You are on page 1of 4

PANIMULA:

Ang kahirapan ang isa sa mabigat na problema n gating bansa.Ano nga ba ang mga dahilan kung bakit
natin nararanasan ito?Uupo na lamang ba tayo at iintayin ang aksyon ng gobyerno o tayu na ba mismo
ang aaksyon para masolusyonan ito.Bilang isang mamamayan marapat na tayo ay kumilos upang
maiwasan ang kahirapan hindi lang para sa ating sarili kundi para sa ating bansa.Kaya maraming
nakakaranas ng dahil narin sa katamaran nila choice natin ang maging mahirap kaya kung nakakaranas
man tayo nito wala tayung dapat na sisihin kundi ang sarili natin.Sabi nga nila”daig ng maagap ang mga
masipag”kaya dapat habang habang maaga pa lamang ay kumilos na tayo at gawin ang
nararapat.Halimbawa na lang may oportunidad na tayo hindi na dapat tayo magdalawang isip na gawin
ito o kunun ito lalo na kung malaki ang maitutulong nito sa atin kasi minsan may mga tao talagang mapili
o sabihin na natin na maarte na kahit na kahit ang daming paraan para magkatrabaho ay winawalang
bahala lang nila ito o baka naman tinatamad lang sila.Edukasyon ang susi sa kahirapan kaya dapat
pinapagbuti natin ang ating pag-aaral dahil para rin ito sa ating kinabukasan.Meron kasi diyan na kahit
nuknukan din naman ng tamad kaya ayun sa yaman ng magulang umaasa.Alam nating mali kaya dapat
huwag nating tularan iyon.Maraming paraan para maiwasan nating ang kahirapan pero satin ang
problema gaya nga ng sabi ko kanina choice nain ang maging mahirap.Maraming mga kabataan ang
hindi nakakapag-aral ng dahil sa kahirapan o dahul sa kakulangan ng pera pero hindi nila ito kasalanan
dahil responsibilidad ng mga magulang natin na pagaralin tayo pero pwede din maging kasalanan ng
kabataan ito lalo na kung tamad ito.Yan ang mga ilan lang sa mga dahilan kung bakit nakararanas ng
kahirapan ang mga Pilipino sa pilipina.Isa rin sa dahilan kung bakit tayo nakararanas ng kahirapan ay
dahil hindi nakakapagtapos ng pag-aaral.Pero para maiwasan ang kahirapan nangingibang bansa ang
ibang mga Pilipino para matustusan ang pangagailangan ng kanilang pamilya kahit na labag sa kalooban
nila ay nangingibang bansa pa rin sila dahil para maiwasan ang kahirapan at para naman ito sa ikabubuti
ng kanilang pamilya.Gaya ng sinabi ko kanina huwag na natin antayin para ang aksiyon ng mga gobyerno
tayo na dapat ang kumilos para hindi tayo napagiiwanan ng iba.Kung ayaw natin maranasan ang
kahirapan gumawa tayo kumilos hindi yung puro na lang tayo salita kulang naman tayo sa gawa.Talamak
sa pilipinas ang kahirapan pero simuula ng nagging Presidente natin si Pangulong Duterte may nagbago
ba, umunti ba ang mahihirap sa Pilipinas marami pa rin ba ang isang kayod isang tuka?Ang hirap sagutin
di ba kasi ang lagi lang naman binabalita ay puro tungkol sa droga.Pero umaasa ako na dahil bago ang
ating pangulo ay magbabaho na rin ang ating bansa mas magiging maunlad na an gating bansa.

“Katamaran” isang salita lang yan pero malaki ang magiging epekto nito sa atin para sa ating bansa kung
ganyan ang pinaiiral natin hindi naman pwede na magiintay lang tayo para ng swerte at nganganga para
bumagsak ito sa atin na parang si juan tamad lang.Pero minsan hindi lang naman tayo ang may
kasalanan minsan yung mga gobyerno ng dahil sa kasakiman nila naghihirap tayo ng dahil sa kakurapan
nila naghihirap tayo tama naman di ba may kasalanan din sila kung bakit tayo nag hihihirap.Sa ating
bansa kailangan din natin ng pagkakaisa upang matugunan ang nasabing suliranin sa ating bansa.Base
sa aking karanasan bilang isang mamamayan n gating bansa at studyante mahirap talagang makaranas
ng pagiging isang mahirap halos lahat tayong mga pilipimo ay nakakaranas nito at nasa atin lang din
kung ipagpapatuloy ba natin ito.ito naman ang nagiging epekto sa ating ng kahirapan

Ang pag sacyber sex mapabata man o matanda ay gumagawa na nito dahil sa kahirapan at ang mga
kabataang nag uubos ng oras sa kalsada para lang mangalkal at mamalimos upang may makain sa pang
araw-araw sa kanilang murang edad dapat hindi ito ang kanilang inaatupag dapat sa ganyang mga edad
ay nag lalaro sila at dinaranas dapat nila ang magiging isang batang masaya na hindi kariton ang hawak
kundi laruan.kahirapan ang isa sa mga matitinding suliranin na kinakaharap ng bansa sa mahabang
panahon.Ito ang pumipifgil sa kaunlaran ng isang bansa at masasabing”sakit” na mistulang nakakahawa
at mabilis na kumalat sa iba’t-ibang panig.Ngunit ano nga ba ang dahilan ng kahirapan?Paano ito
nakakaapekto sa mga mamamayan ng bansa?Ano ang mabisang paraan para tuluyang matangal o kung
hindi man ay mabawasan ang bilang ng mga mahihirap sa pilipinas?

Ayon sa ulat,sa pagdating ng bagong administrasyon,nabawasan ang porsiyento ng mga taong mahihirap
sa bansa,ngunit kahit ganoon pa man,hindi natin maikakaila na ang iba sa atin ay patuloy pang
nakakaranas at nakakadama ng kahirapan.Isa sa mga sanhi nito ay kawalan ng sapat na kaalaman sa
edukasyon(illetirate),dahil dito nahihirapan sila na makipagsabayan sa iba na may mas sapat na
kaalaman at may kasanayan sa mga gawain.Hirap din sila ng makahanap ng maayos na trabaho sapagkat
hindi sila nakakapasa sa mga hinihingi o “requirments”sa kanilang papasukang trabaho.Pangalawa ay
ang kakulangan sa mga trabaho na nababagay sa kanila.Dahil sa mga nakakabahalang sanhi na
ito,napipilitan ang iba na gumagawa ng mga bagay na labag sa batas at labag sa mata ng diyos para
lamang may maipakain sa kani-kanilang pamilya.Napupwersa na kumapit sa patalim at gagawin ang
lahat para sa pamilyang tinutustusan kahit pa ang kapalit ay ang sarili nilang buhay.Bunga din ng
kahirapan,marami sa mga mamayan ang walang maayos at permanenteng tirahan.

Marami ma nang mga problema dulot ng kahirapan,naniniwala parin ang mga gobyerno na
mababawasan at malalampasan ito.Dapat ay magkaroon ng maayos at konkretong plano ang
pamahalaan para mabawasan ito.Kailangan din ng mas maraming opportunidad para sa maggagawang
Pilipino sa loob at sa labas ng bansa.Ngunit ang importante sa lahat,ay magkaroon ng pagkakaisa sa
bawat isa. At ang pag disiplina sa ating mga sarili, ang pagiging responsable sa mga Gawain at mga
tungkulin.
II.SULIRANING PANG-EKONOMIYA

Ang suliraning ng kahirapan ay maaring dahilan kung bakit naghihirap ang mga tao:

1.KAKULANGAN NG TRABAHO dahil sa mga makabagong teknolohiya ay nawawalan ng trabaho ang mga
manggagawa.

2. KATAMARAN NG MGA TAO isa rin sa mga dahilan kong bakit marami ang naghihgirap dahil ang ibang
tao ay nagtatamad tamaran.

3.PAGTAGO NG PERA NG ILAN at hindi pinaiikot karamihan sa mga ito ay ang mga taong nakaupo sa
pwesto, sila ay kumukopit ng pera sa mga tao na dapat ay ginagamit para sa mga tao lalo na sa mga
taong nangangailangan.

4.NABABALITANG CORRUPTION dahil sa corruption kaya tayo ay mas lalong nagiging mahirap, dahil
narin sa mga pinuno ng ating bansa.

5.GLOBALISASYON ay maituturing din na isang imperyalismo. Kung saan ang mga dayuhan at
mayayamang kapitalista na anagmamay ari ng iba’t ibang kompanya ang siyang nagdidikta sa
pamahalaan upang siskilin ang karapatan ng mga manggagawa. At ang pagsasanib pwersa ng
pamahalaan at kapitalista ang siyang dumudurog sa unyon na siyang pumapatay sa karapatan ng mga
manggagawa upang magkaroon ng tamang pasahod, benepisyo at hustisya.

6. MALING GAWAIN NG MGA PINUNO ang mga pondo na para sa pagpapaunlad ng buhay ng mga
mahihirap ay ginagamit ng mga politiko para sa sariling interes.kamakailan lang sinabi na umaangat na
ang ekonomiya ng ating bansa, pero wala kahit isa ang nakaramdam nito.pumipila para lang makabili ng
NFA rice, mataas parin ang singil sa gasoline,sa kuryente at halos sa lahat ng bilihin, hindi kasya ang
sweldo ng isang empleydo lamang. Dahil sa maling Gawain ng mga politiko, mga simpleng mamamayan
naapektuhan, dahil mas pinili nilang ibulsa ang mga malalaking pundong kahirapan kaysa idagdag sa
sweldo ng mga empleyado, isang malaking kamalian sa parte ng mga pinuno.

7. KAKULANGAN NG DISIPLINA NG TAO disiplina nga ang kailangan, karamihan sa atin, lahat na ng
pangit na nangyayari sa buhay nila, sa gobyerno nila sinisisi.

8.PAGIGING IRESPONSABLE NG MGA PILIPINO, o ang kawalang ng paninindigan. Kung magiging


responsible lamang ang mga magulang ng mga btang kalye malamang sa malamang walang pakalat-
kalat na batang kalye ay malamang uhuging bata na nanghihingi na limos, at walang kaawa- awing mga
mukha ng mga gutom na bata ang makikita natin.

8. KAKULANGAN SA EDUKASYON dahil sa walang pinag aralan o hindi nakatapos ng pag aaral walang
matino o permanenting trabaho ang napapasukan. Dahil doon magiging tambay na lamang at walang
sweldong makukuha,lalo na sa heherasyon na ito na ang pinag aralan na ang ginagawang basihan upang
makapasok sa trabaho.
III.PAGLALAHAD AT PAGSUSURI NG MGA BATAS

You might also like