You are on page 1of 2

LIBERALISASYON

Sa Liberalisasyon ang kalakalang pagtitingi, mas maraming produkto at serbisyong


mapagpipilian ang mga mamimili. Dito nagkakaroong ng malayang kompetisyon
kaya mas mababa ang presyo ng mga bilihin. Nakapagpapasok din ito ng mga
bagong kaalaman, produkto, at serbisyo sa pamilihan.

MABUTING EPEKTO NG LIBERALISASYON


1. Mas maraming produkto at serbisyong mapagpipilian ang mga mamimili.
2. Mas mababang presyo ng bilihin dahil sa mas malayang kompetisyon.
3. Mapapasokito ng mga bagong kaalaman, produkto at serbisyo sa pamilihan.

DEREGULASYON
Sa pag-alis o pagbabawas ng mga alituntunin at restriksyon na nakakaapekto sa
isang pamilihan, industriya, o ng buong ekonomiya. Dahil dito, mas malayang
nakapagtatakda ng presyo ang mga kompanyang napailalim sa deregulasyon.

PAGSASAPRIBADO NG KORPORASYON
Ang pagsasapribado ay paglilipa ng pamamahala ng mga korporasyon na hawak
ng pamahalaan sa pribadong sektor. Ito ay pinasimulaan ng pamahalaan ni dating
pangulong Corazon Aquino. Ang pagsasapribado ay isinasagawa sa paglalayon na
mabawasan ang gastusin ng pamahalaan sa mga di kapaki-pakinabang na
korporasyon.

ARGUMENTO LABAN SA PAGSASAPRIBADO


 Sa pagsasapribado ay nababawasan ang tulong ng pamahalaan para sa mga
mamamayan.
 Bumibigat ang pasanin ng mga mahihirap nating kababayan dahil sa kung
minsan ay hindi abot kaya ang mga serbisyo at produkto.
 Ang pagsasapribado ay itinuturing na pag-abanduna ng pamahalaan ng mga
tungkulin nito na maihatid ang mga pangangailangan ng mga mamamayan
nito.
 Nagiging ekslusibo ang mga produkto at serbisyo sa mga may abot kaya
nito.

You might also like