Practice #1 Editorial Writing (FILIPINO – SECONDARY LEVEL)
Katotohanan sa Kabila ng Banta ng Maling Akala
“May taenga ang lupa, May pakpak ang balita”
Napagtanto ko na tama nga ang mensaheng ipinapahiwatig ng salawikaing ito. Mga tao nga naman…
Sa panahon ngayon marami ang naglalabasang mga pekeng balita lalo
na sa mga balita tungkol sa mga isyung kinakaharap ng ating bansa. Lalo na noong kasagsagan ng pandemyang COVOD-19 ,Una itong iniulat sa WHO noong Disyembre 31, 2019 at noong Enero 30, 2020, idineklara ng WHO ang pagsiklab ng COVID-19 bilang isang pandaigdigang emerhensiyang pangkalusugan.
Naglabas ng kautusan ang ating pamahalaan na pinagbabawal ang
paglabas sa bahay ng walang pahintulot sa lokal na opisyal, sa isang iglap naging mga nakapreso tayo sa ating mga tahanan. Umaasa sa mga impormasyong nakakalap natin online.
Sa mga ganitong panahon natin maaasahan ang Campus Journalism,
dahil sila ang gumaganap ng isang mahalagang papel sa pagpapaalam sa publiko, pagpapanagot sa mga nasa kapangyarihan, at maghatid ng detalyado at makatotohanang balita. Lahat tayo ay naniniwala na mahalaga ang Campus Journalism sa ating pang araw-araw na pamumuhay dahil sila ang ating mapagkukunan ng balitang walang bahid ng pagkiling.