You are on page 1of 14

KOMUNIKASYON AT

PANANALIKSIK SA
WIKA AT KULTURANG
PILIPINO-11
FIRST QUARTER REVIEWER

ROCHELLE ANN C. BAGUIO


GRADE 11 IC1B3 (TVL-ICT)

1
2
QUARTER 1
MODULE 1
MGA BATAYANG KAALAMAN SA WIKA
Mayaman ang wika at isa itong malawak na larangan. Hindi nauubos ang mga kaalamang
natututuhan tungkol sa wika. Sa tanong na ‘’ano nga ba ang wika?’’ napakaraming makukuhang
sagot mula sa iba’t ibang dalubhasa sa wika.

HENRY GLEASON (lingguwista)


 Ayon sa kaniya, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang
arbitrary upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

Batay sa aklat nina Bernales et al. (2002)


 Ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaring
berbal o di-berbal.

Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra (Edukador)


 Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para
magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng mga tao.

BIENVENIDO LUMBERA
Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura (2007)
Ang wika ay parang hininga, gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang bawat pangangailangan natin.

ALFONSO O. SANTIAGO (Lingguwista 2003)


 ‘’Wika ang sumasalamin sa mga mithiin, pangarap, damdamin, kaisipan, o saloobin, pilosopiya, kaalaman at
karunungan, moralidad, paniniwala, at mga kaugalian ng tao sa lipunan.’’
 Kung sasanguni sa diksiyonaryo yungkol sa kahulugan ng wika ito ay sistema ng komunikasyon ng mga tao sa
pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbolo.
 Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino (2001) ang wika ‘’lawas ng mga salita at sistema ng paggamit sa mga ito na
laganap sa isang sambayanan na may iisang tradisyong pangkultura at pook na tinatahanan.’’

MGA KAHALAGAHAN NG WIKA


 Instrumento sa komunikasyon
- Mahihirapang magtagumpay ang komunikasyon kapag walang wikang ginagamit. Kailangan naman ang
komunikasyon hindi lamang sa pagpapalitan ng mensahe kundi sa pagkatuto at sa pagkalat ng karunungan at
kaalaman sa mundo.
 Mahalaga sa pagpapanatili, pagpapayabong, at pagpapalaganap ng kultura ng bawat
grupo ng tao.
- Nagkakahiraman ng kultura ang mga bansa sa tulong ng wika. Kung walang wika, walang magagamit na pantawag
sa tradisyon at kalinangan, paniniwala, pamahiin at sa iba pang bagay na kaugnay ng pamumuhay at paraan ng
pamumuhay ng mga tao.
 Naipakilala ang kultura dahil sa wika.
- Yumayaman naman ang wika dahil sa kultura. Kapag ang sariling wikang ginagamit ang isang bansa
nangangahulugang ito ay malaya. Hindi tunay na malaya ang isang bansa kung hindi nag-aangkin ng sariling wikang
lilinang sa pambansang paggalang at pagkilala sa sarili.
 Wika ang nagsisilbing tagapag-ingngat at tagapagpalaganap ng mga karunungan at
kaalaman.
- Mahalaga ang wika bilang lingua franca o bilang tulay para magkausap at
magkaunawaan ang iba’t ibang grupo ng taong may kani-kaniyang wikang ginagamit.

MGA KALIKASAN NG WIKA


Lahat ng nilikha sa mundo ay may katangian o kalikasang taglay. Tulad ng mga tao at ng iba pang
mga bagay sa mundo, nagtataglay rin ng mga katangian o kalikasan ang wika. Ayon kay Henry Gleason

3
may tatlong katangian ng wika.
1. Ang wika ay may masistemang balangkas.
- Binubuo ng mga makabuluhang tunog o ponema ang wika na nakalilikha ng mga
yunit ng salita na kapag pinagsama-sama sa isang maayos at makabuluhang
pagkasunod-sunod ay makabubuo ng mga parirala, pangungusap, at talata.
2. Ang wika ay arbitraryo.
- Pinagkakasunduan ang anomang wikang gagamitin ng mga tao para sa kanilang
pang-araw-araw na pamumuhay.
3. Ginagamit ang wika ng pangkat ng mga taong kabilang sa isang kultura.
- Magkaugnay ang wika at kultura at hindi maaaring paghiwalayin. Ang kultura ang
nagpapayaman sa wika samantalang ang wika naman ang nagbibigay ng ngalan o
salita sa lahat ng mga gawaing nakapaloob sa kultura.
- Kasama rin sa mga katangian ng wika ang pagiging buhay o dinamiko nito. Ibig
sabihin, sumasabay ang pagbabago ng panahon ang wika at malaya itong
tumatanggap ng mga pagbabago upang patuloy na yumayaman at yumayabong.

ILAN PANG KAALAMAN HINGGIL SA WIKA


Ayon sa mga lingguwista, may mahigit 5,000 wika na sinasalita sa buong mundo. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang
biniyayaan ng maraming wika: di kukulangin sa 180 ang wikang sinasalita sa Pilipinas. Heterogenous ang sitwasyong
pangwika sa Pilipinas dahil maraming wikang umiiral dito at may mga diyalekto o varayti ang mga wikang ito.
Homogenous ang sitwasyong pangwika sa isang bansa kung iisa ang wikang sinasalita ng mga mamamayan dito.

WIKA, DIYALEKTO, BERNAKULAR


Ang Tagalog, Sinugbuanong Binisaya, Ilokano, Hiligaynon, Samar-Leyte, Pangasinan, Bikol, at iba pa ay mga wika,
hindi diyalekto at hindi rin wikain (salitang naimbento upang tukuyin ang isang wika na mas mababa kaysa iba). Ang
diyalekto ay nangangahulugang varayti ng isang wika, hindi hiwalay na wika. Kapag hindi nagkakaintindihan ang
dalawang nag-uusap na gumagamit ng magkaibang wika,
ibig sabihin, bawat wikang ginagamit nila ay hiwalay na wika. Ang halimbawa ng diyalekto ay ito: Ang mga
nagsasalita ng isang wika, batay sa lugar na pinanggalingan,
ay maaaring magkaroon ng bahagyang pagkakaiba sa bigkas, paggamit ng panlapi, o ayos ng pangungusap. Dahil
dito, may tinatawag na Tagalog-Bulacan, Tagalog-Cavite, Tagalog-Metro Manila, at iba pa.

Bernakular ang tawag sa wikang katutubo sa isang pook. Hindi ito varayti ng isang wika tulad ng diyalekto, kundi
isang hiwalay na wika na ginagamit sa isang lugar na hindi sentro ng gobyerno o ng kalakal. Tinatawag din itong
wikang panrehiyon.

BILINGGUWALISMO AT MULTILINGGUWALISMO
Ang bilingguwalismo ay tumutukoy sa dalawang wika. Isang pananaw sa pagiging bilingguwal ng isang tao kung
nakapagsasalita siya ng dalawang wika nang may pantay na kahusayan. Ngayon, hindi na bilingguwalismo kundi
multilingguwalismo ang pinaiiral na patakarang pangwika sa edukasyon. Ang pagpapatupad ng mother tongue-
based multilingual education o MTB-MLE ay nangangahulugan ng paggamit ng unang wika ng mga estudyante sa
isang particular na lugar. Halimbawa, sa Cebu, Sinugbuanong Binisaya ang wikang panturo sa mga estudyante mula
kindergarten hanggang ikatlong baiting. Ituturo naman ang Filipino at Ingles pagtuntong nila sa ikaapat na baitang
pataas. Ang unang wika ay tinatawag ding ‘’wikang sinuso sa ina’’ o ‘’inang wika’’ dahil ito ang unang wikang
natutuhan ng isang bata.

Pangalawang wika
ang tawag sa iba pang mga wikang matututuhan ng isang tao pagkaraang matutuhan ang kaniyang unang wika.
Halimbawa, Hiligaynon ang unang wika ng mga taga-Iloilo. Ang Filipino ay pangalawang wika para sa kanila. Ang
Ingles, Nipongo, Pranses, at iba pang mga wikang maaari nilang matutuhan ay tinatawag ding pangalawang wika.

WIKANG PAMBANSA
Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas at may konstitusyonal na batayan ang pagiging pambansang wika ng
Filipino. Sa unang bahagi ng Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng 1987, nakasaad na, “Ang wikang pambansa
ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na wika sa
Pilipinas at sa iba pang mga wika.
4
OPISYAL NA WIKA
Tinatawag na opisyal na wika ang isang wika na binigyan ng natatanging pagkilala sa konstitusyon bilang wikang
gagamitin sa mga opisyal na transaksiyon ng pamamahalaan. May dalawang opisyal na wika ang Pilipinas – Ang
Filipino at Ingles

MODULE 2
KASAYSAYAN AT PAGKABUO NG WIKANG PAMBANSA
Sa loob ng mahabang panahon ng pananakop ng Espanya, Espanyol ang opisyal na wika at ito rin ang wikang
panturo. Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawang wika ang ginamit ng mga bagong
mananakop sa mga kautusan at proklamasyon, Ingles at Espanyol. Sa kalaunan, napalitan ng Ingles ang Espanyol
bilang wikang opisyal. Dumami na ang natutong magbasa at magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang naging tanging
wikang panturo batay sa rekomendasyon ng Komisyong Schurman noong Marso 4, 1899. Marami ring Pilipino ang
nakinabang sa programang iskolarship na ipinadala sa Amerikano at umuwing taglay ang kaalaman sa wikang Ingles.
Noong 1935, “halos lahat ng kautusan, proklamasyon, at mga batas ay nasa wikang Ingles na. “(Boras-Vega 2010)

Ngunit sa simula pa lamang sa pakikibaka para sa kalayaan, ginamit na ng mga katipunero ang wikang Tagalog sa
nga opisyal na mga kasulatan. Sa Konstitusyong Probisyonal ng Biak-na- Bato noong1897, itinadhanang Tagalog ang
opisyal na wika. Sa Konstitusyon ng Malolos (Enero 21,1899),itinadhanang pansamantalang gamitin ang Espanyol
bilang opisyal na wika bagama’t noon pa ay nakita na ng mga bumuo ng konstitusyong ito ang maaaring maging
papel ng Ingles
sa bansa. Noong Marso 4, 1934 , pinagtibay ni pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos ang Batas Tydings-
McDuffie na nagtatadhanang pagkakalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang sampung taong pag-aaral ng
Pamahalaang Komonwelt. Noong Pebrero 8,1935, pinagtibay ng ambansang Asemblea ang Konstitusyon ng Pilipinas
na niratipika ng sambayanan noong Mayo 4, 1935.

Ang probisyong pangwika ay nasa Seksiyon 3, Artikulo XIII: “ Ang Pambansang Asemblea ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang pangkalahatang pambansang wika na batay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika. Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na
gagamiting mga wikang opisyal.” Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at at pagpapatibay ng
isang Wikang Pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Sa paglulunsad ng Komonweth, isa sa mga
unang isinagawa ng administrasyon ng noon ay pangulo na ng bansa na si Manuel L. Quezon ang nagpapatupad ng
probisyon ukol sa pambansang wika. Noong Oktubre 27, 1936, ipinahiwatig ni pangulong Quezon ang kanyang plano
na magtatag ng Surian ng Wikang Pambansa . Ang magiging tungkulin ng Surian, ayon sa Pangulo, ay gumawa ng
pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas sa layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang wikang
panlahat batay sa isang wikang umiiral sa bansa.

Noong Nobyembre 13, 1936, pinagtibay ng Kongreso ang Batas Komonwelt Blg. 184, na
nagtatag sa unang Surian ng Wikang Pambansa. Alinsunod sa naturang batas, ang mga kapangyarihan at
tungkulin ng Surian ay ang mga sumusunod:
1. gumawa ng pangkalahatang pag-aaral sa wika ng Pilipinas;
2. magpaunlad at magpatibay ng isang wikang panlahat na Wikang Pambansa batay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika; at
3. bigyang-halaga ang wikang pinakamaunlad ayon sa balangkas, mekanismo, at panitikang
tinatanggap.

Noong Enero 12, 1937, hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng Surian, alinsunod sa Seksiyon
1, Batas Komonwelt 185. Ang mga kagawad ng unang Surian ng Wikang pambansa ay sina:
Jaime de Veyra (Bisaya, Samar-Leyte) Pangulo
Santiago A. Fonacier (Ilokano) Kagawad
Filemon Sotto (Cebuano) Kagawad
Casimiro Perfecto (Bicolano) Kagawad
Felix S. Rodriguez (Bisaya, Panay0 Kagawad

5
Hadji Buto (Mindanao) Kagawad
Cecilio Lopez (Tagalog) Kagawad

Noong Nobyembre 7, 1937 , pagkaraan ng halos sampung buwan, inilabas ng Surian ang resolusyon na Tagalog
ang gawing batayan ng pambansang wika. Ipinahayag ng Surian na ang wikang Tagalog ang halos tumugon sa
hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184. Hindi na nag-aksaya ng panahon ang Pangulo upang ipahiwatig ang kaniyang
tagumpay sa pagpapaunlad ng isang wikang matatawag na Pambansang Wika. Noong anibersaryo ng kamatayan ni
Dr. Jose Rizal, Disyembre 30, 1937, lumabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagpapatibay sa Tagalog
bilang batayang wika ng Pambansang Wika ng Pilipinas.

Noong Abril 1, 1940, inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263. Ipinag-uutos nito ang:
1. pagpapalimbag ng A Tagalog-English Vocabulary at ng isang aklat sa gramatika na
pinamagatang Ang Balarila ng Wikang Pambansa ; at
2. pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo 19, 1940 sa mga Paaralang Publiko at Pribado sa buong kapuluan.

Panahon ng Pananakop ng mga Hapon


Nang lumunsad sa dalampasigan ng Piliinas ang mga Hapon noong 1942, nabuo ang isang grupong tinatawag na
“purista.” Ayon kay Prof. Leopoldo Yabes, ang Pangasiwaang Hapon ang nag-utos na baguhin ang probisyon sa
Konstitusyon at gawing Tagalog ang Pambansang Wika. Sa layunin ng mga hapon na burahin sa mga Piliino ang
anomang pangkaisipang pang-Amerikano at mawala ang impluwensiya ng mga ito, Tagalog ang kanilang itinaguyod.
Nang panahong iyon, Niponggo at Tagalog ang naging opisyal na mga wika.

Pinasigla ng pamahalaang Hapon ang panitikang nakasulat sa Tagalog. Maraming manunulat sa


wikang Ingles ang gumamit ng Tagalog sa kanilang mga tula, maikling kuwento, nobela, at iba pa. Sa
Artikulo IX, Seksiyon 2 ng Konstitusyon ng 1943, nakasaad na, “ang Pamahalaan ay magsasagawa ng
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapalaganap ng Tagalog bilang pambansang wika.” Noong Hunyo
4, 1946, nang matapos na ang digmaan, ganap nang ipinatupad ang Batas Komonwelt Blg. 570 na
nagtatakdang wikang opisyal na ang pambansang wika.

Ilang taon ding hindi napagtuunan ng panahon ang pagpapalaganap sa Wikang Pambansa hanggang sa
mailuklok bilang pangulo sa bansa si Ramon Magsaysay. Noong Marso 6, 1954, nilagdaan ni Pangulong Ramon
Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 para sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29 hanggang
Abril 4 taon-aton. Alinsunod ito sa pagbibigay-puri sa kaarawan ni Francisco Balagtas bilang makata ng lahi. Noong
Setyembre 1955 naman sinusugan ng Proklamasyon Blg. 186 ang pagpapalipat sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa
Agosto 13 hanggang 19 taon-taon bilang paggunita sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon na kinikilala bilang
“ Ama ng Wikang Pambansa .”

Noong 1959, inilabas ni Kalihim Jose F. Romero ng Kagawaran ng Pagtuturo ang Kautusang Pangkagawaran Blg.
7 na nagtatakdang “kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ito ay tatawaging Pilipino.” Noong Oktubre 24,
1967, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na nag-uutos na ang lahat
ng gusali, edipisyo, at tanggapan ng pamahalaan ay dapat na nakasulat sa Pilipino. Noong 1970, naging wikang
panturo ang Pilipino sa antas ng elementarya sa bisa ng Resolusyon Blg. 70. Noon namang 1978, iniatas sa Kautusang
Pangministri ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagkakaroon ng anim na yunit ng Filipino sa lahat ng kurso sa kolehiyo,
maliban sa Edukasyon na kailangang kumuha ng 12 na yunit. Samantala noong Marso 12, 1987, sa isang Order
Pangkagawaran Blg. 22, 1987, sinasabing gagamitin ang Filipino.

Tagalog bilang Batayan ng Pambansang Wika


Bakit Tagalog ang napiling batayan ng Pambansang Wika? Unang-una, gaya ng nakasaad sa resolusyon ng Surian ng
Wikang Pambansa (SWP), Tagalog ang tumutugon sa lahat ng pangunahing kailangan ng Batas 184. Lumitaw sa pag-
aaral ng SWP na Taglog ang wikang pinakamaunlad sa estruktura, mekanismo, at panitikan, at ito rin ang wikang
ginagamit ng nakararaming mamamayan. Isa sa mga nakapagpayaman ng panulaang Tagalog ay ang makatang si
Francisco “Balagtas” Baltazar, ang itinuturing na “Ama ng Panulaang Tagalog,” na kinilala dahil sa
kaniyang Florante at Laura bukod sa iba pa niyang mga sinulat.

Ang Tagalog, Pilipino, at Filipino


 Tagalog- katutubong wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas (1935)
6
 Pilipino- unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas (1959)
 Filipino- kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas, lingua franca ng mga
Pilipino, at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles (1987)
Tandaan na iba ang wikang opisyal sa pambansang wika. Noong 1987 lamang ginawang Pambansang
Wika ang Filipino.
Ayon sa Seksyon 6, Artikulo XIV ng Konstitusyon ng 1987, ang wikang Filipino ay:
 ang wikang pambansa ng Pilipinas;
 dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang wika

MODULE 3
REGISTER BILANG VARAYTI NG WIKA
Ang Register ay isang baryasyon sa wika na may kaugnayan sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika. Ito ay mas
madalas nakikita o nagagamit sa isang particular na disiplina. Ang Barayti ng wika ay nag-uugat sa mga pagkakaiba-
iba ng mga indibidwal at grupo, maging ng kani-kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa.

Mapapansin na ang ilang terminong pang-washing machine at pang-cell phone ay ginagamit din sa ibang
larangan. Mapapansin din na kapag ginagamit sa ibang larangan ang mga terminong ito, naiiba na ang taglay na
kahulugan ng mga ito. Halimbawa, ang spin sa washing machine ay nangangahulugan ng mabilis na pag-ikot ng
makina upang mapiga o matanggal ang tubig sa mga damit. Samantala, sa paggawa ng sinulid, nangangahulugan ang
spin ng paghahabi ng hibla o fiber upang maging sinulid. Ang text sa cell phone ay tumutukoy sa ipinadalang mensahe
patungo sa isa o iba pang cell phone. Samantala, sa literatura, ang text ay tumutukoy sa anomang nakasulat na akda
gaya ng tula, sanaysay, at kuwento. Ang isang salita o termino ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang kahulugan ayon
sa larangan o disiplinang pinaggamitan nito. Register ang tawag sa ganitong uri ng termino.

Tinatawag na register ang mga espesyalisadong termino gaya ng mga salitang siyentipiko o teknikal na
nagtataglay ng iba’t ibang kahulugan sa iba’t ibang larangan o disiplina. Isa pang halimbawa ng register ang salitang
“Kapital” na may kahulugang “puhunan” sa larangang pagnenegosyo at may kahulugan naming “punong lungsod” o
“kabisera” sa larangan ng heograpiya. Bawat propesyon ay may register o mga espesyalisadong salitang ginagamit.
Iba ang register ng wika ng guro sa abogado. Iba rin ang inhinyero, computer programmer, game designer,
negosyante, at iba pa. samantala ang doctor at nars ay pareho ang register ng wika sapagkat iisa ang kanilang
propesyon o larangan ang medisina.

Hindi lamang ginagamit ang register sa isang particular o tiyak na larangan kundi sa iba’t ibang larangan o
disiplina rin. Espesyal na katangian ng mga register ang pagbabago ng kahulugang taglay kapag ginagamit sa iba’t
ibang larangan o disiplina. Dahil iba-iba ang register ng wika ng bawat propesyon at nababago ang kahulugang taglay
ng register kapag naiba ang larangang pinaggagamitan nito, itinuturing ang register bilang isang salik sa varayti ng
wika. Isang tiyak ng halimbawa ng register ng wika ang magkakaibang tawag sa binibigyan ng serbisyo ng bawat
propesyon o larangan.

MODULE 4
HEOGRAPIKAL, MORPOLOHIKAL, AT PONOLOHIKAL NA
VARAYTI NG WIKA
Heograpikal na Varayti ng Wika
7
Nagiging salik ang heograpiya o lugar ng nagsasalita sa pagkakaroon ng varayti ng wika. Dahil ang Pilipinas ay
isang archipelago na nahahati ng katubigan at kapatagan, at napaghihiwalay ng mga pulo at kabundukan, hindi
maiwasang makalikha ng sariling kultura o paraan ng pamumuhay ang mga taong sama-samang naninirahan sa isang
partikular na pulo o lugar. Ito ang dahilan kung bakit sa magkakahiwalay at magkakaibang lugar, ang iisang bagay o
konsepto ay nagkakaroon ng magkaibang katawagan.
Halimbawa, ang “ibon” sa Filipino “langgam” naman sa Sinugbuanong Binisaya. Kaya, kapag magkasama sa
iisang lugar ang nagsasalita ng Filipino at isang nagsasalita ng Sinugbuanong Binisaya, at narinig nila ang salitang
“langgam,” ang una ay yuyuko at maghahanap ng langgam sa ibaba; samantala, ang huli ay titingala at maghahanap
ng ibon sa ere. Samakatuwid, isang salita ngunit magkaiba ng kahulugan sa dalawang magkaibang wika.

Nangyayari rin na nagkakaroon ng magkaibang kahulugan sa magkahiwalay na lugar na may magkaibang kultura
ang isang salita. Halimbawa, ang salitang salvage ay nangangahulugang “iligtas o isalba” sa Ingles. Nang hiramin ng
Filipino ang salitang ito, kabaligtaran ang kahulugan nito, dahil ang salvage ay nagging “pagpatay nang hindi nilitis.”
Ang “baka” sa wikang Niponggo ay nangangahulugan ng “bobo” samantalang sa Filipino, ito ay isang hayop. Ang
ganitong pagkakaiba sa mga katawagan at kahulugan ng salitang ginagamit sa iba’t ibang lugar ang tinatawag nating
heograpikal na varayti ng wika.

Morpolohikal na Varayti ng Wika


Hindi lamang ang lokasyon ng mga lugar at ang magkakaibang kultura na lumilikha ng magkakaibang katawagan at
kahulugan ang nagiging dahilan ng varayti ng wika. Ang iba’t ibang paraan ng pagbuo ng salita ng mga taong kabilang
sa iba’t ibang kultura ay nagiging salik din sa varayti ng wika.
1. “napatak ang mga dahon”
2. “nasuray ang dyipni”
3. “mapurol ang ulo”
Sa unang pahayag, ginagamit ang salitang “napatak” para sa dahon. Maaaring gamitin ang salitang “napatak”
para tukuyin ang mga bagay na nalalaglag o nahuhulog mula sa itaas.
Halimbawa: “Tayo nang mamulot ng mga napatak na mangga.” Samantala, sa Maynila mas ginagamit ang
“napatak” para sa tubig, gaya ng ulan at luha. Sa pangalawang pahayag, ginamit ang salitang “nasuray” ng Tagalog-
Batangas para sa isang sasakyan. Sa Tagalog-Maynila, hindi sa sasakyan ginagamit ang salitang “nasuray” kundi tao.
Halimbawa: “Pagewang-gewang ang sasakyang minamaneho ng lasing na drayber.” Gumegewang ang
sasakyang minamaneho ng lasing na drayber.” Pansinin mo ang pagbuo ng mga salitang “napatak” at “nasuray.” Sa
ilang lalawigang Tagalog gaya ng Batangas, ang pandiwa o salitang nagpapakita ng aksiyon o kilos ay nakabanghay sa
unlaping /na-/ tulad ng naiyak, naulan, nakanta, at natakbo. Sa Maynila, ang pandiwa o salitang nagpapakita ng
aksiyon o kilos ay nakabanghay sa gitlaping /-um/ gaya ng umiyak, umuulan, kumakanta, at tumatakbo.

Kung paghahambingin natin ang gamit ng mga salitang “napatak” at “nagewang” sa Tagalog ng Batangas
at Maynila, ganito ang mga pangungusap na mabubuo natin:
Batangas: Napatak ang buko.
Maynila: Pumapatak ang ulan.
Batangas: Nasuray ang auto.
Maynila: Sumusuray ang paglakad ng lasing na lalaki.

Dahil iba-iba ang wikang ginagamit sa iba’t ibang lugar, nagkakaiba rin ang paraan ng pagbuo ng salita ng mga
naninirahan sa mga ito. Ang pagkakaiba-ibang ito sa pagbuo ng mga salita dahil sa paglalapi ang tinatawag na
morpolohikal na varayti ng wika. Kasama sa sa mga varayti ng isang wika ang ispeling o baybay ng salita. Tingnan ang
halimbawa ng magkakaibang ispeling ng mga salita sa American at British English:

Bukod sa mga pagkakaiba sa katawagan at kahulugan (heograpikal na varayti), anyo at ispeling


(morpolohikal na varayti), nagkakaroon din ng pagbabago sa bigkas at tunog ng mga salita ayon sa
pangkat ng mga taong gumagamit nito

8
Ponolohikal na Varayti
Tiyak na napansin mo na magkakaiba ang bigkas ng tunog ng mga salita sa bawat lugar. Katulad ng natalakay na,
lumilikha ng sariling wika ang mga taong magkakasama sa iisang kultura at lugar. Sa paglikha ng kani-kanilang wika,
hindi maiwasang malikha rin ang magkakaibang tunog at bigkas sa mga salita. Nagkakaroon ng kani-kanilang
dialectal accent ang bawat lugar.

Halimbawa, sa Bisaya, nagkakapalitan ang bigkas ng /e/ at /i/ at ng /o/ at /u/. Maaaring ang maging
bigkas ng isang Bisaya sa “pera” ay “pira” ang “pitaka” ay “petaka,” ang “kuya” ay “koya,” at ang “bola” ay “bula.”
Mali ba ang ganitong pagbigkas? Ang sagot ay hindi, sapagkat ang nagsasalita ay bumibigkas ayon sa kaniyang
dialectal accent.
Ang pagkakaiba-ibang ito sa bigkas at tunog ng mga salita ang tinatawag na varayti sa ponolohikal. Tandaan: Sa
heograpikal na varayti, nasa katawagan at kahulugan ng salita ang pagkakaiba. Sa morpolohikal na varayti, ang
pagkakaiba ay nasa anyo at ispeling ng salita at hindi sa taglay na kahulugan nito. Samantala, sa ponolohikal na
varayti, nasa bigkas at tunog ng salita ang pagkakaiba.

MODULE 5
CONATIVE , INFORMATIVE, AT LABELING NA GAMIT NG WIKA
Ang Conative, Informative, at Labeling na Gamit ng Wika
Wika ang midyum na ginagamit natin sa komunikasyon. Wika ang instrument sa paghahatiran ng mensahe at
palitan ng reaksiyon ng mga nag-uusap. May mga gamit ang wika ayon sa intensiyon ng nagsasalita. Halimbawa, sa
larawan sa itaas, ang intensiyon ng pahayag na “Bawal tumawid may namatay na dito” ay magbibigay ng babala sa
mga taong tumatawid sa kalsada sa pamamagitan ng pag- uutos na “ bawal tumawid” at sa pagbibigay ng
impormasyon na “may namatay na dito”. May ganitong uri din ng babala na mababasa tayo sa kalsada : Nagbibigay
din ng imporamasyon ang pahayag na “walang tawiran” at nakakamatay”. Hindi lamang sa mga babala natin nakikita
o nababasa ang mga pahayag na nag-uutos at nagbibigay ng impormasyon.

Kapag panahon ng eleksiyon, palagi nating naririnig o nababasa ang mga pahayag na conative sa mga politikong
kandidato tulad ng “Huwag po ninyong kalimutang isulat ang pangalan ko sa inyong balota!” Naririnig din natin ang
mga pahayag na nag-uutos sa mga komersyal sa telebesiyon kapag pinabibili tayo ng mga produktong iniendorso
tulad ng “ Ano pang hanapin mo? Dito ka na! Bili na!” Sa mga talumpati ng pangulo, madalas nating naririnig ang
kaniyang pakiusap na, “Magtulungan po tayo para sa pag-uunald ng ating bayan.

Ayon kay Roman Jacobson, kabilang sa mga gamit ng wika ang conative, informative, at labelling. Sa mga sitwasyong
naiimpluwesyahan natin ang isang tao sa pamamagitan ng pakiusap at pag-uutos, conative ang gamit nating wika.
Nakikita rin ang conative na gamit ng wika sa mga pagkakataong gusto nating humimok o manghikayat, may gusto
tayong mangyari, o gusto nating pakilusin ang isang tao.

CONATIVE na gamit ng wika.


• Ito ay ang paghimok at pag impluwensiya sa iba sa pamamagitan ng mga pag uutos at paki usap.
• Gusto nating humimok o manghikayat, may gusto tayong mangyari o gusto nating pakilusin ang isang tao.

Halimbawa ng maikling sanaysay na naglalaman na conative na gamit ng wika Tuwing Darating ang Eleksiyon
“Tuwing darating ang eleksiyon,gamitin at huwag balewalain ang isang mahalagang pamana sa atin ng demokrasya
- ang pagboto. Piliin natin ang mga kandidatong maglingkod sa atin. Nasa matalino nating pagpapasiya nakasalakay
ang kinabukasan ng ating bayan.”

Matutukoy mo ba kung anong pahayag sa talata ang nagpapakita ng CONATIVE na gamit ng Wika sa binasa
niyong halimbawa na maikling sanaysay? Alam mo ba ang mga Propesyon ni Dr Jose Rizal? Anthropologist ,Botanist,
Businessman, Physician, Painter, Novelist, Farmer, Enginineer, Sculptor, Philosopher, at Psyhcologist

INFORMATIVE na gamit ng wika.


• Sa tanong ko kanina, alam mo ba ang mga propesyon ni Dr. Jose Rizal? Atin itong nasagot, sa mga sitwasyong may
gusto tayong ipaalam sa isang tao, nabibigay tayo ng mga datos at kaalaman at

9
nagbabahagi sa iba ng mga impormasyong nakuha o narinig natin. INFORMATIVE ang gamit natin na wika.

Narito ang maikling talata na nagbibigay ng impormasyon Bagong Bayani Sa kabila ng hindi magandang mga
balita tungkol sa mga OFW, patuloy pa rin ang maraming Pilipino sa pangingibang- bayan upang magtrabaho. Bakit
nga ba napipilitang umalis ang mga Pilipino Sa Pilipinas? Ano ang nagtutulak sa kanila para lisanin ang sariling bayan
at maspasyang sa ibang lupain na lamang magtrabaho at mag alay ng lakas, galing at talino?

Sa tanong na ito, marami kaagad ang susulpot na kasagutan. Pinakakaraniwan nang maririnig ang sagot na para
maghanap ng mas magandang kapalaran o "greener pasture". Marami ang nagsasabi na para kumita ng dolyar,
mapag aral ang mga anak, makapagpatayo ng sariling bahay, makabili ng sasakyan, makaipon ng perang
pangnegosyo at iba pa. Kung susumahin ang mga pahayag na ito, halos lahat ay patungo sa iisang dahilan lamang-
ang paghahanap na mas mabuting oportunidad sa trabaho upang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya.
• Ano ang paksa ng sanaysay?
• Ano- anong mga impormasyon ang mahahango mula sa sanaysay?

King Of Comedy? Pambansang Kamao? King of Talk PNoy Kayo, ano tawag saiyo ng Kaibigan niyo? Kapit bahay?
Tawag saiyo ng iyong Ina? Tawag sa iyo ng Kasintahan niyo?

LABELING na gamit ng wika.


• Ito ang gamit ng wika kapag nagbibigay tayo ng bagong tawag o pangalan sa isang tao o bagay.
Sa literaturang Pilipino, may mga manunulat na gumagamit ng bansag o label sa kanilang mga Tauhan
 Gurong "mabuti" GENOVEVA EDROZA MATUTE
 "Vicenteng Bingi" JOSE VILLA PANGANIBAN
 "Pilosopo Tasyo" JOSE RIZAL
 "Sisang Baliw" JOSE RIZAL

Sa totoong buhay, marami rin tayong binibigyan ng bansag sa ating mga kaibigan, kapamilya, guro, politiko,
artista, mga nasa larangan ng media, isports, militar at iba pa. Malaya natinga nagagamit ang wika sa iba't-ibang
sitwasyon at intensiyon. Gayunpaman, hindi natin dapat abusuhin ang paggamit natin ng wika. Huwag kalimutan na
dapat gamitin ang wika sa mabuti at maayos na paraan. Maging magalang tayo sa gamit na CONATIVE kung nag-
uutos tayo. Tiyaking nating tama at totoo ang gamit natin ng INFORMATIVE kung nagbibigay tayo ng mga kaalaman
at impormasyon. Higit sa lahat, iwasan natin ang pagbibigay ng negatibong bansag o LABEL sa ating kapwa na
maaring makasakit ng damdamin.

Gamit ng wika sa commercial taglines, ating alamin! LBC "Hari ng Padala" LABELING MERCURY DRUG "Nakakasigur o
gamot ay laging bago"INFORMATIVE SUPER FERRY "Sakay na! CONATIVE

MODULE 6
INSTRUMENTAL, REGULATORI, ATHEURISTIKONG TUNGKULIN
NG WIKA
Ano ang iba’t ibang tungkulin ng wika na tumutugon sa pangangailangan ng tao? Bakit
mahalaga ang panlipunang konteksto sa makabuluhang paggamit ng wika? Paano makatutulong sa
akademiko at praktikal na larang ng pang araw-araw na paggamit ng wika ang pag-unawa sa mga tungkuli
nito? Talakayin sa bahaging ito ang mahahalagang katanungang ito kaugnay sa instrumental, regulatori, at
heuristikong tungkulin ng wika. Anomang wika ay may tungkuling tumugon sa pangangailangan ng tao at
lipunang kinabibilangannito.Halimbawa hindi lubos na mauunawaan ang barsyon ng wika kung ang pag-
aaralan lamang ay ang mga lingguwistikong estrukturang bumubuo rito, at isasantabi ang mga di-
lingguwistikong pangyayari opagkakataon na nagbunsod sa pagsulpot nito bilang panlipunang gamit at
produkto ng isang layunin sa komunikasyon. Sa ganitong diwa, mailalapat ang prinsipyo ng dulog-sa-gamit
(functionalapproach)napag-aaralsawikan ipinanukala ni Halliday (1973),mulasa
pagpapalawakatpagpapaunladngmganaunangteorya ninaMalinowski(1923),atFirth (1957), at ibapa
Ipinapalagay ni Malowski na ang wika ay repleksiyon ng panlipunang pangangailangan at konteksto (sa
10
Haslett 2008). Ibig sabihin, ang silbi at tunkulin ng wika ay nalilikha alinsunod sa papel na ginagampanan
nito sa isang partikular na kultura. Halimbawa, may mga salita sa Filipino na sensitibong ginagamit bilang
konsiderasyon sa kultural na aspekto ngpakikipag-ugnayan.

May instrumental na tungkulin ng wika kung layunin nitong makipagtalastasan para tumugon sa
pangangailangan ng tagapagsalita. Ginagamit ang wika para tukuyin ang mga presensiya, kagustuhan at
pagpapasiya ng tagapagsalita. Sa aktuwal na karanasan, karaniwang instrumental ang gamit ng wika para
sa paglulutas ng problema, pangangalap ng materyaleas, pagsasadula, at panghihikayat. Kailangang
gamiting mabisa ang instrumental na gamit ng wika sa pamamagitan ng paglilinaw at pagtitiyak ng
pangangailangan, naiisip, o nararamdaman. Halimbawa, alin sa dalawang pahayag ang naglilinaw ng
mensahe ng ninanais na pakikipaghiwalay.
A. Sa palagay ko, kailangan na nating magpahinga muna.
B. Sa akin, gusto ko munangmakipaghiwalay.

Sa unang pahayag, hindi mabisang nailapat ang instrumental na tungkulin ng bwika sapagkat hindi ito
naglilinaw ng tiyak na kagustuhan at pangangailangan ng tagapagsalita, hindi gaya ng ikalawa na may tiyak
na paggamit ng pahayag na “gusto ko..” upang sapat na makatugon sa hinihingi ng tagapagsalita.
May regulatori ang wika na nangangahulugang nagagamit ito sa pagkontrol sa mga ugali o asal ng ibang tao,
sitwasyon o kaganapan. Kabilang dito ang pagbibigay ng mga patakaran o palisi at mga gabay o panuntunan, pag-
aaproba at/o di-pagpapatibay, pagbibigay ng pahintulot at/o pagbabawal, pagpuri at/o pambabatikos, pagsang-ayon
at/o di-pagsang- ayon, pagbibigay paalala, babala at pagbibigay panuto. Ang pagbibigay ng direksyon gaya ng
pagtuturo ng lokasyon, direksyon sa pagluluto ng isang ulam, direksyon sa pagsagot ng pagsusulit at direksyon sa
paggawa ng anumang bagay ay mga halimbawa ng tungkuling regulatoryo.
Halimbawa sa ideolohiya ng mga negosyante at kapitalista, ginagamit nila ang wika sa mga patalastas
upang makapanghikayat at impluwensiyahan ang mga konsyumer na bilhin ang produkto dahil nililikha nila
sa isip ng kausap ang pangangailangan nila sa podukto (gawin mo ito..) at nag-uutos na gayahin o gamitin
ang kanilang produktong inumin kung paano inilalapat ang regulatori na tungkulin ng wika sa kanilang
tagline.

Heuristiko – ginagamit ito ng tao upang matuto at magtamo ng mga tiyak na kaalaman tungkol sa mundo, sa mga
akademiko at/o propesyunal na sitwasyon. Ito ay ang pagbibigay o paghahanap ng kaalaman. Kabilang dito ang
pagtatanong, pakikipagtalo, pagbibigay- depinisyon, panunuri, sarbey at pananaliksik. Nakapaloob din dito ang
pakikinig sa radyo, panonood ng telebisyon, pagbabasa ng pahayagan, magasin, blog at mga aklat kung saan
nakakukuha tayo ng impormasyon. Halimbawa ng mga pahayag na nagpapakita ng heuristikong tungkulin ng wika
ang “Ano ang nangyari”? “Para saan?” “Bakit mo ginawa iyon?” “Sabihin mo sa akin kung bakit?” at “ Ano ang
ginagawa ng mga taonggobyerno?”

Matapos ang talakayan ukol sa mga tungkulin ng wika na nakatuon sa instrumental, regulatori, at
heuristiko, subuking ilapat ang mga konsepto at kaalamang natutuhan gamit ang mga sumusunod na
praktikal na Gawain.

11
QUARTER 2
MODULE 1
PHATIC, EMOTIVE, AT EXPRESSIVE NA GAMIT NG WIKA

GAOD-KAISIPAN
Sa nakaraang aralin, sinimulan mong pag-aralan ang mga gamit ng wika. Itutuloy natin sa araling ito ang iba pang
gamit ng wika ayon pa rin kay Ramon Jacobson. Basahin ang sumusunod na diyalogo.
Diyalogo 1
Thelma: Uy, napansin mo ba?
Bea: Ang ano?
Thelma: Si Sol. Kanina pa siya tahimik. Parang malungkot siya.
Bea: Napansin ko rin nga. Baka may sakit siya o kaya baka may problema. Halika, lapitan natin siya
Thelma: Sol, Kumusta ka? Masama ba ang pakiramdam mo? Bea: May problema ka ba? Baka
makatulong kami?
Sol: Naku, Wala! Wala akong sakit at wala rin akong problema. Napuyat lang ako kagabi sa pagsulat ng
term paper natin. Thelma:Hay... pare-pareho pala tayo. Kami rin ni Bea napuyat sa pagtapos ng term
paper
Bea: Oo nga! Mabuti naman, Sol at okey ka lang Sol: Oo, okey lang ako. Salamat sa inyong dalawa ha.

PHATIC- Karaniwang maikli ang mga usapang phatic. Sa Ingles, tinatawag itong social talk o small talk.
Nagpapakita ng pakikipagkapwa- tao o pakikipag ugnayan.
Diyalogo 2
Myrna: Hindi pa rin natatapos ang giyera sa Mindanao.
Lito: Sinabi mo pa. Nalulungkot talaga ako sa nangyayaring yan.Natatakot ako na baka lumala pa ang
giyera.Sana huwag naman.Maraming masasayang na kabuhayan.Tiyak na lalalgaganap ang kahirapan sa
Mindanao.
Myrna: Hindi lang yan! Ako nga awang- awa sa mga namamatayan ng mahal sa buhay. Lalo na yung mga
batang nawawalan ng magulang. Kawawa talaga sila
Lito: Sana magawan ng paraan ng pamahalaan na mahinto na ng giyera at nang mgkaroon na
ng tunay na kapayapaan sa Mindanao
Myrna: Ipagdasal natin 'yan.

EMOTIVE-Pagpapahayag ng mga Saloobin, Damdamin at Emosyon, Pandamdamin Diyalogo 3


Doris: Sayang talaga! Hindi ako nakapanood ng concert ng One Direction.Sobrang mahal naman kasi ng
tiket. Paboritong-paborito ko pa naman sila.
Ester : Ako naman, kahit may pera akong pambili, hindi pa rin ako manonood ng concert na 'yan. Doris:
Bakit naman.
Ester:Hindiakomahilig saforeign artists.Mas gustokong tangkilikin angmga kanta at concert ng local
artist natin. Sila ang mas pinanonood ko.
Doris: Talaga? Palagay ko, kani-kaniya naman talagang hilig 'yan. Basta ako, kahit foreign o local basta gusto ko
ang mga kanta, nagiging paborito ko.

EXPRESSIVE Ang expressive na gamit ng wika ay nakakatulong sa atin upang mas makilala at maunawaan
tayo ng ibang tao. Gayundin sa pagbuo ng isang kaaya- ayang relasyon sa ating kapwa. - Hindi maiiwasan
sa pakikipag-usap na nababanggit natin ang ilang bagay tugkol sa ating sariling paniniwala, pangarap,
mithiin, panuntunan sa buhay, , kagustuhan at marami pang iba.

12
MODULE 2
INTERAKSIYONAL, PERSONAL, AT IMAHINATIBONG
TUNGKULIN NG WIKA
Inilunsad noong 2012 ng Kagawaran ng Turismo ang opisyal na kampanyang panturismo ng Pilipinas,
ang islogan na “Its More Fun In the Philippines” upang hikayatin ang mga turista na bisitahin ang
ipinagmamalaking mga pasyalan, magagandang tanawin, at matikman ang namumukod-tanging kasiyahan
sa paglilibot sa buong kapuluan ng Pilipinas. Sa kabilang banda, mahalagang linawin na bukod sa mga
dayuhang turista na target ng nasabing kampany, marapat lamang na maging pangunahing tagatangkilik ng
anomang lugar na turismo sa bansa ang ating mga sariling mamamayan. Kung gayon, may pangangailangan
din na lumikha ng mga local na kampanyang lilinang sa payak na komunikasyon at mensaheng makauugnay
ang kalakhan ng mga Pilipino. Gamit ang mga natutuhang bisa sa paggamit ng wika sa tiyak na tungkulin na
nakatuon sa instrumental, regulatori, at heuristiko, lumikha ng orihinal at maikling tagline sa wikang
Filipino na humihikayat sa mga mamamayang Pilipino na tangkilikin ang pambansang turismo.

Ayon kay Halliday (1973), ang pagkatuto ng wika ay pagkatuto kong paano bumuo ng kahulugan. Sa
ganitong prinsipyo, mahalaga ang potensiyal sa pagpapakahulugan batay sa konteksto at gamit. Sa
pananaw ng siitematikong linnguwistika, nasa pundasyon ng wika ang cultural at panlipunang anyo bunga
ng cultural at panlipunang proseso na lumilikha ng kahulugan sa isang umiiral na kultura. Ang konseptong
“potensiyal sa pagpapakahulugan” ni Halliday ay naniniwalang ang
wika ay isang set na tiyak at magkakaugnay na sistema ng mga semantikong pagpipilian na mauunawaan sa
pamamagitan ng pananalita o leksikogramatikal na estruktura ng bokabularyo at
sintaks. Kung gayon, hindi maihihiwalay ang kultura at lipunan sa pagpapakahulugan ng mga pahayag.

Kapag nagbubukas ng interaksiyon o humuhubog ng panlipunang ugnayan, ang wika ay


may interaksiyonal na tungkulin. Ang wika ay may panlipunang gampanin na pag-ugnayin ang
isnag tao at ang kaniyang kapuwa sa paligid. Ang “ako” at “ikaw” na tungkulin ng wika ay
lumilikha ng mga panlipunang ekspresyon at pagbati upang bumuo ng interaksiyon at palakasin
ang layuning makipagkapuwa gaya ng, “Mahal kita”, “Kumusta?” “Nanay”, at “Mabuhay!”

Interaksiyonal na tungkulin ng wika ang pagbubuo ng ugnayan sa isang lipunan. Nagsisilbing gampanin
ng personal na tungkulin ng wika ang palakasin ang personalidad at pagkakakilanlan ng isang indibidwal.
Ginagamit ng isang tao ang wikang personal upang ipahayag ang kaniyang mga personal na presensiya,
saloobin, at pagkakakilanlan.
Mahalaga naman ang imahinatibong tungkulin ng wika upang ipahayag ang imahinasyon at haraya,
maging mapaglaro sa gamit ng mga slaita, lumikha ng bagong kapaligiran o bagong daigdig.

Interaksiyonal
Nangangailangan ang matagumpay na interaksyon ng wastong pag-uugali , wastong pagsasabi sa wastong
paraan at paggawa ng mga bagay ayon sa kinagawian. Madaling makita ang mga paglabag sa kaugalian,
maging malaswang salita sa maling tagpuan o di pagtayo sa ilanga pagkakataon. Maaaring parusahan ang
mga ito nang higit pa sa pagkadulas sa pangyayari.
Halimbawa: pagbati, pagpapaalam, pagbibiro, panunudyo, pag-aanyaya, paghihiwalay,
pagtanggap, atbp.

Personal
Pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon sa anyo ng mga padamdam, pagrerekomenda, pagmumura
o sa pamamagitan ng maingat na pagpili ng salita, pagkukuyom sa sarili o pagbubulas ng damdamin. May
“tinig” o kinalalaman ang mga tao sa nangyayari sa kanila. Malaya ang sinuman magbuka ng kanilang bibig
13
o hindi, magsabi ng marami o magsawalang-kibo kung nais nila, ang pumili ng kung paano sasabihin ang
kanilang sasabihin.
Halimbawa:
pagsigaw, pagrerekomenda, pagmumura, pagpapahayag ng Halimbawa galit, paghingi ng paumanhin,
talakaying impormal at d-pormal, kolum at komentaryo sa dyaryo Personal Totoong may gamit na personal
ang wika ngunit napakahirap itong ilarawan nang buo. Sa gamit na ito,nagsasama-samang gumagalaw sa
mga paraang walang nakaaalam ang wika, ang isipan, ang kalinangan/ kultura at ang katauhan/
personalidad.

Imahinatibo
Nakabubuo ng isang sistema ng haraya, maging mga akdang pampanitikan, sistemang
pampilosopiya, o huwarang pangarap (utopian visions) at pag-iisip ng walang magawa.
Pagpapahayag ng imahinasyon samalikhaing paraan.

Halimbawa:
Para sa kasiyahan sa paggamit ng wika bilang tunog; pag- iingay ng sanggol, pag-awit ng isang mang-aawit,
pagtutula ng makata, mga larong pangwika, paggamit ng mga tayutay, idyoma, sagisag, at simbolismo, mga
akdang pampanitikan tulad ng nobela at maikling katha. Pinahahalagahan ang gamit na imahinatibo kung
nagbubunga ito ng artistikong paglikha ngunit sa karamihan, nagsisilbi itong isang susi sa mga pagkakataon
sa paglikha at pagtakas sa katotohanang ipinahihintulot nito. Tinutugunan ang maraming estetiko at
artistikong pangangailangan (urges) Paglalagay ng sarili sa katauhan ng mga nababasa o nakikita sa
telebisyon at sine, pakikinig sa radyo, cd player, MP3 player (vicarious experience) Pinapansin ‘di lamang
ang tunay na daigdig kundi pati na ang mga posibleng daigdig at marami pang imposibleng daigdig.

14

You might also like