You are on page 1of 36

MAKIBAKA PARA SA

KALUSUGAN,
KABUHAYAN AT
KARAPATAN!
PATALSIKIN ANG
PASISTANG REHIMENG
US-DUTERTE!
Pambansang Opisina ng Kilusang Mayo Uno

Abril 2021

1 KILUSANG MAYO UNO


KONTEKSTO
KONTEKSTO

Marso nang nakaraang taon nang ipatupad


ng rehimeng Duterte ang kanyang
militaristang lockdown sa Metro Manila at
Luzon.

Marso ngayong taon, mistulang bangungot, ay nagpatupad ng dalawang linggong


ECQ sa NCR+ ang rehimen na pinabangong katawagan sa lockdown na lubhang
nagpahirap sa manggagawa at mamamayang Pilipino.

3 KILUSANG MAYO UNO


KONTEKSTO

Libu-libong kaso ng Covid-19 kada araw. Milyun-milyon ang walang


kabuhayan at sapat na ayuda. Talamak ang samut-saring paglabag sa
karapatang pantao habang naghahanda ang pangkating Duterte na
ipanatili ang sarili sa kapangyarihan.

4 KILUSANG MAYO UNO


KONTEKSTO

Haharapin ng manggagawa at mamamayan ngayong


Mayo Uno 2021 ang isang pagpapasya.
Pagpapasyang kumilos at lumaban sa harap ng
banta ng pandemya at karahasan ng estado.

5 KILUSANG MAYO UNO


WALANG
MABUTING
DINULOT ANG
PALPAK AT
MILITARISTANG
TUGON SA COVID-19
WALANG MABUTING DINUDULOT ANG PALPAK AT
MILITARISTANG TUGON SA COVID-19

Araw-araw nang nagtatala ng


Ibinalik sa ECQ ang buong NCR+
pinakamataas na bilang ng bagong
at pinag-ibayo pa ito ng isang
kaso ng Covid-19 ang Department
linggo noong Abril 5.
of Health.

MARS MARS MARS


O
APRIL
O 19 O 22 28
2

Isinailalim sa tinaguriang “GCQ bubble” o NCR+ ang 15,310 ang bagong kasong naitala. Inaasahan ang
mga erya ng Metro Manila, Cavite, Bulacan, Laguna, tuluy-tuloy na paglobo nito habang di desididong
at Rizal, kung saan may pinakamataas na nagpapataw ng mga hakbang medical ang rehimen
konsentrasyon ng mga manggagawa. para tugunan ang pandemya.

7 KILUSANG MAYO UNO


WALANG MABUTING DINUDULOT ANG PALPAK AT
MILITARISTANG TUGON SA COVID-19

Di na makaagapay ang mga pasilidad medikal


Sa humigit-kumulang sampung sa mga kinakailangang pagtugon. Isang taon
libong kasong naitatala araw- ang lumipas, walang nailatag ang gobyernong
Duterte na programa para sa malawakang
araw, kalahati ng mga ito ay Covid-19 testing at episyenteng contact tracing.
pumapasok sa age group na 20-
49. Sa madaling sabi, ang
populasyon ng karamihang Walang malaganap at matinong kampanyang
manggagawa ang bulnerable edukasyon hinggil sa bakuna laban sa Covid-
19. Batbat ng lohistikal na mga problema ang
at tinatamaan ng Covid-19. rollout nito na di nalulutas ni Vaccine Czar
Carlito Galvez, ng IATF at iba pang kaukulang
ahensya.

8 KILUSANG MAYO UNO


WALANG MABUTING DINUDULOT ANG PALPAK AT
MILITARISTANG TUGON SA COVID-19

Patuloy ang pagkakasakit ng mga frontliner na manggagawang


pangkalusugan na di nakatatanggap ng sapat na kompensasyon sa
pamamagitan ng sahod, hazard pay at iba pang benepisyo.

Umaaray na ang mga frontliner sa kawalan ng mga facemask, at


iba pang personal protective equipment sa kabila ng malalaking
badyet na dapat inilaan para dito.

9 KILUSANG MAYO UNO


NAMIMILIPIT ANG
MANGGAGAWA AT
MAMAMAYAN SA
WALANG-
KATIYAKANG
KABUHAYAN
NAMIMILIPIT ANG MANGGAGAWA AT MAMAMAYAN SA WALANG-
KATIYAKANG KABUHAYAN

Sa taong 2020, bumagsak ang ekonomya ng bansa


ng tinatayang 9.5%. Kinakatangian ito sa aktwal ng
malawakang kawalan ng regular na trabaho at sahod
na di makaagapay sa tumataas na mga presyo.

Sa tala ng IBON Foundation, aabot sa 5 milyong Pilipino ang walang trabaho sa


kasalukuyan. Ang minimum na sahod ng mga manggagawang pormal ay bumagsak
ang halaga ng mula P80 hanggang lampas P100 piso. Sumisirit ang presyo ng bilihin
dulot ng papataas na inflation rate na nasa 4.7% sa dulo ng Pebrero 2021.

11 KILUSANG MAYO UNO


NAMIMILIPIT ANG MANGGAGAWA AT MAMAMAYAN SA WALANG-
KATIYAKANG KABUHAYAN

Patuloy na nanlilimos ang mga drayber sa mga Sa kabila ng ito, walang komprehensibo at
rutang di pa pinababalik ng LTFRB matapos makamasang stimulus package na binuo ang
ang isang taong lockdown. Aabot na rin sa gobyerno upang magbigay ng tulong sa
500,000 na OFW ang napilitang bumalik sa manggagawa at mamamayang iginagapang
bansa at maibibilang sa lumolobong bilang ng ang kabuhayan kada araw.
walang trabaho. Patuloy ang kalbaryo ng
magsasaka, mangingisda at iba pang mga
prodyuser dahil sa murang bili sa kanilang mga
produktong esensyal laluna sa panahon ng Ni walang naibigay na sustinidong programa ng
pandemya samantalang pataas nang pataas ayuda sa mga nawalan ng trabaho at
ang presyo ng mga ito dahil sa patong ng nanganganib ang kabuhayan. Wala ring plano
malalaking middlemen. para sa pangmatagalang pag-ahon at paglikha
ng mga regular na trabaho para sa mga
nawalan nito.

12 KILUSANG MAYO UNO


NAMIMILIPIT ANG MANGGAGAWA AT MAMAMAYAN SA WALANG-
KATIYAKANG KABUHAYAN

Tingi-tinging ayudang tig-P1000 piso ang ipinamahagi sa NCR+, malayo sa


sapat, at malayo sa hinihinging 10k ayuda at P100 daily wage subsidy para
sa manggagawa.

13 KILUSANG MAYO UNO


PASISTANG LAGIM
SA LIKOD NG
MILITARISTANG
LOCKDOWN
PASISTANG LAGIM SA LIKOD NG MILITARISTANG LOCKDOWN

Imbis na maglatag ng syentipiko at


kongkretong tugon sa pandemya at
krisis, panunupil sa mamamayan ang
inatupag ng rehimen.
Sa tabing ng “anti-terorismo,” at sa pagbibintang sa mga
kritiko at aktibista bilang mga komunista, inilunsad ang isang
maruming gera laban sa mamamayan na kinatangian ng
pagbabansag na komunista at terorista (red-tagging) at
paninirang puri, harasment, intimidasyon, pagbabanta,
impiltrasyon ng mga unyon at sarbeylans. Lahat ng ito ay
paghahanda ng entablado para sa mga iligal na aresto at
ekstrahudisyal na pagpatay.

15 KILUSANG MAYO UNO


PASISTANG LAGIM SA LIKOD NG MILITARISTANG LOCKDOWN

Ang padron ng panunupil na ito ay lantad sa mga operasyong isinagawa ng AFP-PNP,


partikular sa iligal na aresto sa Human Rights Day 7 at masaker sa mga
Tumandok sa Panay noong Disyembre 2020 at sa Masaker ng Bloody Sunday
noong Marso 7 kung saan pinaslang ang 9 na aktibista kabilang ang lider-
manggagawa na si Manny Asuncion at iligal na inaresto ang 5 aktibista kabilang sina
Steve Mendoza ng Olalia KMU at si Elizabeth “Mags” Camoral, dating pangulo ng
unyon sa FTech. Bago pa man ang Bloody Sunday, iligal nang inaresto sina Arnedo
Lagunias ng unyon sa Honda at si Ramir Corcolon ng WATER. Kabilang pa sa mga
unyonistang ipiniit ay si Eugene Eugenio ng Courage Rizal.

16 KILUSANG MAYO UNO


PASISTANG LAGIM SA LIKOD NG MILITARISTANG LOCKDOWN

Nito lamang Semana Santa, sa gitna ng bagong pataw na ECQ, inarangkada ng


rehimen ang maruming gera sa pagpaslang sa vice chairperson ng Pamantik KMU
na si Dandy Miguel noong Marso 28, at iligal na aresto sa mga lider sa Central
Luzon na sina Pol Viuya, vice chairperson for Central Luzon ng KMU at Joseph
Canlas, national vice chairperson ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP).

Sunud-sunod rin ang mga aresto kina Connie Opalla ng Kadamay Pandi, Renalyn
Tejero ng Karapatan Caraga, at kay Genelyn Dichoso ng Karapatan Quezon.

17 KILUSANG MAYO UNO


PASISTANG LAGIM SA LIKOD NG MILITARISTANG LOCKDOWN

Bukod pa rito, garapal na red-tagging ang isinasagawa ng gobyerno sa pamamagitan ng NICA at


NTF ELCAC, kasabwat ng iba pang ahensya. Ni-redtag sa publiko at tinaningan ang pagpapalayas
ng Bureau of Immigration ang misyonerong si Otto de Vries, na nauna nang pinaratangang
“nakikipagtulungan sa mga terorista” sa internal na ulat ng NICA. Sa tugon ng BI sa motion for
reconsideration ni De Vries, tahasan nitong tinawag ang Ecumenical Institute for Labor Education
and Research (EILER) at ang KMU bilang mga “affiliate” diumano ng tinatawag nilang CTG
(communist-terrorist groups.)

Naglabas din ng memorandum ang DILG na nag-uutos na tukuyin ang mga kasapi ng
COURAGE at ACT sa gobyerno dahil mga “komunista-teroristang” grupo ang mga ito
diumano. Ni-redtag din ang unyon ng mga kawani sa Senado bilang espiya diumano
ng mga komunistang grupo sa lehislatura.

18 KILUSANG MAYO UNO


PASISTANG LAGIM SA LIKOD NG MILITARISTANG LOCKDOWN

Target ng ganitong
panunupil ang mga
indibidwal at grupong
nananawagan ng
kahingian ng Mayor ang papel ng mga institusyon gaya ng NTF ELCAC (na nilikha
mamamayan at sa bisa ng EO 70 o “whole-of-nation” approach) at ng anti-unyong
naglalantad sa palpak na ahensya na Joint Industrial Peace Concerns Office (JIPCO) na nilikha
ng PEZA at PNP upang supilin ang mga tinagurian nilang “radikal na
tugon ng gobyerno sa unyon.” Iwinawasiwas din ng AFP-PNP sa kanilang madugong
mga suliraning operasyon ang Anti-Terrorism Act of 2020 bilang lisensya sa pagtugis
pambayan. sa mga tinuturing nilang “komunista-terorista,” gayong sumasailalim ito
sa Oral Arguments bunsod ng pagtutol ng 37 grupo ng mga petisyoner
  laban dito.
19 KILUSANG MAYO UNO
MAITIM NA BALAK
NG PANGKATING
DUTERTE NA
MANATILI SA
ESTADO PODER
MAITIM NA BALAK NG PANGKATING DUTERTER NA MANATILI SA
ESTADO PODER

Kinokonsolida ng rehimen ang lahat ng rekursong pinansyal at


istrukturang sibil at militar sa pamamagitan ng suhol (ayuda,
bakuna atbp.) o pananakot sa layong mailuklok ang pangkating
Duterte sa tuktok ng estado lampas sa 2022.

21 KILUSANG MAYO UNO


MAITIM NA BALAK NG PANGKATING DUTERTER NA MANATILI SA
ESTADO PODER

Ang higit 10T na


inutang, malaking
bahagi ay diumano
para sa Covid
Pinapataba ang bulsa ng mga heneral, militar at pulis upang
response, ay batbat maseguro ang pananatili sa pangkatin ni Duterte. Inarangkada
ng kwestyon ang na ng pangkating Duterte ang kanilang maitim na balak na
kinapupuntahan.   itatag ang dinastiyang Duterte sa maagang pangangampanya
ng anak nitong si Sara. Kaliwa’t kanan ang atake, di lang sa
mga progresibong grupo, kundi maging sa konserbatibong
oposisyon.

22 KILUSANG MAYO UNO


MAITIM NA BALAK NG PANGKATING DUTERTER NA MANATILI SA
ESTADO PODER

Sa kabilang banda, sinisikap buuin ng mga demokratikong pwersa


ang nagkakaisang oposisyon upang direktang tunggalian ang maitim
na pangarap ng pangkating Duterte.

Susing mga kaisahan ang demokrasya, karapatang pantao at


soberanya. Dapat samantalahin ng mga manggagawa ang
pagkakataon upang magamit ito bilang venue ng pagsusulong ng
mga kahingian ng sektor at mamamayan.

23 KILUSANG MAYO UNO


NEOLIBERALISMO
AT KRISIS NG
MALAKOLONYAL AT
MALAPYUDAL NA
PILIPINAS
NEOLIBERALISMO AT KRISIS NG MALAKOLONYAL AT
MALAPYUDAL NA PILIPINAS

Inihulog ang buong mamamayang Pilipino sa


kumunoy ng kahirapan ng deka-dekadang
pagpapatupad ng neoliberal na patakaran sa
ekonomya.

Pinahinang lalo ng mga patakarang ito ang mga serbisyong panlipunan gaya ng
kalusugan, edukasyon at transportasyon. Lantad na lantad ang kabulukan ng
neoliberalismo na sanhi ng kawalang-kakayahan ng bansa na umagapay sa
ekstraordinaryong sitwasyon ng pandaigdigang pandemya.

25 KILUSANG MAYO UNO


NEOLIBERALISMO AT KRISIS NG MALAKOLONYAL AT
MALAPYUDAL NA PILIPINAS

Sa kabila nito, sagad-sa-butong


pagpapakatuta ang ipinapamandila ng
rehimeng Duterte.

Lampas P10 trilyong piso na ang pambansang utang ng Pilipinas sa iba’t ibang
bangko at institusyon. Bawat transaksyon ay may kalakip na mga kondisyon hinggil sa
pagluluwag ng ekonomya at iba pang neoliberal na hakbang.

26 KILUSANG MAYO UNO


NEOLIBERALISMO AT KRISIS NG MALAKOLONYAL AT
MALAPYUDAL NA PILIPINAS

Di rin natatapos ang interbensyong


militar ng mga imperyalistang bayan.
Patuloy ang pagpasok ng kagamitang militar mula sa US.
Patuloy na ipinapatupad sa maruming gera ni Duterte ang
programang kontrainsurhensyang ibinalangkas nito. Umiigting
ang agresyon ng China sa West Philippine Sea. Kamakailan,
namataan ang higit 200 Chinese vessels sa karagatan sa
kanluran ng Palawan at patuloy ang konstruksyon ng mga
islang artipisyal sa saklaw ng exclusize economic zone (EEZ)
ng Pilipinas. Sa kabila ng mga pahayag ng ilang opisyal
kontra sa presensya ng China sa WPS, walang
mapagpasyang hakbang ang gobyerno ni Duterte sa
mapang-upat na aksyon ng China.

27 KILUSANG MAYO UNO


PAGKILOS AT
PAGLABAN ANG
LANDAS TUNGO SA
PAGBANGON AT
PAGBABAGO
PAGKILOS AT PAGLABAN ANG LANDAS TUNGO SA PAGBANGON AT
PAGBABAGO

Malinaw sa isang taong lockdown ni Duterte na walang


batayan na panatilihin sa kanya at kanyang pangkatin ang
pamumuno sa bayan lalo sa gitna ng malulubhang epekto ng
pandemya at krisis.

29 KILUSANG MAYO UNO


PAGKILOS AT PAGLABAN ANG LANDAS TUNGO SA PAGBANGON AT
PAGBABAGO

Ngayong Mayo Uno 2021, kinakailangang maglunsad ng


malalakas na protesta ang manggagawa at mamamayan
upang paalingawngawin ang mga lehitimong kahingian.

Sa lakas ng ating matitibay na organisasyon at papalapad na mga


alyansa, bubuuin ang nagkakaisang hanay na anti-Duterte na
magpapatalsik sa papet, pabaya, pahirap, palpak at pasistang rehimen.

30 KILUSANG MAYO UNO


ANG ATING MGA

PANAWAGAN
MAKIBAKA PARA SA KALUSUGAN, KABUHAYAN, AT KARAPATAN!

MASS TESTING AT EPISYENTENG CONTACT TRACING, IPATUPAD!


AYUDA SA MANGGAGAWA AT MAMAMAYAN!
KABUHAYAN AT TRABAHONG TIYAK! 
ITIGIL ANG RED-TAGGING, ARESTO, PAGPASLANG AT PAGLABAG SA
KARAPATAN!
BAKUNANG LIBRE AT LIGTAS!
KALAYAAN!

31 KILUSANG MAYO UNO


KALUSUGAN KABUHAYAN

PANAWAGAN
01 Mass testing, episyenteng contact 01 Maka-mamamayang stimulus
MGA PARTIKULAR NA tracing package sa ekonomya
02 Sistematikong rollout ng libre at 02 Ayuda sa manggagawa at
ligtas na bakuna kontra Covid-19 mamamayan (P100 kada araw na
wage relief sa lahat ng
03 Pagwawakas sa militaristang
sumasahod, P10k ayuda sa
lockdown at pagpapatupad ng
walang trabaho, wage subsidy sa
medical quarantine. Pagpapalit sa
MSMEs, subsidyo sa magsasaka
militar sa IATF ng mga ekspertong
para sa produksyon ng pagkain)
medikal at kinatawan ng
stakeholder groups 03 Kagyat na pagsasabatas ng P750
National Minimum Wage and Paid
04 Nakasasapat na dagdag sa badyet
Pandemic Leave
pangkalusugan (bahagi ng
stimulus package)

KARAPATAN

01 Pagpapatigil sa red-tagging, iligal na 02 Pagbabasura sa Anti-Terrorism Act


aresto, pagpaslang at iba pang of 2020
paglabag sa karapatang pantao.
Pagbuwag sa JIPCO at NTF ELCAC

32 KILUSANG MAYO UNO


TUNGKULIN 01 02
ANG ATING MGA

Mabilis na makipagkaisa sa Ilunsad ang malaganap at


kasapian ng ating mga sustinidong propaganda
organisasyon sa nilalaman at hinggil sa kahingian ng
kahingian ng ating mamamayan sa gitna ng
Kampanyang Mayo Uno. pandemya at krisis.
Ipaunawa at ipatanggap ang Maksimisahin lahat ng pormang
pangangailangang kumilos sa gitna ng nagagawa na natin at magpaunlad ng
di-pangkaraniwang sitwasyon. mga bagong porma upang
Maglunsad ng mga pulong-unipikasyon makapagpukaw ng paparaming
sa iba’t ibang antas upang maabot ang mamamayan bilang paghahanda sa
malawak na masa. mga protesta patungong Mayo Uno.

33 KILUSANG MAYO UNO


TUNGKULIN 03 04
ANG ATING MGA

Tuntungan ang mga nabuong Palalimin at pataasin ang


alyansa at palaparin pa ang pag-unawa ng kasapian at
mga nauugnayan dito. masa sa mga isyung
Patibayin ang pakikipagkaisa sa mga kinakaharap sa pamamagitan
sentrong unyon, pederasyon at iba ng programadong kampanya
pang grupong manggagawa. Kaisahin sa edukasyon.
sa mga isyu at kampanya ang malapad
na demokratikong pwersang Magbuo ng mga praymer at discussion
nagpapahayag ng diskuntento sa guide sa mga mayor na isyu. Pag-
rehimen. aralan ang mga handa nang kurso sa
pagpapalalim ng mga ito.

34 KILUSANG MAYO UNO


TUNGKULIN 05 06
ANG ATING MGA

Padagundungin sa antas Pagplanuhan at isagawa ang


internasyunal ang mga samut-saring porma ng
kampanya ng manggagawa protesta.
at mamamayan. Magtakda ng mga petsa para sa
Umambag sa pagpapalakas ng sustinidong build-up sa antas ng
kampanya ng manggagawa at pabrika, komunidad, factory belt,
mamamayan ng daigdig hinggil sa engklabo, rehiyon at pambansa.
pandaigdigang pandemya. Kaisahin Pagkumbinahin ang pisikal at online na
ang mga organisasyon at institusyon sa mga protesta nang angkop sa mga
ibayong-dagat upang makapagbigay- kalagayan at may pangangalaga sa
suporta sa pakikibaka ng kalusugan. Maghanda para sa
mamamayang Pilipino. malaking kilos-protesta sa Mayo Uno
2021 – Pandaigdigang Araw ng Uring
Manggagawa!

35 KILUSANG MAYO UNO


APRIL All Leaders’ Meeting
08

ISKEDYUL TBA #MayoUno2021 Launching (Pisikal at online, ang pisikal na


launching ay babatay sa pag-lift sa NCR Bubble)

APRIL Red Friday Protest sa Social Media


16
MGA

APRIL KMU+ Press Conference


20

APRIL Labor Town Hall Meeting sa mga kakandidato sa Eleksyon


24 sa 2022

APRIL World Day for Safety and Health at Work (Build-up sa


28 internasyunal)

MAY Pandaigdigang Araw ng Uring Manggagawa


01

36 KILUSANG MAYO UNO

You might also like