You are on page 1of 4

Ang Isyu ng Kahirapan

Ang isyu ng kahirapan ay isa sa mga suliranin ng mga bansa. Ang problemang ito ay
hindi nawawala atparang multo na patuloy na bumabagabag sa maraming bansa. Ang
patunay sa mabigat na hamon ng isyung ito ay ang pagkakasali nito, direkta man, o
hindi direkta sa mga Millenium Development Goals (MDGs) ang mga MDGs na ito ay
mga pangunahing prayoridad ng United Nations (UN) na makamit sa taong 2015.Ngunit
ang tanong ditto ano nga ba ang kahirapan o poverty? Ano ang sanhi at bunga ng
isyung ito? Kaakibat ng pagtalakay nito an gang konsepto ng underemployment. Ano
ang kaibhan nito sa kawalan ng trabaho?

Ayon sa World Bank (WB) ang kahirapan ay kondisyun ng tao kung saan mayroong
siyang kakulangan sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at tubig.
Kaakibat din ditto ang kabiguan ng mga tao na makakain ng talong beses sa isang
araw.

Kung sususriin ang panukat na ginagamit ng United Nation (UN) may tinatawag silang
Human Povert Index (HPI) kung saan pinagsama-sama ang iba’t ibang salik upang
masukat an gang antas ng kahirapan ng bansa ito ay nagbibigay ng tunay nna sukat ng
kahirapan.

Mga Sanhi at Bunga ng Kahirapan

1. Korapsyon – batay sa isang pagsususri ng Philippine Center on Transnational


Crime noong 1999, tinatawang nasa 30% ng kita ng pamahalaan ang nawawala
sa kaban ng bayan dulot ng korapsyon. Isa ang Pilipinas sa mga bansang
nakakaranas ng pinakamalubhang korapsyon sa buong mundo. Dahilan kung
bakit nananatiling mahirap ang maraming Pilipino at hindi umaangat ang
kabuhayan nila.
Noong taong 2014, ang pambansang budget ay umaabot sa 2.260Php trilyon.
Kung 30% ang pambansang kita ay nalulustay sa korapsyon, ibig sabihin ay
nasa 600 biyonng piso aang hindi naibabalik sa taumbayan bilang serbisyo at
programang pangkaunlaran at pamuksa sa kahirapan. Halos kasing laki nito ang
kabuuang badyet na inilalaan para sa edukasyon Deppartment of Education
(DepEd) at iprastraktura ng Departmen of Public Works and Higways.
Maraming uri at paraan ng korapsyon, gaya ng kickback, panunuhol, pangingikil
at pagsasabwatan na naganap sa pribadong sektor at sa pamahalaan. Kaya
dahil dito naisasakripisyo ang kalidad ng mga materayales kung halimbawa na
may proyekto ang pamahalaan.
.
2. Disenyo ng ekonomiya - isa sa dahialan ng kahirapan ag disenyo ng
ekonomiya o kalagayan ngn kung sino ang kumukontrol sa mahahalagang
bahagi ng ekonomiya at ang pagkakabahagi ng yaman at oportunidad na
uamanunlad ang bansa. Sa Pipilinas mabagal ang pag-unlad kaya ng mga
mamamayan sapagkat maliit at kaunting oportunidad lamang any mayroon ang
karamihan ng tao upang yumaman. Ang pinakamahalagangh bahagi ng
ekonomiya ay kontrolado ng napakaliit na bahagdan ng mga Pilipino. Ang
pangkat na itong may control sa kayaman ng bansa ay tinatawag na oligarch o
isang kasapi ng oligarchy. Ang oligharcy ay isang kaayusan ng bansa kung saan
ang kapangyarihan at kayaman ay nakalagak sa maliit na bilang ng mga tao.
3. Unemployment at underemployment – ang kawalan ng trabaho o
unemployment ay kapwa at sanhi at bunga ng kahirapan. Ang bahgdan ng
workforce ng Pilipinas na walang trabaho ay tinaatayang nasa 7% noong 2012-
2014.

Ang workforce ang bahagi ng populasyon ng bnsa na nasa tamang edad upang
makapapag raho. Sakanila nnagmumula ang Gross Development Product o
(GDP) ng Pilipinas. Bukod pa sa kwaln ng trabaho, isang suliranin ang
underemployment. Ito ang pagkakaroon ng trabaho na kaunti ang bayad o kaunti
ang oras ng pagtratrabaho na nagtutulak sa isang tao upang humanap ng
dagdag kita o dagdag na trabaho, Dahil na rin sa unemployment at
underemployment, at mas mababang kita ng mga Pilipino kumpara sa kanilang
pangangailaangn, napipilitan ang mga ilang Pilipino na magtrabaho sa ibang
bansa bilang Overseas Filipino Workers (OFW). Ang migrasyon ng OFWs ay
salamin ng kakulangan ng sapat na trabaho sa loob ng Pilipinas.
4. Kakulangan sa edukasyon - Amg edukasyon ay na[akahalagang susi sa pag-
ahon mula sa kahirapan. Ito rin ay pintyo sa mas maraming oportunidad na
hanapbuhay. Hinahasa ng paaralan ang mga Pilipino upang magkaroon ng sapat
na talino at kakayahan sa paggawa at pakikisalamuha.kinikilala rin ng
pamahalaan ang bawat kakayanan ng Pilipinong gumawa. Bilang tugon sa
suliranin ng edukasyon hinihikayat ng pamahalaan ang mga taong unemployed
at basa sapat na edad upang kumuha ng mga kusro na Technical Education and
Skills Development Authority o TESDA.

5. Paglagana ng krimen- kapansin pansin an gang positibong epekto ng


kaunlaran, edukasyon, at kawalan ng kahirapan sa dami ng nagaganap na
krimen sa isang pamayanan. Maraming pag-aaral ang ginawa at natuklasan na
ang pamayananng may mataas na bilang ng kabataang nakapagtapos ng pag-
aaral ay nakakaranas ng mas mababang bilang ng krimen.

You might also like