wikang nagmula sa isang Pidgin at naging sinusong wika sa isang lugar. May
pormal na estruktura,
➢ Sosyolek – kalagayang panlipunan ng tao (Gay Lingo; upang mapanatili ang sariling
pagkakakilanlan binabago ang tunog at kahulugan ng mga salita) (Coñotic; halong tagalog
at ingles, Jejemon; jejetyping jejespeak numbers simbolo maliit at malaking letra, Jargon;
bokabularyo ng mga natatanging pangkat)
➢ Register – inaangkop ng isang tao ang uri ng kaniyang wika sa sitwasyon at sa kausap

Bakit mahalagang malaman, tanggapin at igalang ng isang tao ang iba’t ibang barayti ng
wikang ginagamit ng iba’t ibang tao sa paligid? Ang mga barayti ng wika ay mahalagang
malaman, makatutulong ito upang tayo’y higit magkaunawaan.

Sa bawat pakikisalamuha sa iba’t ibang tao magagamit at makatutulong ang kabatiran sa


mga barayti ng wika upang mas lumawak ang pang-unawa sa isa’t isa tungo sa pagkakaisa.

GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

• Heyuristiko – Nagtatanong at humihingi ng impormasyon sa pagnanais natin matuto at


magkamit ng kaalaman.
• Impormatibo – Tayo ay nagpapabatid at naghahatid ng mga bagong kaalaman at katotohanan
sa pagagamitan ng wika.
• Imahinatibo - Sa pagiging malikhain ng tao ay natural na dumadaloy ang paggamit ng wika sa
imahinatibong pamamaraan.
• Regulatori - Ang wika ay nakapagpapakilos ng sambahayanan maging ng sandaigdigan.
• Pansarili o personal - Naipapahayag ang mga nararamdaman, pangitain, opinyon at pagkatao
ng isang indibiduwal.
• Instrumental - Nakikiusap, at humihingi ng tulong ang tao gamit ang wika.
• Interaksyon - Nagkakaroon ng tawanan, iyakan at pagkakaunawaan gamit ang wika.

Mahalaga ang gampanin ng wika sa lipunan, Susi ito sa pagkakaisa at


pagkakaunawaan.”. Gamitin ang wika nang tama dahil iyan ang magbibigkis sa iyo sa
ibang tao. Kung paano mo ginagamit ang wika, iyan ang maaalala sa iyo ng ibang tao.

You might also like