You are on page 1of 22

KOMUNIKASYON AT

PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG
PILIPINO
MGA BATAYANG KAALAMAN
SA WIKA
LAYUNIN
• Makahubog ng mga mag-aaral na may
mga kakayahan at kasanayang
nakaagapay sa pamantayang pandaigdig
sa ika-21 siglo, nakapag-iisip nang
malaya at mapanuri, at may malalim na
pagkilala at matatag na pagpapahalaga sa
sariling wika at kultura.
• Maipaunawa ang mga konseptong
pangwika at pangkultura, matunton ang
kasaysayan ng wika at matukoy ang gamit
ng wika sa lipunang Pilipino.
LAYUNIN
• Natutukoy ang kahulugan,
kahalagahan, at kalikasan ng wika.
• Nakikilala ang dalawang opisyal na
wika ng Pilipinas.
• Nakapagbibigay ng sariling
pakahulugan sa wika.
ANO ANG WIKA?
Ayon kay Henry Gleason (1999), ang
wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong kabilang
sa isang kultura.
ANO ANG WIKA?
 Sa aklat nina Bernales et al.(2002),
mababasa ang wika bilang proseso ng
pagpapadala at pagtanggap ng
mensahe sa pamamagitan ng
simbolikong cues na maaaring berbal
o di-berbal.
ANO ANG WIKA?
 Sa aklat nina Mangahis et al.(2005),
binanggit na may mahalagang papel na
ginagampanan ang wika sa
pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na
ginagamit sa maayos na paghahatid at
pagtanggap ng mensahe na susi sa
pagkakaunawaan.
ANO ANG WIKA?
Ayon kina Pamela C. Constantino at
Galileo S. Zafra (2000), Ang wika ay isang
kalipunan ng mga salita at ang
pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga
ito para magkaunawaan o magkausap
ang isang grupo ng mga tao.
ANO ANG WIKA?
Ayon kay Bienvenido Lumbera (2007),
na parang hininga ang wika. Ginagamit
natin ito upang kamtin ang
pangangailangan natin.
ANO ANG WIKA?
Ayon kay Alfonso O. Santiago (2003), wika ang
sumasalamin sa mga mithiin, lunggati,
pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin,
pilosopiya, kaalaman at karunungan,
moralidad, paniniwala, at mga kaugalian ng
tao sa lipunan.
ANO ANG WIKA?
Ayon sa diksyunaryo, ang wika ay sistema ng
komunikasyon ng mga tao sa pamamagitan ng
mga pasulat o pasalitang simbolo.
Ayon sa UP Diksyunaryong Filipino (2011),
ang wika ay lawas ng mga salita at sistema ng
paggamit sa mga ito na laganap sa isang
sambayanan na may iisang tradisyong
pangkultura at pook na tinatahanan.
KAHALAGAHAN NG WIKA
• Pagiging instrumento sa komunikasyon.
• Pagpapanatili, pagpapayabong, at
pagpapalaganap ng kultura ng bawat grupo ng
tao.
• Kapag may sariling wikang ginagamit ang isang
bansa, nangangahulugan ito ay malaya at may
soberanya.
• Nagsisilbing tagapag-ingat at tagapagpalaganap
ng mga karunungan at kaalaman.
• Kahalagahan nito sa pakikipagtalastasan at
pakikipag-ugnayan tungo sa pagkakaunawaan
at pagkakaisa.
KALIKASAN NG WIKA
• Ayon kay Henry Gleason,
nakapaloob sa kahulugang
kaniyang ibinigay ang tatlong
katangian ng wika:
– Ang wika ay may masistemang
balangkas.
– Ang wika ay arbitraryo.
– Ginagamit ang wika ng pangkat ng
mga taong kabilang sa isang kultura.
KALIKASAN NG WIKA
• Ang wika ay buhay o dinamiko.
• Bawat wika ay unique o natatangi.
• Kabuhol ng wika ang kultura dahil
sinasalamin nito ang paraan ng
pamumuhay ng mga tao.
LINGUA FRANCA
• Ito ay ang wikang ginagamit sa
komunikasyon ng dalawang taong may
magkaibang wika.

FILIPINO

INGLES
WIKA AT DIYALEKTO
Ang Pilipinas ay
binubuo ng hindi
kukulangin sa 180 na
wika.

BERNAKULAR
Wikang katutubo sa
isang pook na hindi
sentro ng gobyerno o
kalakal. Tinatawag din
itong wikang
panrehiyon.
BILINGGUWALISMO
• Isang pananaw ng tao na may
kakayahang magsalita ng dalawang
wika na may pantay na kahusayan.

MULTILINGGUWALISMO
• Ito ay tumutukoy sa pantay na kahusayan
sa paggamit ng maraming wika ng isang
tao o ng grupo ng mga tao.
UNANG WIKA
• “Wikang sinuso sa ina” o
“Inang wika”
• Ito ang unang wikang
natutuhan ng isang bata.
PANGALAWANG WIKA
• Ito ang iba pang wika
na natutuhan ng isang
tao pagkaraang
matutuhan ang
kaniyang unang wika.
WIKANG PAMBANSA
• Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng
Konstitusyon ng 1987 – “Ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay Filipino.”
OPISYAL NA TRANSAKSIYON NG
PAMAHALAAN
• Artikulo XIV, Seksiyon 7 ng
Konstitusyon ng 1987 – “Ang mga
wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas, Ingles.”
WIKANG PANTURO

• Filipino bilang asignatura ay


ginagamitan ng wikang
sinuso (Mother Tounge)
PURISIMO

• Wikang ginagamit sa iba


ibang pang araw araw na
pananalita tulad ng
jejemon, bekimon, balbal
at iba pa.

You might also like