You are on page 1of 12

Wikang Pambansa

- ito ay tumutukoy sa isang wikang ginagamit nang pasalita at pasulat ng mga mamamayan ng
isang bansa. Ito ang nag-iisang wikang ginagamit batay sa kultura ng lipunan.

Norberto Romueldez (Father of the Law of National Language)

- Nobyembre 13,1936 nilikha ang Batas Komonwelt blg. 184 para itatag ang Suriang Wikang
Pambansa (SWP)

Jaime C. De Veyra – isang kampyon sa panitikang waray na namuno sa SWP.

Kasama: Santiago Fonacier (Ilokano) Felix S. Salas Rodriguez (Panay)

Filemon Sotto (Cebuano) Hadji Butu (Moro-Mindanao)

Casimiro Perfecto (Bikolano) Cecilio Lopez (Tagalog)

Tagalog – Nobyembre 9, 1937 nagkasundo ang SWP sa pagpili ng Tagalog.

Manuel L. Quezon (Ama ng Wikang Pambansa)

December 31, 1937 - sinang-ayunan at hinirang na tagalog ang pambansang wika ng Pilipinas.

Pilipino – 1959, nang nagsimulang tawaging Pilipino ang ating wika upang malayo ito sa pagkakakonekta
sa tatak na tagalog.

Innoncencio V. Ferrer – “Hindi Konstitusyonal”

Geruncio Lacuesta – “Language Approach Movement” “Anti-Purist Conference”

1971 Constitutional Convention – bumalik ang isyu ng pambansang wika.

Saligang Batas 1973, Artikulo XV, Seksyon 3(2)

- Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na


paggamit ng pambansang wikang Pilipino.

Filipino - ang pambansang wika ng Pilipinas at mahaba ang kasaysayan ng pag-unlad nito.

Filipino ang de jure at de facto na pambansang wika ng bansa.

- De jure sapagkat legal at naaayon sa batas na Filipino ang pambansang wika.


- de factong pambansang wika sapagkat aktuwal na itong ginagamit at tinatanggap ng mayorya
ng mamamayang Pilipino.

1987 constitution - Tinitiyak ng ating Konstitusyon ang pagkakaroon at pagpapaunlad ng isang


pambansang wika.

Artikulo XIV, Seksiyon 6-9 ang mga tiyak na probisyong kaugnay ng wika.

“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop atmalansang isda; kaya ating pagyamaning
kusa, gaya ng inang saatin ay nagpala.” – Jose Rizal
Wikang Opisyal
Ang Wikang Opisyal o tinatawag rin sa State Language sa wikang ingles ay tumutukoy sa isang wika ng
partikular na bansa o estado. Ito ay wikang ginagamit sa pamahalaan o gobyerno at hindi ito ang
karaniwang wikang ginagamit ng ordinaryong mamamayan.

-Ito ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.

Virgilio Almario (2014) - ang wikang opisyal ay itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na
talastasan ng pamahalaan. Ito ang wikang maaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon,lalo na sa
anyong nakasulat,sa loob at sa labas ng alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno.

1987 Constitution Artikulo VIX Seksyon 7

- binabanggit na, ukol sa layunin ngkomunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hanggang walang ibangitinatadhana ang batas, Ingles.

1987 Constitution Artikulo VIX Seksyon 8

- Ang konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing
wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.

Agosto 8, 1988 - pinirmahan ng dating Pangulong Corazon Aquino ang Executive Order 335

- na nag-uutos sa lahat ng sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino bilang opisyal na
wika sa transaksyon at komunikasyon ng mga sangay ng pamahalaan.

Ang wikang pambansa ay ipinahayag bilang opisyal na wika simula Hulyo 4,1946.

Bilingguwalismo
- to ay tumutukoy sa kakayahan ng isang taong makapagsalita ng dalawang wika.
- Maituturing na bilingguwal ang isang tao kung magagamit niya ang ikalawang wika nang matatas
sa lahat ng pagkakataon.

Pinatupad ang Biligual Education Policy (BEP) sa Pilipinas sa pamamagitan ng National Board of
Education (NBE) Resolution No. 73-7, S. 1973.

Noong 1994, ipinatupad ang polisiya sa pamamagitan ng paglalabas ng DECS ng Department Order No.
25, S. 1974 na may titulong “Implementing Guidelines for the Policy on Bilingual Education.”

1.Mapataas ang pagkatuto sa pamamagitan ng dalawang wika.


2.Maipalaganap ang wikang Filipino bilang wika ng literasi.
3.Mapaunlad ang Filipino bilang simbolo ng pambansang identidad at pagkakaisa. 4.Malinang ang
elaborasyon at intelektuwalisasyon ng Filipino bilang wikang akademikong diskurso. 5.Mapanatili ang
Ingles bilang internasyinal na wika para sa Pilipino at bilang wika ng siyesya.

Sa pagiging isang bilingguwal ay napapaunlad ang wikang Filipino maging sa natural na proseso,
mapagyayaman ang kanyang talasalitaan sa pagsanib ng iba't ibang wika.
Multilingguwismo
Ang multilingguwalismo ay tumutukoy sa kakayahan ng isang indibiduwal na makapagsalita at
makaunawa ng iba't ibang wika. Sa antas ng lipunan, ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng iba't
ibang wika na sinasalita ng iba't ibang grupo ng mga tao sa mga lalawigan at rehiyon.

Hinuhulaan ng kasalukuyang mga pagtatantya na humigit-kumulang 43% ng mga tao ay bilingual, na may
karagdagang 17% na multilingual. Nangangahulugan ito na higit sa kalahati ng populasyon ng mundo ay
matatas magsalita ng higit sa isang wika.

Mga Benepisyo:

- Mahusay na kasanayan sa pakikinig


- Maunlad na kognitibong kakayahan
- Kritikal na pag-iisip
- Matalas na memorya
- Kahusayan sa paglutas ng mga suliranin

Ang pag-aaral ng maraming wika ay muling nag-istruktura sa utak at sinasabi ng ilang mananaliksik na
pinapataas nito ang kapasidad ng utak para sa plasticity. Ang pag-aaral ng wika ay nagpapalaki ng
plasticity ng utak at ang kakayahan ng utak na mag-code ng bagong impormasyon

Sa Pilipinas, ipinatupad ang multilingguwal na edukasyon sa pamamagitan ng Department of


Education Order 16, s. 2012 (Guidelines on the Implementation of the MTB-MLE) na may mga
layuning:

- Pagpapaunlad ng wika tungo sa matatag na edukasyon at habambuhay na pagkatuto


- Kognitibong pag-unlad na may pokus sa higher order thinking skills (HOTS)
- Akademikong pag-unlad na maghahanda sa mga mag-aaral na paghusayin ang kakayahan sa
iba't ibang larang ng pagkatuto
- Pag-unlad ng kamalayang sosyo-kultural na magpapayabong sa pagpapahalaga at pagmamalaki
ng mag-aaral sa kanyang pinagmulang kultura at wika.
Homogeneous at Heterogeneous
Homogeneous - ay salitang Griyego na "homo" na ang kahulugan ay pareho at ang salitang "genos"ay
yari o uri.

Pagkakaroon ng iisang anyo o katangian ng wika. Mga salitang iba’t ibang baybay ngunit iisa lamang ang
napupuntahang kahulugan.

- ay pagkakatulad ng mga salita, ngunit dahil sa paraan ng pagbabaybay at intonasyon o aksent sa


pagbibigkas ito ay nagkakaroon ng ibang kahulugan
- Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura

Heterogeneous - ay nangunguhulugang magkaiba at ang "genos" naman ay lahi, yari o uri.

Nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo, maging ng kani-
kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa.

- Dahil sa pagkakaiba ng mga indibidwal at grupo ng tao, ayon sa lipunan ng kanyang


ginagalawan, antas ng pamumuhay, edad, lebel ng edukasyon na natamasa at interes sa buhay,
nagkaroon ng iba't ibang barayti ang ating wika

BARAYTING PERMANENTE

Dayalekto

- Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular
na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon o bayan.

Idyolek

- Ito ay pansariling pamamaraan ng paggamit ng wika o istilong ginagamit ng isang tao sa


paggamit niya ng wika.

BARAYTING PANSAMANTALA

Register

- Ito ay kinabibilangan ng mga salitang may pagkapare-pareho ng baybay pero magkakaiba ang
kahulugan ayon sa aspeto ng paggamit nito.

ISTILO

- Ito naman ay batay sa relasyon ng nagsasalita sa kinakausap o mga kinakausap.

MIDYUM

- Ito ay maaaring pasulat o pasalita depende sa pamamaraang gamit sa komunikasyon.


Lingguwistikong Komunidad
Isang grupo ng mga taong gumagamit ng iisang uri ng barayti ng wika at nagkakaunawaan sa mga
ispesipekong patakaran o mga alintuntunin sa paggamit ng wika

Ang wika ay maaring maisa –uri bilang:

- HOMOGENOUS
- HETEROGENOUS
- UNANG WIKA
- IKALAWANG WIKA
- DAYUHANG WIKA

UNANG WIKA

- Wikang natutuhan at ginamit ng isang tao simula pagkapanganak hanggang sa panahon kung
kailan lubo snang naunawaan at nagagmit ng tao ang nasabing wika.

IKALAWANG WIKA

- Wikang natutuhan at ginagamit ng isang tao labas pa sa kanyang unang wika

DAYUHANG WIKA

- Wikang inaral lamag ngunit hindi ginagamit o sinasalita sa lokalidad ng taong nag-aaral nito

MGA GAMIT O TUNGKULIN NG WIKA


M.A.K HALLIDAY O mas kilala bilang Michael Alexander Kirkwood Halliday, siya ang naglahad ng pitong
tungkulin ng wika.

INTERAKSYUNAL – nagpapanatili ng relasyong sosyal.

- Pangungumusta, pagbati, pagsulat ng liham pang-kaibigan.

REGULATORY - kumukontrol/gumagabay sa kilos o asal ng iba.

- Pag-uutos, pagbibigay direksyon

PERSONAL - nagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.

- Pagpapahayag ng opinion, pagrerekomenda

INSTRUMENTAL - tumutugon sa mga pangangailangan.

- Pag-aaplay ng trabago, pag-uutos, panghihikayat

HEURISTIC - ginagamit upang maragdagan ang kaalaman ng isang tao.

- Pagdalo ng seminar, pagtanong sa guro tungkol sa paksa na hindi naiintindihan

IMAHINASYON - nakapagpapahayag ng sariling imahinasyon sa malikhaing paraan.


- Pagsasalaysay, paglalarawan

IMPORMATIBO - Nagbibigay ng mga impormasyon

- Pagtuturo, pag-uulat

UNANG WIKA AT IKALAWANG WIKA


Unang Wika
Wikang natutuhan at ginamit ng isang tao simula pagkapanganak hanggang sa panahon kung
kailan lubo snang naunawaan at nagagmit ng tao ang nasabing wika.

Ikalawang Wika
Wikang natutuhan at ginagamit ng isang tao labas pa sa kanyang unang wika

DAYUHANG WIKA
Wikang inaral lamag ngunit hindi ginagamit o sinasalita sa lokalidad ng taong nag-aaral nito
KASAYSAYAN NG PAG-UNLAD NG WIKANG PAMBANSA NG
PILIPINAS
 Ating bansa ay may pinakamaraming dayalekto (400 ibat ibang dayalekto or wikain ang
ginagamit)
 Ang pag-unlad ng ating wikang pambansa ay masasalamin sa mga batas, kautusan, proklama at
kautusan na ipinalabas ng pamahalaan na may kaugnayan sa ating wikang pambansa

Mahalagang batas, kautusan proklama:

 1935 (Seksyon 3, Artikulo XIV)


o Gagawa ng hakbang tungo sa pag-unlad at pagpapatibay ng isang wika batay sa mga
umiiral na katutubong wika
 1936 (Oktubre 27)
o Itinagubilin ni Pangulong Manuel L. Quezon sa Asemblea Nasyonal ang paglikha ng:
o Surian ng Wikang Pambansa - pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas
o Layuning makapag-unlad at makapagtibay ng isang wikang panlahat na batay sa isang
wikang umiiral
 1936 ( Nov 13)
o Pinagtibay ng batasang pambansa ang batas komonwelt blg. 184 na lumikha ng isang
Surian ng Wikang Pambansa
 Tungkulin at Gawain ng Surian ng Wikang Pambansa
o Pag-aaral ng mga pangunahing wika
o Paggawa ng paghahambing at pag-aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing dayalekto
o Pagsuri at pagtiyak sa ponetika at ortograpiyang pilipino
o Pagpili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng wikang pambansa na dapat
umaayon sa 
 Pinakamaunlad at mayaman na panitikan
 Wikang tinatanggap at ginagamit ng mostly Pilipino
 1937 (Enero 12)
o Hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kagawad na bumubuo ng Surian ng
Wikang Pambansa 
 Jaime C. Veyra ( tagapangulo) - Visayang Samar
 Cecilio Lopez ( kalihim at punong tagapagpaganap) - Tagalog
Kagawad
 Satiago A. Fonacier - Ilocano 
 Filemon Sotto - Visayang Cebu (maykapansanan)
 Felix Salas-Rodriguez - Visayang Hiligaynon
 Casimiro F. Perfecto - Bikol
 Hadji Butu - Muslim ( pumanaw)
 Lope K. Santos - Tagalog
 Jose I. Zulueta - Pangasinan
 Zoilo Hilario - Kapampangan
 Isidro Abad - Visayang Cebu
o SWP alinsunod sa tadhana ng seksyon 1 Batas Komonwelt Blg. 184 sa pagkakasusog ng 
Batas Komonwelt Blg. 333
 Batas Komonwelt Blg. 184 - pinapatupad bilang probisyong pangwika
  Batas Komonwelt Blg. 333 - batas na nagpapatibay sa samahang SWP
 1937 
Hunyo 18
o Pinatibay ang  Batas Komonwelt Blg. 333 na naamend sa uban ng section sa blg 184
Nobyembre 9
o As a result of the study and in accordance with the provisions of the law, the Surian ng
Wikang Pambansa adopted a resolution declaring that Tagalog is the one that almost
fully meets the requirements of the law of the commonwealth, so it instructed the
president of the Philippines to that will be adopted as the basis of the national language
Disyembre 30
o Ipinahayag ng Pangulong Quezon ang Wikang Pambansa ng Pilipinas na batay sa Tagalog
 Tagalog ang ginawang saligan ng Wikang Pambansa sa dahilang itoy nahahawig sa maraming
wikain sa bansa.
 PANGUNAHING WIKA
o Cebuano Hiligaynon
o Samar Leyte
o Bikol Ilokano
o Pangasinan Kapampangan
 Ayon sa SWP ay mayaman daw ang tagalog sapagkat sa pamamagitan ng paglalpi at
pagtatambal 
 1940
Abril 1
o Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 ay binigyang-pahintulot ang
pagpapalimbag ng isang Diskyunaryo at isang Gramatika ng Wikang Pambansa

Abril 12
o Pinalabas ng Kalihim Jorge Bocobo ng Pagtuturong Pambayan ang isang Kautusang
Pangkagawaran
o  Ang pagtuturo ng wikang pambansa ay sinimulan muna sa mataas at paaralang normal
Hunyo 4 
o  Batas ng Komonwelt Blg. 570 - ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang
opisyal ng Pilipinas 
Hunyo 7 
o Pinagtibay ang Batas ng Komonwelt Blg. 570
Hunyo 19
o pasisimulan nang ituro ang Wikang Pambansa ng Pilipinas sa lahat ng paaralang-bayan
at pribado sa buong bansa. 
 1954 (Marso 26)
o Signed by the President Ramon Magsaysay Proclamation Big 186 which amended
Proclamation No. 12, series of 1954, which hereby moves the period of celebration of
the National Language Week every year from the 13th to the 19th of August. Included in
the period covered is the celebration of Quezon's birthday
(August 19).
 1959 ( Agosto 13)
o Pinalalabas ng Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7
o which states that when the National Language is defined, the word PILIPINO will be
used.
 1967 ( Oktubre 24)
o Naglagda (signed ang pangulong Marcos ng isang 
o Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 - na nagtatadhanang ang lahat ng gusali, edipisyo at
tanggapan ng pamahalaan ay papangalanan na sa Pilipino
 1968 (Marso 27)
o Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkular Blg.
172 na nagbibigay-diin sa pagpapairal ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
o required that the letterheads of the departments, offices and branches of the
government be properly written in Filipino, with the corresponding text in English
attached. The form of the oath of office of the leaders and employees of the
government will be done by Filipinos. _P

Agosto 5
o Pinalabas ang Memorandum Sirkular Blg. 199 na nilagdaan ni Kalihim Tagapagpaganap
Rafael M. Salas na nananawagan sa mga pinuno at empleyado ng pamahalaan na
dumalo sa mga seminar sa Pilipino na idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa lahat ng
purok pangwika.
Agosto 6
o NILAGDAAN NG PANGULO ANG KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP blg. 187 
o Na ang lahat ng sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hanggat maari sa
linggo ng wikang pambansa at pagkaraan nito, sa lahat ng opisyal na komunikasyon at
transaksyon ng pamahalaan.
 1969 (Agosto 7)
o Ipinalabas ni Ernesto M. Maceda ang Memorandum Blg. 277 
 1970 (Agoosto 17)
o Inilabas ni kalihim tagapagpaganap Alejandro Melchor ang
o Memorandum Sirkular Blg. 384 - may kakayahang tauhan upang mamahala ng lahat ng
komunikasyon sa Pilipino sa lahat ng sangay ng pamahalaan
 1971 (Marso 4)
o Inilabas ni kalihim tagapagpaganap Alejandro Melchor ang
o Memorandum Sirkular Blg. 443 - hinihiling ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan na
magdaos ng palatuntunan sa alaala ng ika 183 anniversary ng kapanganakan ni baltazar 
Marso 16
o Nilagdaan ni Marcos
o Ang kautusang tagapagpaganap Blg. 304 - nagpapanauli sa Surian ng Wikang Pambansa
at nililiwanag ang kanyang mga kapangyarihan at kungkulin.
 Octubre 24,1967
o Naglagda ang pangulong Maros ng isang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, na
nagtatadhanang ang lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay
papangalanan na sa Pilipino.
 1971 (Hulyo 29)
o Itinadhana ng Memorandum Sirkular Blg. 488 na humiling sa lahat ng tanggapan
ng pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng linggo ng
wikang pambansa aug 13-19
Disyembre 1
o Nilagdaan ni pangulong marcos ang 
o Kautusang panlahat Blg. 17 - naguutos na limbangin sa Pilipino at ingles sa
official gazette at gayon din sa mga pahayagang may malawak na sirkulasyon
bago idaos ang plesito para sa ratipikasyon ng saligang bansa noong jan 5 1973
 1972 (Disyembre)
o Nag-atas ang Pangulong Ferdinand Marcos sa SWP na ang saligang batas ay
isalin sa mga wikang sinasalita ng may limampung libo (50,000) mamamayan
 1973
o Saligang Batas, Artikulo XV Seksyon 3
o Artikulo XV, Seksyon 3 (1973)Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang
resolusyong nagsaad na gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas ng
elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan opribado at
pasisimula sa taong panuruan 1974-1975
 1974 (Hunyo 19)
o Nilagda ni kalihim Juan L. Manuel ng edukasyon at kultura
o Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 - pagpapatupad ng patakarang edukasyong
bilinggwal sa mga paaralan na magsimula sa taong-aralan1974-1975
o Ang kautusang ito alinsunod sa mga tadhana sa saligang batasan ng 1972
 1978 (Hulyo 21)
o Nilagda ni kalihim Juan L. Manuel ng edukasyon at kultura
o Kautusang Pangministri Blg. 22 
 isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasaang antas
 Magsimula sa unang semestre ng taong aralan 1979-1980
 Gagamiting wikang panturo sa ilan sa mga pandalubhasaang aralin sa
pagpasok ng taong aralan 
 1986 (Agosto 12)
o Nilagdaan ni pangulong Corazon C. Aquino ang
o Proklamasyon Blg. 19 - Wikang Pambansa na gumagawa ng napakahalagang
papel sa himagsikang pinasiklab ng Kapangyarihanng Bayan na nagbunsod sa
bagong pamahalaan. 
 1987 (Pebrero 2)
o Pinagtibay ang bagong kunstitusyon ng Pilipinas.
Sa Artikulo XIV, Seksyon 6-9, nasasaad ang sumusunod:
Seksyon 6. Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Seksyon 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hanggat walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
Seksyon 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin
sa mga pangunahing wikang panrelihiyon, Arabik at Kastila.
Seksyon 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa
na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba
pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili,
 1987
o Pinalabas ng Kalihim Lourdes R, Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon
Kultura at Palakasan ang Kautusan Bilang 52 na ng antas sa mga paaralan
kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakarang edukasyong bilingguwal,
o Tungkilin ng Edukasyong Bilingguwak na pahusayin ang pagkatuto sa
pamamagitan ng dalawang wika (Filipino, Ingles) upang matamo ang mataas na
uri ng edukasyon.
 1988 (Agosto 25)
o Nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 335
 1989 (Setyembre 9)
o Pinalabas ng Kalihim Lourdes R, Quisumbing ng Edukasyon, Kultura at
Palakasan ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 84 na nag aatas sa lahat ng
opisyal ng DECS.
 1990 (Marso 19)
o Pinalabas ng Kalihim Isidro Cariְְño ng Departamento ng Edukasyon, Kultura,
at Palakasan ang Kautusang Pangkagawarang Blg. 21 na nagtatagubilin
na gamiting ang Filipino sa pagbigkas at panunumpa ng katapatan sa
Saligang-Batas at sa bayan natin.
 1996
o Pinalabas ng CHED ang CHED memorandum Blg, 59 na nagtatadhana ng 9 na
yunit na pangangailangan sa Filipino.
 1997 (Hulyo)
o Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklama Blg. 1041 na
nagtatakda na ang buwan ng Agosto taon-taon ay magiging Buwan ng Wikang
Filipino.

SWP mga kapangyarihan, tungkulin, at gawain:

1. Maghayag ng mga kinakailangang panuntunan at mga alintuntunin na alinsunod sa mga


pamantayang umiiral at tumutugon sa mga pinakabagong kaunlaran sa agham ng
linggwistika tungo sa pagpapalawak at pagpapalakas ng wikang pambansa
2. Ialinsabay sa panahon ang mga gramatika ng wikang pambansa
3. Magpanukala ng diksyunaryo ayon sa pinakabagong leksikograpiya
4. Magpanukla at maghayag ng mga patakarang pangwika na naangkop sa progresibong
pagpapaunlad ng edukasyonal, kultura, lipunan, at ekonomiya ng bansa
5. Pag-aralan at pagpasyahan ang mga pangunahing isyung may kinalaman sa wikang
pambansa
6. Magpanukala ng mga patakarang naglalayon ng maramihang produksyon ng mga aklat,
pamplet at katulad ding babasahin sa wikang pambansa sa uri at obrang orihinal.
7. Isagawa ang iba pang kaugnay ng gawain.

You might also like