You are on page 1of 5

KOMUNIKASYON (PRELIMS)

Ebolusyon ng Wikang Pambansa

Ebolusyon ng Alpabeto

1.) BAYBAYIN - Bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating bansa, angkin na ng ating mga ninuno ang
mayamang kultura. Likas na sa mga Pilipino ang pagiging malikhain at masining. Maging sa Sistema ng Panulat ay
mayroon na silang ipinagmamalaki na sumasalamin sa kulturang Pilipino at ito ay ang Baybayin.
 3 – Patinig
 14 – Katinig

2.) EL ABECEDARIO – Spanish Alphabet


3.) ENGLISH ALPHABET – 26 letters
4.) ABAKADA – 20
5.) FILIPINO ALPHABET – 28

BATAS NG WIKA

 Artikulo 14, Seksyon 3 ng Saligang Batas (1935)

“Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na
nababatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.

 Batas Komonwelt Blg. 184 (1936)

 SURIAN NG WIKANG PAMBANSA (SWP)


 Paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP)

Ang pangunahing layunin ng SWP ay piliin ang katutubong wika na gagamiting batayan ng pagpapalaganap at
pagpapatibay ng wikang pambanasa.

Mga Kinatawaan ng SWP :

• Jaime C. de Veyra - Bisaya-Samar-Leyte - Tagapangulo


• Lope K. Santos - Tagalog Kagawad
• Santiago Fonacier - Ilokano Kagawad
• Casimiro Perfecto - Bicolano Kagawad
• Felix B. Salas - Hiligaynon Kagawad
• Cecilio Lopez - Tagalog Kagawad
• Hadji Buto - Moro Kagawad
• Isidro Abad - Bisaya-Cebu Kagawad
• Zoilo Hilario - Kapampangan Kagawad
• Jose Zulueta - Panggasinense Kagawad
 KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 134 (1937)

- Alinsunod sa BK.184
- Tagalog ang ginawang saligan ng wikang pambansa

 Dahilang ibinigay ng Surian ng Wikang Pambansa kung bakit sa Tagalog ibinatay ang wikang Pambansa. Ito ay
ang mga sumusunod.

1. Ito ay may pinakamayamang talasalitaan. Katunayan, ang Tagalog ay binubuo ng 30,000 salitang-ugat at 700 panlapi.

2. Ito ang wikang ginagamit sa sentrong kalakalan.

3. Ito ang salita o wikang ginagamit ng nakararami.

4. Ito ay madaling pag-aralan, matutunan at bigkasin.

5. May pinakamaunlad na panitikan sa lahat ng katutubong Wika sa Pilipinas.

 Kautusang Tagapagpanaganap Blg. 263 (1940)

Nagbigay ng pahintulot sa pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at ng balarila ng wikang pambansa at


itinagubilin din ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralan, pambayan man o pampubliko.

 Batas Komonwelt Blg. 570 (1940)

Pambansang Wika - isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas


Pilipino- wikang opisyal ng Pilipinas (1968)
Filipino - wikang opisyal ng Pilipinas (1987)

 Proklama Blg. 19 (1986)


Ama ng Wikang Pambansa – Pangulong Manuel L. Quezon

 Proklama Blg. 1041 (1997)


Nagtakda na ang buwan ng Agosto taon-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at nagtagubilin sa iba’t
ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsagawa ng mga gawain kaugnay sa
taunang pagdiriwang.

 Artikulo XIV, Seksyon 6 (1987)

“ Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika.

 Seksyon 7

Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at
hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang opisyal sa mga rehiyon ay magsisilbing
pantulong sa mga wikang panturo noon.
WIKA
A.) KAHULUGAN

- Ayon kina Pamela Constantino at Galileo Zafra (2008), “ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at
ang pamamaraan ng pagsasamasama ng mga ito para magkaunawaan o makipagkomyunikeyt ang
isang grupo ng mga tao.”
- Ayon kay Henry Gleason (1988) – Ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na
pinipili ay isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
- Ayon kay Archivald Hill (1976) – Ang wika ay pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong
gawaing pantao.
- Ayon kay Webster (1974) – Ang wika ay isang Sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa
pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbulo.
- Kasangkapan ng komunikasyon o pakikipagtalastasan
- Tagapagdala ito ng mga ideya at naiimpluwensyahan nito ang ugali ngtao, ang isip at damdamin.
- Nagbubuklod sa isang lipunan na may iisang kultura. Hinti matatawag na isang lipunan ang isang
grupo ng mga tao kung wala silang wikang komon.
- Ang wika ay tunay na mahalagang kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa.
Naipapahayag at naihahatid niya ang kanyang ideya at saloobin sa kanyang kapwa gamit ang wika.
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika sa buhay ng tao sapagkat ginagamit niya ito sa iba’t
ibang aspeto ng kanyang buhay. Ang wika rin ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang bansa. Ang
isang bansang may sariling wika ay maituturing na isang bansang malaya.

B.) KAHALAGAHAN

1. Instrumento ng Komunikasyon
➢ Hindi na mahalaga ang mataas na kaalaman sa wika, sapat na ang nagkakaunawaan gamit ang
wika
2. Nagbubuklod ng bansa
➢ Wika ang naging dahilan upang magkaisa ang mga tao , umunlad at makamit ang kalayaan
3. Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip
➢ Nagpapalawak ng ating imahinasyon, pagpapakita ng emosyon at leybel ng wika
4. Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman
➢ Paglalakbay Pagsasalin Pagtatala Midyum ng Karunungan

C.) KATANGIAN

1. Ang wika ay masistemang balangkas - Ang ibig sabihin ng katangiang ito ay isinaayos ang mga tunog
sa sistematikong paraan para makabuo ng makahulugang bahagi tulad ng salita, parirala,
pangungusap at panayam.

Ponema – tawag sa makabuluhang tunog


Ponolohiya – makaagham na pag-aaral ng mga tunog
Morpema – pinakamaliit na yunit ng salita
Morpolohiya – pag-aaral ng morpema
➢ Salitang-ugat : Paruparo, alaala, tao
➢ Panlapi :
2. Ang wika ay sinasalitang tunog - Ito ay sinasalita na galing sa magkasunod-sunod na tunog na
humuhugis sa paraan ng mga iba’t ibang kasangkapan sa pagsasalita na tinatawag na mga bahagi ng
pagsasalita o speech organs

3. Ang wika ay arbitraryong simbolo ng mga tunog - Sa katangiang ito, ang mga salita ay tumututok sa
mga salitang simbolo. Napapaloob sa katawagang ito ang dualismo na isang pananagisag at isang
kahulugan

4. Ang wika ay pantao - Ang wika ay isang eksklusibong pag-aari ng mga tao nga sila mismong lumikha at
sila rin ang gumagamit. Dala-dala ng mga tao nito bilang kasangkapan ng pakikipagtalastasan.

5. Ang wika ay kaugnay ng kultura - Taglay nito ang kultura ng lipunang pinagmumulan nito. Ang sining,
panitikan, karunungan, kaugalian, kinagawain at paniniwala ng mamamayan ang bumubuo ng kultura.

6. Ang wika ay ginagamit - Kailangan itong gamitin na instrumento sa komunikasyon. Unti-unting


mawawala ito kapag hindi ginagamit.

7. Ang wika ay natatangi - May kaibahan ang bawat wika sa ibang wika. Walng dalawang wika na
magkatulad. Ang bawat wika ay may sariling sistema ng palatunugan, palabuuan, at palaugnayan; at may
sariling set ng mga bahagi.

8. Ang wika ay dinamiko - Ito ay buhay at patuloy sa pagbabago nang dahil sa patuloy rin na nagbabago
ang pamumuhay ng tao at iniangkop ang wika sa mabilis na takbo ng buhay na dulot ng agham at
teknolohiya.

9. Ang wika ay malikhain -Ang anumang wika ay may abilidad na makabuo ng walang katapusang dami
ng pangungusap.

D.) ANTAS NG WIKA

1. Pabalbal /Balbal

May katumbas itong “slang” sa Ingles at itinuturing na pinakamababang antas ng wika. - Mga salitang Pangkalye
o Panlansangan. - Tinatawag din itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may nabubuongmga
salita. - Pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit sa lansangan. - Karaniwang ito ay nabubuo ng
isang grupo tulad ng mga bakla na nagsisilbing koda nila sa kanilang pakikipag-usap.

Mga Halimbawa:  PARAK  pulis  ESKAPO  takas sa bilangguan  ISTOKWA  Naglayas  JUDING  bakla 
TIBOLI  Tomboy  BALBONIK  taong maraming balahibo sa katawan  BROKEBACK lalaki sa lalaking relasyon

2. Kolokyal

Mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na mga salita. - Nagtataglay ng kagaspangan
ang mga salitang ito subalit maaari rin namang magingrepinado batay sa kung sino ang nagsasalita gayon din sa
kanyang kinakausap. - Ginagamit sa okasyong impormal at isaalang- alang dito ang salitang madaling
maintindihan.

Mga Halimbawa:

alala, lika, naron, kanya-kanya, antay, lugal

3. Lalawiganin/Panlalawigan

Karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan gaya ng mgaCebuano, Batangeno, Bicolano, at iba
pa na may tatak-lalawiganin sa kanilang pagsasalita. - Isang palatandaan ng lalawiganing tatak ay ang punto o
accent. - Salitang ginagamit ng mga tao sa isang partikular na pook. - Mga salitang ginagamit sa isang lalawigan at
hindi pamilyar na gamitin sa ibang lugar.

MGA HALIMBAWA

KAIBIGAN HALIK
 Kaibigan-Tagalog  Halik-Tagalog
 Gayyem-Ilokano  Ungngo-Ilokano
 Higala-Cebuano  Halok-Cebuano
 Amiga-Bikolano  Hadok-Bikolano

4. Pambansa/Lingua Franca

Ginagamit sa mga aklat, babasahin, at sirkulasyong pangmadla. - Wikang ginagamit sa mga paaralan at sa
pamahalaan - Salitang higit na kilala o ginagamit sa pook na sentro ng sibilasyon at kalakalan.

Mga Halimbawa: aklat, ina, ama, dalaga, masaya

5. Pampanitikan

- Pinakamayamang uri - Kadalasa’y ginagamit ang salita sa ibang kahulugan


- Gumagamit ng idyoma, tayutay, at iba’t ibang tono, tema, at punto
- Isang eksperto na rin ang nagsabi na ang panitikan ay ang “kapatid na babae ng kasaysayan,” ito ay dahil sa ang
wikang pampanitikan ay makasaysayan dahil sa kanyang kakayahang lumikha ng piksyunal o kathang isip.
- Ito ay nagaganap sa tuwing ang wikang pampanitikan ay malayang nagagamit sa pagkatha ng dula, katha,
palabas, at iba pang likhang pampanitikan.

Mga Halimbawa:

Mabulaklak ang dila


Di-maliparang uwak
Kaututang dila
Balat sibuyas
Taingang kawali
Nagbukas ng dibdib

You might also like