You are on page 1of 10

KAHULUGAN NG WIKA

- Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng


mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng
kaisipan.

- Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila
ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe. Katulad ng language - tawag
sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang lengguwahe sa salitang lingua ng Latin, na
nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming
kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan - ay
anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala,
ngunit mas kadalasang mayroon.

- Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na lingguwistika.

- Sa ilang pagkakataon, tinatawag ding dila (piguratibo), salita, diyalekto, o lingo (sariling-
wika ng isang grupo, [bigkas: ling-gow, mula sa Ingles]) ang wika.

- Ayon kay Henry Gleason, ito ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili
at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang
kultura.

MGA ANYO NG WIKA

Pinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita, subalit kabilang din
rito ang pagsusulat; kaya mayroon tayong verbal at di-verbal na anyo ng wika. Mayroon din
tayong tinatawag na mga wikang pasenyas, larangan ng musika, sining ng pagpipinta,
pagsasayaw, at maging ang matematika. "Wika" ang lahat ng mga ito kung gagamitin ang
malawakan na kahulugan ng wika.

MGA ANTAS NG WIKA

1. Kolokyal/pambansa - ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-


araw-araw na pakikipag-usap na kadalasang malayang pinagsasama ang mga wikang
Ingles at Filipino

2. Kolokyalismong karaniwan - ginagamit na salitang may "Taglish"

3. Kolokyalismong may talino - ginagamit sa loob ng silid-aralan o paaralan

4. Lalawiganin/Panlalawigan - wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook


5. Pabalbal/balbal – Ito ay mga salitang kalye - pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng
tao, na nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na magkakaroon ng sariling
pagkakakilanlan. Ito rin ay maaring nabuo sa pagbaliktad ng mga salitang
kolokyal/pambansa.

6. Pampanitikan/panitikan - wikang sumusunod sa batas ng balarila at retorika

MGA KAGAMITAN NG WIKA

• Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa


pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo ang komunikasyon. Ang araling
pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya kung saan pinag-aaralan ang
pakikipagtalastasan.

• Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling maunawaan ang


pangungusap kahit gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya madaling
naiintindihan ng bumabasa o nakikinig ang kahulugan nito.

• Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa gawaing pangkaisipan upang matugunan


ang pakikipag-ugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat o senyas ng kamay,
maaaring kasabayan ng taong nakikipag-ugnanayan, o matapos ang bawat bahagi ng
paglalahad ng taong nakikipag-ugnayan. Nagaganap ang pagpapaunawa sa pagitan ng
dalawa, tatlo, o higit pang bilang ng mga tagapagsalita o tagapaglahad na hindi
nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa pinagmumulang wika.

Kategorya ng paggamit ng wika

➢ Pormal- mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan dahil kinikilala ng ating lipunan,
tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.
Ginagamit ito sa mga usapang pormal.

Narito ang mga uri nito:

• Pambansa o karaniwan - mga karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat pangwika o


pambalarila sa mga paaralan, gayundin sa pamahalaan.

• Pampanitikan o panretorika - mga salitang ginagamit sa mga akdang pampanitikan,


karaniwang matatayog, malalalim, makulay, at masining.
➢ Impormal o Di-pormal- ay mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin sa pang-
araw-araw na pakikipag-usap. Ginagamit ito sa mga hindi pormal na usapan.

Narito ang mga uri nito:

• Lalawiganin - mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ito sa mga partikular na pook o


lalawigan lamang

• Balbal - mga salitang nahango lamang sa pagbabago o pag-usad ng panahon, mga salitang
nabuklat sa lansangan

• Kolokyal - mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong impormal. Ang pagpapaikli ng isa,
dalawa, o higit pang salita ay mauuri rin sa antas na ito

Halimbawa: mayroon=meron
ayaw ko= ayoko
nasaan=nasa'n

KAHALAGAHAN NG WIKA

▪ Ang wika ang pangunahing instrumento sa pakikipagkomunikasyon.

▪ Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong at pagpapalaganap ng kultura ng


bawat grupo ng tao.

▪ Kung walang wika walang magagamit na pantawag sa tradisyon at kalinangan, paniniwala,


pamahiin at sa iba pang bagay na kaugnay ng pamumuhay at paraan ng pamumuhay ng
mga tao.

▪ Wika ang nagsisilbing tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga karunungan at


kaalaman.

▪ Mahalaga ang wika bilang lingua franca o bilang tulay para magkausap at magkaunawaan
ang iba’t-ibang grupo ng taong may kani-kaniyang wikang ginagamit.

▪ Ang wika ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang bansa.


KATANGIAN NG WIKA

1. Masistemang balangkas- ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (fonema) na kapag


pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morfema) na
bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang
pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa
paggamit ng wika.

a. Ponolohiya o fonoloji- pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay tawag


sa makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika.

b. Morpolohiya o morfoloji– pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa


pinamakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika.

2. Sinasalitang tunog- verbally or orally lumalabas sa bibig

3. Nakabatay sa Kultura- kinagisnan, tradisyon, kinamulatan

4. Arbitraryo- uri ng wika na napagkasunduang gamitin

5. Ginagamit

6. Pinipili at inaayos

KASAYSAYAN NG WIKA

Sa dinami-dami ng mga wikaing umiiral noon sa buong Pilipinas ay Tagalog ang napili bilang
wikang pambansa.

Naimpluwensyahan ang Pagpili sa Tagalog ng mga Sumusunod:

1. Sinasalita ang Tagalog ng napakaraming tao at ito ang wikang pinakanauunawaan sa lahat ng
mga rehiyon ng Pilipinas. Papadaliin at pabubutihin nito ang komunikasyon sa mga taumbayan ng
kapuluan.
2. Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya.
3. Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinakamaunlad at malawak (sinasalamin ang dayalekto
ng Toskong Italyano) maraming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa iba pang katutubong wikang
Awstronesyo.
4. Ito ang wika ng Maynila, ang kabiserang pampolitima at pang- ekonomiya ng Pilipinas.
5. Ito ang wika ng Himagsikan at ng Katipunan- dalawang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan
ng Pilipinas.
Noong unang panahon, bago pa dumating ang mga Kastila, may iba't- ibang wika at diyalekto ang
mga katutubong tribo sa kapuluan. Nang dumating ang mga Kastila noong ika-16 siglo, nagkaroon
ng malalim na impluwensiya ang Espanyol sa wika, kultura, at lipunan ng mga Pilipino.

1521- Nagsimula ang wikang Filipino ng dumating ang mga kastila sa Pilipinas, natuklasan na may
dalawang daan na wikain o dayalekto ang mga Pilipino; subalit Tagalog ang itinuturing na
pinakamalaganap bunga ito sa pag-aaral na isinagawa nina Padre Chirino at Padre Colin.

1935- Isinulat ang 1935 Konstitusyon at nabanggit na ang pagkakaroon ng wikang pambansa.

Artikulo 14, Seksiyon 3


" Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng
isang wikang Pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika".

1936- Itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian upang mamuno sa pag- aaral at pagpili sa
Wikang Pambansa.
- Tungkulin ng Surian na magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin na magiging
batayan sa pagpili ng Wikang Pambansa ng Pilipinas.

Jaime de Veyra- Ang naging tagapangulo ng komite na nagsagawa ng pag-aaral at napili nito ang
Tagalog bilang bantayan ng "Wikang Pambansa".

1937- Ipinalabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas
na Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng Pambansang Wika.
- Dahil sa pagsusumikap ni Pangulong Quezon na magkaroon ng kikilalaning iisang wikang
Pambansa, hinirang siyang " Ama ng Wikang Pambansa".

1940- Ipinalabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 203, na


nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng Talatinigang Tagalog- Ingles at Balarila sa Wikang
Pambansa. Pinasimulan din nito ang pagtuturo ng wikang Pambansa sa lahat ng paaralan sa
buong bansa.

1959- Nagpalabas si Kagawaran ng Edukasyon Kalihim Jose Romero ng Kautusang


Pangkagawaran Blg. 7, na nagsasaad ng Pilipino ang opisyal na tawag sa wikang Pambansa.

1973 Konstitusyon- Kapanahunan ng diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos, nakasaad sa


Artikulo 15 seksiyon 2 at 3 na " Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang
tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng wikang Pilipino. Hanggat hindi binabago ang
batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas.

Noong panahon naman ng Rebolusyonaryong Gobyerno sa ilalim ni Pangulong Corazon C. Aquino


muling binago ang Konstitusyon noong 1987, kung saan nakasaad sa Artikulo 14, Seksyon 6 na:
“Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin
at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika".
1987- Ipinagpasya ng Konstitusyon na gawing opisyal na wika ang Filipino, kasama ng Ingles. Ang
pagtuturo ng wikang Filipino ay itinaguyod sa mga paaralan bilang bahagi ng edukasyon.

Sa kasalukuyan, ang Filipino ay patuloy na nagbabago at nag-aadapt upang maisama ang mga
bagong termino at konsepto, lalo na sa teknolohiya at kalakaran sa modernong lipunan.
Nadadagdagan man ang ating wika, dumadami o yumayabong man ang ating mga salita pero
kasabay pa din nito ang pagpapahalaga nating mga Pilipino sa mga tradisyon at kultura ng ating
bansa.

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

Panahon ng Kastila

Espanyol- ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo.

Panahon ng Amerikano

- Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawang wika ang ginamit ng
mga bagong mananakop sa mga kautusan at proklamasyon, Ingles at Espanyol.

- Sa kalaunan, napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal.

- Dumami na ang natutong magbasa at magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang naging
tanging rekomendasyon ng Komisyong Schurman (Marso 4, 1899).

1935- Halos lahat ng kautusan, proklamasyon at mga batas ay nasa wikang Ingles na, ayon sa
kinalabasan ng pag-aaral ni Boras-Vega noong 2010.

Konstitusyong Probisyunal ng Biak-na-Bato 1897


- Itinadhanang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas.

Marso 24,1934
- Pinagtibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos ang batas Tydings-
Mcduffie na nagtatadhanang pagkakalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang
sampung taong pag-iral ng Pamahalaang Komonwelt.

Artikulo XIV, Seksyon 3 1935


"Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika". (Pebrero 8,1935)
Octubre 27, 1936
- Itinagubilin ni Pangulong Manuel Quezon sa kanyang mensahe sa Asemblea Nasyonal ang
paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag-aaral ng mga
wikang katutubo sa Pilipinas. Layunin nito na makapagpaunlad at makapagpatibay ng
isang wikang panlahat na batay sa isang umiiral na wika.

November 13,1936
- Pinagtibay ng Batasang- Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumilikha ng isang
Surian ng Wikang Pambansa, at itinadhana ang mga kapangyarihan at tungkulin nito.

Tungkulin ng Surian ng Wikang Pambansa o SWP:

1. Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may kalahating milyong Pilipino man
lamang.
2. Paggawa ng paghahambing at pag-aaral ng tasalitaan ng mga pangunahing dayalekto.
3. Pagsusuri at pagtiyak sa fonetika at ortograpiyang Pilipino.

November 9, 1937
- Bunga ng ginawang pag-aaral at alinsunod sa itinadhana ng Batas Komonwelt Blg. 184,
ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon na ang Tagalog ang
“siyang halos na lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184,
kaya’t itinagubilin ni Pangulong Manuel Quezon na iyon ay pagtibayin bilang saligan ng
wikang pambansa.

Abril 1, 1940
- Inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 na nag-uutos ng:
1. Pagpapalimbag ng Tagalog- English vocabulary at ng isang aklat sa gramatika na pinamagatang
"Ang Balarila ng Wikang Pambansa".
2. Pagtuturo ng wikang pambansa simula Hunyo 19, 1940 sa paaralang publiko at pribado sa
buong kapuluan.

Panahon ng Pananakop ng mga Hapon

1942- Nabuo ang grupong "Purista", sila ang mga nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang
wikang Pambansa at hindi na batayan lamang.

- Ayon kay Prof. Leopoldo Yabes, ang Pangasiwaang Hapon ang nag-utos na baguhin
probisyon sa konstitusyon at gawing Tagalog ang pambansang wika. Layunin ng mga
Hapon na burahin sa mga Pilipino ang anumang kaisipan pang-Amerikano at mawala ang
impluwensya ng mga ito kaya Tagalog ang kanilang itinaguyod.

- Noong panahong iyon, Niponggo at Tagalog ang naging opisyal na wika. Pinasigla ng
Pamahalaang Hapon ang panitikang nakasulat sa Tagalog. Maraming manunulat sa wikang
Ingles ang gumamit ng Tagalog sa kanilang mga tula, maikling kumento, nobela at iba pa.
Sa Panahon ng Pagsasarili

Hunyo 7, 1940
- Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570, na nagtakdang wikang opisyal na ang
Pambansang Wika (Tagalog) simula Hulyo 4, 1940.

Marso 26, 1954


- Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 12 na nagpapahayag ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula Marso 29- Abril 4 taun-taon, sang-
ayon sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa.

September 23, 1955


- Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 186 na nagsususog sa
Proklama Blg. 12 serye ng 1954, na sa pamamagitan nito’y inililipat ang pagdiriwang ng
Linggo ng Wikang Pambansa simula Agosto 13-19 bilang paggunita sa kaarawan ni Manuel
Quezon (Agosto 19).

Agosto 13, 1959


- Inilabas ni Kalihim Jose F. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang
Pangkagawarn Blg. 7 na nagsasaad na "Kailanmat tutukuyin ang wikang pambansa, ang
salitang Pilipino ay siyang gagamitin.

Oktubre 24,1967
- Naglagda ang Pangulong Marcos ng isang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na
nagtatadhanang ang lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay
pangangalanan na sa Pilipino.

Marso 27, 1968


- Inilabas ni KalihimTagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkular Blg. 172, na
nag-aatas na ang lahat ng letterhead ng mga tanggapan, kagawaran at sangay ng
pamahalaan ay dapat na nakasulat sa Pilipino kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles.

Hulyo 21, 1978


- Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura Juan L. Manuel ang Kautusang Pangministri
Blg. 22 na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasang antas
sa kolehiyo. Magkakaroon ng 6 na yunit ng Pilipino sa lahat ng kurso, maliban sa kursong
pang-edukasyonna dapat kumuha ng 12 yunit.

Sa Kasalukuyang Panahon

Pebrero 2,1987
- Pinagtibay ang Bagong Kontitusyon ng Pilipinas sa Artikulo XIV, Seksyon 6-7, nasasaad ang
mga sumusunod:
Seksyon 6- Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Seksyon 7- Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles.

1987
- Ipinalabas ng kalihim Lourdes R. Quisimbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at
Palakasan ang Kautusan Blg. 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang
panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa
patakarang edukasyong bilingual (Bilingual Policy).

1996
- Ipinalabas ng Commission on Higher Educatiion ang CHED Memorandum Blg. 59 na
nagtatadhana ng 9 na yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon
at nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng
Pakikipagtalastasan), Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t-ibang Disiplina) at Filipino 3
(Retorika).

Hulyo, 1997
- Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklama Blg. 1041 na nagtatakda
na ang buwan ng Agosto taun-taon ay magiging “Buwan ng Wikang Filipino” at
nagtatagubilin sa iba-t-ibang sangay at tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na
magsagawa ng mga Gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.

MGA BATIS (SOURCES) NA MAAARING PAGKUNAN NG IMPORMASYON

• AKLAT- tawag sa katipunan ng mga nilimbag na akda. Naglalaman ito ng mga larawan at
mga mahahalagang bagay na nagbibigay ng impormasyon at nagpapatalas ng isipan.

• CASSETTE TAPE- isang uri o format ng magnetic tape na ginagamit para sa pagrekord at
pag-playback ng tunog.

• PAHAYAGAN- isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon at patalastas.


Ito ay maaaring pangkalahatan o may espesyal na interes, at kadalasan itong inilalathala
ng araw-araw o lingguhan.

• MGA DOKUMENTO NG PAMAHALAAN- nagsasaad ito ng mga importanteng detalye gaya


ng mga taong ipinanganak, record, at iba pa.

• INTERNET ENTRY- nagsisilbing makabagong ensayklopediya. Pinapayagan nito ang mga


tao na kumonekta at magbahagi ng impormasyon sa buong mundo, anuman ang pisikal
na distansya.
• IBA’T-IBANG MGA ARTIKULO- isang seksiyon na naglalaman ng impormasyon, maaaring
may disenyo o wala. At kalimitan ay makikita sa magasin, dyaryo, internet at social media
o kaya sa anumang uri ng publikasyon.
• MGA TAPOS NA O MGA GAWA NG PANANALIKSIK- naglalaman ng mga katotohanan at
nakamit na mga bagong konklusyon matapos ang pagsisiyasat o pag-aaral ng mga
materyales.

• MGA PAPEL NA BINASA O NILIMBAG SA MGA KILALANG LATHALAIN/ MGA JOURNAL SA


IBA’T-IBANG MGA UNIBERSIDAD.

Mga Halimbawa ng Journal:

UP DILIMAN
- Daluyan- journal ng wikang Filipino at itinuturing na refereed journal na inilalathala ng 2
beses kada taon. Ito ay monolingual na Filipino at may layuning paunlarin ang pag-aaral at
pananaliksik tungkol sa wika, panitikan at kulturang Pilipino.
- Lagda- journal ng UP (Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas), isa ring refereed
journal na inilalathala ng 2 beses kada taon ng Kolehiyo ng Arte at Literatura sa UP. Ito din ay
monolingual sa Filipino, ang kaibahan nito sa Daluyan, dito ay maaaring maglathala sa rehiyonal
na wika sa Pilipinas subalit may lakip pa ding salin sa pambansang wika.

PAMANTASANG ATENEO DE MANILA


- Katipunan- isa itong journal ng mga pag-aaral sa wika, panitikan, sining at kulturang
Pilipino. Nagpapakilala sa intelektwalisasyon ng Filipino, hindi lang bilang isang wika kundi bilang
isang disiplina. Tunguhin ng journal na ito na magkaroon ng kritikal at analitikal na pagsusuri sa
wika, panitikan, at mga aralin sa Pilipinas kabilang din ang iba’t-ibang mga disiplina.

UNIBERSIDAD NG STO. TOMAS


- Hasaan- isang interdisiplinaryong refereed journal sa Filipino na taunang inililimbag.

PAMANTASANG DE LA SALLE
- Daloy- journal na pangwika at pampanitikan ng Departamento ng mga wika ng Pilipinas.
Ito ay taunang nililimbag.
- Layag- opisyal na journal ng Departamento ng Sikolohiya. Matatagpuan dito ang mga
artikulong nakasulat sa wikang Filipino at Ingles bilang pagtataguyod sa Bilingual Policy sa
paggamit ng wika.
- Malay- refereed journal na multi-disciplinary sa Filipino, nililimbag 2 beses sa loob ng 1
taon sa ilalim ng pamamahala ng Kolehiyo ng Malalayang Sining. Ito ay nagtatampok ng mga
papel, research, mga artikulo na naglalahad ng mga kaisipan at kaalaman mula sa iba’t-ibang
disiplina.

You might also like