You are on page 1of 36

Reproductive Health Bill: Aspetong pang ekonomiko at populasyon

Binibigyang-diin ang letrang C (Consumption) sapagka t ito ang pagbili at pagkonsumo (pagkain man o paggamit) ng mga produkto o serbisyo na ginagawa o ibinibigay sa loob ng ekonomiya (mga kumpanya at pabrika). Ito ay nangangahulugang kapag lumalaki ito, umaandar ang ekonomiya.

Ibig sabihin din ay ang pinakamalaking bahagi ng paggana ng ekonomiya ay ang paggasta ng mga mamamayan, bukod pa sa pag-gasta ng pamahalaan (ito ang tinutukoy ng G, o government expenditure).
[Ang I ay nangangahulugang Investment o pagpunla sa lokal na ekonomiya, maging ng mga Pinoy o lokal na negosyo, o ng mga dayuhan]

Ang mga mamamayan ay HUMAN CAPITAL na nagsusulong sa ekonomiya: Samakatwid, dapat tingnan bilang asset imbes na liability ang populasyon. Ayon sa Nobel Laureate sa Ekonomiya na si Simon Kuznets, hindi sanhi ng kahirapan ang malaking populasyon. Sinegundahan ito ni Gary Becker, isa ring Nobel Laureate sa Ekonomiya, na nagsabing ang Human Capital ang pangunahing resource. Sa payak na pananalita, ang tao ang pinakayaman ng isang bayan.

Una, ang tao ang naglilinang at pinanggagalingan ng yaman. Ang mga sakahan, palaisdaan, at mga pagawaan ay gumagana dahil marami ang mga tao. Sa Pilipinas, ang pinakamalaking pinanggagalingan din ng revenue ng gobyerno ay ang mga tao, ang mga tinatawag nating mga Bagong Bayani. Halos 1/3 ng labor force ng Pilipinas ay binubuo ng 8 million OFWs abroad, na nagpapasok sa bansa ng higit US$15B kada taon. Bukod dito, ang baby industry o ang industriya ng mga diaper, tsupon, gatas, laruan ng mga baby, damit pambata, vitamins, atbp, ay mga salik na nagpapausad sa ekonomiya ng Pilipinas, na aabot sa Bilyon kapag pinagsama-sama, ayon sa Income Statement ng Securities and Exchange Commission.

Ikalawa, mas maraming tao, mas mura ang trabaho, at mas maraming investors. Isang halimbawa po dyan ang nagkalat na mga Business Processing Offices sa Pilipinas o mga Customer Service Centers. Bakit dito sila nagtatayo ng kumpanya at hindi sa kanilang mga bansa? Dahil mas mura ang labor cost sa atin sa dami ng tao. At syempre, malaki ang pakinabang dito ng gobyerno, umaabot sa P10B kada taon.

Ikatlo, mas maraming tao, mas mura ang serbisyo. Isipin na lang natin, kikita ba o magkakaroon ba ng MRT, LRT1, LRT2, ng mga sinehan, at mga mall, at iba pang tinatawag na economies of scale kung kakaunti ang mga tao? Siguro kung magkaganoon, sobrang mahal ng pamasahe o bayarin para lang bumalik ang puhunan nila. Eh ngayon pa nga lang na nagtaas ng Piso ang pamasahe ay nagrereklamo na tayo.

May tinatawag na Demographic Winter kung saan hindi balanse dahil mas marami ang dependyente kaysa sa mga sumusuporta sa kanila.

Sa Pilipinas naman, sinasabing sa mga susunod na taon ay maaari tayong magtamasa ng Demographic Window o Demographic Dividend. Ibig sabihin ay isang pag-unlad sa Ekonomiya dahil sa komposisyon ng Populasyon. Ayon sa datos, ang Median Age ng mga Pilipino ay 22.9, isang edad kung saan marami pang natitirang taon ng pagtratrabaho ang ordinaryong empleyado. Mainam ito dahil kung ang nakararami sa Populasyon ay kabilang sa working class, mas kakaunti naman ang dependents. Magaganap ito maliban na lamang kung pakikialaman ang kasalukuyang trend ng populasyon sa Pilipinas.

Sa mga kadahilanang ito, ang Populasyon ay nagdudulot pa ng pag-angat ng ekonomiya, ayon na rin sa gobernor ng Bangko Sentral ng Pilipinas na si Amando Tetangco, at Citigroup Companies, pati kay dating Finance Secretary na si Roberto Ocampo, at marami pang iba.

May ibang salik pa na maaaring tignan bukod sa pang-ekonomiya. Una, mas maraming tao, mas maraming utak, at mas posible ang mas maraming maiisip na imbensyon, tuklas, at ideya.

Ikalawa, kayo po ba ay pangatlo sa inyong pamilya? Pang-apat? Pan-lima? Kung sakaling nilimitahan noon sa dalawa ang mga anak tulad ng ideal family size na tinutukoy ng RH Bill, maaaring pinigilan na ang pagkapanganak ninyo. Kung maipatupad ito, maaring pinigilan na rin ng mga tagapagsulong ng RHbill ang pagkapanganak ng mga katulad nila Manny Pacquiao, na pangatlong anak, at iba pang mga Pilipino na malayo ang naabot. Si Pacquiao mismo ang nagbanggit ng sentimiyentong ito.

Ikatlo, ayon kay Senador Enrile na laban sa RH Bill, mas maraming tao, mas maraming sasapi sa Lakas Sandatahan ng Bayan. Kung magka-gyera halimbawa, siguradong talo tayo sa mga bansang mas maraming mamamayan, kaya rin marahil puro tayo Diplomatic Agreement sa ibang bansa kahit lugi tayo dahil hindi natin sila masisindak, at marahil kaya rin lagi tayong kumakabit sa Amerika na hindi lang pinansyal nguni t isa ring Military Power.

Samakatuwid, hindi isang liability ang populasyon. Bagkus ito ay isang ASSET na dapat linangin. Sa halip na gumasta ng laksa-laksang milyon sa nakamamatay at nakasasakit na kontraseptibo, dapat ilaan ang pondo sa Edukasyon at pagsuporta ng pamahalaan sa mga local business initiatives kaakibat ng pagsugpo ng korapsyon at pagtatatag ng tunay na mabuting programang pang-ekonomiya.

Populasyon:
Tungkol sa Bilang ng Tao sa Pilipinas: Iba-iba ang mga numerong binabanggit. Ayon sa CIA, sa Hulyo daw ay aabot na tayo sa 101 milyon. Sa NSO naman, mga 94 milyon. Sa iba, 90 milyon. Masasabi natin na sa popular na pananaw lalo na ng mga Pro-RH na mga tao, ang populasyon ng Pilipinas ay nasa pagitan ng 90-100 milyon.

Ngunit hindi lahat ay tinatanggap ang ganitong bilang. Kabilang dito ay ang mismong dating mga Executive at Regional Director ng Population Commission o POPCOM sa Pilipinas, na nagbulgar ng mga anomalya sa pagbibilang ng populasyon. Diumano ay lumolobo o pinapalobo ang bilang ng populasyon. Bakit at sa anong mga paraan?

Una ay ang Internal Revenue Allotment o IRA. Ang IRA ay ang pondo o allotment na binibigay ng gobyerno sa bawat bayan o lungsod. Kapag mas mataas ang populasyon ng isang munisipalidad, mas mataas ang klasipikasyon nito, at mas mataas ang hati nito sa IRA. Kaya ang ginagawa ng ilang opisyal, dadagdagan nila ng sangkatutak ang bilang ng mga naninirahan sa lugar. Isiniwalat ito ni Manuel Arejola bilang personal na karanasan nya noong nakikipag-negotiate ang ilang opisyal noong siya ay POPCOM Regional Director, kung saan aniya ay milyun-milyon ang naidadagdag sa tunay na bilang.

Pangalawa ay ang kaso ng mga maling pagbilang, flying voters at ghost employees. Hindi lingid sa ating kaalaman na tuwing eleksyon, may mga naglilitawang pangalan ng mga botante na wala naman sa totoong buhay. Tuwing pasweldo rin sa ilang opisina ng pamahalaan, may mga pangalan ng mga empleyado sa payslip na walang katumbas sa tunay na buhay. At may mga kaso din na nadodoble ang pagsesensus, bagaman at hindi sadya.

Pangatlo ay ang sadyang pagdadagdag sa bilang upang maging akma lamang sa tinatayang istatistiko. Sa simple at kolokyal na pananalita pandodoktor. Halimbawa, noong taong 2000, pinuna ni Dr. Jose Sandejas, dating Commissioner ng Population Commission ang National Statistical Coordination Board o NCSB. Natuklasan niya na dinagdagan ng NSCB ng 146,582 na mga bata ang orihinal na numero dahil lang sa tingin nila, ang grap ng populasyon ng Pilipinas ay dapat magmukhang tatsulok.

Sa mga kadahilanang ito, sinasabi na ang Populasyon ng Pilipinas ay bandang 70 milyon lamang. 70 milyon man o 100 milyon ang Populasyon ng Pilipinas, tayo ba ay overpopulated na? Ang simple at diretsong sagot po ay HINDI.

Population Density and Per Capita Income Per Capita Gross Population National Income per sq. km.* (US$)** Southeast Asia Indonesia 111 810 Malaysia 74 3,880 Philippines 255 1,081 Singapore 7,223 21,230 Thailand 123 2,190 Northeast Asia China 134 1,100 Hong Kong 6,501 25,860 Korea, Rep. of 483 12,030 Taiwan 625 13,140 Others India 321 540 Source: ADB Key Indicators 2005 *as of June 2002; **as of 2003

Tingnan natin sa aspetong panlipunan. Ayon sa datos, 80 porsyento ng mga Pilipino ay naghahati-hati sa 20 porsyento ng yaman ng Pilipinas, habang ang natitirang 20 porsyento ng mga kabilang sa nakaaangat ang social status ay nag-mamay-ari sa 80 porsyento ng yaman. Kaakibat nito, malaking porsyento ng mga mamamayan ang nagsisiksikan sa kalunsuran upang maghanap ng trabaho at oportunidad habang ang maliit na porsyento ay kalat sa kanayunan.

Samakatuwid ay may dalawang overconcentration at hindi overpopulation na problema. Una ay ang over-possession ng yaman sa iilan, at ikalawa ang over-congestion ng mga tao sa mga siyudad. Pareho ay masusolusyunan sa pamamagitan ng reporma sa pamahalaan, tulad ng reporma sa lupa at pantay-pantay na pagkakataon para sa lahat, mayaman man o mahirap, at ang pag-desentralisa sa mga syudad sa pamamagitan ng paghubog sa ibang mga bayan.

i i

Responsableng Magulang

Una sa lahat, hindi natin inaadbokasiya ang tinatawag na Natalism o yun bang basta anak lang nang anak, nguni t hindi responsableng pagiging magulang. Tayo ay Pro-Life, o tungo sa pagyabong ng buhay nguni t hindi sa paraan na kikitil, dahil mali iyon. Ang tunay na Responsible Parenthood ay patungkol sa bokasyong magbigay buhay at may pananagutang magalaga sa kanilang magiging mga anak. Kabilang sa pagiging responsableng magulang ang pagpapasya ng mag-asawa hinggil sa (1) pagpalaki at pag-alaga ng malaking pamilya batay sa kanilang kakayahan, o (2) kaya y huwag munang maganak kung may mga malubhang dahilan (kalusugan, kalagayang ekonimikal, sosyal, sikolohikal at iba pa).

Ikalawa, hindi katanggap-tanggap ang agamagam na sa dami ng tao ay masasaid ang likas na yaman. Syempre ito ang nais ipalabas ng mga banyagang bansa para wag tayong magparami, at para sa huli ay sila ang magpakayaman sa ating kalikasan. Kung ang kalikasan ay kukulangin, ito ay hindi dahil sa dami ng tao kundi sa pagmamalabis.

Kunin natin mula sa mga eksperto. Ayon sa Harvard Center for Population Studies at Oxford Agricultural Economic Institute, kung gagamitin ng mga magsasaka ang pinakamainam na pamamaraan, kayang mapakain ng sapat ang higit 40 bilyon na tao.

Sa mga lokal na eksperto naman, sa isang pag-aaral ng UP Los Banos sa Laguna, sinasabing may sapat na suplay upang makakain ang isang Pilipino sampung beses isang araw.* Nagugulat na nga lang tayo at imbak-imbak ng mga bigas ang nabubulok sa mga kamalig ng NFA na disin sana'y napupunta sa kumakalam na sikmura ng mga Pilipino.

Samakatuwid ang problema ay ang tamang pagsasaayos ng pamamalakad ng ekonomiya. Simpleng halimbawa pa ay kung pagsasamahin natin ang mga inirereklamong nakurakot ng mga tiwaling opisyal, lagpas pa sa kasya ito upang bigyan ng tig-iisang milyong piso ang bawat mamamayan.

Kung sasabihin natin na O, mauubos na ang likas na yaman natin kasi dumadami tayo eh parang sinabi na rin natin na hindi na umusad ang sangkatauhan simula noong panahon ng bato. Sa tulong ng agham at teknolohiya, kaya na po natin magproduce ng mga resources ng higit na mabilis at marami para sa lahat.

Tungkol sa tinatawag na Demographic Winter: Batid natin na sa ibang bansa ay may tinatawag na demographic winter, o ang pagtanda ng isang henerasyon at kulang ang pumapalit sa kanila.

Upang maunawaan natin ang Demographic Winter, marapat na pag-usapan muna natin ang Total Fertility Rate o TFR. Ang TFR ay ang bilang ng mga anak na mayroon ang isang ina upang mapunan ang sarili at nang sa gayon ay mapanatili ang isang stable na populasyon. Sa isang maunlad na bansa, ang ideyal na TFR ay 2.1, ngunit sa isang mahirap na bansa tulad ng Pilipinas kung saan hindi lahat ng anak ay umaabot sa pagkatanda, at hindi lahat ng babae ay may anak, ito dapat ay higit pa. Halimbawa kung ako ay isang ina, kailangan kong manganak ng higit sa dalawang babae para may kapalit ako. Sa kasalukuyan, ang TFR sa Pilipinas ay 2.67, na mabilis na bumulusok mula sa TFR na 7 noong 1970s. Kapag ang TFR ay bumaba sa 2.1, nararanasan ang tinatawag na Demographic Winter. Bakit po?

Sa ganitong pagkakataon kasi, paunti nang paunti ang pinapanganak at pumapalit sa populasyon na patanda ng patanda. Ibig sabihin, kumokonti ang mga sumusuporta sa mga tinatawag na dependents. Halimbawa, napansin siguro na dumadami ang mga Hapon dito sa Pilipinas. Alam po natin na sila ay nagkaroon ng polisiya na bawal ang maraming anak. Minsan ay nagtanong sa isa sa kanila kung bakit gustong-gusto nila dito. Ang sagot po ay dahil tumataas ang mga buwis na binabayaran nila sa Japan. Bakit kamo? Dahil maraming mga matatanda na dapat pondohan ang pangangailangang pangkalusugan, pero kakaunti ang mga mas bata na sumusuweldo at kinukuhanan ng buwis. Papaano daw kung sila na ang matanda, sino na daw ang magbabayad ng tax para sa kanilang medikal na pangangailangan? Buti daw dito sa Pilipinas at madami ang mga mas bata na sumusuporta sa matatandang umaasa.

Ang problema, kapag nakaranas ng Demographic Winter ay napakahirap at halos malabo nang baligtarin ito. Marahil ay pamilyar po tayo sa mga kaso sa ibang bansa na para lang mag-anak ang mga kababaihan ay babayaran pa, bukod sa napakaraming incentibo tulad ng libreng paaral sa bata, pasuweldo sa nagbubuntis, maging sa tatay na hindi pumapasok sa opisina. Ito ang nangyari sa Russia, Germany, France, Sweden, Ireland, United Kingdom, Ukraine at Singapore.

Ang isang tanging solusyon ay ang pagpapapasok ng mga banyaga upang dumami ang populasyon. Tiyak, marami sa ating kapwa Pilipino ay may mga kamag-anak na buong pamilya na ang naidala sa ibang bansa tulad ng Canada at Australia dahil sa pagluluwag ng immigration at citizenship laws nila at kulang sila ng mga mamamayan.

Ito ang mga nararanasan na mga problema ng mga bansang nagpatupad ng population control tulad ng RH bill, na sana ay ating iwasan at huwag nang subukan : sinisikap na nilang bumalik, wag na sana tayo pumunta.

You might also like