You are on page 1of 3

ASSUMPTION SCHOOL-PASSI CITY, ILOILO, Inc.

Saligumba Street, Passi City, Iloilo


Gov’t. Recognition Nos.: SHS-010, s. 2021, SR-028, s. 2021, ER-325,
s. 2021, KR-324, s. 2021
Tel. # 311-6263/5245
S. Y. 2022 – 2023

HANDOUTS SA FILIPINO 11
Komunikasyon at Pananalisik sa Wika at Kulturang Pilipino

MGA KONSEPTONG PANGWIKA (Aralin 1)


“Ang wika’y mahalagang instrumento ng komunikasyon, makatulong sa pagkakaroon ng mabungang
interaksiyon”

Alam mo ba?

Ang Pilipinas ay isang kapuluan . Binubuo ito ng mahigit piyong libong pulo na nabibilang sa tatlong
malalaking pangkat ng mga pulo sa bansa: ang Luzon, Visayas, at Mindanao. Dahil sa nasabing kalagayang
heograpikal, hindi maiiwasang magkaroon tayo ng iba’t ibang pangkat ng mga Pilipinong may kanya-kanyang wika at
diyalekto. Ito ang nagbigay-daan sa napakaraming wika at diyalektong ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ang opisyal na estadistika tungkol sa mga wika at diyalekto sa ating bansa ay hango sa Census of Population
and Housing (CPH) na isinasagawa tuwing isnag dekada ng National Statistics Office (NSO). Ayon sa datos ng CPH
noong 2000, mayroong humigit kumulang 150 wika at diyalekto sa bansa. Tagalog ang nangungunang wika na
ginagamit ng 5.4 milyong sambahayan; pangalawa ang Cebuano/Bisaya/Binisaya/Boholano sa 3.6 milyon na
sambahayan; pangatlo ang Ilokano sa 1.4 na sambahayan; pang-apat ang Hiligaynon/Ilonggo sa 1.1 na sambahayan.
Maliban sa mga nabanggit, nag iba pang wika at diyalektong bumubuo sa sampug pinakagamiting wika sa bansa ay
ang sumusunod: Bikol/Bicol, Waray, Kapampangan, Pangasinan o Panggalatok, Maguindanao at Tausug. Ang
pinagbasehan sa estadistikang ito ay ang Census of Population and Housing (CPH) noong 2000 sapagkat ang datos
mula sa CPH ng 2010 kaugnay ng wika at diyalekto ay hindi pa nailathala.

WIKA

Ang Wika ay isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon. Mula sa pinagsama-samang


makabuluhang tunog, simbolo, at tuntunin ay nabubuo ang mga salitang nakapagpapahayag ng kahulugan o
kaisipan.
Ito ay behikulong nagagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mensahe sa isa’t isa.
Ang salitang Latin na lingua na may kahulugang “dila” at “wika” ang pinagmulan ng salitang Pranses na
langue na nangangahulugan ding dila at wika. Kalaunanito’y nagging language na ginawang batayan din ng parehong
salita sa Ingles. Ang dila ay konektado sa pasalitang pagbigkas dahil ang iba’t ibang tunog ay nalilikha sa
pamamagitan ng iba’t ibang posisyon ng dila. Kaya naman ang wika ay may tradisyunal at popular na
pagpapakahulugang Sistema ng arbitraryong vocal-symbol na ginagamit ng mga miyembro ng isang pamayanan sa
kanilang pakikipagtalastasan sa isa’t isa.

Maraming dalubhasa ang nagbigay ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa wika :


Ayon kay Paz, Hernandez at Peneyra (2003:1) ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari
ang anumang minimithi o pangangailangan natin. Ito ay behikulo ng ating ekspresyon at komunikasyon na
epektibong nagagamit.
Ayon kay Henry Allan Gleason, Jr., isang linggwista at propesor emeritus sa University of Toronto, ang wika
ay masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
nabibilang sa isang kultura.
Bilang pagpapakahulugan ng Diksiyonaryong Cambridge ang wika sa gaitong paraan: ito ay sistema ng
komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita, at gramatika na ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga
mamamayan sa isang bayan o sa iba’t ibang uri ng gawain.
Si Charles Darwin ay naniniwalang ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng serbesa, pagba-beke ng
cake, o ng pagsusulat. Hindi rin ito tunay na likas sapagkat ang bawat wika ay kailangan munang pag-aralan bago
matutuhan.
Higit sa lahat, walang philologist ang makapagsasabing ang wika ay sadyang iniimbento; sa halip ito ay
marahan at hindi sinasadyang nalinang sa pamamagitan ng maraming hakbang o proseso.
ANG WIKANG PAMBANSA

Ang Pilipinas ay isang kapuluang binubuo ng iba’t ibang pangkat ng mga Pilipinong gumagamit ng iba’t ibang
wika at diyalekto. Hindi naging madali ang pagpili sa wikang pagbabasehan ng wikang pambansa. Ang paksang ito ay
mainitang tinalakay at pinagtalunan sa Kumbensyong Konstitusyunal noong 1934.
Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na
wika sa Pilipinas. Ang mungkahing ito ay sinusugan ni Manuel L. Quezon na noo’y pangulo ng Pamahalaang
Komonwelt ng Pilipinas.
Ang pagsusog na ito ni Quezon ay nagbigay daan sa probisyong pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV,
Seksyon 3 ng Saligang Batas ng 1935. Ito ay nagresulta sa pagkakaroon ng isang batas na isinulat ni Norberto
Romualdez ng Leyte, ang Batas Komonwelt Blg.184 na nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa.
Mga miyembrong mula sa iba’t ibang pangkat ng mga Pilipino at kumakatawan sa mga pangunahing wika sa
bansa tulad nina:
 Jaime C. Veyra – namumuno (Samar-Leyte)
 Cecilio Lopez- Kalihim (Tagalog)
 Santiago A. Fonacier (Ilokano)
 Filemon Sotto (Cebuano)
 Casimero F. Perfecto (Bikol)
 Felix S. Salas Rodriguez (Hiligaynon)
 Hadji Butu (Muslim)

Batay sa pag-aaral na isinagawa ng Surian, napili nila ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa dahil
ang naturang wika ay tumugma sa mga pamantayang kanilang binuo tulad ng mga sumusunod:
“ang wikang pipiliin ay dapat …
 Wika ng sentro ng pamahalaan
 Wika ng sentro ng edukasyon
 Wika ng sentro ng kalakalan
 Wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan.

Batay sa rekomendasyon ng Surian, noong Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ng Pangulong Quezon na wikang
Tagalog ang maging batayan ng Wikang Pambansa sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.134. Magkakabisa ang
proklamasyon ito pagkaroon ng dalawang taon.
Noon ngang 1940, nakapaglathala ang Surian ng Wikang Pambansa ng dalawang mahahalagang dokumento:
isang Diksiyonaryong Tagalog-English at ang Balarila ng Wikang Pambansa. Sa panahon ng mga Hapones ay
umunlad ang wikang pambansa dahil ipinagbawal ng mga ito ang paggamit ng wikang Ingles sa lahat ng
pagkakataon.
Sa bisa ng Ordinansa Militar Blg.13 ay ginawang opisyal na mga wika sa bansa ang Tagalog at Niponggo
kaya’t itinuro rin ang Niponggo sa mga paaralan. Nang ipinagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan, sa Araw
ng Pagsasarili ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag ding ang mga wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at
Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt blg.570
Noong Agosto 13, 1959 ay pinalitan ang tawag sa sa wikang pambansa. Mula Tagalog ay nagging Pilipino sa
bisa ng kautusang Pangkagawaran Blg.7 na ipinalabas ni Jose E. Romero, ang dating Kalihim ng Edukasyon. Sa huli,
ito ang mga nagging probisyong pangwika mula sa Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksiyon 3, blg.2. Dito unang
nagamit ang salitang Filipino bilang bagong katawagan sa wikang pambansa ng Pilipinas.
Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na binuo ni dating Pangulong Cory
Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino. Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ang probisyon
tungkol sa wika na nagsasabing: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.”

WIKANG OPISYAL AT WIKANG PAMPAGTUTURO

Ayon sa itinatadhana ng ating Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 7 mababasa ang sumusunod:
“Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t
walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa
mga rehiyon at magsisilbing pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang
Kastila at Arabic”. Filipino at Ingles ang mga opisyal na wika at wikang panturo sa mga paaralan. Sa pagpasok ng K to
12 Kurikulum, ang Mother Tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay nagging opisyal na wikang panturo mula
Kindergarten hanggang Grade 3 sa mga paaralang pampubliko at pribado. Tinawag itong “Mother Tongue-Based
Multi-Lingual Education” (MTB-MLE).
Ayon kay DepEd Secretary Brother Armin Luistro, FSC, “ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa
mga unang baytang ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at
makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural.”
Noong mga unang taon ng pagpapatupad ng K to 12 ay nagtadhana ang DepEd ng labindalawang
lokal o pangrehiyon na wika at diyalekto na ang ginagamit tulad ng sumusunod: Tagalog, Kapampangan,
Pangasinense, Iloko, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Tausug, Maguindanaoan, Maranao, Chavacano, Ybanag,
Ivatan, Sambal, Aklanon, Kinaray-a, Yakan, at Surigaonon.
Ang mga wika at diyalektong ito ay ginagamit sa dalawang paraan:
1. Bilang hiwalay na asignatura
2. Bilang wikang panturo
Ang wikang Filipino at Ingles ay gagamitin at ituturo pa rin sa mga paaralan. Ang magiging pokus sa
kindergarten at unang baytang ay katatasan sa pasalitang pagpapahayag. Sa ikalawa hanggang ikaanim na baytang
ay bibigyang-diin ang iba’t iba pang komponent ng wika tulad ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat. Sa mas
matataas na baytang ay Filipino at Ingles pa rin ang mga pangunahing wikang panturo o medium of instruction.

You might also like