You are on page 1of 1

Pahayag ukol sa pagsasara ng ABS-CBN

Posted on May 6, 2020 by Los Baños Times

Nakikiisa ang Los Baños Times sa mga kapatid nating nasa midya at mga
mamamahayag sa paninindigan para sa kalayaang mamahayag at
pagkondena sa pagpapasara sa ABS-CBN sa gitna ng krisis pang-kalusugan
na COVID-19.

Ang pagpapasara sa network ay isang pag-atake laban sa kalayaang


mamahayag o press freedom na nakaugat sa karapatan ng bawat
mamamayang Pilipino sa impormasyon, isang karapatang nakasaad at pino-
protektahan ng ating Saligang Batas.

Ang pagpapasara sa network sa panahong ito ay isang dagok para sa mga


Pilipinong tanging ang ABS-CBN ang pinanggagalingan ng impormasyon, lalo
na’t hinggil sa COVID-19, ayuda mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan, at iba
pang kapaki-pakinabang na kaalaman para malampasan nila ang peligrong
nagpapahirap di lamang sa ating bansa kundi maging sa buong mundo. Sa
pagsasara ng ABS-CBN, maraming mga kababayan natin ang nawalan ng
abot-kamay at madaling mapagkukunan ng impormasyon. At ito ay taliwas sa
pagkilala sa kanilang karapatang kumalap ng mahalagang impormasyon.

Bukod dito, libu-libong mga empleyado ang nawalan ng trabaho—trabahong


pinagmumulan ng pantustos sa mga pangangailangan ng kani-kanilang
pamilya. Ang mga empleyadong ito ay umaasa sa network para
makapagbigay sa pamilya ng pagkain, gamot, edukasyon, at iba pang bagay
tungo sa ikauunlad ng kabataan at pamilyang Pilipino. Mahalaga sa panahong
ito ng COVID-19 ang pagkakaroon ng kabuhayan at trabaho upang
mapangalagaan ang kalusugan.

At lalong mahalaga na sa panahong ito ng krisis, mayroong access sa


impormasyon ang lahat ng Pilipino upang malaman ang mga bagong
pangyayari, makarating ang mga puna laban sa kakulangan at pang-aabuso
sa lipunan, at makagawa ng tamang desisyon para sa ikabubuti ng sarili,
pamilya, komunidad, at bansa.

Ang Los Baños Times ay kaisa ng sambayanang Pilipino sa paninindigan


para sa midyang malaya at mapagpalaya.

You might also like