You are on page 1of 2

Talumpati tungkol sa kahirapan

Talumpati ni  Melchisedec C. Calub

Sa aking magandang guro, magandang hapon. At sa aking mga mababait,


masasayahing mgamanonood, naway sa maikling sandali ay hayaan ninyong
hiramin ko ang inyong mga taynga at hayaan niyo akong ipahayag ang aking
ideya.

Ako ay nabubuhay na ng labing-anim na taon dito sa lipunang puno ng sakit at


problema. Ano ba ang mga ito? Korupsyon ? Kalamidad? o Kahirapan? Sa aking
palagay, oo kahirapan. Sinasabing ngayon ay panahon ng teknolohiyang
nagpapabilis sa mga Gawain?Pero bakit marami pang tao ang uhaw sa pag-
unlad?Maraming kababayan ang nahihirapan sa pagsabay sa agos ng buhay?
Bakit marami pa ang naghahanap ng makakain sa tambak ng basurahan?

Kayraming katanungan iilan ang nalulutas. Sa pangyayaring ito, ating sinisisi ang
gobyerno. Sinasabing sila ang dahilan kung bakit nakakaranas tayo ng ganitong
krisis. Hindi ba dapat ay magpasalamat nalang tayo, na kahit papaano,
nakapagbibigay sila ng patak ng tulong. Ang pinakamalala, sinisisi natin ang
Diyos. Bakit? Ano ba ang kanyang kasalanan? Bakit tayo pa ang may karapatang
magsisisi? Ang may kasalanan ay tayo rin. Dahil sa kahirapan, nagagawa nating
mandamay ng ibang tao. Nagnanakaw dahil sa pera. Nanakit dahil sa tinapay na
makakain lamang. At pumapatay dulot ng drogang gamot sa ating pagkabagot.
Ang kahirapan ay tila isang kadenang nakagapos sa ating mga paa. Kadenang
pumipigil sa ating pag-unlad. At kadenang unti-unting pumapatay sa atin dahil
sa kalawang na matagal nang naka baluktot sa ating mga sarili.

Ang isang dahilan ng kahirapan ay ang katamaran. Tinatamad tayong tumayo sa


sarili nating paa , upang maghanap ng opurtunidad na pwedeng makakalutas sa
problemang ito. Nawawala ang presensya ng pagiging matiyaga. Paano natin
maiaangat ang ating buhay kung tinatamad tayo? Hindi lahat ng opisyal ng
gobyerno ay may magandang mithiin. Ang iba ay imbes na linulutas ang
kahirapan, pinapalala pa nito. Mga opisyal na “korupsyon”ang ginagawang
layunin. Hindi lang pera ang kanilang katiwalian pati buhay ng ibang Pilipino.
Wag sana tayong “kukurap” pagdating sa mga taong “corrupt”.
Mamarapatin pa ba natin ang mamuhay ng salat? Bakit nga ba hindi tayo
makaahon sa kahirapan? Kailan pa tayo kikilos upang magbago ang takbo ng
ating buhay?

Ako bilang isang kabataan, ay may layunin akong gawin ang aking makakaya
para hindi maging isang mahirap at hindi maituring na isang basura lamang sa
aking lipunan. Sa simpleng pamamaraan, ako’y magsisikap makapagtapos ng
pag-aaral nang sa gayon ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi
lamang ako kundi pati ikaw, tayong lahat ay kinakailangan ng pagkakaisa tungo
sa kaunlaran. Lahat tayo ay may magagawa para sa kinabukasan ng ating bayan,
isang bansa na magagamit,maipagmamalaki at higit sa lahat ay maipapamana sa
susunod pang henerasyon.

Hindi na lingid sa ating kaalaman na simula pa noong iminulat natin ang ating
mga mata, nagkaroon na tayo ng kamalayan tungkol sa sakit saating lipunang
hindi pa nahihilom. Sana, sa paglagas ng mga pahina ng kalendaryo, unti-unti
nating malutas ang problema lalong lalo na ang kahirapan. Huwag nating naisin
ang mabuhay sa salat, dahil alam kong hindi tayo mananatili dito.

You might also like