You are on page 1of 4

Ayon sa pag-aaral ni Rodrigo Mendoza(2016) , ang suliranin pang-ekonomiya ay ang

usapin na patungkol sa kakapusan at kakulangan ng ekonomiya. Ito ay isang malawak na suliranin


na walang pinipili at lahat ay nararanasan. Patungkol sa usaping pang-ekonomiya, lahat ng bansa ay
nahaharap sa problemang may kinalaman sa kalagayan ng mga pinagkukunang-yaman. Gayundin
naman ang kakayahan upang matugunan ang hindi mabilang na mga pangangailangan ng mga tao.
Ang pangunahing isyu ng kakapusan ay ang katotohanang walang kakayahan ang kahit na anong
bansa na matustusan ang mga pangangailangan ng ekonomiya bilang kabuuan.

Ang kakapusan (scarcity) ay isang uri ng suliranin na tumutukoy sa pagkakaroon ng


limitasyon sa mga pinagkukunan ng yaman na siyang ginagamit sa paggawa o paglikha ng mga
serbisyo at produkto. Ito ay isang uri ng kalagayan kung saan kaakibat ng buhay ng tao na
nagpapakita ng pagtutunggalian sa paggamit ng yaman ng bansa bilang sagot sa mga
pangangailangan ng lipunan. Ito ay palagiang problema ng tao at lipunan na hindi madaling lutasin.
Ang suliranin sa kakapusan ay ang pangunahing sanhi ng pagkakaroon ng mga problemang pang-
ekonomiya. Ito ay umiiiral sa dalawang bagay, ang pisikal na estado na ibig sabihin ay limitado ang
pinagkukunang-yaman at pangkaisipang kalagayan o ang walang katapusang kagustuhan at
pangangailangan ng tao.
Dahil sa isyu ng kakapusan, napakahalaga na magkaroon ng malalimang pag-aaral o
mahalaga na pag-isipan ng bansa kung anong serbisyo at produkto ang gagawin at kung gaano ito
karami. Gayundin, mahalagang malaman kung para kanino ito at kung paani ito maipapamahagi.

Samantalang sa kabilang dako, sinabi niyang ang kakulangan (shortage) ay ang panandaliang
kawalan o hindi kasapatan ng mga pangangailangan. Malaki ang tyansa na ito ay gawa lamang ng
tao. Ito ay kadalasang umiiral sa tuwing may pansamantalang pagkukulang ng suplay ng isang
produkto o serbisyo. Sa isang ekonomiya, madalas na nangyayari ang pagkakaroon ng artipisyal na
kakulangan. Kapag naisaayos na ang suplay, nawawala na awtomatiko ang kakulangan. Sa madaling
salita, mas madali itong masolusyunan kumpara sa kakapusan.
Ayon kay Michaella Minion (2015), Ang Isyung kahirapan (The poverty Issue), ay ang isa sa hindi
masolusyunan na suliranin ng bansang Pilipinas. Maraming tao dito sa aming bansa ang na hihirap. Ang kahirapan
ay nakaka apekto sa mga mamamayan sa ibat ibang paraan pero ang kadalasang nangyayari ay kapag mahirap ay
nawawala ng pribilehiyong makapag aral at alam naman nating lahat na ang edukasyon ang susi sa magandang
kinabukasan.Ayon sa pag-aaral at nakalap na datos hindi maituturing na kabilang sa hanay ng mga "mahihirap,"
kailangang kumita ang isang pamilya sa Metro Manila ng hindi bababa sa P12,000 hanggang P16,000 buwan-
buwan. Kung dalawang miyembro ng isang pamilya ay kumikita ng parehong minimum wage, lalampas sila sa
tinatawag na “poverty threshold” ng Social Weather Stations (SWS).

Itinuturing ng 55 percent ng mga pamilyang Pilipino nitong nakaraang buwan ng Hulyo na sila ay
“mahirap,” ayon sa isang survey ng SWS na ang resulta ay inihayag noong Hulyo 28, 2015.Tingnan naman natin
ngayon ang mga statistics ng gobyerno.Dalawang set ito. Ang una ay ang poverty threshold computation ng
National Economic and Development Authority (NEDA). Ang ikalawa ay ang mga resulta ng Family Income and
Expenditure Survey (FIES) ng NSO.Ayon sa NEDA, 25.2 percent ng buong populasyon ng Pilipinas ang dukha o
below the poverty line or threshold. Ngunit kung pamilya ang bibilangin, 19.7 percent umano ang dukhang pamilya.
P7,890 kada buwan kada pamilya ang poverty threshold ng gobyerno sa 2012. Mas mababa talaga ito sa P12,000 -
P16,000 ng SWS surveys.Ang food poverty threshold ng gobyerno ay P5,513 habang ang sa SWS ay P6,000 sa
NCR, P5,000 sa Luzon at Visayas, at P4,500 sa Mindanao. Mas mababa kasi ng ang presyo ng pagkain sa pamilihan
sa probinsiya kaysa sa Metro Manila.

Ang pinakabagong datos na FIES ay mula sa 2012 FIES.


Kung pagbabatayan natin ang poverty threshold sa SWS survey, ang kita dapat sana ng isang pamilya sa isang taon
ay P144,000 – P192,000 para hindi na maging “mahirap.”
Ayon sa datos ng 2012 FIES, 6.133 milyong pamilyang Pilipino ang hindi aabot sa P100,000 ang kita sa isang taon.
https://ekonomiks.info/kakapusan-at-kakulangan/

https://angisyungkahirapan.blogspot.com/2015/10/ang-
kahirapan.html?m=1&fbclid=IwAR20MAkIQyHmzzQm96YnFzKMcc8ZTu9JM6rGbTA4z_XJn4mu0mBv0jho
JqU

http://www.gmanetwork.com/news/story/372499/news/ulatfilipino/sino-ang-mahirap-sa-pilipinas-unawain-ang-
datos-ng-sws-at-census#sthash.MhOPNAAo.dpuf

You might also like