You are on page 1of 1

Stephen King Louie R.

Villaluz BS CRIMINOLOGY-1

“KAHIRAPAN LABAN SA INPLASYON”

Sa lahat nang naririto na aking mga tagapakinig, isang mapagpalang araw sa ating lahat. Narito ako sainyong
harapan, upang manalumpati ng napapanahong isyu sa ating lipunan partikular sa patuloy at mabilis na pagtaas ng food
inflation rate sa ating bansa. Ngunit bago ko simulan ang aking talumpati, ay nais ko munang magpasalamat sa aking
butihing guro na si ginoong airo jay advincula , sa ibinigay na pagkakataong makapag talumpati dito sa entablado at
sainyong harapan.

Bilang panimula ng aking talumpati, ay nais kong tanungin kayo, at hingin ang inyong kuro kuro, kung ramdam
niyo ba ang pagunlad ng pilipinas? Kasabay ng paghihirap ng maraming kapos palad na mamamayang pilipino? At pabor
ba kayo sa ganitong sitwasyon?

Sa paglipas ng maraming taon, isa ang bansang pilipinas sa maraming bansang nakararanas ng mabilis na pag taas
ng “food inflation rate” dahil sa supply issues at high fuel costs. Dahilan kong bakit patuloy na nakakaranas ng gutom
ang maraming mahihirap na pilipino, kahit na ayon sa isinagawang ulat ng (SWS) Social Weather Stations na bumaba sa
2.9 milyong pilipino ang nakakaranas ng involuntary hunger, mula sa 3.1 milyong pilipino na nakaranas neto simula ng
first quarter ng taong 2022. Malaking bilang pa rin kung inyong susumahin ang 2.9 milyong pilipino na patuloy na
lumalaban sa gutom at kahirapan. Kaya naman hindi maikakailang malaki ang epekto ng mabilis na pagtaas ng maraming
bilihin partikular sa pagkain at iba pa nating pangangailangan sa pang araw araw. Mula sa datos na isinagawang survey ng
Philippine statistic authority ang headline inflation sa Pilipinas ay bumilis sa 6.9 percent noong Setyembre 2022, mula sa
6.3 percent noong Agosto 2022. Ito ang pinakamataas na naitalang inflation mula noong Oktubre 2018. Na kung saan nag
resulta ito ng matinding pahirap sa mga taong nasa laylayan na meron lamang mababang kita na kadalasan ay namumuhay
sila ng kamay-sa-bibig, kaya wala silang ipon para matulungan silang makayanan ang mga mahihirap na sitwasyon tulad
nalamang sa nangyayari ngayon.

Kaya naman bilang isang mag aaral nais kong ibahagi sainyo ang isa sa pinakamahalagang salik ng ating lipunan,
upang mabigyan pansin ito at masolusyunan. at bilang isang mamamayan at mamimili, maari tayong makatulong upang
mabawasan ang malaking tyansa ng mabilisang pagtaas ng mga bilihin sa pamamagitan lamang ng tamang pag gamit ng
mga supply katulad nalamang ng tubig, langis, gasolina, kuryente, at pati na rin ang wastong dami ng mga produktong
binibili partikular sa pagkain dahil ang sobra sobrang pamimili ay nagdudulot ng pagkaubos ng supply na magdudulot
naman nang pagtaas ng presyo, kaya naman kung tayo ay mamimili ay iwasto lamang sa kung gaano karami ang ating
kailangan upang walang nasasayang at makontrol ang supply at pagtaas ng mga bilihin. At para naman sa mga
namumuno, nais kung ipabatid sainyo na bigyan niyong pansin ang hinaing ng mga nasa laylayang, apektado ng mabilis
na pagtaas ng mga bilihin. Dahil hindi sapat na makitang umuunlad ang straktura sa bansa kung ang mga mamamayan
naman ay patuloy pa ring nailulubog sa kahirapan dahil hindi matatawag na maunlad ang isang bansa kung madami pa rin
ang naghihirap. At bago ako magtapos, ay aking babalikan ang aking katanungan, pabor ba kayo sa ganitong sitwasyon?
na sa kabila ng pagunlad ng strakturang pang ekonomiya ng ating bansa may mga pilipinong patuloy na naghihirap at
nagugutom.

At dito nagtatapos ang aking talumpati, muli maraming salamat sainyong pakikinig.

You might also like