You are on page 1of 60

“English is the language of learning.


“In school I learned to think in English.”
“I was proud of my proficiency with the language.”
“Filipino on the other hand, was always the “other” subject.”
“My classmates and I used to complain about Filipino all the time.”
“Filipino was a chore, like washing the dishes.”
“It was not the language of learning.”
“It was the language of the streets.”
“WITH A TONGUE OF PRIVILEGE I WILL ALWAYS HAVE MY
CONNECTIONS.”

“SO I HAVE MY EDUCATION TO THANK FOR MAKING


ENGLISH MY MOTHER LANGUAGE.”
PAPEL NG
WIKANG
FILIPINO
PAGBABALIK-TANAW
ANO ANG IYONG
NATUTUHAN SA
NAKARAANG
TALAKAYAN?
Filipino is the language of identity…
Language of emotion…
Experience…
Learning…
MGA KONSEPTONG
PANGWIKA
HENRY GLEASON

• Ang wika ay masistemang balangkas


ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong
kabilang sa isang kultura.
BERNALES ET AL.

• Ang wika ay proseso ng


pagpapadala at pagtanggap ng
mensahe sa pamamagitan ng
simbolikong cues na maaaring
berbal o di-berbal.
MANGAHIS ET AL.

• Ang wika ay midyum na


ginagamit sa maayos na
paghahatid at pagtanggap ng
mensahe na susi ng
pagkakaunawaan.
PAMELA C. CONSTANTINO AT
GALILEO S. ZAFRA

• Ang wika ay kalipunan ng mga


salita at ang pamamaraan ng
pagsasama-sama ng mga ito para
magkaunawaan o makapag usap
ang isang grupo ng mga tao.
BIENVENIDO LUMBERA

•Ang wika ay parang hininga


gumagamit tayo ng wika upang
makamit ang bawat
pangangailangan natin.
ALFONSO O. SANTIAGO

•Wika ang sumasalamin sa mga


mithiin, lunggati/aspirasyon, pangarap,
damdamin, kaisipan o saloobin,
pilosopiya, kaalaman at
karunungan, moralidad,
paniniwala at mga kaugalian ng
tao sa lipunan.
DIKSYONARYO

•Ang wika ay sistema ng


komunikasyon ng mga tao
sa pamamagitan ng pasulat
o pasalitang simbolo.
UP DIKSYONARYONG FILIPINO

•Ang wika ay mga


salita at sistema ng paggamit
sa mga ito na laganap sa
isang sambayanan na may
iisang tradisyong pangkultura
at pook na tinatahanan.
NOAH WEBSTER

Ang wika ay isang sistema ng


komunikasyon sa pagitan ng
mga tao sa pamamagitan ng
mga pasulat o pasalitang
simbolo.
NOAM CHOMSKY

“Ang wika ay proseso ng malayang paglikha; ang mga batas


at tuntunin nito ay hindi natitinag,
ngunit ang paraan ng paggamit sa mga tuntunin ng paglikha
ay malaya at nagkakaiba-iba.
Maging ang interpretasyon at gamit ng mga salita ay
kinasasangkutan ng proseso ng malayang
paglikha.”
KARL MARX

“Ang wika ay kasintanda ng kamalayan, ang wika


ay praktikal na kamalayan na umiiral din para
sa ibang tao...Ang wika, gaya ng kamalayan, ay
lumilitaw lamang dahil kailangan, dahilan sa
pangangailangan sa pakikisalamuha sa ibang tao.”
JOSE RIZAL

Habang pinangangalagaan ng isang bayan ang


kanyang wika, pinangangalagaan niya ang
marka ng kanyang kalayaan, gaya ng
pangangalaga ng tao sa kanyang kalayaan
habang
pinanghahawakan niya ang sariling paraan ng
pag-iisip.”
NELSON MANDELA

“Kapag kinausap mo ang tao sa wikang kanyang


nauunawaan, ito’y patungo sa kanyang isip.
Kapag kinausap mo siya sa kanyang wika, ito’y
patungo sa kanyang puso.”
KATANGIAN NG WIKA

1. Ang wika ay masistemang balangkas (binubuo


ng mga makabuluhang tunog).
2. Ang wika ay sinasalitang tunog.
3.Ang wika ay pinipili at isinasaayos.
4.Ang wika ay arbitraryo (pinagkakasunduan).
5.Ang wika ay ginagamit.
6.Ang wika ay nakabatay sa kultura.
7.Ang wika ay dinamiko (patuloy na nagbabago at
yumayaman).
KAHALAGAHAN NG WIKA

1. Instrumento ng komunikasyon
2. Nag-iingat at nagpapalaganap ng
kaalaman.
3. Nagbubuklod ng bansa.
4. Lumilinang ng malikhaing pag-iisip.
WIKANG PAMBANSA

Ito ay ang wikang natatanging kumakatawan sa


pambansang pagkakakilanlan ng isang lahi o
bansa.

Ginagamit ang isang wika sa politikal at legal


na diskurso na itinalaga ng pamahalaan ng isang
bansa.
WIKANG OPISYAL

Ang saligang batas 1987 ng pilipinas ay


nagtakda na ang wikang wikang filipino at
wikang ingles ang wikang opisyal ng bansa.
WIKANG PANTURO

Ito ay ang wikang ginagamit sa pormal na


edukasyon. Ito ay ang wikang ginagamit sa
pagtuturo at pag-aaral sa sa mga eskuwelahan
maging pasulat man o pasalita.
TAGALOG
Ito ay ang wikang pinagbatayan ng
wikang Filipino.
FILIPINO
Ito ay ang wikang pambansa, wikang
opisyal at wikang panturo sa Pilipinas.
WIKA MODERNISASYON NAGBABAGO
HAMON NG
INTELEKTUWALISASYON

Ang wika ba ay dapat na gawing intelektuwal?

ESTANDARDISASYON

WIKA NG KARUNUNGAN
KOMUNIKASYON

Ito ay pagpapahayag at pagpapalitan ng ideya,


opinyon, o impormasyon sa pamamagitan ng
pagsasalita, pagsusulat, o pagsesenyas.
BARAYTI
Ito ay nahahati sa dalawang malalaking uri: ang
permanente at ang pansamantala.
REGISTER
Ito ay ang estilo o paraan sa pagsasalita ng bawat
indibidwal.
ESTANDARDISASY
ON
Ito ay isang pamamaraan o proseso kung
paano maaaring tanggapin at gamitin ng
nakararaming taong gumagamit ng wika ang
isang tiyak na talaan ng mga talasalitaan o
bukabularyo sa isang tiyak na disiplina ng
karunungan.
INTELEKTUWALISAS
YON
Ito ay ang paraan ng paggamit ng wika sa
pang-akademikong paraan.
BILINGGUWALISM
O
Ito ay magkahiwalay na paggamit ng
dalawang magkaibang wika.
MULTILINGGUWALIS
MO
Ito ay magkakahiwalay na paggamit ng higit sa
dalawang wika.
BALANSENG BILINGGUWAL
Nagagamit ang ikalawang wika nang matatas sa lahat ng
pagkakataon.

Nagagamit ng mga bilingguwal ang dalawang wika nang halos


hindi na matutukoy kung alin sa dalawa ang una at ikalawang wika.
HOMOGENOUS

Ito ay nangangahulugang isa lamang ang gamit ng wika.


HETEROGENOUS
Ito ay nangangahulugang iba-iba ang gamit,
layunin at gumagamit ng wika.
“In a country pervaded by English
language, Filipino is in need of
promoting, if not altogether desperate
saving.”

-Anthony Capirayan,
Youngster Magazine
MGA DAGDAG-KAALAMAN
(TRIVIA)
BAYBAYIN (ALIBATA)

ITO AY ANG SINAUNANG ALPABETO NG


PILIPINAS.
TAGALOG

NAGMULA SA PARIRALANG “TAGA-ILOG”


(FROM THE RIVER) SILA ANG MGA TAO SA
METRO MANILA, CALABARZON, MIMAROPA
AT CENTRAL LUZON.
AYON SA PANDAIGDIG NA ATLAS

ANG TAGALOG AY ANG IKALIMANG WIKANG


PINAKAMADALAS GAMITIN SA AMERIKA.
CONYO

“TAGLISH” – WIKANG GINAGAMIT NG MGA


PILIPINONG SANA MATAAS NA ANTAS NG
LIPUNAN.
ANTAS NG WIKA
MASINING/PAMPANITIKAN
PAMBANSA
TEKNIKAL
LALAWIGANIN
KOLOKYAL
BALBAL
MASINING/PAMPANITIKAN
-Pinakamayamang uri

-Ito ang mga salitang gamitin ng mga manunulat


sakanilang mga akdang pampanitikan.

-Kadalasa’y ginagamit ang salita sa ibang kahulugan

-Gumagamit ng idyoma, tayutay, at iba’t ibang tono,


tema, at punto
Mga Halimbawa

Kabiyak ng dibdib
Di mahulugang karayom
Balat sibuyas
Taingang kawali
Pusong-mamon
PAMBANSA
Ginagamit sa mga aklat, babasahin at sirkulasyong
pangmadla.

Wikang ginagamit sa mga paaralan at sa


pamahalaan

Salitang higit na kilala o ginagamit sa pook na


sentro ng sibilasyon at kalakalan.
TEKNIKAL

Ginagamit sa mga iba’t ibang disiplina.

Halimbawa:

-Lesson Plan (Guro)


-Stetoscope (Doktor)
-Blueprint (Arkitekto)
LALAWIGANIN

Karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan gaya ng mga


Cebuano, Batangeno, Bicolano, at iba pa na may tatak-lalawiganin sa kanilang
pagsasalita.

Salitang ginagamit ng mga tao sa isang partikular na pook.

Mga salitang ginagamit sa isang lalawigan at hindi pamilyar na gamitin sa


ibang lugar.
KOLOKYAL
 Mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw nahinalaw sa
pormal na mga salita.

 Nagtataglay ng kagaspangan ang mga salitang ito subalit


maaari rin namang maging repinado batay sa kung sino
ang nagsasalita gayon din sa kanyang kinakausap.

 Ginagamit sa okasyong impormal at isinasaalang-alang


dito ang mga salitang madaling maintindihan.
BALBAL

 May katumbas itong “slang” sa Ingles at itinuturing na pinakamababang antas


ng wika.

 Mga salitang Pangkalye o Panlansangan.

 Tinatawag din itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may


nabubuong mga salita.

Karaniwang ito ay nabubuo ng isang grupo tulad ng mga bakla na nagsisilbing


koda nila sa kanilang
pakikipag-usap.
G A W A I N:

Maglista ng tig-limang salita sa bawat antas ng


wika. Siguraduhing hindi pa nabanggit ang
salitang isusulat sa bawat antas.

You might also like