You are on page 1of 24

MODYUL Finals

SOSYEDAD AT
LITERATURA/PANITIKANG
PANLIPUNAN (SOSLIT)
A.Y. 2020-2021

Inihanda ni:
Carmencita C. Resurreccion
MODyul sa SOSLIT
Credits : 3 units lecture (3 hours/week)
Pre-Requisite : None

Lesson Objective:
Sa katapusan ng modyul, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Malaman ang kahulugan, kahalagahan ng panunuring pampanitikan.
2. Maipaliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan sa pamamagitan ng mga
makabuluhang akdang pampanitikan
3. Matukoy ang mga katangian ng mahusay na akdang pampanitikan na may kabuluhang
panlipunan.
4. Makasulat ng akademikong papel na nagsusuri sa kabuluhang panlipunan ng isang
akdang pampanitikan.
5. Makasulat ng sariling akdang pampanitikan na tumatalakay sa isang suliraning
panlipunan.
6. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling panitikan.
7. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pagsasagawa ng
pananaliksik.
8. Mapahalagahan ang dinamikong ugnayan ng panlipunan realidad at ng panitikan.

Activities:
1. Pangkatang gawain
2. Pagbubuod ng ilang piling panitikan ng Pilipinas.
3. Pangkatang pagbasa
4. Think-pair-share sa mga ispesipikong teksto
5. Pangkatang talakayan
6. Pagsulat ng akdang pampanitikan.

Life Activity: Pagbabasa ng iba’t ibang panitikan ng Pilipinas na may kaugnayan sa


kasalukuyan upang patuloy na mapahalagahan ang iba’t ibang anyo ng sining at upang maihanda
ang sarili para sa proseso ng habambuhay na pagkatuto.

Assessment:
1. Maikling Pagsusulit
2. Lagumang Pagsusulit

References:

CHED Memo. No. 57, Series of 2017 at MGA SILABUS SA FILIPINO SA KOLEHIYO
(Nobyembre 2017)
Slideshare.net, Karen M. Fajardo MAEd Filipino, PANUNURING PAMPANITIKAN
https://www.youtube.com/watch?v=VXkGgZtDDsYhttps://www.researchgate.net/publication/
321097303_LIMANG_5_BAGONG_SILABUS_SA_PANITIKAN_AT_FILIPINO_SA_KOLE
HIYO
https://www.youtube.com/watch?v=4TlUMrlTZJ8
PANIMULA

(SosLit) Sosyedad at Literatura.Inihanda ang modyul na ito upang mapamayani at


bigyang tuon ang panitikan hindi lamang sa rehiyon na ating kinabibilangan maging pati na rin
ang panitikan ng ibang rehiyon. Hindi lingid sa ating kaalaman na maraming panitikan ang
bawat Rehiyon sa Pilipinas at ang mga panitikang ito ay hindi lamang basta nabuo kundi ito ay
nagmula sa karanasan, nararamdaman at pangyayaring naganap sa lipunang ginagalawan o
maging pangyayari sa bansa na ayon sa nakita at napuna ng may-akda.

Sinasaklaw din nito ang mga isyung panlipunan na tinalakay sa akdang Filipino tulad ng
kahirapan, malawak na agwat ng mayaman at mahirap, reporma sa lupa, globalisasyon,
pagsasamantala sa mga manggagawa, karapatang pantao at isyung pangkasarian nanaging isyu
noon na sa kasalukuyan ay patuloy na nangyayari o nararanasan ng ilang Pilipino sa bansa.

Naniniwala rin ang manunulat na sa pamamagitan nng mga gawain at inihandang


pagsusulit ay matututunan ng mag-aaral na mapalalim ang pag-unawa sa mga akdang
pampanitikan, maiugnay at maikumpara sa kasalukuyan ang pangyayaring naganap sa akdan
lalo’t higit ay mabigyang pagpapahalaga ang mga akda sa Pilipinas.
FINALS
Panitikan Hingil sa Kahirapan

 Isa sa pangunahing kinahaharap ng ating bansa ay ang kahirapan.


 KAhirapan na kung minsa ay nag-uudyok sa atin na gumawa ng masama.
 Nagunit ano nga ba ang dahilan kung bakit natin ito nararanasan?
 Dapat ba nating sisihin ang gobyerno ? o dapat naing sisihin ang ating mga sarili?
 Isa sa pangunahing dahilan nito ay ang mga korap na opisyal opisyal ng gobyerno.
Kinukuha nila ang kaban ng bayan o pundo ng ating bans na par asana sa mga mamayan,
ngunit napupunta lamang sa bulsa ng mga opisyales.
 Isa pang dahilan ang kawalan ng trabaho at ang minsan dahilan din ang katamaran ng
tao . Hindi sila ng titiyaga maghanap ng trabaho o magsumikap para may pangtustos sa
kanilang pangangailangan.

Kahirapan sa Pilipinas

 Hindi matapos-tapos ang mga talakayan hinggil sa kahirapan dahil sa kabila ng


pagtatatuwa ng ilang mga nasa pamahalaan, at sa kabila ng sinasabing paglago ng
ekonomiya ng bansa batay sa makroekonomikong datos tulad ng GDP at credit ratings,
malaking porsiyento ng populasyon ng bansa ang mahihirap. Iba-iba ang sukatan ng
kahirapan kaya naman iba-iba rin ang estadistika hinggil sa dami ng mga mahihirap.
Batay mismo sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang poverty incidence sa
mga pamilyang Pilipino noong 2006, 2009, 2012, at 2015 ay 23.4%; 22.9%; 22.3% at
21.6%.
 Kung tutuusin, mas mataas sa aktuwal na bilang ng mahihirap sa bansa dahil ang
opisyal na buwanang poverty threshold (minimum na kitang kailangan para matustusan
ang mga pangunahing pangangailangan ng isang pamilyang Pilipino na may limang
miyembro) na itinakda ng gobyerno ay napakaliit. Katumbas lamang ito ng halagang
halos Php37, Php47, at Php52 kada tao bawat araw sa mga nakaraang taon na halos
katumbas lamang ng pinakamurang meal package (isang tasa nang kanin, ulam, at isang
baso ng inumin) sa mga popular na fast food chain. Ang ganitong sukatan ng kahirapan
ay hindi gaanong komprehensibo dahil hindi nito isinasaalang-alang ang iba pang
mahahalagang pangangailangan ng mga mamamayan. Higit na mararamdaman ang
suliraning kahirapan kung pag-uusapan ang kuwento ng mga maralita na nagsisikap
makaahon sa hirap gaya ng tinalakay ni Espiritu (2017) sa lathalaing “Buhay at
Pagpupunyagi sa Plastikan” o salaysay ng mga maralitang naghahangad na magkaroon
ng sariling bahay tulad ng inilarawan ni Malubay (2017) sa lathalaing “Pira-pirasong
pangarap sa Pandi” kapuwa para sa pahayagang Pinoy Weekly.
 Kung ihahambing naman ang pag-unlad ng Pilipinas sa pag-unlad ng ibang bansa,
lalong makikita ang underdevelopment ng bansa. Inihayag ng United Nations (UN) sa
2017 Human Development Report (HDR) na nasa ika-116 na puwesto ang Republika ng
Pilipinas sa talaan ng 188 na bansa sa buing daigdig na iniraranggo ng pandaigdigang
institusyon sa pamamagitan ng Human Development Index (HDI). Sinusukat ng HDI ang
pangkalahatang kaunlaran o holistic development batay sa antas ng edukasyon,
kalusugan, at kita ng mga mamamayan sa bawat bansa. Sa simpleng pagpapahayag,
mahigit kalahati ng daigdig ang nakalalamang sa Pilipinas sa aspekto ng edukasyon,
kalusugan, at kita. Ang Pilipinas ay ika-99 sa HDI noong 2010, ika-77 oong 2000 at ika-
66 naman noong 1990. Nangangahulugan ito na dumadausdos ang kalagayan o kaya’y
mabagal ang pag-unlad ng Pilipinas, kumpara sa kalagayan at pag-unlad ng ibang bansa.
 Bukod sa mga nabanggit na datos hinggil sa kahirapan, ang mga estadistika hinggil sa
malnutrisyon, disempleyo, at iba pa ay maaari ding gamitin upang masuri ang antas ng
kahirapan sa bansa. Sa isang pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI)
noong 2017, 26% ng mga batang Pilipino ang malnourished. Kahirapan ang pangunahing
dahilan ng malnutrisyon sa Pilipinas dahil ito ang humahadlang sa mga pamilya na
makabili ng masustansyang pagkain. Sa pagtataya naman ng grupong Kalipunan ng
Damayang Mahihirap (KADAMAY) may 30,000,000 Pilipino ang maitutring na
maralitang tagalungsod o urban poor. Malaking porsiyento sa kanila ang walang sariling
bahay at lupa, at wala ring trabaho. Ayon sa PSA noong enero 2018, 5.3% o 2.33
milyong Pilipino ang walang trabaho at 18% naman o halos 8 milyon ang
underemployed. Hindi kataka-takang sa kawalan ng sapat na oportunidad na
makapaghanapbuhay sa sariling bansa, halos 6,000 Pilipino ang umaalis sa lupang
tinubuan araw-araw para magtrabaho sa ibang bansa ayon sa Philippine Overseas
Employment Administration (POEA), batay sa development ng OFWs noong 2016. Sa
aktuwal, mas mataas pa rito ang pigura kug isasama ang mga Pilipinong hindi
dokumentado ang pag-alis para magtrabaho sa ibang bansa.
 Higit na kagimbal-gimbal ang datos sa mga di-karaniwang sukatan ng kahirapan.
Halimbawa, may mga residente sa mga komunidad ng mga maralita sa Maynila na
nagbebenta ng isang bato nila sa mga dayuhan. Marami ring Pilipino ang nagbebenta ng
dugo, ngipin, at iba pang bahagi ng katawan dahil sa matinding kahirapan. Bagama’t
ilegal ang prostitusyon sa bansa, daan-daang libo ang nasa gawaing ito dahil na rin sa
kahirapan. Kung pagtatagpi-tagpiin ang mga kalat-kalat na estadistikang ito,
mahihinuhang habang mabilis na umuunlad ang ibang bansa sa iba’t ibang aspekto (sa
antas makroekonomiko man lamang, sapagkat ibang usapan pa kung nakarating o nag-
trickle down bas mga ordinaryong mamamayan ang progresong ito), nananatiling
mabagal kundi man hindi umuusad ang pag-unlad ng Pilipinas.

Sanhi at Bunga ng Kahirapan

 Sa kabila ng saganag likss na yaman ng bansa, tila kataka-taka ang pag-iral ng kahirapan
sa Pilipinas. Mailalantad ang mga sanhi ng kahirapan sa Pilipinas kung mulig babalikan
ang pagsusuri sa sistemang ekonomiko ng bansa. Gaya ng ulat ng Bertelsmann
Foundation (2014), isang institusyong nakabase sa Germany, ang kontrol ng mga iilang
pamilyang elite sa politika at ekonomiya ng bansa ang pangunahing hadlang sa pag-unald
nito at sa paglutas sa kahirapan ng mga mamamayan nito. Kontrolado ng mga pamilyang
ito, na tinatawag ding mga dinastiyang politikal, ang mga lokal at pambansang mga
posisyon sa sangay ng ehekutibo at lehislatibo. Dahil dito, madali nilang naikikiling ang
mga batas at patakaran ng bansa pabor sa interes nila at iba pang kapuwa nila bahagi ng
elite. Sa pamamagitan ng kanilang pangingibabaw sa sistemang politikal, napapanatili rin
nila ang kanilang monopolyo sa sistemang ekonomiko ng bansa. Halimbawa, dahil
marami sa mga mababatas ang asendero o landlord, hindi naging madali ang pagpapasa
ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa panahon ng andministrasyon ni
dating Pangulong Corazon Aquino. Hinadlangan ng maraming mambabatas ang CARP at
naisabatas lamang ito sa pamamagitan ng isang kompromisong bersiyon na higit
“malabnaw” kaysa orihinal. Maraming “butas” ang CARP kaya naman hindi ito naging
ganap na matagumpay sa pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka. Dahil sa
pagpapalabnaw sa CARP, iniurong ng mismong awtor ng orihinal na bersyon CARP
(House Bill 400) na si Rep. Bonfacio Gillego ang kanyang sponsorship sa nasabing batas.
Dahil hindi naging matagumpay ang CARP, napilitan ang gobyerno na ito’y palawigin pa
sa pamamagitan ng CARP Extension with Reforms o CARPER. Gayunpaman, May mga
grupo pa rin ng mga magsasaka tulad ng Anakpawis at Kilusang Magbubukid ng
Pilipinas (KMP) na nagsasabing hindi pa rin natutugunan ng CARPER ang kanilang
pangangailangan. Marami pa rin itong eksempsiyon at butas na maaaring gamitin ng mga
asendero upang makatakas sa reporma ng lupa ang mga magsasaka.
 Sa kasalukuyan, konsentrado pa rin sa kamay ng iilang pamilya ang malaking porsiyento
ng mga lupain sa Pilipinas. Nananatiling walang sariling lupa ang mayorya ng mga
magsasaka. Bunsod ng ganitong sitwasyon, nananatili silang mahirap dahil hindi nila
ganap na napapakinabangan ang kanilang pinagpaguran, sapagkat hindi sila ang may-ari
ng lupang kanilang sinasaka. Ang mga asendero lamang ang yumayaman sa ganitong
sistema sapagkat maliit lamang ang bahaging tinatanggap ng mga magsasaka mula sa kita
ng hacienda. Samakatuwid, ang ganitong kawalan ng matagumpay na reporma sa lupa sa
Pilipinas, kumpara sa matagumpay na reporma sa lupa sa South Korea, Vietnam, at iba
pang mga bansa sa Asya, ay isa rin sa mga sanhi ng kahirapan sa Pilipinas.
 Isa pa sa mga sanhi ng kahirapan sa bansa ang mataas na antas ng disempleyo o
unemployment at mataas na antas ng kakulangan sa trabaho o underemployment.
Direktang sanhi ng kahirapan ang disempleyoat underemployment dahil hinahadlangan
ng mga ito ang pagkakaroon ng mga mamamayan ng sapat na kita uoang sila’y mabuhay
at lagpas pa rito ay magmatamasa ng oportunidad sa pag-unlad. Sa simpleng salita,
marami sa mga walang trabaho o kaya’y kulang ang trabaho ang tiyak na mananatiling
mahirap sapagkat kung walang mapagkukunan ng kita, hindi sila makakaahon sa
kahirapan. Sa nakalipas na mga taon, mula 2009-2012, halos hindi nagbago ang antas ng
disempleyo sa bansa, gaya ng ipinakita ng datos mula sa World Bank Database: 7.5%
(2009); 7.3%(2010); 7.0% (2011); 7.0% (2012). Noong 2018, bagama’t bumaba na sa
5.3% ang antas ng disempleyo, tumaas naman at umabit ng 18% ang
underemployed. Sa ngayon ay isa pa rin sa may pinakamalalang antas ng disempleyo sa
Timog-Silangang Asya ang Pilipinas.
 Bukod sa disempleyo, ang kawalan ng sapat na access ng mga mamamayan sa
edukasyon, lalo na sa kolehiyo, ang isa pang sanhi ng kahirapan sa bansa. Sa kabila ng
pagkakaroon ng libreng publikong edukasyon sa bansa na ginagarantiyahan ng
Konstitusyon, marami pa ring mga mamamayan ang hindi nakakapag-aral. Ayon sa datos
ng PSA (2017), halos apat na milyon out-of-school children and youth (OSCY). Sakop
nito ang nasa edad 6-24 na hindi nag-aaral – mga Pilipinong dapat nag-aaral ngunit hindi
nag-aaral. Higit na kakaunting mamamayan ang nag-aaral at nakatapos ng kolehiyo.
Bagama’t mula 2018 ay libre na ang matrikula maging sa publikong unibersidad,
nangangamba ang ilang grupo ng mga kabataan na hindi pa rin makakapag-aral ang lahat
ng dapat mag-aral dahil sa kakulangan ng gastos para sa baon at iba pang
pangangailangang kaugnay ng edukasyong tersyarya.
 Sa pangkalahatan, trahedya ang idudulot ng ganitong sitwasyon sa bansa dahil kapansin-
pansin na maraming maunlad na bansa ang may matataas na porsiyento ng enrollment sa
antas ng tersyarya. Ang mahihirap na bansa naman ay may mababang porsyento ng
enrollment gaya ng ipinapakita ng World Bank East Asia and Pacific Regional Report
(2012) na pinamagatang “Putting Higher Education to Work: Skills and Research for
Growth in East Asia.” Binigyang-diin sa ulat na ito na walang bansang nagkamit ng
papataas na antas ng kita nang hindi muna nagtala ng pagtaas ng bilang ng mga college
enrollee at graduate. Dapat bigyang-diin na ang mauunlad na bansa ay karaniwang may
matataas na bilang ng mga mamamayang nakatapos ng kolehiyo kaya napapanatili nila
ang paglago ng kanilang ekonomiya.
 Sa mga nakalipas na school year, dumarami na ang nagkokolehiyo sa Pilipinas ngunit
hindi pa rin ito sapat kompara sa mga nagkokolehiyo at nakakatapos ng kolehiyo sa ibang
bansa. Habang lumulobo ang populasyon ng Pilipinas, lalong kinakailangan ng mas
maraming administrador sa iba’t ibang larangan kaya sa pangkalahatan ay negatibo ang
impact sa Pilipinas ng papaliit na bilang na magkokolehiyo at makatatapos nito. Dapat
ding tandaan na ang highly-skilled na propesyunal na mahalaga ang ambag sa
pagpapaunlad ng bansa ay pawang college graduate ay nangangahulugang mas kakaunti
ring highly-skilled na propesyunal para sa isang bansa.
 Kung tutuusin, ang kawalan ng sapat naaccess sa edukasyon ay kapuwa sanhi at
bunga ng edukasyon, Ito ay sanhi ng kahirapan sapagkat ag kawalan ng edukasyon o
sapat na eduaksyon ay isang hadlang sa pagkakamit ng mataas na antas ng kita. Sa
PHILIPPINE QUARTERLY UPDATE ng World Bank na pinamagatang “Investing in
Inclusive Growth Amid Global Uncertainty” (Hulyo 2012), pinatutunayan na mas malaki
ang average na kita ng mga graduate ng kolehiyo kaysa sa mga graduate ng hayskul:
 Bukod sa paghadlang sa pagkakaroon ng sapat na access sa edukasyon ng mga
mamamayan, ilan pa sa mga bunga ng kahirapan ang pagkakaroon ng mga protesta laban
sa umiiral na kalakaran sa lipunan, pagtaas ng antas kriminalidad (crime rate) gaya ng
pandurukot at pagnanakaw, pagkakaroon o paglakas ng mga rebeldeng grupo, pagdami
ng Pilipinong migrante, malnutrisyon, paglala ng prostitusyon at iba pang gawaing anti-
sosyal at kawalan ng sapat na partisiasyon ng mga mamamayan sa mga prosesong
politikal.
 Nagkakaroon ng malawakang protesta ang iba’t ibang non-government organization
(NGO) laban sa mga umiiral na kalakaran sa lipunan sapagkat ang mga ito ang sinisisi
nila sa pag-iral ng kahirapan sa bansa. Para sa kanila, ang protesta ay isang epektibong
paraan ng pagtatampok sa isyu ng kahiraoan at panawagan sa paglutas nito. Samantala,
lumalala naman ang kriminalidad dahil sa kahirapan ang nagtutulak sa ilang ordinaryong
mamamayan upang gumawa ng mga bagay na labag sa batas ngunit kahit paano’y
makatutulong sa kanila para mabuhay at magkaroon ng pambili ng pagkain. Kahirapan
ang dahilan kung bakit libo-libong Pilipino ang napipilitang magbenta ng kanilang sarili.
Kapansin-pansin na ang prostitusyon ay laganap din sa maraming mahihirap na bansa.
 Bunsod ng kahirapan, lumalaki rin ang pagkakataon ng mga rebeldeng grupo na
mahikayat ang ilang desperadong mamamayan na sumama sa kanila. Dahil naghahangad
din ng pagbabagong panlipunan ang mga rebelde, sa panahon ng paglala ng kahirapan ay
tila lalong nagiging kaakit-akit sa mamamayan ang kanilang pagsusuri sa mga problema
ng bayan. Hindi kataka-taka na sa mga mauunlad na bansa ay walang rebelyon. Ang mga
rebelyon ay karaniwang mauugat sa pag-iral ng matinding kahirapan ng maraming
mamamayan kasabay ng paglago ng ekonomiya na pinakikinabangan ng iilang pammilya
lamang. Bukod sa Pilipinas, mahihirap din o kaya’y hindi gaanong mauunlad ang mga
bansang may malalaking pangkat ng rebelde gatya ng India at Nigeria.

GAWAIN 1: Gumawa o isulat ang iyong reaksyon sa tulang nsa ibaba.


SIGAW NG MAMAMAYAN (tula patungkol sa kahirapan)
GAWAIN 2: Gumawa ng tula TUNGKOL SA KAHIRAPAN. Isend ang video sa
messenger ng guro at at isunulat na tula ay isend sa google classroom.

PANITIKAN HINGIL SA KARAPATANG PANTAO


 Ang mga pangangailanagan ng mga tao ay dapat matungunan upang siya ay
mabuhay.
 Karapatan ng mga tao na matugunan ang kaniyang mga pangangailangan upang
siya mabuhay nang may dignidad bilang tao.
 Ang karapatang pantao ay ang mga karapatang tinatamasa ng tao sa sandaling
siya ay isinilang.

KARAPATANG PANTAO

 Ito ay karapatan at kalayaan na nararapat matanggap ng mga tao.

MGA HALIMBAWA NG KARAPATANG PANTAO Kalayaan sa pagsasalita


Pagkakapantay- pantay sa harap ng batas
Karapatang makapaghanap buhay
Karapatan sa pagkain
Karapatang makilahok sa kalinangan
Karapatan sa edukasyon
Historikal ng Pag-unlad ng konsepto ng Karapatang Pantao
 “Cyrus Cylinder” (539 B.C.E.) Sinakop ni Haring Cyrus ng Persia at kaniyang mga
tauhan ang lungsod ng Babylon.
“Cyrus Cylinder” (539 B.C.E.) Pinalaya niya ang mga alipin at ipinahayag na maaari
silang pumili ng sariling relihiyon. Idineklara rin ang pagkakapantay pantay ng lahat ng
lahi.
 Nakatala ito sa isang baked-clay cylinder na tanyag sa tawag na “Cyrus Cylinder.”
Tinagurian ito bilang “world’s first charter of human rights.”
 Kinakitaan din ng kaisipan tungkol sa karapatang pantao ang iba pang sinaunang
kabihasnan tulad ng India, Greece, at Rome.
 Ang mga itinatag na relihiyon at pananampalataya sa Asya tulad ng Judaism, Hinduism,
Kristiyanismo, Buddhism, Taoism, Islam at iba pa ay nakapaglahad ng mga kodigo
tungkol sa moralidad, kaisipan tungkol sa dignidad ng tao at tungkulin nito sa kaniyang
kapwa.
 1215- Magna Carta Noong 1215, sapilitang lumagda si John I, Hari ng England, sa
Magna Carta, isang dokumentong naglalahad ng ilang karapatan ng mga taga- England.
 1215- Magna Carta Ilan sa mga ito ay hindi maaaring dakpin, ipakulong, at bawiin ang
anumang ari-arian ng sinuman nang walang pagpapasiya ng hukuman. Sa dokumentong
ito, nilimitahan ang kapangyarihan ng hari ng bansa.
Petition of Right (1628)
 Petition of Right (1628) Sa England, ipinasa ang Petition of Right na naglalaman ng
mga karapatan tulad nang hindi pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng
Parliament, pagbawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan, at hindi pagdeklara ng
batas militar sa panahon ng kapayapaan
 Bill of Rights(1791) Noong 1787, inaprubahan ng United States Congress ang Saligang-
batas ng kanilang bansa. Sa dokumentong ito, nakapaloob ang Bill of Rights na
ipinatupad noong Disyembre 15, 1791.
 Bill of Rights(1791) Ito ang nagbigay-proteksiyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng
mamamayan at maging ang iba pang taong nanirahan sa bansa.
 Declaration of the Rights of Man and of the Citizen(1789) Noong 1789, nagtagumpay
ang French Revolution na wakasan ang ganap na kapangyarihan ni Haring Louis XVI.
Sumunod ang paglagda ng Declaration of the Rights of Man and of the Citizen na
naglalaman ng mga karapatan ng mamamayan. Declaration of the Rights of Man and of
the Citizen(1789)
 The First Geneva Convention(1864) Noong 1864, isinagawa ang pagpupulong ng
labing- anim na Europeong bansa at ilang estado ng United States sa Geneva,
Switzerland.
 Kinilala ito bilang The First Geneva Convention na may layuning isaalang-alang ang
pag- alaga sa mga nasugatan at may sakit na sundalo nang walang anumang
diskriminasyon. The First Geneva Convention(1864)
 Universal Declaration of Human Rights (1948) Noong 1948, itinatag ng United
Nations ang Human Rights Commission sa pangunguna ni Eleanor Roosevelt, asawa ng
yumaong Pangulong Franklin Roosevelt ng United States.
 Universal Declaration of Human Rights (UDHR) ay isa sa mahalagang dokumentong
naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibiduwalna may kaugnayan sa bawat
aspekto ng buhay ng tao. Karapatang sibil Karapatang politikal Karapatang ekonomiko
Karapatang sosyal Karapatang kultural
 Nang itatag ang United Nations noong Oktubre 24, 1945, binigyang-diin ng mga bansang
kasapi nito na magkaroon ng kongkretong balangkas upang matiyak na maibabahagi ang
kaalaman at maisakatuparan ang mga karapatang pantao sa lahat ng bansa. Ito ay naging
bahagi sa adyenda ng UN General Assembly noong 1946. Universal Declaration of
Human Rights (UDHR)
 Nabuo ang UDHR nang maluklok bilang tagapangulo ng Human Rights Commission ng
United Nations si Binalangkas ng naturang komisyon ang talaan ng mga pangunahing
karapatang pantao at tinawag ang talaang ito bilang ELEANOR ROOSEVELT
UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS “International Magna Carta for
all Mankind.”
 Sa kauna-unahang pagkakataon, pinagsama-sama at binalangkas ang lahat ng karapatang
pantao ng indibiduwal sa isang dokumento. Ito ang naging pangunahing batayan ng mga
demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang Saligang-batas.
 Malaki ang pagkakaugnay ng mga karapatang nakapaloob sa UDHR sa bawat aspekto ng
buhay ng tao. • Naging sandigan ng maraming bansa ang nilalaman ng UDHR upang
panatilihin ang kapayapaan at itaguyod ang dignidad at karapatan ng bawat tao.
 Kaisa ang pamahalaan ng Pilipinas sa maraming bansang nagbigay ng maigting na
pagpapahalaga sa dignidad at mga karapatan ng tao sa iba’t ibang panig ng daigdig
 Ang Katipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights ng Konstitusyon ng ating bansa ay
listahan ng mga pinagsamasamang karapatan ng bawat tao mula sa dating konstitusyon at
karagdagang karapatan ng mga indibiduwal na nakapaloob sa Seksyon 8, 11, 12, 13, 18
(1), at 19.
 Ayon sa aklat ni De Leon, et.al (2014), may tatlong uri ng mga karapatan ng bawat
mamamayan sa isang demokratikong bansa. Mayroon namang apat na klasipikasyon ang
constitutional rights. Unawain ang diyagram sa ibaba.
 Natural Rights • Mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado
Hal: Karapatang mabuhay, maging malaya, at magkaroon ng ariarian
Apat na Klasipikasyon ang Constitutional Rights.
Mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng Estado.
 1. Karapatang Politikal – Kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o
hindi, sa pagtatag at pangangasiwa ng pamahalaan
 2. Karapatang Sibil – mga karapatan na titiyak sa mga pribadong indibidwal na maging
kasiya-siya ang kanilang pamumuhay sa paraang nais nang hindi lumalabag sa batas.
 3. Karapatang Sosyo- ekonomik – mga karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay
at pangekonomikong kalagayan ng mga indibiduwal.
 4. Karapatan ng akusado – mga karapatan na magbibigay-proteksyon sa indibidwal na
inakusahan sa anomang krimen
 Statutory • Mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa pamamagitan
ng panibagong batas.
 Karapatang makatanggap ng minimum wage
Gawain 3:
Human Rights Declared Kompletuhin ang tsart sa pamamagitan ng pagtala sa ikalawang
kolum ng mga karapatang pantaong nakapaloob sa bawat dokumento.
Dokumento Mga Nakapaloob na Karapatang Pantao
1.
KARAPATANG PANTAO MGA NKAPALOOB SA
KARAPATANG PANTAO
Cyrus cylinder
Magna Carta
Petition of Right
Bill of Rights
Declaration of Man and of the Citizen
The First Geneva Convention

Gawain 4: Connecting Human Rights Then and Now


1. Pumili ng isang karapatang pantao na nakapaloob sa alinman sa tinalakay na
dokumento.
2. Magbigay ng halimbawa, sitwasyon o pangyayari sa iyong komunidad na
nagpapatunay na nagaganap o ipinatutupad ito sa kasalukuyan.
3. Ipakita ang gawaing ito sa malikhaing paraan. Karapatang pantaong nakapaloob sa
dokumento na nagaganap/ipinatutupad (Maaaring role playing, pagsulat ng tula o
sanaysay, pag-awit at iba pa)

Panitikan Hinggil sa Isyung Pangmanggagawa, Pangmagsasaka, at Pambansa

https://youtu.be/4TlUMrlTZJ8
Gawain 1 : Paggsusuri ng tula
Magbigay ng iyong panunuring reaksyon tungkol s dalawang tula na nasa video. Gawain
ito sa pamamagitang ng vlog
1.Ang Manggagawa ni Julian Cruz Balmaceda
2. Butil ng Palay ni Jess SAntiago

https://youtu.be/DtrsqpuXd1w
Gawain 2 : Gumawa ng summary tugkol sa video na iyong napanood , ilagay din ang
mga batas na ginawa Hingil sa Isyung Pangmamagawawa.

Pantikan Hinggil sa Isyung pangkasarian

ANG KONSEPTO NG
KASARIAN AT
SEKSUWALIDAD O GENDER
AND SEXUALITY
Sa mga nakalipas na taon, iisa ang
nakagisnang kahulugan ng gender at
sexuality. Sa mga
paaralan at maging sa mga opisina, ginagamit
ang salitang gender bilang isa sa mga
kinakailangang
personal na impormasyon. Sa paglipas
ng panahon, nagkaroon ng pagkakaiba
ang dalawang
terminolohiya. Makikita ang magkaibang
kahulugan sa mga ulat mula sa pananaliksik
at media
ANG KONSEPTO NG
KASARIAN AT
SEKSUWALIDAD O GENDER
AND SEXUALITY
Sa mga nakalipas na taon, iisa ang
nakagisnang kahulugan ng gender at
sexuality. Sa mga
paaralan at maging sa mga opisina, ginagamit
ang salitang gender bilang isa sa mga
kinakailangang
personal na impormasyon. Sa paglipas
ng panahon, nagkaroon ng pagkakaiba
ang dalawang
terminolohiya. Makikita ang magkaibang
kahulugan sa mga ulat mula sa pananaliksik
at media
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa mundo na pinakatumatanggap sa mga LGBT (gay-friendly
nation). Sa isang pandaigdigang pag aaral na kinabibilangan ng 39 na bansa, pang sampu ang
Pilipinas sa 17 bansang tumatanggap sa homoseksuwalidad.

Sa kabilang dako, masasabi na malaki ang impluwensiya ngSimbahang Romano Katoliko sa


pananaw ng mga Pilipino labansa homoseksuwalidad.
 Sa politika, may pagkakaiba ang mga kasarian sakapangyarihang politikal sa pamahalaan,
kumunidad atinstitusyon.
 Sa tahanan, may pag kakaiba rin ang mga gawaing nakaatangsa kanila gaya ng paggawa
ng desisyon at paghanap ngmapagkukunan ng pangangailangan sa tahanan.
 Sa panghanapbuhay, ang pang aabuso ay mas madalasmaranasan ng kababaihan at
homoseksuwal kaysa sa mgakalalakihan.

Pagkakaiba ng SEX AT KASARIAN KASARIAN- tumutukoy sa panlipunan gampanin, kilos,


at Gawain na itinakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.

SEX- tumutukoy sa biyolohikal o pisyolohikal na katangian sa nagtatakda ng pagkaakiba ng


babae at lalaki.

• Pagkakaiba ng sexaual orientation at gender identity(SOGI) SEXUAL ORIENTATION-


tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal,
emosyonal, sekswal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring
katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa. (GALANG Yogyakarta)

GENDER IDENTIFICATION -• (pagkakakilanlang kasarian) kinikilala bilang malalim na


damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi
nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak. (GALANG Yogyakarta) - Kabilang ang personal
na pagtuturing niya sa sariling katawan (na maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa
pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera,
gamot, o iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit,
pagsasalita, at pagkilos.

Uri ng Oryentasyong Sekswal

• Heterosexual

• Homosexual

• Bisexual

ALPABETO NG SOPAS LGBT/ LGBTIQA- inisyalismo para sa Lsbian Gay Bisexual at


Transgender (LGBT) o Lesbian Gay Bisexual Transgender Intersex Questioning/Queer at Allies

Ipinagdiriwang tuwing Hunyo ang Pride Month bilang paggunita sa Stonewall riots, isang
mahalagang pangyayaring nagtulak sa pagsulong ng "gay pride" o ang pagmamalaki ng pagiging
miyembro ng lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) community laban sa
diskriminasyon. Ang Stonewall riots ay serye ng mga marahas na protesta ng LGBT community
laban sa mga police raid na nangyari sa Stonewall Inn sa New York noong Hunyo 28, 1969.
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Pride Month, narito ang ilan sa mga pelikulang Pinoy na
tumatalakay at naglalahad sa mga karanasan ng mga miyembro ng LGBT community sa bansa.
SOGIE BILL

SOGIE: Senate Bill 159, o Anti-Discrimination Act, sa Senado at House Bill 258, o SOGIE
Equality Act, sa Kamara.

Magkamukha ang pakahulugan dito ng dalawang panukala ngunit may kaunting pagkakaiba.
Tinutukoy nito ang direksyonng emosyonal at sekswal na pagkaakit o gawi ng isang tao.

Sa SB 159 ni Sen. Risa Hontiveros, kaiba sa gender expression at identidad, tumutukoy ang
"sex" sa mga"male," "female" o "intersex" na nakabatay sa ari, gonads at chromosome patterns
ng isang tao.

Ang mga intersex ay may mga katangian ng sex na hindi pasok sakaraniwang ideya ng katawang
male o female.

Magkamukha naman ang pakahulugan nila sa gender identity, na personalna pagkakakilanlan sa


sarili sa pamamagitan ng pananamit, kagustuhan at pag-uugali kaugnay ng mga "masculine" at
"feminine" conventions.

Oras na hindi tumugma ang male o female identity ng isang taosa kanyang "sex," kinikilalang
transgender ang isang tao.

Iba ang transwomen sa mga bakla. Kinikilala ng bakla ang sarili bilang lalaki habang lalaki rin
ang gusto.

Iba rin ang transmen sa mga lesbyana. Kinikilala ng lesbyanaang sarili bilang babae habang
babae rin ang gusto.

Posibleng magkagusto ang transwoman sa isang cis female (babaengtugma ang identity sa sex)
kahit tinitignan niya ang sarili bilang babae.

Posible ring magkagusto ang transman sa isang cis male (lalaking tugmaang identity sa sex)
kahit tinitignan niya ang sarili bilang lalaki.

Kung maisasabatas ang SB 159 o HB 258, depende sa sitwasyon,maaaring patawan ng multang


P100,000 hanggang P500,000 ang mgalalabag nito.

Pwede ring makulong ng mula isang taon hanggang 12 taon ang mganabanggit.

Gawain Bilang 1.

Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba sa pamamagitan ng isang maiksing sanaysay. (20-50
pangungusap)

“Sang-ayon ka ba sa SOGIE Bill? Ipaliwanag kung bakit.


Gawain Bilang 2:

Basahin ang tula tungkol sa mag-asawa na may ordinaryong kasarian sa kasunod na pahina at
sagutan ang mga katanungan sa ibaba.

"ANG PAGBABALIK"

ni Jose Corazon de Jesus

1. Ano ang isinasalysay ng may akda sa tula na "Ang Pagbabalik" ?


2.Paano isinalaysay ng may-akda ang kaniyang pagbabalik?

3.Ano ang paksa ng tula?

4-5. Ilahad ang iyong saloobin patungkol sa tulang binasa. Nakaaapekto ba ang kasarian ng
bawat karaker sa tula?

Ang Pagbabalik

(Ni Jose Corazon De Jesus)

Babahagya ko nang sa noo’y nahagkan, At ako’y umalis, tinunton ang landas,


Sa mata ko’y luha ang nangag-unahan; Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak;
Isang panyong puti ang ikinakaway,
Nang siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan: Lubog na ang araw, kalat na ang dilim,
Sa gayong kalungkot na paghihiwalay, At ang buwan nama’y ibig nang
Mamatay ako, siya’y nalulumbay! magningning:
Maka orasyon na noong aking datnin,
Nang sa tarangkahan, ako’y makabagtas Ang pinagsadya kong malayang lupain:
Pasigaw ang sabing, “Magbalik ka agad!” Kuwagong nasa kubo’t mga ibong itim,
Ang sagot ko’y “Oo, hindi magluluwat!” Ang nagsisalubong sa aking pagdating.
Nakangiti akong luha’y nalaglag…
Sa pinto ng naro’ong tahana’y kumatok, Ay pinupol ko na’t panghandog sa liyag;
Pinatuloy ako ng magandang loob; Nang ako’y umalis, siya’y umiiyak…
Kumain ng konti, natulog sa lungkot, O, marahil ngayon, siya’y magagalak!
Ang puso kong tila ayaw nang tumibok;
Ang kawikaan ko, “Pusong naglalagot, At ako’y lumakad, halos lakad takbo,
Mamatay kung ako’y talaga nang kulog!” Sa may dakong ami’y meron pang musiko,
Nang kinabukasang magawak ang dilim, Ang aming tahana’y masayang totoo
Araw’y namimintanang mata’y At nagkakagulo ang maraming tao…
nagniningning; “Salamat sa Diyos!” ang nabigkas ko,
Sinimulan ko na ang dapat kong gawin: “Nalalaman nila na darating ako.”
Ako’y nag-araro, naglinang, nagtanim;
Nang magdidisyembre, tanim sa kaingin, At ako’y tumuloy… pinto ng mabuksan,
Ay ginapas ko na’t sa irog dadalhin. Mata’y napapikit sa aking namasdan;
Apat na kandila ang nangagbabantay;
At ako’y umuwi, taglay ko ang lahat, Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay;
Mga bungang-kahoy, isang sakong bigas; Mukha nakangiti at nang aking hagkan;
Bulaklak na damo sa gilid ng landas, Para pang sinabi “Irog ko, paalam!”

Panitikan Hinggil sa Sitwasyon ng Pangkat Minorya

Sulyap sa Buhay ng Pangkat Minorya

Tila alingawngaw na bumasag sa katahimikan ng mga katutubong Pilipino ang kaliwa’t kanang
suliraning nag-udyok sa kanila upang iparinig ang kanilang tinig. Kahit sila pa ang
kaunaunahang humubog sa ating kasaysayan at kultura, mistulang kulang pa rin iyon upang ang
sitwasyon ng mga ethnic minorities ay bigyang pansin ng lipunan at pamahalaan.

Natatanging pagkakakilanlan

Ang katutubo o minorities ay salitang ginagamit upang ilarawan ang mga pangkat etniko na
naninirahan sa isang rehiyon o lugar na samasama. Sila ay may koneksyong pangkasaysayan,
mga bagay na nag-uugnay at nagbubuklod sa kanila na ipinapamalas nila sa gawi ng kanilang
pamumuhay. Matatagpuan sila sa iba’t ibang parte ng Pilipinas at may tinatayang 14 hanggang
17 milyong Indigenous Peoples na kabilang sa 110 grupo ng ethno-linguistic; ang mga ito ay
pangunahing nakatuon sa Mindanao (61%) at Hilagang Luzon (Cordillera Administrative
Region, 33%), kasama ang ilang mga grupo sa Visayas, ayon sa datos ng United Nations
Declaration on the Rights of Indigenous Peoples, isang organisasyong nagsusulong na itaguyod
at protektahan ang mga karapatan ng mga katutubong mamamayan.
Kabilang na ang mga Mansaka ng Compostela Valley, Mangyan ng Mindoro, Lumad ng
Mindanao, mga Aeta ng Sierra Madre, at Tau’t Bato ng Palawan sa maraming uri ng katutubong
etniko o minorya sa ating bansa sa bilang ng mga pangkat na hindi nakakatanggap ng
karampatang pagkakakilanlan. Hindi maikakaila ang ambag ng mga katutubo sa ating kultura at
tradisyon; isa na rito ang sistema ng paglikha ng mga Ifugao sa Banaue Rice Terraces dahil sa
natatanging istruktura nito, mga ipinamanang kasuotan na sumasalamin sa sinaunang kultura, at
marami pang iba. Maging sa paglipas ng panahon ay kamanghamangha na napanatili nila ang
natatanging katutubong kultura ng sinaunang Pilipino.
Ayon sa pananaliksik ng United Nations Development Program noong Marso, isang
organisasyong sumusuporta sa kaunlaran ng bansa’t pagtupad ng Millennium Development
Goals nito, kadalasa’y mga minorya ang biktima ng diskriminasyon sa benepisyong pampubliko
dahil karamihan sa kanila’y nakatira sa malalayong lugar na hindi gaanong abot ng kabihasnan.
Kabilang sa mga problema ay kulang na suplay ng malinis na tubig, tulong medikal gaya ng
mga health centers, mga kagamitan at pasilidad para sa edukasyon, at iba pa.
“A stronger focus on those excluded groups, and on actions to dismantle these barriers is
urgently needed to ensure sustainable human development for all,” ayon sa naturang ulat.

Pagsubok ngayon, pagsubok pa rin bukas?

Kasama rin sa pagsubok ng mga katutubo ang paglaban nila para sa kanilang lupaing ninuno
(ancestral domains) at likas na yaman sa kamay ng mga kapitalista at mga dayuhan.
Ayon sa Human Rights Watch Organization,  isang organisasyon na naglalayong protektahan
ang mga minorya, marami ang nakasaksi sa pagpatay ng mga hinihinalang paramilitar sa mga
Lumad, sinundan pa ng madugong pagtugon ng kapulisan sa protestang ginanap ng mga
katutubo sa harap ng embahada ng Amerika at marami pang iba. Idagdag pa dito ang pahayag ng
mga katutubo ukol sa pag-usbong ng mga corporate extractive industries na pumapasok sa
kanilang lupaing ninuno (na tinatago sa tawag na development projects), tulad ng mga minahan,
pagtotroso, quarrying, proyektong pang-enerhiya, at iba pang malawakang plantasyon at
proyektong pangturismo na hindi angkop sa kanilang kultura.
Mayroong panukalang batas para sa mga minorya gaya ng Republic Act 8371 o Indigenous
People  Rights  Act, na naglalayong protektahan at pangalagaan ang mga katutubo at ang
pinagmumulan ng kanilang kabuhayan at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP)
na nagraraos ng National Indigenous Peoples Conference, isang taunang pagpupulong upang
paigtingin ang pagtanggap sa mga minorities (kaakibat nito ang kamakailan lang na paglagda sa
isang kasunduan ng NCIP at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa
pagsulong at pakikiisa nila sa mga minorities at mga Indigenous Cultural Communities). Sa
kabila ng mga nasabing pamamaraan ng gobyerno, hindi pa rin maiiwasan ang katotohanan na
kulang ang mga ito upang masigurado ang epektibong tugon ng pamahalaan.
Sa patuloy na pagabante ng ating bayan sa kinabukasan, hindi dapat talikuran ang kultura at ang
mga palatandaan ng ating kasaysayan. Ang ating bayan ay hindi lamang para sa mga taong nasa
kabihasnan kundi para sa lahat, minorya man o hindi.

Gawain Bilang 1

Ipaliwanag ang mga sumusunod na pangungusap batay sa iyong natutunan sa Aralin Blg. 1. (3-5
pangungusap)

1. Ang pangkat etniko ay may karapatang mapangalagaan at bigyang halaga sapagkat sila
ay maituturing na yaman.
2. Ang mga katutubo ay bahagi ng ating kasaysayan.
3. Malaki ang papel na ginagampanan ng mga katutubo sa ating kultura at tradisyon.
4. Ang mga katutubo ay namumukod-tangi.

5. “ Ang ating bayan ay hindi lamang para sa mga taong nasa kabihasnan kundi para sa
lahat, minorya man o hindi.”

Aralin 3: Panitikan Hinggil sa Dispora/Migrasyon

Ano ang Disaspora?

• ito ay ang pagmigrate ng mga tao mula sa kanilang bayang sinilangan patungo sa ibang lugar o
ibang bansa. Halimbawa : mga OFWs.
Migrasyon: Konsepto at Konteksto

Tuwiran ang ugnayan sa isyu ng paggawa sa panlipunang kalagayan ng marami sa mga Pilipino.
Ang pag-alis ng mga manggagawang Pilipino ay lumikha ng mga oportunidad at hamon sa
pamahalaan at lipunang Pilipino

MIGRASYON: Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong


politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente.

URI NG MIGRASYON.

1. MIGRASYONG PANLOOB ay ang paglipat ng isang tao o pamilya mula sa isang


bayan,lalawigan, o rehiyon patungo sa ibang bahagi ng bansa.

2. MIGRASYONG PANLABAS ay ang pagpunta ng isang pamilya sa ibang bansa upang doon
manirahan.

Karaniwang dahilan ng pag-alis o paglipat:

1. hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang maghahatid ng masaganang


pamumuhay;

2. paghahanap ng ligtas na tirahan;

3. panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nang naninirahan sa ibang bansa;

4. pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman partikular sa mga bansang industriyalisado.

5. Konti lang ang oportunidad sa knilang bayan

6. Mas malaki ang kita sa ibang bansa , kaya mas makakatulong ito sa kanilang pamilya.

Sa pag-aaral ng migrasyon partikular ng international migration ay mahalagang maunawaan ang


ilang termino o salitang madalas gamitin sa disiplinang ito:

Flow MIGRASYON Stock figures

Tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang
panahon na kadalasan ay kada taon.

 MADALAS DITONG GAMITIN ANG MGA SALITANG INFLOW, ENTRIES OR


IMMIGRATION.
Kasama din dito ang bilang ng mga taong umaalis o lumalabas ng bansa na madalas tukuyin
bilang emigration, departures or outflows.

 Kapag ibinawas ang bilang ng umalis sa bilang ng pumasok nakukuha ang tinatawag na net
migration.
 Ang stock ay ang bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan.

Mahalaga ang flow sa pag- unawa sa trend o daloy ng paglipat o mobility ng mga tao

ang stock naman ay makatutulong sa pagsusuri sa matagalang epekto ng migrasyon sa isang


populasyon.

Tinatayang 232 milyong katao ang nandarayuhan sa buong mundo sa kabuuang 1 porsiyento ng
populasyon sa buong mundo.

• Ang 48 porsiyento ng mga imigrante ay kababaihan na halos dumarami pa para


maghanapbuhay.

• Karamihan ng mga nandarayuhan ay Naghahanap ng trabaho. Mahigit pa sa 90 porsiyento ay


mga manggagawa kasama ang kanilang mga pamilya.

• Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinaka malaking bilang ng mga imigrante na lumabas
ng kanilang bansa.

•Tinatayang isa sa walong imigrante ay nasa edad 15 - 24.

Gawain Bilang I

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong base sa iyong natutunan o opinion sa
aralin na nasa itaas. (3-5 Pangungusap).

1. Ano-anong pangkat ng manggagawa ang madalas na nangingibang-bansa upang humanap ng


trabaho?

2. Noong 2010, Anong pangkat ng manggagawa ang may pinakamaunting bilang na


nangingibang-bansa upang humanap ng trabaho?

3. Anong taon ang may pinakamalaking bilang ng mga manggagawang nabigyan ng trabaho?

4. Anong uri ng trabaho at anong taon ang may pinakamababang bilang ng mga manggagawang
nabigyan ng trabaho?

5. Sa mga salik o dahilang nakaiimpluwensiya sa mga manggagawa sa pagpili ng bansang


kanilang pupuntahan, ano sa tingin mo ang pinakanangungunang dahilan? pangatuwiranan ito.
Hindi na bago ang migrasyon o pandarayuhan. Simula pa lamang ng pagsibol ng kabihasnan ay
malimit na ang pagdayo ng tao tungo sa mga lugar na magbibigay sa kaniya ng pangangailangan
maging ito man ay sa usaping pangkabuhayan (ekonomiko), seguridad (politikal) o maging
personal.

Ang paggalaw o daloy ng migrasyon ay makikita sa iba’t ibang anyo. Nandarayuhan ang mga tao
bilang: - manggagawang manwal, - highly qualified specialists, entrepreneur, - refugees o -
bilang isang miyembro ng pamilya.

Binigyang-diin sa pag-aaral ni Stephen Castles at Mark Miller sa kanilang akdang The Age of
Migration na sa buong mundo, iba’t ibang anyo at daloy ng migrasyon ang nakapangyayari
bilang tugon sa: - pagbabagong pangkabuhayan, - pampolitikal, - kultural at - marahas na
tunggalian sa pagitan ng mga bansa.

Binigyang-diin sa pag-aaral ni Stephen Castles at Mark Miller sa kanilang akdang The Age of
Migration na sa buong mundo, iba’t ibang anyo at daloy ng migrasyon ang nakapangyayari
bilang tugon sa: - pagbabagong pangkabuhayan, - pampolitikal, - kultural at - marahas na
tunggalian sa pagitan ng mga bansa.

Sa konteksto ng Pilipinas, malaki ang ginampanan ng dahilang pangekonomiya sa pagpunta ng


maraming mga Pilipino sa ibang bansa. Binanggit sa mga naunang aralin sa kwarter na ito na
malaki ang naipadadalang dolyar ng mga OFW sa kani- kanilang kamag-anak sa bansa na nag-
aambag naman sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

Gawain Bilang 2.

Panuto: Basahin ang Tula sa ibaba at ilahad ang iyong saloobin mula sa binasa. Maging
malikhain sa iyong kasagutan. Maaring iguhit o pumili ng isang kanta na maglalarawan sa iyong
saloobin patungkol sa tula o gumawa ng spoken poetry upang mailarawan ang iyong aloobin
patungkol sa tula.

Pamantayan sa pagbibigay ng puntos:

Pagkamalikhain 40%
Kaangkupan sa paksa 45%
Kalinisan at Paggamit ng mga salita 15%

Kabuuan 100%

Nang si Juan, Nangibang Bayan

Nang si Juan nangibang bayan


Dala ang pangarap umahon sa kahirapan
Sa bansang iniwan wala nang kalutasan
Buhay na kinagisnan wala pa ring kaunlaran

Dumating si Juan sa ibang bayan


Sa akalang makakamtam ang kaginhawaan
Bagkus naging malubha pa ang naging kalagayan
Sa gitnang silangang hirap pala ang mararanasan

Ngunit di nawalan ng pag-asa si Juan


Kesa bumalik sa bayang walang maaasahan
Wala nang ginawa kundi ang mag-iringan
Masa ang ginagamit sa pansariling kapakanan

Kelan ka titigil Juan na mangibang bayan


Manatili na lang sa bayang sinilangan
Kapiling ang pamilya tumulong sa kaunlaran
Ibalik ang Pilipinas Perlas ng Silangan

Wala ng hihigit pa sa sakripisyo ni Juan


Padalang dolyar para umahon ekonomiya ng bayan
Di alintana mga pulitikong sakim sa kaban ng pamahalaan
Panlinlang sa masa sa susunod na halalan

Gising na kabayang Juan


Sa maling akala sa iyong kalagayan
Bumangon ka na baka ikaw ay maiwan
Sa panibagong bukas kapit bisig tayong makipagsapalaran.

References:

https://www.bulatlat.com/2005/10/09/mga-tula-ng-isang-migrante-mula-sa-saudi-
arabia/
presentation/483772372/PANITIKAN-HINGGIL-SA-MGA-ISYUNG-PANGKASARIAN-pptx

https://www.slideshare.net/danicalyra/migrasyon-168302785

https://philnews.ph/2019/10/15/ang-pagbabalik-ang-tula-na-isinulat-ni-jose-
corazon-de-jesus/

GNG. AMY R. ALIMARIO, MPA


Instructor Dalubhasaan ng Lunsod ng San Pablo

Module Outline/ Template by: Prof. Randall B. Pasco; Prof. Alvaro T. Dioquino, Jr.; and Prof. Precious De Leon
Other contributors for the development of the Module Outline: Dr. Sigfredo C. Adajar: Prof. Sherwin Quizon: Prof. Jordan Puhawan: Prof, Vivian Asacta; Prof. Danver
Reyes; Prof. Eunice Jamilah De Leon; Jasmin P. Pasco, LPT; Prof. Bibeth Fofue; Prof. Bry May Boongaling; Prof. Cartney Lagaya; Prof. Dominic Florendo; Dr. Lota Q.
Baldemora and CLAMDEV constituents

You might also like