You are on page 1of 6

Mga Pangunahing Isyu

Ng
Pilipinas
Ipinasa ni:

Lezter John Ro S. Labador

Bs Criminology 1

Ipapasa kay:

Joanna Misalang Sagun-Acosta

Fil 1

December 04, 2020


Korapsyon

Ang Pilipinas ay dumaranas ng talamak at malawakang korupsiyon sa pamahalaan nito.


Kabilang sa mga paraan ng korupsiyon na isinasagawa sa Pilipinas ang graft, panunuhol,
paglustay ng salapi, mga kasunduan sa likurang pintuan, nepotismo, padrino. Ito ay mula sa
mga nakaraang Pangulo ng Pilipinas hanggang sa mga lokal na unit ng pamahalaan.

Ayon sa Ombudsman’s Finance and Management Information Office, ang kabuuang 3,852 kaso
ay inihain laban sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan noong 2011. Sa mga ito, ang 633 ay
inihain sa Luzon, 600 sa Visayas at 544 sa Mindano. Ang Philippine National Police (PNP) ang
ikalawa sa dami ng mga kasong inihain laban dito sa Ombudsman noong 2011. Kabilang sa mga
kasong inihain laban sa mga sumusunod na kagawaran ng pamahalaan noong 2011:
Department of Education (562 kaso), Philippine Information Agency (490 kaso), Bureau of
Internal Revenue (416 kaso), Armed Forces of the Philippines (304 kaso), Bureau of Customs
(177 kaso), Department of Environment and Natural Resources (155 kaso), Department of
Social Welfare and Development (148 kaso), Department of Justice (98 kaso).[1] Noong 2012,
ang Pilipinas ay may ranggong 105 na may 3.4 CPI sa talaan ng Transparency International na
rumaranggo ng 176 mga bansa at teritoryo batay sa kung kaagano silang katiwali ayon sa
publikong sektor. Ang Pilipinas ay karanggo ng mga bansang Algeria, Armenia, Bolivia, Gambia,
Kosovo, Mali, at Mexico. Ang mga 30 % ng pambansang badyet ng Pilipinas ay iniulat na
nawawala dahil sa graft at korupsiyon kada taon.

Kabilang ang ating bansa sa pinakamaraming kaso ng kurapsiyon sa buong mundo dahil sa
maling gawain ng ating mga gobyerno sa mga budget at mga perang dapat ipinupunta tungo sa
paglago ng ating bansa at ng ating ekonomiya. Nasisilaw sila sa halaga ng mga pera kayat itoy
kanilang kinukuha para sa pansariling interest.
Kontraktuwalisasyon

Pinakamahalagang ipinangako ng Pangulo sa usaping ito ang mismong pagwawakas ng


kontraktuwalisasyon sa loob ng isang taon. Sinabi ng administrasyon na magiging regular na ang
kalahati sa kasalukuyang mga kontraktwal na manggagawa sa pagtatapos ng taong ito, tapos
wala nang kontraktwal pagdating ng 2017.

Nagpanukala naman ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng ‘win-win’ solution,
na tila mapapawi lang ang pagiging kontraktwal sa pangalan. Laman ng sinasabing ‘win-win’
solution na bigyan ng mga benepisyo na mayroon ang mga regular na manggagawa gaya ng
leave credits, 13th month pay, SSS, Philhealth, at iba pa. Kasama rin dito na maaaring maililipat
ang mga manggagawa batay sa pangangailangan. Hindi na rin daw gagamitin ang agency, pero
papayagan ang mga kumpanya na kumuha ng mga manggagawa o mag-outsource ng seasonal
kung ganoon ang panangailangan. Ang mga mawawalan ng trabaho ay kailangan hanapan ng
trabaho sa loob ng tatlong buwan o kung umayaw na maghintay ang manggagawa ay bibigyan
siya ng separation pay at wala nang obligasyon sa kanya ang kumpanya. Magkakaroon daw ng
mga mahigpit na patakaran sa mga kumpanya gaya ng hindi pagpayag na magkaroon ng
subcontractor ang mga contractor sa construction, pagkakaroon ng sapat na kapital ng mga
kumpanya na kayang pasahurin at bigyan ng mga benepisyo ang mga manggagawa nito.
Nakabalangkas na ang panukalang ito bilang Department Order (DO) 30, na sinasabi nila DOLE
Secretary Silvestre Bello III na papalit sa DO 18-A na nagliligalisa sa kontraktuwalisasyon at
lumampas sa mga probisyon ng mga batas sa paggawa sa bansa.

Tinawag itong ‘lose-lose solution’ ng mga grupo ng manggagawa, kabilang ang Kilusang Mayo
Uno, Trade Union Congress of the Philippines, Nagkaisa, Partido Manggagawa, at iba pa.
Panawagan ng mga manggagawa pigilan ang DO 30 at sa halip ay totohanin ng gobyerno na
wakasan ang lahat ng porma ng kontraktuwalisasyon.
Trapik sa Metro Manila

Bata, kabataan, matanda, guro, estudyante, doktor, call center agent, kung ikaw ay taga-Metro
Manila, apektado ka sa malalang pagsisikip ng trapik sa Metro Manila. Mayroong mahigit
520,000 na sasakyan ang bumabyahe sa EDSA sa parehong direksyon araw-araw. Oras at
milyong pera ang nasasayang araw araw sa paghihintay na makarating sa kani-kanilang mga
destinasyon ang mga mamamayang naiipit sa trapik. Bukod rito maraming mga kaguluhan tulad
ng mga pag-aaway at aksidente ang dulot ng ng trapik. Lalong malala ang trapik sa pagdaan
nitong panahon ng Kapaskuhan.

Para namang na-déjà vu ang mga mamamayan sa binitiwang pahayag ni Department of


Transportation Secretary Arthur Tugade na isa lamang itong ‘state of mind’ ng mga Pilipino.

Nakabinbin halos mula sa pagbubukas muli ng Kongreso ang hinihinging emergency powers
para sa pangulo para tugunan ang trapik. Bahagi ng mga panukala na paggagamitan ng
emergency power ang mga proyekto sa kalsada, tren at transportasyong panghimpapawid. Sa
kalsada, nariyan ang plano sa metro bus raid transit line at mga integrated terminal. Sa tren,
planong i-extend ang LRT-1 sa Cavite, ang LRT-2 sa Pier 4 at Masinag, at ang PNR sa Pampanga
at Laguna gayundin ang pagtatayo ng 5 pang linya ng tren. Sa pamamahala naman, nais na
ireorganisa ng pangulo ang Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising
and Regulatory Board (LTFRB) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Dumarami pa rin ang mga sasakyan at taong dumadagsa sa Kamaynilaan. Sapat na nga kaya ang
mga proyektong ito para tugunan ang masahol na karanasan sa trapik sa araw-araw? Made-
decongest ba ang trapik sa Metro Manila kung nananatiling narito lang konsentrado ang
“kaunlaran” at sa iilang urban area sa bansa?

Ang isyung trapiko sa ating bansa ang isa sa pinaka pangunahing problema na kinakaharap sa
pang araw araw na buhay lalo na sa kamaynilaan. Hindi sapat ang ating mga bagong daan
sapagkat marami pa rin ang mag sasakyan na dumadaan at lumalabas sa kamaynilaan.

Mass Transport System


Matatandaang binanggit ni Pangulong Duterte na isa ang mass transport system mga
prayoridad na proyekto ng kanyang administrasyon. Tila nakatali pa sa emergency power sa
trapik ang pagtugon sa inaasam na mass transport system sa bansa.

Habang wala pa ito, ilan sa mga naunang solusyon ng Department of Transportation ang
Communication na point-to-point bus at express connect. Nariyan din ang bus rapid transit
project at modernisasyon ng mga jeep. Ngunit wala pa ring nagagawa sa pagpapabuti ng LRT-1,
LRT-2 at MRT-3 na tinatangkilik ng mahigit 1.3 milyong pasahero kada araw. Dagdag pa sa
pangit na serbisyo ng tren ay patuloy na lumalalang pagsikip ng trapik sa bansa, kaya naman
hindi maiwan-iwan ng mga pasahero ng tren sa kabila ng bulok nitong sistema. Lalo sa
pagdating nitong panahon ng Kapaskuhan, lumala ang trapik, lumala ang surge ng Uber at Grab
habang hindi sapat at regular ang mga byahe pa-probinsya, na nagdulot din ng pasakit sa libu-
libong naghintay sa istasyon ng mga bus, na-stranded at hindi nakauwi sa oras para
makapagbakasyon o makapag-Pasko kasama ang mga pamilya.

Malaking bagay para sa mga mamamayang Pilipino na araw araw bumabyahe gamit ang
pampublikong sasakyan kung magkakaroon ng mas maayos na sistema sa mass transport.
Tutunguhin nga ba ng administrasyon ang paglulunsad ng episyenteng mass transport system?
Papatakbuhin na ba ng gobyerno ang sistema ng transportasyon sa bansa sa halip na
ipagpatuloy ang mga hindi pantay na kontrata sa mga private maintenance contractors nito na
malubha ang kalidad ang serbisyo?

Bilang Estudyante aking napapagmasdan ang unti unting paglobo mg bilang ng mga sasakyan
hindi lang sa kamaynilaan kundi pati rin sa ibat ibang probinsya. Naging moderno ang buhay
natin ngayon kayat marami ding mga taong gumagamit ng mga sasakyan sa oang araw araw
nilang buhay at nagiging sanhi rin ito ng pagsikip ng trapiko.

CORONA VIRUS

Ang Coronaviruses ay isang malaking pamilya ng mga virus na maaaring magdulot ng sakit mula
sa karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng Middle East Respiratory
Syndrome (MERS-CoV) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS-CoV). Ang bagong
coronavirus (nCoV) ay isang bagong uri na hindi pa nakilala sa mga tao. Maraming mga
coronavirus ang natural na nakakahawa sa mga hayop, ngunit ang ilan ay maaari ring
makahawa sa mga tao. Ang mga coronavirus ay naisip na kumalat sa hangin sa
pag-ubo/pagbahing at malapit na personal na pakikipag-ugnay, o sa paghawak ng mga
kontaminadong bagay o ibabaw at pagkatapos ay sa paghawak ng bibig, ilong, o mata.

Ang COVID-19 ay ang sakit na dulot ng bagong coronavirus. Severe Acute Respiratory Syndrome
Coronavirus 2 (SARS-CoV-2) ay tumutukoy sa virus, habang ang Coronavirus Disease-19 (COVID-
19) ay tumutukoy sa sakit sanhi ng virus.

Wala pang bakuna para sa bagong coronavirus at walang tiyak na paggamot o pagalingin para
sa COVID-19. Gayunpaman, maaaring gamutin ang marami sa mga sintomas. Ang mga pasyente
ng COVID-19 ay dapat magpahinga ng lubusan, uminom ng maraming likido, kumain ng
malusog na pagkain, at bawasan ang stress.

Alam naman nating lahat na hindi pa ganap na ligtas ang ating bansang Pilipinas sa labang ito
kayat gumagawa ang ating pangulo pati na rin ang agting mga gobyernano sa pagtuklas at
pagbahagi ng lunas sa ating mga kababayan sa ibang lugar at pati na rin sa mga taong
naapektohan nitong covid19 at sana sa pagtatapos nitong taong 2020 sana mawakasan na ang
mga masasamang nangyari sa ating mundo at tayo sasalubungin ng bagong taon na ligtas at
walang pangangamba.

You might also like