You are on page 1of 2

Kahirapan

ni Jimmy V. Sabiano Jr.

Sa aking magandang mahal na guro, magandang umaga. At sa aking mga masasayahin at


kooperatibong mga kaklase, naway sa maikling sandali ay hayaan ninyong hiramin ko ang
inyong mga taynga.

Ako ay sadyang may isang katanungan sa aking isip, sa tingin niyo, ano ang pinakamalalang
problema ng ating lipunan sa ngayon? Pagnanakaw? Korupsyon? Pagbebenta ng droga? O
kahirapan? Sa aking matagal at masinsinang pagninilay-nilay, aking napagtanto na lahat ng mga
problemang aking nabanggit kanina ay resulta ng kahirapan? Tama. Isa sa pinakamalaking
kinakaharap na problema ng ating bansa ay ang kahirapan.

Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan, dala ng kanilang kakulangan sa
pera, ay napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi kanais-nais. Dahil doon, patuloy na
dumarami ang bilang ng krimen sa ating bansa. Tayong mga Pilipino ay nahaharap ngayon sa
isang matinding krisis. Namumuhay tayo ng salat sa mga pangunahing pangangailangan upang
tayo ay mamuhay ng matiwasay. Taon-taon ay mas lumalala pa ang problema ng ating bansa na
hindi masolusyunan dala ng kahirapan.

Isa sa pangunahing dahilan nito ay ang mga korap na opisyal ng gobyerno. Ninanakaw nila ang
ang kaban o pondo ng ating bansa na para sana sa ikauunlad ng mamamayang Pilipino, ngunit
napupunta sa sariling bulsa ng mga opisyales, kung kaya naman mas ramdam natin ang krisis.
Isa pang dahilan ang kawalan ng mapapasukang trabaho ng mga tao kasabay ng sunod sunod na
pagtaas ng bilihin. Paano tayo makararanas ng isang matiwasay na pamumuhay kung ang mga
pangunahing pangangailangan pa nga lang ay hindi na natin kayang tustusan?

Isa pang dahilang ng kahirapan ay ang katamaran at maling pag uugali nating mga Pilipino. Ang
katamaran ang nagunguna sa mga dahilan ng paghihirap ng mga tao. Wala silang tiyaga na
maghanap ng mga posibleng paraan kung paano nila iaangat ang buhay nila sa kahirapan na
kanilang tinatamasa. Ang mga oportunidad ay nababalewala dahil ang mga tao ay nakukuntento
na sa salat nilang pamumuhay.

Ang mga nasabing halimbawa ay ilan lamang sa mga kaisipan na maaari kong ibahagi sa inyo.
Ilan lang ang mga ito sa mga pangunahing dahilan ng paglaganap ng kahirapan sa ating bansa.

Mamarapatin pa ba natin ang mamuhay ng salat? Bakit nga ba hindi tayo makaahon sa
kahirapan? Kailan pa tayo kikilos upang magbago ang takbo ng ating buhay?

Ako bilang isang kabataan, ay may layunin akong gawin ang aking makakaya para hindi maging
isang mahirap at hindi maituring na isang basura lamang sa aking lipunan. Sa simpleng
pamamaraan, ako’y magsisikap makapagtapos ng pag-aaral nang sa gayon ay magkaroon ng
magandang kinabukasan. Hindi lamang ako kundi pati ikaw, tayong lahat ay kinakailangan ng
pagkakaisa tungo sa kaunlaran. Lahat tayo ay may magagawa para sa kinabukasan ng ating
bayan, isang bansa na magagamit,maipagmamalaki at higit sa lahatay maipapamana sa susunod
pang henerasyon.

Ano pa nga bang hinihintay natin? Ang patuloy pang lumala ang kahirapan na ating natatamasa?
Bakit hindi tayo kumilos? Magsikap tayo habang maaga pa upang umunlad ang ating buhay!

You might also like