You are on page 1of 6

Republic of The Philippines

Department Of Education
Region III-Central Luzon
Imelda Integrated School

ANG GLOBALISASYON

Isinumite nina :
John Lloyd Ryu Sigesmundo
Jean Saycon
Eisel Marie Villar
Micaella Reyla
Albert Dela Cruz
Micah Kim Aquino

Isinumite kay:
Mrs. Shea Noreen Q. Cabiso
PANIMULA
ANG GLOBALISASYON
Ang globalisasyon ay tumutukoy sa paglawak at paglago ng
pakikisalamuha sa ibat-ibang tao at magkaroon ng kamalayan sa bawat
oras at bawat espasyo ng buong mundo.Ito din ay kinikilalang
malaking hamon para sa bansang estado dahil narin sa pag-usbong ng
maraming naglalakihang nasyonal korporasyon. Ang globalisasyon ay
kapuwa sanhi at resulta ng pagbabago ng modernong impormasyon.
Udyok ito ng malaking mga pagsulong sa telekomunikasyon, ng
kamangha-manghang kakayahan ng mga computer.

Bagamat hinahatulan ito ng ilan bilang ugat ng mga problema sa


daigdig,ay siya namang ipinagbubunyi ito ng iba,bilang lunas sa
karamihan ng mga problema sa daigdig katulad na lang ng pinagyaman
nito ang daigdig sa larangan ng siyensiya at kultura at nagbigay
rin ng pakinabang sa maraming tao ukol sa kabuhayan ng bawat isa
at sa ekonomiya ng buong bansa.

Bagamat hinahatulan ito ng ilan bilang ugat ng mga problema sa


daigdig,ay siya namang ipinagbubunyi ito ng iba,bilang lunas sa
karamihan ng mga problema sa daigdig katulad na lang ng pinagyaman
nito ang daigdig sa larangan ng siyensiya at kultura at nagbigay
rin ng pakinabang sa maraming tao ukol sa kabuhayan ng bawat isa
at sa ekonomiya ng buong bansa. Marahil ang pinakamalaking
ikinababahala tungkol sa globalisasyon ay ang ginawa nitong
pagpapalawak sa agwat ng mayayaman at mahihirap.

Bagaman ang kayamanan sa daigdig ay walang-alinlangang dumami


dahil na rin sa kagustuhan ng bawat isa na maging maimpluwensya
sa lipunan sa pamamagitan ng yaman,kaya nga't nakaka-apekto ito sa
aspeto ng mga negosyante para sa mga mahihirap dahil sa hirap na
makabangon sa kanilang pinuhunan,na siyang nagiging istratehiya ng
mga malalaking kumpanya upang magamit ang globalisayon sa kanilang
sariling interes. Sa pangkalahatan, ang globalisasyon ay nagdulot
ng matinding panggigipit sa mga manggagawa habang ibinababa ng mga
pamahalaan ang sahod at mga kalagayan sa trabaho sa pagsisikap na
makaakit ng puhunan buhat sa ibang bansa taglay ang pangako ng
mababang halaga. Bagaman nakinabang ang ilang bagong
industriyalisadong mga bansa mula sa dumaming iniluluwas na mga
kalakal bunga ng mas malayang pandaigdig na kalakalan, sa
pangkalahatan, hindi kasali sa mga nakinabang ang mahihirap na
bansa.Ayon nga kay KOFI ANNAN , “ Para magtagumpay ang
globalisasyon, dapat itong maging kapaki-pakinabang kapuwa sa
mahirap at sa mayaman. Dapat na maipagkaloob nito ang mga karapatan
ng tao at hindi lamang basta kayamanan. Dapat na mailaan nito ang
katarungan sa lipunan at pagkakapantay-pantay at hindi lamang
basta pag-unlad sa ekonomiya at dapat na pasulungin nito ang
komunikasyon.”

Gaya ng sinabi ni Kofi Annan, mapasusulong ng tunay na matagumpay


na globalisasyon ang buhay ng bawat naninirahan sa pangglobong
komunidad. Subalit malayung-malayo sa huwarang kalagayan ang
nakita natin sa nakaraang mga taon. Labis nang napag-iwanan ng
teknikal at materyal na pagsulong ang mga karapatang pantao at
pagkakapantay-pantay sa lipunan.

DULOT NG GLOBALISASYON
Sa ilang panahon naririnig natin sa mga balita na tumataas ang
pangkabuhayan ng Pilipinas ngunit marami ang nagsasabi na hindi
nila ito nararamdaman. Ang pagtaas ng pangkabuhayan sa isang bansa
ay ang pagtaas ng halaga sa merkado dahil sa tumataas na ekonomiya.
Ngunit nanatili parin ang mga sumusunod ang kinakaharap ng ating
bansa.

1. Isyu sa Hanap-buhay - Ang pagiging regular sa pinagttrabahuhan


ay kasiguruhan sa mga prebilehiyo pang gobyerno ng isang
manggagawa. Subalit sa ngayon ay nanaig ang pagiging Contractual
Employee kung saan tumatagal lamang ng buwan ang pag tatrabaho at
mahirap na uli maghanap ng susunod. Kaya nagiging malubha ang isyu
ang npupunta sa kawalan ng hanap buhay.

2. Problema sa Basura - Ang hindi tamang pagtatapon ng basura


hindi lamang ng mga tao kundi ng mga pabrika ay nakakasira sa
kapiligiran. Ang nagiging resulta maraming mga posible hilaw na
materyales ang nasisira dahil sa polusyon.

3. Sa mga pribadong Kompanya - Ang hindi tamang pagbabayad ng buwis


at mababang pagpapasweldo sa mga manggagawa ay isang mabigat na
issue lalo sa mga malalaking negosyo.

4. Pampulitikal - Ang malalang korupsyon at pag aaway pampulitika


ay nakakaapekto sa mga mahuhunan.

Ipinahayag kamakailan ni Panulong Donald Trump ng Amerika sa 2018


State of the Union Address, na ang Tsina at Rusya ay mga
kakumpitensya ng Amerika.Kaugnay nito, ipinahayag unang araw ng
Pebrero, 2018 ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo
ng Tsina, na hindi dapat ilagay ng Amerika ang mga isyung
pangkabuhayan at pangkalakalan sa larangang pampulitika. Aniya,
bilang magkatuwang sa kalakalan at pamumuhunan, naitatag na ng
Tsina at Amerika ang mahigpit na partnership sa larangang
pangkabuhayan at pangkalakalan. Aniya, umabot sa 580 bilyong
dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng dalawang panig, noong
2017. Aniya, ang win-win situation na may mutuwal na kapakinabangan
ay nagsisilbing batayan at nukleo ng pagtutulungang pangkabuhayan
at pangkalakalan ng Tsina at Amerika, at ito ay angkop sa komong
interes ng dalawang panig at mga mamamayan nito.

ANG TEKNOLOHIYA SA LIKOD NG GLOBALISASYON


Malaki ang naitutulong ng teknolohiya sa ating bansa sapagkat ito
ang nagpapagaan at nagpapabilis ng mga gawain natin, sa larangan
man ito ng edukasyon o usapang hanap buhay,gayundin sa komunikasyon
na mas napapabilis ang usapan ng bawat isa,magkalayo man. Hindi
lingid sa kaalaman nating lahat na ang teknolohiya ay isa sa may
pinakamalaking ambag sa ating ekonomiya.Marahil ito nga ay epekto
ng globalisasyon sa ating bansa na patuloy na lumalaganap at
napagyayaman ng mga mananaliksik.
Lubusang binago ng teknolohiya ang komunikasyon sa nakalipas na
dekada. Ang pakikipag-ugnayan ng tao at pagkuha ng impormasyon—
kahit saanmang lugar sa daigdig—ay naging mas mabilis, mas mura,
at mas madali.
Isa ang teknolohiya sa may pinakamalaking naapektuhan ng
globalisasyon . Hindi lang sa telepono hanggang sa telebisyon at
internet na ginagamit natin sa pang araw – araw na pamumuhay ,
Malaki man ang naitutulong nito , marahil marami din itong mga
masasamang epekto . Ngunit maraming tao din ang nagpapasalamat sa
globalisayon dahil sa tulong nito ay naiangkat o naipalaganap sa
ating bansa ang teknolohiya . Sa tulong din ng globalisasyon ay
hindi tayo sa naiiwan sa mga ibang bansa , mas naiipakita dito na
pagtutulungan ang susi sa lahat ng pagkakataon , katulad ng
globalisasyon . Pinagyaman [ng globalisasyon] ang daigdig sa
larangan ng siyensiya at kultura at nagbigay rin ng pakinabang sa
maraming tao ukol sa kabuhayan

Globalisasyon sa larangan ng :

Ekonomikal Pampolitika Kultura


Mas malayang Higit na madali Higit na napalaganap
ang wikang Ingles
pagdaloy ng at sistematikong bilang pamamaraan ng
puhunan,lakas ugnayan sa komunikasyon sa mga
paggawa,kalakal,s pagitan ng mga transaksiyon,sa
kalakalan,pamahalaan,d
alapi at iba pa. bansa,pandaigdiga iplomatikong ugnayan
ng samahan,at sa pagitan ng mga
maging non- estado,instruksiyon sa
paaralan at sa mga
governmental akdang nailathala sa
organizations maraming bansa sa
(NGO) daigdig.

You might also like