You are on page 1of 8

TITLE PAGE

Ronnie Belwar
Kyla Mae C. Chu
Christian Hans Rey Concepcion
Ma. Angeline Floralde
Jomer D. Ingalla
Kerith Elijah P. Pacol
KC B. Quizon
Edrian Ramirez

IKAAPAT NA PANGKAT
Isa sa mga pinaka malalaking problema na kinakaharap ng isang bansa ang kahirapan

(Roguel, 2009). Ayon kay Leynes (2016), ang kahirapan ay isang kalagayan kung saan hindi

nakakamtan ng nakararanas nito ang mga pangunahing pangangailangan sa araw-araw. Ito rin ay

pagtanggi sa mga pagpipilian at oportunidad na isang paglabag sa dignidad na pantao, at

nangangahulugang kawalan ng basikong kapasidad na epektibong makilahok sa lipunan (United

Nations, 2011). Ang mga taong nakararanas ng kahirapan ay umaasa na lamang sa gobyerno

dahil nawawalan na sila ng pag-asa at inaasahan nila na magagawan ng solusyon ang kanilang

kinakalagayan, ngunit ang inaasahan nilang tulong ay minsang nagiging sanhi ng korupsyon. At

ang iba naman ay hinahayaan nalang na kainin sila ng kahirapan. Ang Pilipinas ay kabilang sa

Third World Countries, malaki ang porsyento ng kahirapan sa mga bansang kabilang dito. Ang

mga bansang kabilang sa Third World ang madalas na nakararanas ng kahirapan dahil sa

pagkakaroon ng mahinang ekonomiya. Makikita ito sa patuloy na pagiging palaasa ng

mahihinang bansa sa mga bansang kabilang sa First World, mga bansang may maunlad na

ekonomiya at industriya. Uhaw sa pag-angat sa ekonomiya ang Pilipinas (Rowell, 2017), ngunit

maraming nakahahadlang at nakaaapekto sa pag-unlad nito. Ang korupsyon ng mga namumuno

sa gobyerno dulot ng kasakiman, ang mas mabilis na pagtaas ng bilang ng populasyon ng mga

tao kaysa pag-unlad ng ekonomiya, at ang mga pag-uugali na tinataglay ng isang tao ay iilan

lamang sa mga halimbawa ng mga dahilan ng kahirapan sa bansa. Madalas na sisihin ang

gobyerno o mga namamahala sa hindi pag-unlad ng bansa. Ang pag-iisip ng bawat indibiduwal

at ang mga nangyayari sa lipunan dulot ng pamamahala ng gobyerno ay nagiging bunga ng

kahirapan ng isang bansa.

Ang Pilipinas ay hindi mahirap dahil mayroong kakulangan sa mga likas na yaman,

nagkakaroon ng kahirapan dahil mayroon tayong kakulangan sa ating pag-uugali. Ito ay ang
disiplina at katamaran, ang pagmamahal sa kamalayan at politika, ang pagkawala ng interes sa

hinaharap, at ang katigasan ng ulo (Arsenio, n.d.) Ikinumpara niya sa kanyang artikulo ang mga

bansang mauunlad sa mga bansang katulad natin. Natuklasan na sa kabila ng mga kakulangan ng

kanilang bansa ay hindi mawawala ang kanilang disiplina sa sarili. Nais niyang maging dahilan

ang kanyang artikulo upang malaman at maisabuhay ito ng bawat Pilipino. Isa ang katamaran sa

mga ugaling pinoy na nagdudulot ng kahirapan. Hindi uunlad ang isang bansang napupuno ng

mga mamamayang puro reklamo ngunit walang ginagawa upang makaalis sa kahirapan

(Pedelyn, 2016). May mga taong mas pinipili na lang tanggapin ang buhay na kinagisnan nila sa

paniniwalang walang magbabago. Namulat sila sa ganitong kaisipan kung kaya't apektado na rin

pati ang kanilang pamumuhay. Batay sa dokumentaryong ‘Minsan sa Isang Taon' ni Kara David

noong 2012, tanging Abaca lamang, na ginagamit sa paggawa ng pera, ang ikinabubuhay ng mga

mamamayan ng Sitio Banli sa Saranggani sa Mindanao ngunit kuntento na sila sa ganitong uri ng

pamumuhay bagamat minsan sa isang taon lamang nila napakikinabangan ang pagsasaka nito.

Nararapat na kumilos ang mga mamamayan ng bansa upang masolusyunan ang hirap. Bilang

karagdagan, isa rin sa mga dahilan ng kahirapan ay ang mga luho ng isang indibiduwal (Reglado,

2016). Sinisisi ng mga mamamayan ang gobyerno sa hirap na dinaranas subalit dahilan din ang

bawat indibiduwal sa patuloy na pagkakalugmok ng bansa dahil sa halip na magtrabaho para sa

mga pangunahing pangangailangan ay inuuna ang mga bagay na pansariling interes lamang.

Ang patuloy na paglobo ng populasyon ay isa rin sa mga dahilan ng kahirapan sa

Pilipinas. Ayon sa World Population Review (2019), ang populasyon ng Pilipinas ay umabot na

sa bilang na 108,226,397. Mahigit sa kalahati ng nasabing populasyon ay maituturing na

mahirap. Malaki ang bahagdan ng mga mahihirap ang natutulog sa gabi na kalam ang sikmura

(Philippine Star, 2017). Mabilis na lumalaki at lumalago ang populasyon ng Pilipinas, nagiging
sanhi ito ng kawalan ng sapat na pag kukunan ng pangangailangan ng mamamayan kaya nakikita

ito bilang isa sa mga sanhi ng kahirapan. Ayon kay Chandran (2018), may mahigit na 4.5

milyong mamayan ang walang permanente at maayos na tahanan sa Pilipinas at mahigit tatlong

milyon dito ay matatagpuan sa Maynila. Libo-libo sa kanila ang naninirahan sa mga

abandonadong pasilidad ng gobyerno. Dahil higit na sa bilang ang populasyon ng Pilipinas ay

hindi na nagiging sapat ang lugar na maaaring maokupahan ng mga taong kapos-palad. Kaya

naman mas pinipili na lamang na manirahan sa tabi ng kalsada, sa ilalim ng tulay, at

abandonadong establisyimento ng mga taong mahihirap. Inaasahan ng World Population Review

na babagal ang paglaki ng populasyon sa Pilipinas pero aabot ito hanggang 110 milyon sa taong

2020 at 125 milyon sa taong 2030. Sa kasalukuyan, mahigit na siyam na porsyento ng 39.2

milyong kabataan ang hindi nakakapagtapos ng pag-aaral o hindi na nakakapag-aral (Philippine

Statistic Authority, 2018). Nangangahulugan lamang ito na maraming kabataan ang hindi na

nakapagtatapos ng pag-aaral dahil na rin sa pagiging kapos-palad. Bagamat marami na ang mga

paaralang may libreng matrikula, may mga bagay pa rin na hindi kayang matugunan ng kanilang

pamilya dahil na rin sa mga kakapusan at kakulangan sa lipunan na tinutugunan ng limitadong

pinagkukunang yaman. Ang mabilis na paglago ng populasyon ay maaaring makapagpabagal sa

paglago ng kita ng bawat kapital at kapakanan ng bawat tao na maaaring makapagpataas pa lalo

ng kahirapan (Ahlburg, 1996).

Ayon sa sanaysay ni Roxanne Gregorio, ang Pilipinas ang isa sa may pinakakurap na

gobyerno sa mundo dahil ibinubulsa lamang nila ang kaban ng bayan. Sa taong 2018, ang

Pilipinas ay ika-siyamnapu't siyam sa mundo bilang isa sa pinakakurap na bansa na may

nakatalang 36 na puntos, zero na puntos bilang pinakakurap at 100 bilang isa sa mga bansang

walang korupsyon (Transparency International, 2018). Ang pagbubulsa sa donasyon ng anim na


bansa na mahigit labing walong bilyon noong Yolanda ay hindi nakaabot sa mga nasalanta ng

bagyo at sila ay nanatiling naghirap nang panahong iyon (Rappler, 2013). Dahilan ng kawalan na

ng tiwala ng mga karatig na bansa sa Pilipinas. Ang “Pork Barrel Scam” o ang Priority

Development Assistance Fund (PDAF) scam ang isa rin sa pambubulsang korupsyon na nangyari

sa Pilipinas noong Hulyo taong 2013 at ang naiskam na pera ni Janeth Napoles ay nagkakahalaga

ng sampung bilyon at ito ay isa sa mga dahilan kung bakit hindi umuunlad ang Pilipinas

(Dioquino, 2013). Ayon sa Spoken Poetry ni Marco Estores, ang korupsyon ay isa rin sa

nagiging dahilan kung bakit naghihirap ang mga mamamayan kung saan hindi na nila kayang

masuportahan ang kanilang pang araw-araw na pangngailangan. Ipinakikita rito na nagiging

bunga ng korupsyon at maling pamamahala ng gobyerno ang paghihirap ng mga Pilipino. Lingid

sa kaalaman ng lahat ang kasakiman ng mga tao na naninirahan sa Pilipinas ay isa ring

pangunahing dahilan ng paghihirap ng mga tao na naninirahan dito. Isa sa mga halimbawa ng

pag-iral ng kasakiman ng Pilipino ang “Tanim Bala”. Ayon sa Cable News Network (CNN),

nagsimula ang modus na tanim bala noong Nobyembre taong 2015. Isang malaking grupo ng

sindikato ang sangkot dito sa modus na ito at kasabwat din dito ang mga taong nangangalaga ng

seguridad sa naturang paliparan o ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Isa pang

halimbawa ng kasakiman ay ang natatanging pagtanggap ni Henry Sy, may-ari ng sikat na mga

istruktura sa Pilipinas na kung tawagin ay Super Mall (SM), ng mga contractual na mga tao

upang hindi magkaroon ng mga benepisyo ang mga taong nagtatrabaho sa ilalim ng kanyang

kumpanya (Gregorio, 2016). Ipinakikita rito na ang kasakiman ng mga taong may kapangyarihan

o mas nakaaangat sa buhay ang nagiging dahilan upang lalo pang maghirap ang mga taong nasa

laylayan. Sa sitwasyon ng mga mamamayan sa Sitio Banli, ang ikinabubuhay nila na


pinagmumulan ng sangkap sa paggawa ng pera ay isa rin sa mga lugar na pinakasalat sa

kayamanang ito.

Sa kabuuan, ang sistema ng pag-iisip ng isang indibiduwal, ang mga nangyayari sa

lipunan, maging ang maling pamamahala ng gobyerno dulot ng kasakiman at mga pansariling

interes ay ilan lamang sa mga sanhi ng kahirapan sa Pilipinas. Ang kawalan ng interes sa

hinaharap, katigasan ng ulo, at katamaran ay mga katangiang hindi dapat taglayin ng isang

mamamayang naghahangad ng pag-unlad sa bansa. Mahalaga ang disiplina sa sarili at

pagmamahal sa kamalayan at politika para sa patuloy na pag-unlad ng Pilipinas. Nararapat na

matutunan ng bawat mamamayan na ang pagbabago ay nagsisimula sa sarili at hindi sa ibang

tao. Bilang karagdagan, disiplina rin sa sarili ang maayos na pagpaplano sa loob ng isang

pamilya. Ang patuloy ng pagdami ng bilang ng populasyon sa Pilipinas ay nagreresulta sa

mataas na bilang ng pangangailangan subalit mababang suplay ng mga likas na yaman. At ang

panghuli sa mga sanhi ng kahirapan sa Pilipinas ay ang sistema ng pamamahala ng gobyerno at

korupsyon o pagbubulsa ng kaban ng bayan. Sa halip na maayos na pamamahala sa bansang

nasasakupan ang isinasaalang-alang nila ay pera ng mga mamamayan ang kanilang binabantayan

na nagdudulot ng patuloy na paghihirap ng mga mahihirap at patuloy na pag-angat ng

pamumuhay ng mga mayayaman.


Mga Sanggunian

David, K. (2012, October 8). I-Witness: “Minsan sa Isang Taon’. Retrieved from

https://www.youtube.com/watch?v=yW9tT0XafhY

Cabudbud, E. (2019, February 6). Kahirapan, Kapabayaan, Karalitaan: A Spoken Word Piece

about Poverty. Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=2zfKVm1FSCY

Estores, M. (2016, October 29). Spoken Words – Korapsyon at Kahirapan. Retrieved from

https://www.youtube.com/watch?v=c7f2SgP-eYM&feature=share

Gregorio, R. (2016). Mga Sanhi at Bunga ng Kahirapan sa Pilipinas. Retrieved from

https://uclaliwanagatdilim2016.wordpress.com/2016/06/06/mga-sanhi-at-bunga-ng-kahirapan-sa-

pilipinas/

Rowell (2017, January 17). Blogspot (Philippines). Retrieved from

http://rcsuyat0324.blogspot.com/2017/01/bakit-third-world-country-pa-rin-ang.html?m=1

Leynes, N. (2016, September 14). Kahirapan [Web log post]. Retrieved from

https://nicoleleynes.atavist.com/kahirapan

Roguel, H. (2009). Problema ng Bayan. Retrieved from

http://bsoa1b.blogspot.com/2009/09/kahirapan-problema-ng-bayan.html?m=1

Reglado, Z. (2016, October 17). Kahirapan sa Pilipinas. Retrieved from

https://zayraareglado.wordpress.com/2016/10/17/kahirapan-sa-pilipinas/
Gaum, P. J. (2016, October 4). Kahirapan. Retrieved from

https://kejaye.blogspot.com/2016/10/ano-nga-ba-ang-kahirapan.html?m=1

World Population Review (2019). Philippine Population 2019. Retrieved from

worldpopulationreview.com/countries/philippines-population\

Philippines statistics Authority (2018). Nine Percent of Filipinos Aged 6 to 24 years are Out of

School (Results from the 2017 Annual Poverty Indicators Survey). Retrieved from

https://psa.gov.ph/content/nine-percent-filipinos-aged-6-24-years-are-out-school-results-2017-

annual-poverty-indicators

Ahlburg D.A. (1996) Population Growth and Poverty. Retrieved from

https://link.springer.com/chapter/10.1007/978-3-662-03239-8_7

Chandran R. (2018). Manila's homeless set to move into more empty homes if official handover

delayed. Retrieved from

https://www.google.com/amp/s/mobile.reuters.com/article/amp/idUSKBN1H41L7

Transparency International (2018). Corruption Perception Index 2018 (Philippines). Retrieved

from https://www.transparency.org/country/PHL

Rappler (2013). Yolanda losses may reach $15B – report. Retrieved

from https://amp.rappler.com/move-ph/issues/disasters/typhoon-yolanda/43553-yolanda-

economic-losses-15-b

Dioquino, R. J. (2013). INFOGRAPHIC: Pork Barrel Scam. Retrieved from

https://www.gmanetwork.com/news/news/specialreports/318220/infographic-pork-barrel-scam-

101/story/

You might also like